Chapter 38
Nathalie Chanell's Point Of View
Ako ang huling bumaba sa aming lahat dahil naglinis pa talaga ako ng katawan dahil pakiramdam ko ay nanlalagkit na ako kanina pa
Kaming tatlo nina Shane at Celes ang nandito sa suite. VIP room ang kinuha naming kwarto kaya naman ang ganda ng ambiance ng aming kwarto
Pinihit ko ang doorknob at lumabas. Ngunit kasabay ng paglabas ko ay ang siya ring paglabas ni Kian sa kwarto niya
Hindi ko alam kung nagkita na ba si Tita Erja at si Mommy. Maging si Kian na din
Hindi ko alam kung alam na ba nilang nandito din ang pamilya ni Kian dahil halos kabababa lang naman nila. At hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa paglipat ni Ella ng suite kasama yung Ashley na yun!
Tahimik kaming naglakad ni Kian sa hallway papunta sa elevator
"How are you?" I stopped.
Unti-unti akong lumingon sa kaniya at ngumiti nalang ng matipid "I'm fine" I answered hanggang sa makapasok kami sa loob ng elevator. Dadalawa lang kami doon at nakakabingi ang katahimikang namayani sa amin kaya naman pinutol ko iyon sa pamamagitan ng pagbubukas ko ng topic tungkol dun sa tutuluyan ni Santita
"By the way, wala akong nakuhang room ni Ella sa floor natin kasi occupied na lahat kaya naman gumawa ako ng paraan" Tugon ko at nilingon ang bandang taas na nasa aking harapan at nasa ika-limang palapag palang kami
"That's good!" Maikling lintaya nito
"Sa katabing suite lang din siya, makakasama niya ang kapatid mo sa dalawang gabing pamamalagi natin dito" Kako at pansin ko ang paglingon niya sa akin nung banggitin ko ang salitang 'kapatid'
Tsk, nagulat ba siya dahil nabuking ko na siya at nakaharap ko na ang kapatid niyang matabil din ang dila?
"What?"
"Ang sabi ko, sa katabing suite lang din siya—"
"What the fuck are you talking about?" Nabibiglang tugon nito
"Yeah, si Ashley. Yung kapatid mo, siya ang makakasama ni Ella—"
"Who's that Ashley?" Pamumutol nito sa akin. Aba't ang lakas ng loob niyang putulin ako eh ini-inform ko lang naman siya
Inirapan ko ito bago sumagot, taliwas sa kaniyang tinatanong "Hmm, siya pala ang kapatid mo. In fairness, may pagka-maldita din siya" Sabi ko rito at ngumisi ng nakakaloko. Hindi ko makakalimutan ang paraan ng pagkakasagot sa akin nung Ashley na iyon kani-kanina lamang
"If I know na yun pala ang kapatid mo na humabol sa inyo ni Ella nung naglalakad kayo pabalik ng building edi—"
"What the hell??" Gulantang na aniya nang marinig niya ang eksplanasyon ko
"Yeah?"
"Questly is her name, Natalya. Questly not Ashley. I mentioned to you about her last night but then, you seemed that you attacked from amnesia huh? Who the fuck you are kidding, Natalya?" He said then groaned in annoyance.
Sakto namang bumukas ang elevator at nauna itong lumabas at tinahak ang daan papunta ng resto sa lobby pero tinarayan ko siya dahil sa tabil ng kaniyang dila. Goodness, gandang paikutin ng kaniyang leeg gaya ng kaniyang kapatid
"Don't you dare throw again some shit words to me, Kian Luis fucking Asuncion" Pagdidiin ko pa sa murang iyon pero hindi niya ako pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad at dumeretso sa loob pero napahinto ito nang makita niya kung sino ang nasa katabing mesa
Ayan! Ma-shock ka ngayon dahil hindi ka ininform ng pamilya mo sa outing nilang ito. Hayst, kastress!!
"What the hell Mom? Dad?" Gulat pa ring aniya sa kaniyang magulang at pansin kong nilingon niya si Questly o Ashley na katabi ni Tita Erja o Abegail? Tsk
They really want another name to deceive other people huh? Well!! Not me!
"Questly, what are you doing here and why are you with my family?"
Sa bored ko ay umupo nalang ako sa tabi ni Mommy at pansin kong hindi pa nagagalaw ang mga pagkain na nasa harap. Marahil ay hinintay pa nila kami bago magsimula pero parang tatapusin pa ata nila ang show na nasa kabilang table bago magsimula kaya naman napairap nalang ako sa kawalan
"Mom, Dad, lagi niyong pinapaalala sa amin ni Kuya Niel na bawal paghintayin ang grasya p-pe—pero, what the heck? I almost forgot! Where's is Kuya Niel?" I said and I got their attention, bago pa man makasagot si Mommy ay may nagsalita na mula sa aking likuran
"Good evening everyone" He greeted and smiled teasingly "Why? Miss me Changet?" Aniya at lumapit sa tabi ko at humugot ng upuan sa ilalalim ng mesa
"Let's eat?" Basag ni Daddy sa katahimikan nung duon na sa table nina Tita Erja at Tito Christian umupo si Kian
Tinapos namin ng masaya ang hapunang iyon kahit kapansin-pansin ang pananahimik ni Mommy at Daddy na mukhang alam ko na ang dahilan
Iyon ay dahil sa mag-asawang Asuncion na nasa katabing mesa lamang na hindi lingid sa kaalaman namin ni Kuya ang kanilang nakaraan
'Platonic'
Umalingawngaw ang tinig na iyon ni Daddy. Kumbaga ay mababaw na relasyon lamang para sa magkaibigan
Hindi ko naman sila masisisi dahil sa kanilang naging nakaraan pero, hello? Hindi ba uso sa kanila ang salitang move on?
Nasa 21st century na tayo kaya move on din naman, biatch!
Naglalakad ako ngayon palabas ng hotel upang langhapin ang sariwang hangin at damhin ang lamig nito
Matapos naming maghapunan ay nagpaalam ako kina Mommy at sa dalawang kasama ko because I want to chill myself as of now
Nakasuot lamang ako ng denim shorts at raffles top kaya naman damang-dama ng balat ko ang malamig na hangin dito sa lugar na ito. Tinanggal ko ang scarf na nasa balikat ko at nilapag sa baba at naupo sa buhanginan habang pinagmamasdan ko ang dagat na nasa aking harapan
Taimtim ko itong pinagmasdan at kapansin-pansin ang maliliit na alon paparo't paparito na humahampas sa buhangin
Sayang dahil hindi ko masyadong napagmasdan ang mala-paraisong tanawin kanina dahil kung ano-ano ang tumatakbong kuro-kuro sa aking isipan. Ngunit nung masulyapan ko itong tanawing ito habang papalubog ang araw kanina ay nakakagaan iyon ng damdamin
Pinagpatuloy ko ang aking pagmumuni-muni ng may kaluskos akong narinig mula sa aking likuran
It's not that quiet in this place because there are actually other groups having fun. Some even jammed in the distance as they surrounded the fire in front of them, as a blanket in the cold and as a light for them at night. I still see a lot of people out here and it looks like the rest of them will spend the night here because they are setting up a tent. Buti at pupwede.
Nilingon ko ang taong nasa likod ko at hindi nga ako nagkakamali ng hula kung sino iyon. Hindi man kami magkasundo ngunit halos nakabisado ko na ang amoy ng kaniyang pabango
"Kian" Tugon ko habang tanaw nito ang malawak na dagat na nasa aming harapan—may ilang distansiya mula dito sa aming kinauupuan. At ang buwan ay nalalamin na sa dagat dahil sa linaw ng tubig nito
Napakagandang pagmasdan!
"What are you doing here?" He asked then patted his shorts and flop into the sand a meter away from me
Nangunot ang noo ko sa kaniyang tanong. Hindi ba't dapat ako ang nagtatanong niyan dahil ako naman ang nauna sa pagpunta at pagplano na magchill ngayong gabi?
"Just chilling" Pilit na sagot ko "But I think, I can't chill in this kind of situation because I really want to be alone. Yet you sat one meter away from me so tell me, how can I chill when my enemy is just around?" I said gazing at the moon who's giving us enough light to see each other
May kadiliman kasi dito sa pinuntahan ko kaya naman nagpapasalamat ako sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan na ito
"I see" Anito't napatango-tango lamang
Hinihintay ko siyang umalis ngunit napakaprente ng kaniyang pagkakaupo tanda na hindi siya aalis duon dahil lamang sa sinabi ko kaya naman tumikhim nalang ako at binasag ang katahimikang namayani sa aming dalawa
"What about you, what are you doing here and where's Ella?" Dire-diretso ngunit mapait kong sabi.
"Chill" He commented that's why my forehead creased. Yeah! I'm here to chill but I know that's not what he meant
"Just like you, I just want to refresh my mind for those stressors that happened in my life in these past few days and weeks" He explained and I understand it. I must admit that our relationship as enemy decreased it's anger and annoyance. I just find myself comfortable with him just like now. Hindi man ganoon masyado ngunit masasabi kong nagiging komportable na din ako sa presensiya niya
"By the way, I want to thank you also for helping us to find some room for Ella" Aniya kaya unti-unting naalis ang paningin ko sa buwan na natatakpan na ng mga ulap dahil sa bilis ng usad nito. Ibinaling ko na lamang iyon sa kaniya. At gaya ko kanina, nakatitig lang siya sa buwan na nasa pagitan naming dalawa
"No worries" I answered and plastered my genuine smile ngunit alam kong hindi niya makikita iyon kaya napakalakas ng loob kong ilabas iyon
"Ngumiti kana kasi" Aniya ng isang batang lalaki na kalaro niya sa kanilang bakuran
"Don't like!" The girl said and pouted her pinkish lips
"Don't use that expression against me, you know that it's one of my weaknesses..."
Napakurap ako dahil sa ala-alang iyon. Who's that boy?
"Something's up?" Tanong ng katabi ko and this time, nasa akin na ang mga paningin niya. Umiling nalang ako at binura na ang alaalang iyon na masyadong blurred pero alam kong ako yung babae duon na nag-iinarte
I carelessly touched my skin dahil halos tumayo na ang mga balahibo ko dahil sa lamig. Hindi ko nalang sana tinanggal ang scarf ko dahil ang lamig talaga dito sa lugar na kinasasadlakan namin ngayon
"Here!"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil kay Kian
Wala na ang isang metrong pagitan naming dalawa dahil nasa tabi ko na siya at inaabot niya ang kaniyang jacket
I want to laugh out loud dahil sa naiisip ko
Ilang jacket ba ang magagamit ko sa araw na ito na hindi naman sa akin?
Gaya kay Erick kanina ay hindi ko na tinanggihan pa ang alok nito. Masyado kasi akong mahilig magsuot ng top at denim shorts lang kaya ganito ang laging kinahihitnaan ko 'pag inaabutan ng lamig
Sa sandaling iyon ay biglang umihip ang malakas na hangin kaya naman ang puting buhangin ay nasasama kaya naman hindi naiwasang hindi malagyan iyon ang Hazel—H-Hazel...What the hell?? My Hazel eyes? Now I know. Kaya pala Hazel ang itinawag niya sa akin nun dahil sa aking mga mata at ganun din naman ang dahilan ko para sa kaniya
Great!! Just great
Ipinikit ko ang aking mga mata at kumurap-kurap pero parang may duming napunta sa mata ko dahil sa hangin na ngayon ay tumigil na
Kinusuot ko ito muli at nagmulat ngunit pakiramdam ko'y meron pa ito kaya naman ganun muli ang ginawa ko ngunit bago ko pa maipahid ang aking hintuturong daliri ay may humawak na sa kamay ko. Napamulat ako upang tignan ang kaniyang ginawa
"Let me remove that dirt on your eye" lintaya nito pero parang hindi ako makagalaw dahil hawak pa din niya ang kamay ko at bahagyang nakadungaw sa akin
Kung makikita kami sa posisyon na ganito mula sa di kalayuan ay maaaring mapagkamalang naghahalikan kami dito
Shit!
Akmang itutulak ko ito palayo ng hawakan nito ang pisngi ko at hipan nito ang kaliwang mata ko
Napatitig ako sa kaniya dahil sa ginawa niya ngunit naputol iyon dahil sa isang tikhim na nanggaling sa aking harapan na siyang nasa likod naman ni Kian dahil nga magkaharap na kami
Sabay kaming napatayo nang makilala namin kung sino iyon. Si Erick
"I'm sorry, maybe I got the wrong time and disturbed the two of you. You may continue what you're doing" Malamig nitong aniya na hindi na bago sa aming lahat dahil ganun naman talaga ang ugali niya ngunit iba eh, kakaiba ang dala ng lamig niyon sa akin
Unti-unting nag sink in sa akin ang kaniyang itinuran kaya marahil ay ganun nga ang naisip niya dahil sa posisyon namin ni Kian kanina
"It's not what you're thinking" Mabilisang apela ko ng akmang tatalikod na ito
Huminto siya at tumingala sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin
"Why?" He said then faced me "Do you know what I'm thinking?"
Napapikit ako dahil sa inis. Bakit ko nga ba kinakausap itong lalaking kung makapagsalita ay dalawang pangungusap lang naman ang pinakamahaba?
Inirapan ko nalang ito at tinalikuran na sila. Ang hirap talagang pakisamahan ang magka-kaibigan na iyon
I just walk away at tinanggal ang suot na slippers at binitbit ko lamang ito upang ilubog ang mga paa ko sa tubig
Napakalamig niyon kaya naman ang ganda sa pakiramdam. Pakiwari ko'y nakalimutan ko na ang mga problema at nalalaman ko gayo'y batid kong nandito ang pamilyang nagdudulot ng pagkalito ko
Nilingon ko ang pwesto ko kanina kung saan ko katabi si Kian at natanaw kong parehas na silang nakaupo ni Erick na wala manlang salitaan
Panisan laway challenge ba talaga sila?
Itinuon ko naman ang pansin ko sa magkasintahan mula sa aking likuran na hindi naman ganon kalayuan. Magkayakap ang mga ito habang nakatingin sa kalangitan
I just rolled my eyes. Sana manlang may magsabi sa kanila na nago-OPDA na sila psh! Mga walang taste! Letche!
Lumayo ako ng kaunti sa aking pwesto para hindi na maabot pa ng mga paa ko ang tubig at tska ko sinuot ang sapin ko sa paa upang sana'y umalis na ngunit mula sa di kalayuan ng pwesto namin ni Kian kanina ay nakita ko banda sa likuran ng buko na nakatayo si Ella habang nagmamasid sa paligid
Nangunot ang noo ko dahil sa aking nakita
Kanina pa ba siya dyan? Kung oo, edi nakita niya kami kanina ni Kian sa ganoong posisyon. Tsk tsk
May pagkakitid pa mandin ang ulo nito sa ganitong sitwasyon. Let’s see if you don’t get angry in your heart because of what you saw
Batid ko iyon sapagkat alam kong lumabas na ang tunay mong ugali Ella. Subukan ko kayang paglaruan ang damdamin niyong dalawa? Nang sa ganon ay makaganti manlang ako sa lahat ng nagawa niyo sa akin nuon pa man
Nagsimula na akong maglakad patungo sa hotel. Nadaanan ko pa sila Erick at Kian na wala manlang salitan ng salita.
May paligsahan yata talaga sila kung sino ang unang mapapanis ang laway sa kanilang dalawa
Sinundan pa ako ng tingin ng dalawa kaya hindi ko maiwasang tignan si Ella mula sa peripheral view ko
Nakita ko siyang sinundan niya ng tingin ang mga mata ni Kian hanggang sa dumapo ito sa akin kaya nginisian ko siya nung magtama ang aming paningin
Hindi pa man ako nakakatuntong sa gusali nang makasalubong ko na ang bruhang si Ashley
She raised her left brow and crossed her arm near chest "What?" she said. I creased my brows and give her my i-dont-care-look
Ano bang pinuputak niya sa harap ko? Siya ang huminto tapos mangunguwestiyon siya?
Can I slap her 360 degrees to shut her mouth?
"Don't you dare come near me again Ashley, or else I'll take you to the pits of hell" Hindi ko batid kung bakit gulat na gulat siya. Hah! Nagulat ba siya masyado dahil sa sinabi ko? Aba, hindi lang banta iyon dahil tototohanin ko talaga iyon kapag nasagad ako
"A-Ashley what?" She asked unbelievably
"Yeah, that's your name right? I don't understand kung bakit gustong-gusto niyong mag-ina na magconfuse using two names, but whatever, I'll go ahead—"
"Stop!" At ako namang si boba, sumunod pa!
"What do you mean by Ashley?" I smirked because of what she said. Lumabas na ba ang lihim mo? Pwes, patawarin mo ako sa pagtuklas ko
Lumingon ako sa kaniya at bakas pa din sa kaniya ang gulat "If you can deceive the other people for your stupid games, ibahin niyo ako" I answered ngunit pinanganak ata talagang bruha ito dahil nginisian pa ako "At gaano ka nakakasiguro na tama ang natuklasan mo, Nathalie Chanell Buenaventura" Tumalim ang paningin ko sa kaniya dahil sa pagbanggit niya sa aking buong pangalan at sa pangmamaliit niya sa aking kakayahan
"So you're saying that I'm weak when it comes to investigations, am I right?"
"Precisely!!" At gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kaniya. Nagngit-ngit ang aking mga ngipin dahil sa inis ko sa kaniya. Kalma kalang Chanell, kalma "Sa essay, dapat may intro, body at conclusion" Panimula niya sa walang kwentang usapin
Duhh!! Anong akala niya sa akin, boba? Elementary palang, alam na alam ko na yan tapos ngayon tuturuan niya ako?
"If we are going to measure what you know compared to an essay, you are not yet in the introduction, Natalya" What the hell
"Are you insulting me, Ashley?" Panghahamon ko sa kaniya—hindi na inisip pa ang itinawag niya sa akin dahil baka mas lalo lang akong masagad sa kaniya
"I am not, I'm just stating a fact—"
"And I don't give a fuck!!" Pagpuputol ko sa kaniya
"Okay but let me continue what I was saying a while ago" Aniya kaya pinaningkitan ko siya ng aking dalawang mata
"Go on biatch!!" I hissed at her ugly face
"Kung susukatin natin ang nalalaman mo kumpara sa paggawa ng essay outlines ay mukhang hindi ka pa nakakapag-isip para sa general statement—"
"Who the fuck are you to say that to me—"
"Opps! Just please, let me finish my line first" Mahinanong aniya habang ako'y nagngangalit. My goodness!!! Fight Chanell, bakit tila nababahag na ang buntot mo para sa babaeng ito? Arrgghh! Don't you dare stoop down on your level Chanell, she's just teasing you kaya wag kang kakagat sa pinapain niya sayo dahil nangangahulugan lang ito na kapantay ko lamang siya ng lebel at hindi iyon dapat mangyari!!
"Mukhang ang mga nalalaman mo ay hindi pa sapat upang punan ang unang slot, Miss Buenaventura!" Aniya. Pinupuno niya ang pasensya ko
"Gaya ng sinabi ko, mukhang hindi ka pa masyadong nakakapag-isip para sa general statement dahil wala pang suportang nanggagaling sa iyong thesis statement" Pangbubuyo pa niya at hindi iyon matanggap ng aking sistema ngunit napagpasiyahan kong patatapusin ko muna siya sa kaniyang walang kabuluhang sinasabi
"Oh wait! I think, I got it wrong" Aniya pero inirapan ko na lamang siya "My bad, too bad! I forgot that you already have an idea for general statement and I want to say congratulations because you caught my attention!!" What the hell? I know what you mean bitch, anong akala mo sa akin, walang natututunan?
It's part of an essay. General statements is a few sentences about your subject that catch the attention of your reader. At malamang ay nasabi niyang mayroon na akong general statement tungkol sa whatsoever ay dahil nakuha nga nun ang atensyon niya
While Thesis statement is a one complex sentence that tells your reader the main points of your topic and states the overall plan of your essay. Wala pa mang malinaw na sagot ay alam ko ang puntong sinasabi at iniisip ko kaya wag niyang sasabihing nasa general statement palang ako dahil maging sa body paragraphs ay mayroon na akong ideya para roon, resolution nalang talaga ang wala para malabas ko lahat ng nililihim niyong magpapamilya
"Bitch! Don't you dare be little me again because I swear!! You will beseech to your own freedom!!!" I said then turned myself at the building but the latter spoke again
"I don't Miss Buenaventura, I'm not insulting you, but if that's what it means to you, it probably is. I was telling the truth. So for the last time, I want to remind you that you are not at the end yet where the resolution is. Maging ang unang bahagi ay wala ka pang nalalaman. Kung meron man ay ang ibang bahagi nun ay kinalimutan mo na kaya maghanda ka dahil alam kong kapag natuklasan at naalala mong muli siya ay magdudulot iyon ng sakit sa iyong kalooban" And with that, she left me dumbfounded leaving her confusing words to me
—°—
END OF CHAPTER 38!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top