Chapter 39
[A/N: Sorry for bad words :<]
—°—
Nathalie Chanell's Point Of View
"Hoy bruha, gumising kana aba!" Dinig ko at bahagya pa akong yinugyog nang bwisit na gumigising sa akin. Umungot lang ako dahil hinahatak pa talaga ako ng tulog ko pabalik
"Aba, aba lang Lie!! Alam kong napasarap ang tulog mo dahil balita ko ay nagtukaan kayo ni Kian kagabi pero gumi-"
"What the fucking fuck, Shane Ryie Vicquerra!!!! What did you say???" Sigaw ko sa kaniya kaya bahagya itong napalayo sa aking hinihigaan, gayon din si Celes na nakaupo sa dulo ng bed
Hindi ko na inalala pa na kagigising ko lang kung ganito ba naman ang bungad nila sa aking dalawa
Really? Nagtukaan? What the hell! At saan naman nila nakuha ang ganoong chika?
"Hoy babae ka, may ganiyang landi ka palang tinatago sa mahabang panahon ah" Aniya at pinaningkitan pa ako ng mata. What? "Pero pinapaalala ko sayo, may katipan ang taong yun jusko!!"
"Ano ka ba Shane, hayaan mo munang makapag-ayos si Chan bago ka ngumawa. At tska ang lalim naman nung word na ginamit mo, katipan talaga? Hindi ba pwedeng girlfriend o boyfriend nalang?" Napasapo ako sa sariling noo dahil sa pinagsasasabi nilang dalawa
Inis kong hinablot ang kumot ko papunta sa akin para makaalis na ako sa harapan nila
Narinig ko pa ang ilang salitang sinabi ni Shane para mang-asar pero hindi ko nalang iyon pinakinggan. Nag toothbrush ako at naligo nang hindi iniisip ang mga sinabi nila
Nagsuot lang ako ng black two-piece bikini at pinatungan ko muna iyon ng denim shorts at see-through top para sa Tour A namin dito
Hindi na ako mapakali dahil sabik na ang balat ko sa tubig dagat kaya naman minadali ko ang pag-aayos para makapag-agahan na kami. Ako nalang pala kasi ang hinihintay
As far as I remember, hanggang sa Tour C lang kami dahil pang isang linggong bakasyunan nga dapat talaga pag pupunta ka dito dahil hindi ka lubos na mage-enjoy kapag hindi ka nakaabot hanggang Tour E
Gusto ko pa man din sanang pumunta sa Nacpan, Calitang and Duli which is nasa Tour E siya kaya naman nakakalungkot lang isipin because Nacpan Beach is said to be the most beautiful beach around El Nido town and of course with Calitang Beach. They are known as El Nido's Twin Beaches and in addition, meron pang restobar sa Nacpan where I can eat and drink anything I want in that restobar but, hmm let's not think about it
Bumaba na kami after kong makapag-ayos. Hindi na ako nagtaka na andun yung mga asungot pero nagtaka ako sa presensiya ng mga magulang ni Kian kasama na din itong hyena niyang kapatid na si Ashley
Ohh, something's smelly huh!
Mukhang nakapagcatch-up na sila kaya nasa iisang table nalang kami. Ayoko mang aminin pero ayoko talaga nang presensiya nila. Nung silang magbabarkada palang nga ay ayoko na, ano nalang ang masasabi ko gayong pati pamilya niya ay nandito na
Masasabi kong naging masaya pa din ang agahan na iyon at hindi na muli akong nagulat nung sabihin nilang sinunod din nila ang El Nido tour plan kaya naman wala akong choice para hindi sila pakisamahan. Baka magkaroon lang ng world war III pag nagkataon at sino ba naman ang may gusto nun hindi ba?
Tour A, Lagoons and Beaches. Yes! You read it right. At hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa aming destinasyon
Small lagoon in Bacuit Bay, is definitely the most breathtaking place to see in El Nido
I was dumbfounded because of what I see. The lagoon with turquoise-green waters and it's surrounded by towering limestone cliffs that is accessible by kayak or by swimming through a hole. Nakakamangha ang lugar at tunay ngang kay linaw at linis ng tubig sa Palawan
Hindi ito ang unang pagkakataon na pumunta ako dito. Kaso, bata palang ako nun nung nakapunta ako dito kaya madami talagang nagbago
Hindi na ako nag-atubili pa kaya naman nilantad ko ang aking katawan wearing only a black two-piece bikini. Nilapag ko ang gamit ko kung saan nararapat at dinama ko ang malamig na tubig. Sa sobrang pagkamangha at pagkasabik ay hindi ko namalayang ako palang pala ang lumulusong sa aming lahat. Ang mga mata nila ay nakasunod lamang sa akin na tila hindi makapaniwala. Ang iba nama'y natatawa dahil sa pagkasabik ko sa napakalinaw na tubig ng Palawan
Napatingin ako kina Shane at Celes na tila hindi handa kaya napakunot ang noo ko sa kanila. Don't tell me hindi sila nakasuot ng bikini or whatsoever sa loob ng damit nila?
Aba! Ang laking katangahan naman yata kung hindi nila naisipang langoy-langoy lamang ang gagawin namin sa lugar na ito, hello? Sarap pukpukin ng ulo nila sa sobrang katangahan!!
"Why are you just looking and laughing at me" Inis na sigaw ko pero tinalikuran lang ako nang karamihan kasama na sina Mommy at Daddy, ganun din ang parents ni Kian maging si Ella at Ashley
Si Kian ay tila nakatulala lang at may iniisip. Kung ano man iyon ay hindi ko alam. Pero isa lang ang nasisiguro ko, sa akin siya nakatingin ngayon ng deretso
"Hoy Shane, Celes. Lusong na aba!! Marami pa tayong pupuntahan para naman ma-enjoy natin 'tong bakasyon natin!!!" Sigaw ko sa kanila nung mapansin kong hindi manlang sila gumalaw. Tinalikuran nila ako at pagkabalik nila ay napangisi ako
Halos maglaway sina Oliver at Justin sa kanilang nakikita. Naka-red bikini si Shane samantalang green naman ang kay Celes na mas lalong bumagay sa kaniya
Naiilang pa siya sa itsura niya dahil sadyang mahiyain nga naman talaga ang isang 'to. Samantalang si Shane naman ay halos rumampa na dahil sa kaniyang suot
Kalaunan ay halos lahat na kami ay nage-enjoy dahil sa walang katapusang tawanan. Minsan ay nahuhuli ko pa si Kian at Erick na napapatingin sa akin kapag ako'y tumatawa kaya naman napapahinto na lamang ako dahil sa pagka-ilang
Katabi ni Kian si Ella ngayon na nakasuot din ng pulang swimsuit gaya ng kay Shane pero may pa-cross pa itong disenyo banda sa kaniyang tiyan kaya naman napa-irap nalang ako sa kaartehan niya
Kay Ashley naman ay asul na one-piece bikini na ngayon ay lumalangoy mag-isa. Habang ang mga kalalakihan naman ay nakasuot lamang ng board shorts at wala nang damit pang-itaas kaya naman pilit kong iniiwas ang paningin ko sa kanila
Umahon na ako dahil na din sa gutom. Buti nalang at hindi layunin nina Mommy na gutumin kaming lahat dahil may binaon siyang mga pagkain at prutas
Kumuha ako ng isang dalandan at binalatan iyon. Umupo ako at duon iyon kinain habang pinagmamasdan ang mga nasa tubig
Isa kasi sa pinagbabawal ang pagkain duon kaya naman dito ko na lamang inubos. Syempre, ganito kagandang lugar ba naman hindi aalagaan?
Napaisip tuloy ako dahil dun.
Maganda naman ako ah, pang universe kaya ang ganda ko tapos wala manlang nag-aalaga? Unfair hah!
Pagkatapos namin dito sa small lagoon ay nagtungo naman kami kung saan naroroon ang big lagoon.
According to our tourist guide, it is one of the most photographed places in El Nido because of the clear turquoise waters, the towering limestone cliffs, and lush green vegetation, amidst a blue sky, is the perfect recipe for dreamy photos kaya naman hindi namin pinalagpas iyon at kinuha ang sari-sariling camera at nagpicture ako dun hanggang sa napagod ang bunganga ko sa kakangiti
Sadyang nakakahumaling talaga ang mga lugar dito sa Palawan. Syempre, hindi ko pinalagpas ang hindi paglusong sa malaking lagoon na ito. Tamang-tama lamang ang init at lamig niyon. Parang balanse siya dahil hindi gaanong malamig, hindi din ganon kainit.
Sa pagkakataong ito ay ako na naman ang unang lumusong. Ngunit nagulat ako nang sumunod si Kian sa akin. Kasalukuyan pa din kasing kumukuha ng mga litrato ang lahat maliban sa amin. Si Mommy ang nanguha sa akin kanina kaya maganda ang naging kinalabasan nun
I must admit na may passion si mommy sa photography kaya naman pag ganitong uri ng lakad ay siya ang nagiging personal photographer ko
"Kyahhh! Baby picture kayo ni Luis daliiiiii!!!" Impit na sigaw niya kaya halos takpan ko na ang mga tainga ko dahil masakit talaga iyon sa tainga
Nagulat ako sa nais niya at nagpalinga-linga pa sa paligid kung nasaan si Ella pero wala siya. Mukhang nasa cottage siya kasama ang parents ni Kian at maging si Ashley na din
"Mom stop!!" I hissed at halos mamula na ang dalawang pisngi ko dahil sa hiya
"This one's a favor. Pwede ba Luis?" Ngiting aso ni Mommy kaya pasimple ko siyang tinignan ng masama pero hindi manlang ito natinag
"It's okay Tita" Halos manlambot ang tuhod ko dahil naramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg. Nakakapanghina dahil sa lapit namin sa isa't isa. Hindi pa man ako nakakabawi sa gulat ay kinuhanan na kami ni Mommy dahilan kung bakit ako nagprotesta
"Why so unfair Mom!!! I'm not yet ready!!!" Singhal ko rito kaya mas lalo akong namula nung sinabi niyang isa pa daw bilang request ko. Like, what the hell? Request? Siya ang humingi ng favor tapos paano napunta sa akin ang sisi?
"Whaaaa so cute!!" Tili muli ni Mommy pero napasimangot nalang ako dahil paniguradong wala pang matinong kuha sa akin duon "Baby, smile ka naman. You look like a pato here oh kasi nakasimangot ka lang" Napalunok ako dahil sa panlalaglag ni Mommy. Pato? Kailan pa ako naging mukhang pato?
"1...2...3...smileeeee!!" She voice out kasabay nun ay ang pagngiti ko at paghapit ni Kian sa baywang ko. Kaya nung binaba na ni Mommy ang hawak niyang camera ay agad kong nilubog ang sarili ko sa tubig dahil sa panghihina at hiya
Shit, shit, shit!!!!
I cursed consecutively dahil hindi iyon maalis sa isip ko.
Napakaliit na bagay pero hindi iyon mawala sa isip ko kahit pa masyado akong namangha sa iba pang paraisong napuntahan namin matapos yun. Miniloc Island, Simizu Island and Seven Commandos
Hapon na nang maka-uwi kami nang hotel galing sa parte ng Tour A ng El Nido
Pagod na pagod ang lahat dahil sa enjoyment na naranasan namin kani-kanina lamang. Nagpicnic pa kami at nag-jamming kaya naman masasabi kong napakaganda nitong araw na ito para sa akin. Paano pa kaya sa mga susunod na araw hindi ba?
Wala na din akong makitang bitterness between my parents and Kian's kaya naman mas naging maayos ang araw na ito para sa aming lahat
Masaya ang lahat pagkadating nila galing sa kung saan upang magsaya. Pagod ang lahat pero hindi alintana ng magandang dalagita na nag-iisang anak ng Buenaventura ang pagod dahil pagkatapos nitong maghapunan kasama ang lahat ay pumuntang muli ito sa dalampasigan upang magmuni-muni
Hindi alam ang panganib na mangyayari sa kaniya sa sandaling mas lumalim pa ang gabi
Naupo muli siya sa pwesto niya kagabi kung saan kasama niya si Kian, ngunit mukhang hindi siya ang makakasama ko ngayong gabi dahil nakikita ko na ang chaperone sa grupo.
Hindi ko nalang siya inimik dahil paniguradong hindi naman siya magsasalita. At tska wala akong paki alam kanino man sa kanila
Halos mag-init ang pisngi ko dahil naalala ko na naman ang ginawang paghapit ni Kian sa baywang ko
Shit lang talaga, Asuncion!!
"What's bothering you?" I blinked twice when I heard his voice-the one person sitting next to me but a meter far away from me
Naghuhurimentado pa din talaga ang loob-loob ko dahil sa simpleng ginawa nung lalaking yun
"You spoke!" I commented. Hayst, obviously Chanell
"Yeah, because I have a mouth to speak. I'm not dumb so why are you wondering?" Whoaaa, Chanell.
Where is your tongue now? Bakit parang umaatras na ata. Aba! Let me remind you, you are very sensitive when it comes to being embarassed but now binabarag ka na wala ka pa ding ginagawa?
Pangpu-push ko sa sarili ko. I don't know why it happened. Basta namalayan ko nalang na hindi na ako masyadong sensitive at matabil ang dila.
"Yeah, yeah!" Sarkastiko kong sagot "But you are not like that. The words you say are limited. I'm just wondering, why you became like that?"
"I know that we're not even so close or even a friend to say this but I can still see what you're doing when you're in your friends at pansin kong hindi ka talaga palasalita kaya nasasabi kong hindi ka gan-"
"And it's not how you used to be" He cut me off
My heart beat stop for a while as I processed those words in my mind. Hindi lang pala ako ang nakapansin nun, siya din pala.
"How do you say that?" I demanded, just to make sure if I was right
"You're easily irritated, you're sensitive that even the smallest thing annoys you instantly, your tongue is too sharp to say what you want without thinking it hurts, that's why they call you as a heartless woman. And of course, you never stoop down on everyone's level because you think you are higher to them but everything is slowly changing and I understand why" I was stupefy on what he said. My eyes widened and my lips formed an 'o' shaped because of what he knew and observed
He stood up and patted his shorts to remove those dirts that clinging to it and he left me without earning a comment to me
Maybe he's right, I'm slowly changing. Dahil kapag sa ganitong pagkakataon ay hindi ko hinahayaan na mag walk out ang kaharap ko dahil kayang-kaya kong baliktarin ang sitwasyon
I stayed there for a while ngunit nung paalis na sana ako ay bigla nalang dumagundong ang kaba sa dibdib ko
Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit tanging mga magkakaanak at magbabarkada lamang ang mga nandirito, maliban sa nag-iisang natatanaw ko mula sa di kalayuan
Tinalasan ko ang mga mata ko dahil masyadong madilim sa kaniyang kinaroroonan. Hindi ko malaman kung bakit natatakot ako sa kaniyang presensiya
Hindi lang siguro ako sanay sa ganitong pananakot lalo pa't lagi akong tinatakot ni-huh? Teka, sino nga ba? Putcha, I don't really care about it na.
Habang papalapit ako sa kaniyang kinaroroonan ay siya din naman ang lakad niya paabante. Palayo sa mataong lugar. Palayo sa lugar kung saan kami tumutuloy. Palayo sa ingay. At papunta sa mapunong lugar hanggang sa ito'y huminto kaya siya din ang ginawa ko
Gaya ng dati ay naka-itim ito. Her usual attire. Yes! She's a girl. I do not know if I mentioned about her gender pero babae siya dahil kitang-kita ko ngayon ang buhok niyang hanggang balikat nung humarap siya
Nakayuko ito kaya hindi ko siya makilala ngunit masasabi kong pamilyar ang hubog ng kaniyang katawan at tangkad.
Pamilyar siya ngunit masasabi kong wala akong ideya kung sino siya. Haka-haka lang naman kasi ang ideyang nabubuo sa isip ko
I must admit that I'm scared. Hindi ko pa napapatunayan na kaya niyang manakit pero kung ang manakot nga, kaya niya, manakit pa kaya hindi ba?
"Who the hell are you?" Halos mautal kong tanong sa kaniya "Why are you doing this to me? Why are you making fun of me! Are you not satisfied yet?" Matapang kong tanong. She laughed.
"You got it girl, I'm still not! Well, not until I witnessed you with so much of pitying state" My eyes widened as I heard her voice and way of speaking. Shit! I heard it right?
Siya? What the hell? What did I do to her to make me suffer like this?
My knees trembled dahil sa tingin nito na ipinukol niya sa akin pag-angat niya ng paningin
"Damn you girl, you don't have any idea how scared I am whenever you showed yourself to me. What did I do to you?"
"I hate you and the family you were belong. You ruined our lives that easily" Nangangalaiting tugon nito papalapit sa akin
Napaatras ako sa takot dahil sa tingin niya. Para talaga siyang demonyo sa harap ko ngayon.
Kung gaano kaganda ang panlabas na anyo niya ay ganun naman nakakakilabot ang ugali niya. Shit Chanell!!!
"My parents don't want to marry each other and it's because of your goddamn parents" Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil alam kong isa sa dahilan kung bakit ayaw magpakasal ng mga magulang nila ay hindi talaga nila mahal ang isa't isa
I laughed sarcastically when I realized that "So, I'm right! They are also your parents and to make it short, you are his sister na ginigiit kong oo pero hindi ang sagot niya. You are the daughter of Tita Abegail and Tito Christian" Pandederetsa ko sa kaniya. You heard me right? Yes!! Like what the fuck??
Yun lang ang rason niya para ganituhin ako? OA siguro para sa inyo pero may phobia na ako sa mga taong minamanmanan ako. Last time I checked, nawala ko si Vier dahil sa walang hiyang sumusunod sa akin
Ngayon, sabihin niyo kung bakit hindi ako pwedeng matakakot. "That's it? Yun na yon? Yun na ang walang kwenta mong rason kung bakit mo ako sinusundan?" Nagtunog sarkastiko pa ako. Hindi para inisin siya, kundi para malaman niya kung gaano kawalang kwenta ang rason niya
Dahil daw kay Mommy and Daddy? You've got to be kidding me!! Tama nga ako nung una! Bitter pa din ang mga magulang mo
"Ikaw ang walang kwenta!!!!" Sigaw niya kaya bahagya akong napatalon sa gulat. Gusto kong magtaray lalo na sa ginagawa niya sa akin pero natatakot ako, natatakot ako na baka saktan niya ako
"Dapat ikaw ang namatay noong gabing iyon, hindi ang kakambal mong si Vier!!! Ikaw ang nakikitang sagabal ng mga magulang ko kung bakit ayaw sa kanila ng mga magulang mo. Masyado ka nilang paborito the fact na samahan at suportahan ka pa nila sa kung ano-anong kagagahan mo!! Even Ella is humiliated and hurt by you, you are even flirting on her boyfriend. So you must have died that night, not your brother!!!!" My heart beat literally stilled for a while. I couldn't remember those words she added for her reasons dahil halos ang iisang linya lamang pumasok sa utak ko and the rest ay lumabas na sa kabilang tainga ko
I wanted to cry. Fuck!! Gusto kong
mainis at saktan ang sarili ko! Gusto kong pagsasampalin at sakalin itong kaharap ko ngayon dahil sa kaniyang sinabi. Gusto kong makita ko siyang hindi na humihinga! Putang'na lang!!! Sila? Sila ang gagong nasa likod nitong lahat? Ang pamilyang Asuncion? Tang'na sobra!!!
"Arrrrrrggghhhhhhhh putang'na Ashley!!!!!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw "Bakit siya?? Bakit ang kakambal ko pa na wala namang ginagawa sa inyo!!!" I freaked out. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong ipitin ang leeg niya dahil sa galit ko ngayon.
"Just because of that did, you kill a person? A person who did nothing to you!!" Halos magpakita na ang mga ugat ko sa leeg dahil sa kakasigaw ko
"That's not enough, that's not enough for you to suffer. All I want is for my family to be complete but because of you and your parents, my dream is not coming true!!!" Gusto kong humanga dahil ang bilis niyang lumuha pero napansin kong bigla din itong napalitan nang sobrang talim na titig at biglang tumawa na parang nababaliw na
Hindi ko na maramdaman ang takot ko kanina dahil tanging ang gusto ko lang ngayon ay ang makita siyang hindi na humihinga at sa susunod na araw ay nakahiga na siya sa kabaong niya
Is that even possible? Na pwede akong makapatay dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko? Kung ikukumpara natin sa isang basong tubig ay nag-uumapaw na ang galit ko sa dibdib. Naghahanap ng bagay, bagay para pang kitil ng buhay
"Sayang ang kapatid mo HAHAHAHAHA" Halos napatakip ako sa aking tainga dahil sa mala-demonyo niyang tawa "Sayang dahil hindi muna siya pinahirapan ng tauhan ni Daddy bago pinatay. Tang'na kasing Arago na yun! Pakialamero" Nanlisik ang mga mata ko dahil sa isiniwalat niya
Tuluyan na akong naiyak dahil dun. Totoo nga?
'Ikaw!! Siya, siya ang kriminal! Kung makukulong lang din ako, sasabihin ko na din ang baho niyo para magkasama-sama tayo dito sa kulungan-'
'KRIMINAL KAA!! KRIMINAL YUNG TATAY MO-'
'Kriminal ang tatay mo! Dapat sa kaniya ay makulong dito, siya ang nababagay dito. Malaki ang kasalanan niya sa pamilyang Buenaventura!!!'
'Kri...mi-nal ang ta-tay niya! Kriminalll!! Malaki ang kasalanan ng pamilya niya sa pamilya niyo!!'
'You will figure it out soon and you will hate them for that crime'
No! Mali ka Mr Arago, I don't hate them because I loathe them!!!! Dapat pala ay mas pinagbuti ko ang pagpapaamin sa kaniya, edi sana nakakuha na kami ng hustisya noon pa man
'Bakit mo kilala mo ang mga Asuncion?!'
'Asuncion? Hah anong Asuncion? Sinong Asuncion?'
'Anong ibig mong sabihin sa kriminal ang tatay niya? At sa sinabi mo pang huli sa akin bago ka ipinasok sa kulungan, anong ibig sabihin mo sa lahat ng iyon?'
'Hindi ko alam 'yang sinasabi mo. Wala akong kilalang Asuncion. Wala!'
'Wala akong alam! Ang nasisiguro ko lang ay delikado ka! Delikado ka! Tandaan mo 'tong sinabi ko, delikado ka! Mag-iingat ka'
Even if Mr Arago uses drugs, he was sober when he said those things at the precinct but hell I just ignored him? I convinced myself he had just been hit a drug
"Kaya, susunod ka na sa kapatid mo Nathalie Chanell" She smirked "Kay gandang pangalan ngunit huli na para magamit mo pa nang matagal"
Tumayo ako ng tuwid at sinugod siya "Eh gago pala kayo eh!! Ay hindi!! Demonyo kayo!! Demonyo! Papatayin kita Ashley!!! Papatayin kitaaaaaa-accckkkkk!!!"
Dugo? Bakit may tumutulong dugo?
Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. "Ashley!!!! Bakit ang daming dugong nagmumula sa ulo ko??" Sigaw ko. Nanghihina na ako, wala na akong maramdaman. Tila namanhid na ang aking buong katawan. Kahit magsisisigaw ako upang humingi ng tulong ay paniguradong walang makakarinig sa akin dito
Unti-unting binabalot ng itim ang paningin ko. Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang malapot kong dugo mula sa bunbunan ko. Unti-unti na akong nawawalan ng malay at nararamdaman ko na din ang sobrang sakit na nagmumula sa ulo ko. Gusto kong matawa dahil wala akong sakit na naramdaman nuong pinukpok niya ng pagkalaki-laki at matulis na bato ang ulo ko. Narinig ko pa ang kaniyang mala-demonyong tawa
"Ang hirap diba? Yung tipong bumibigay na ang katawan mo pero wala ka paring maramdaman ni anong sakit sa katawan mo. Paalam, Miss Buenaventura" She smirked and laughed evilly hanggang sa sinakop na ng dilim ang paningin ko at nawalan na nga ako ng ulirat dahil maraming nawalang dugo sa ulo ko
Sana, sana pagkagising ko'y mabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ng kakambal ko...
—°—
END OF CHAPTER 39!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top