Chapter 37

Nathalie Chanell's Point Of View

"N-Natalya?" Dinig kong usal ng isang pamilyar na boses. Nawala ang poise ko at tinanggal ang sunglass na suot ko at tinignan siya nang mabuti

Namamalikmata lang naman ako diba? Or maybe I'm still dreaming and the truth is that, I even fell asleep on the plane and dreamed of this scene, right?

"O-OMOOOOO BABYYY!!! SI LUIS!!!" What the heck? Are you effin' kidding me? So hindi talaga ako nanaginip? Totoo talaga itong nakikita ko? Like wth? Ang ganda lang ng gising ko kaninang umaga dahil akala ko ay wala akong makikita ni anino ng feeling F4 na ito at ang isang pugita tapos ngayon, nasa harap ko na sila at tila makakasama pa namin sa iisang lugar?

Ginagago ba ako ng tadhana?

"What the hell are you doing here?" Inis na sabi ko pero yung dalawa ay lumapit kina Oliver at Justin na hindi pa din mapawi ang pagkagulat sa mukha nila

"Vacation?" Inosenteng sagot ni Kian. Tinignan ko si Pugita at pansin kong umiirap siya sa kawalan. Sarap tusukin ng eyes tsk!

"Really? Sinasadya niyo ba 'to? Madaming pwedeng bakasyunan na lugar dito sa buong Pilipinas tapos dito pa ang napili niyo? Really? Sa Palawan talaga?" Inis na sabi ko pero sumingit si Mommy sa usapan namin ni Kian

"Hi Luis, at hi din sa inyo!" Bati ni Mommy kay Kian maging sa kasama nito "Aba'y hindi ba kayo gutom at nagbabangayan pa din kayo dito?" Suhestiyon ni Mommy

"Yah, we're hungry na nga po tita eh" Feeling close na aniya ni Oliver

"Bakit hindi mo ipakilala sa amin 'yang mga kaibigan mo Chanell?" Really? Kaibigan? Kailan ko pa sila naging kaibigan Dad?

"Tsk Dad, hindi ko sila kaibigan" Sabay irap sa aking mga kaharap

"Chanell!" Maotoratibong tugon ni Daddy sa akin. Hayst, hindi ko naman kasi talaga sila kaibigan diba? What's wrong with that? Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh

"Dad, Mom. This is Kian" Turo ko kay Kian at sinamahan ko pa ito ng irap sabay baling kay Ella "Kilala niyo naman na siya diba? She's Santa, ou-"

"Chanell!!" Sabay na tugon ni Mommy at Daddy. Nagbabanta.

"Fine! Fine! This is Ella Valdez his girlfriend" Wala sa sariling dagdag ko. Hindi ko pinahalata ang gulat ko at binalewala na lamang iyon at hinarap si Oliver at Justin na nakikipag-harutan sa dalawang babaeng kasama ko tsk, mga walang taste!!!

"And that is Oliver" Turo ko sa lalaki habang kausap si Shane "At yun naman si Justin at Erick"

Ngumiti si Daddy sa mga ito "Nice to meet you all"

"Don't tell me, sa El Nido din kayo magi-stay?" Hindi makapaniwalang tugon ko. Malay natin diba? Kasi sa El Nido talaga kami eh kaya wag niyang sabihing dun din sila. Aba malawak ang Palawan for pete's sake!!

"Yeah!" Tamad na sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko nang may marealized ako "What the-"

"Hep hep!!!!" Pigil ni Shane sa akin

"Pwede bang mag lunch na tayo? Hello!! I'm so hungry na kaya"

"She's right baby. Pwede bang ceasefire muna kayo ni Luis?" My mom said and then puppy eyes on me

Wtf?

"Yeah, tita's right Chan lalo na sa isang place lang din pala tayo magi-stay kaya ceasefire muna kayo ah?" Si Celes at siya'y ngumiti

"Fine!!" Maktol ko kaya naman nakahinga sila ng maluwag pwera kay Kian, Ella at Erick na parang hindi nage-exist dito sa mundo, psh!

Actually gutom na din ako kaya nag-suggest nalang ako kina Mommy at Daddy na dito nalang kami maglunch bago kami dumeretso sa El Nido

Shit!! Mukhang tataba ata ako nitong isang linggo na ito ah

Nilapag sa table namin ang mga inorder namin at talaga namang nakakatakam ang iba duon

Bali sampu kaming lahat at talaga namang nanguha pa kami ng ibang upuan at table para magkakasama kaming sampu

Si Kuya Niel ay hahabol daw mamaya dahil may inaasikaso pa daw siya. Mga 2:45 PM ata ang flight niya kaya naman around four ay malamang nandito na siya sa Palawan

Tinignan ko silang pagsilbihan ang isa't isa habang ako? Nganga! Ganito kasi ang set up namin, from right to left

Si Daddy, Mommy, Ako, Erick, Oliver, Shane, Celes, Justin, Ella, at Kian.

Kung sino ang magkakatabi ay siya ang nagsisilbi sa isa't isa. Napatingin ako sa katabi ko at parang wala itong paki-alam sa paligid niya. Arghhh nakakainis, ano bang aasahan ko sa isang Erick Kim diba? Wala, kundi ang magpanisan lang ng sari-sariling laway tsk

Padabog kong kinuha ang kubyertos ko at pinagsilbihan ang sarili. Kumuha ako ng seafoods at nung chicken at napatingin ako sa ibang nakahain sa harapan namin

What the fuck? "Oh my goodness! What is that? Is that a poop or something?" Gulat na tanong ko sabay turo nung nasa tabi ng chicken

Natawa ang halos lahat sa kanila at si daddy ang nagpaliwanag sa akin "That's crocodile sisig, Chanell" He paused at pinasadahan niya ng tingin ang ibang putaheng nandoon

"A sizzling dish that is usually made with pork. Crocodile meat tastes like chicken, with a mild flavor and firm texture" Dagdag nito at unti-unting naglagay sa kaniyang plate "It's a healthy meat due to its high protein and low-fat composition anak so taste it! You'll not regret-"

"No! Hell no Dad! Mukha itong masarap but I'll never taste that shit!" I groaned in annoyance dahil halatang nagpipigil sila ng tawa.

Nanlaki muli ang mga mata ko nang mapagmasdan muli ang isang nakahain sa harap naming sampu "And what about that?" Nandidiring turo ko sa isang, uod?

I want to vomit because of the thought came out of my mind pero taliwas iyon sa mga kasama ko dahil tinatawanan nila ako "Another exotic food" Sagot ni mommy habang tatawa-tawa

"That was called, tamilok. Tamilok known as woodworm, it's actually a mollusk harvested from mangrove trees" Saad nito kaya nanlaking muli ang mga mata ko. Woodworm? Ano ba naman yan, wala na ba silang makain dahil pati ang uod sa puno ay ginagawa na nilang putahe? Yuck! So gross!!!!

"It has a very long, soft and flabby body which tastes like an oyster" Dagdag ni Mommy. Eww! Oyster my ass Mom! I don't like exotic foods because it looks like a monster you know! Argghh

"At ito naman ay Lato Seaweed" Paepal na aniya ni Oliver "It is also known as sea grapes or green caviar" Anito't pinaglagyan niya ng lato seaweed ang plate ni Shane

"Danggit lamayo" Panimula ni Justin sabay turo sa isang putahe na nakahain sa harap namin. Matamang nakikinig ang lahat sa bawat paliwanag ng isa't isa "Consists in sun-dried rabbitfishes marinated in vinegar, garlic, and pepper" He paused "Madalas ay sini-serve ito for breakfast sa mga hotels or guesthouses dito sa Palawan" Napabuntong-hininga nalang ako sa narinig. Pang breakfast naman pala 'to pero bakit sini-serve pa din for lunch? Hindi ba ito masyadong mabili? Psh, but I'm eating fish.

"Tuna, shrimps, blue marlin, crabs, lobster, seabass and squids" Banggit naman ni Kian sa mga seafoods na nasa pinggan ko "There is a large variety of fresh and tasty seafood which is easily accessible and affordable here in Palawan" Aniya at kumuha siya nung tuna at lobster tska niya ito nilagay sa plate ni Ella. Bahagya pa akong nainis dahil sa ginagawa nila. Single is here!! Asan ang hustisya?

"The best seafood restaurant in Palawan is All in Restaurant. They serve a wide range of dishes based on the fresh catch of the day" He explained at ipinagpatuloy niya ang pagkain

Halos mamangha ako. Hindi dahil sa sinabi nila kundi dahil sa mga nalalaman nila

"Why do you guys know so much about this place and it's delicacies?" I asked out of curiosity. Eh kasi naman nuh, siguro naman first time lang nila dito sa Palawan pero bakit mas madami pa silang nalalaman kaysa sa akin?

They just shrugged their shoulders as an answer and I felt annoyed. They've got to be kidding me! Baka nga pwede na namin silang maging tour guide eh

"And all that is served in this table is Palawan's best cuisine" Nagulat kaming lahat hindi dahil sa impormasyong nalaman namin, kundi dahil mismo sa taong nag-usal ng katagang iyon

Aba! Himala, akala ko pa naman magpapapanis siya ng laway dahil sa napaka-silent niya

"Yeah, Erick's right. Lahat ng famous or best delicacies ng Palawan ay nandito na" Kian agreed

Ohh, kaya pala madaming tao ngayon dahil maging ang mga table and chairs sa labas ay occupied siya.

Ngayon ko lang din naintindihan ang naturang pangalan ng restaurant... All in Restaurant

Tinapos namin ang aming tanghalian sa masayang usapan. I don't know but it feels good na makasundo ko sila kahit sa iilang oras lamang. Bagaman, hindi masyadong umiimik sina Erick, Kian at Ella ay naging masaya pa din ang mga sandaling iyon

At sa mga oras na ito ay paniguradong naghahanda na si Kuya Niel para sa flight niya maya-maya

Namasyal pa kaming lahat at hindi na muna inintindi ang mga bagaheng nasa van. Ayoko ang set up na ito dahil akala ko talaga ay makakapag-bakasyon ako nang walang iniintindi maliban sana ang magsaya pero paano ko magagawa yun kung makakasama ko sa iisang lugar ang great rival-I mean, mga kaaway ko?

I know that it really felt good na nagkasundo kami kani-kanila lamang pero hindi ko gusto ang thought na sa iisang place, iisang hotel, at iisang floor iikot ang mundo namin

Yeah, nabanggit nila kanina na sa isang hotel sila tutuloy at nakumpirma naming iisa lang din ang tutuluyan namin nung sinabi nila ang pangalan ng hotel na katabi lang din ang baybayin

Like, wth? Pinaglalaruan ba kami para maging ganoon ang set up namin?

What a great coincidence!

HAPON NA nung gisingin kami ni Daddy at Mommy dahil nandito na daw kami sa talagang lugar na pagbabakasyunan naming lahat

Nakakatawa lang isipin na nakatulog pala kaming walo dahil sa pagod. Sina Mommy at Daddy lang talaga ang gising the whole ride. Hindi ko nga alam kung umidlip ba sila kahit five minutes lang o as in hindi talaga

Five o'clock na pala

Pagkabukas na pagkabukas palang namin nung pinto ng van ay agad kaming sinalubong ng napakalamig at sariwang hangin ng Palawan

Napakaganda sa pakiramdam ngunit malamig ang dampi ng hangin sa aming mga balat. Lalo na't nakasuot lang naman ako ng white cross back crop top, denim short and paired by my white sneakers

Yakap-yakap ko na ang sarili ko nang mapansin kong nagtanggal ng jacket si Erick at sumunod naman si Kian

Tsk, diba kakasabi ko lang na malamig diba? Tapos tatanggalin lang ni- "Here! Wear this!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Erick. Pansin ko namang umiwas ng tingin si Kian sa akin at nilagay nalang niya ang jacket niya sa balikat ni Ella na halatang enjoy na enjoy sa napakagandang tanawin

Tinanggap ko nalang ang offer ni Erick. Choosy pa ba ako? Aba!! Eh yinayakap ko na nga ang katawan ko dahil napakalamig talaga ng simoy ng hangin dito sa lugar na ito

Kaniya-kaniyang bitbit kami ng aming gamit kaya kukunin ko na sana ang handbag ko na nasa baba nang maunahan akong kunin iyon ni, Erick? Siya na naman? What's wrong with him?

Hindi lang naman ako ang nagugulat sa mga gesture niya dahil kahit pa busy ang mga kasama ko dahil sa nakakamanghang tanawing nakikita nila ay napapansin pa din nila ang galaw ni Erick na nasa tabi ko lamang

Nanlalaking mga mata naman ang iginagawad sa akin ni Shane na animo'y nagtataka din talaga dahil sa ikinikilos ni Erick ngayon-ngayon lamang

"Ah, let's go?" Basag ni Erick sa katahimikan dahil naging mute talaga kaming lahat dahil sa ikinikilos niya.

Parang robot naman na nanguna sila Mommy at sumunod sina Oliver at Shane habang nasa huli naman kami ni Erick

What's wrong with this chaperone man?

Yeah, he really is!!

Nang makarating kami sa hotel na tutuluyan namin ay agad namang pumunta sa front desk sina Mommy, Daddy at Kian habang kaming pito naman ay hinihintay ang elevator na magbukas.

Saktong pagkabukas nun ay tapos na din sina Mommy, Daddy at Kian na kausapin yung nasa front desk. Mukhang kinuha nila ang mga key card namin

Pinindot namin ang 9th floor at tamihik na pumanhik sa sari-sariling suites namin. Nakakatawa lang isipin na magkakatapat at magkakatabi lang pala ang room namin

Akmang bubuksan ko na ang pinto gamit ang key card nang magsalita si Kian. Kausap sila Mommy at Daddy

Lumapit kami nina Shane at Celes sa kanila at nakinig sa hinanaing niya

"May available pa po kayang suite sa floor na ito Tita?" Magalang na tanong nito kay Mommy

Nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya. What kind of planned is that? Hindi ba nila afford na magpa-book pa ng isang room kaya humihingi na sila ng tulong ngayon kina Mom and Dad?

"Why Luis? Kulang ba sa inyo yung two rooms na pina-book ninyo?"

"Ahh, no Tita. It's j-just that, baka hindi po komportable si Ella na may kasamang lalaki sa iisang kwarto" Nahihiyang paliwanag niya kaya unti-unting nanlaki ang mga mata ko

N-No! Talagang hindi. Two rooms, you mean, silang dalawa sa isang kwarto at ang isa naman ay ang para sa tatlo? No!!! Paano k-kung-hell!! Hindi ba sila nag-iisip? Paano nalang ku-kung may m-mangyari sa-"No! Ako nalang ang bahala sa room ni Santa!!!" Sigaw ko at nagulat sila dahil sa inasta ko. Napapahiyang yumuko ako at nagpaliwanag "A-Ako nalang din ang ba-bahala sa expenses n-niya" Utal-utal kong paliwanag

Shit Chanell! What the fuck are you thinking!

"No need" Matigas na aniya ni Ella "It's okay kung makakasama ko si Kian. Wala naman akong pagpipiliin ka-"

"No, I'll go down at magtatanong ako kung may available pa bang room sa floor na ito. Shane, Celes, come with me!" Nagmamadali kong sabi at agad ding tumalikod pagkababa ko palang ng gamit ko sa sahig

I won't let that happen. Hindi ba sila nag-iisip? Mga bwisit sila!

Mahirap magkaroon ng pamilya nang ganito kaaga. Tatanga-tanga sila kung mangyayari iyon dahil lang kulang sila ng napa-book na room

"Lie, hintayin mo naman kami!!" Sabi ni Shane pero pinagmadali ko lang sila para makuhanan ko si Santita ng kwarto niya

Pasalamat siya, nag-aalala ako sa lagay niya!

Yun nga ba talaga?

Matapos ang siyam na taong paghihintay ay nakarating na din kami sa baba. Agad-agad kong itinanong kung may available room pa sa floor namin at sinabi niyang occupied na daw lahat iyon maging ang katabing suites nina Mommy at Daddy

"What????" Bulalas ko

"Yes Ma'am, occupied na po ang lahat ng rooms sa floor ninyo. May mga naglalagi na nga po eh pero yung magkatapat po na suites katabi ng inyo ay hindi pa po dumadating ang nagpa-book duon" Paliwanag niya pero hindi iyon natatanggap ng aking sistema

"Lie, tara na. Let's inform them nalang na occupied na lahat ng rooms" Pangungumbinsi sa akin ni Shane pero hindi ko tatantanan itong babaeng 'to hanggang hindi siya nagbibigay ng room for Santa

"No Shane! Hindi ako papayag na sa iisang room lang sila magi-stay ni Kian. Wh-What if? May mangyari sa kanila? Hell! Hindi nila alam kung gaano kahirap magtaguyod ng pamilya ng ganun kaaga!!" Dire-diretso kong tugon. Matamang nakatingin lang sa akin yung mga staffs at nawi-wierdohan na sa mga pinagsasasabi ko

"And so what Lie! Buhay nila yan, we're out of that thing kaya tara na sa taas baka hinihintay na nila tayo!"

"Are you nuts Shane-"

"Hey! Hey Chan! Enough. Shane has a point. Labas na tayo kapag ganoon nga ang nangyari but I know naman na hindi ganun si Kian. After all, he's a gentleman" Hah! I can't believe this is happening! Kargo pa namin yun dahil hindi kami gumawa ng paraan para kuhanan ng ibang room si Ella. Diba? Diba?

"No" I insisted "Pumunta na kayo sa taas at sabihin niyong maghanda na sila at bumaba for early dinner" Malumanay kong tugon

"Aysst, you're acting so weird Nathalie!" I stiffened dahil binanggit niya ang first name ko. What's with these guys?

Tumalikod na sila sa akin kaya hinarap ko na muli ang babae

"Then trade their suites to the other na hindi pa na o-occupy" Nagtitimping sagot ko

"But ma'am, they paid it enough for that room-"

"Only enough? Then I will pay that triple price" Mayabang na sagot ko

"But-"

"No buts"

"Pero, sa dalawang room po na yun ay bali tatlo lang po sila at kasing edad niyo lang po siguro-"

"I don't care about that information, just give me the key card!" I said then stretched my arm to her

"What I mean po ay pwedeng makipag-share nalang doon ang kaibigan niyo dahil mag-isa lang naman po ang mago-occupy sa suite na iyon" Paliwanag niya kaya napaisip ako

"She's not my friend. But, okay, I'll think about it" Mataray kong sagot at dumeretso na ako sa restaurant ng hotel na ito at nagpahanda na ng mga pagkain para pagkababa palang ng mga kasama ko ay kakain nalang kami

~Buzzt Buzzt~

~One message received~
From: Kuya Niel
"10 minutes!"
Received! 7:01 PM

Napabuntong-hininga nalang ako dahil dun. I felt like shit dahil hindi pa ako nakakapag-bihis simula nung dumating kami dito

Nang makita kong okay na lahat ay bumalik ulit ako sa front desk

I am so persistent to the point na hindi pa ako nakakapaglinis ng katawan dahil dito

"Good evening .a'am, how can I help you?" Bati muli sa akin nung babae kanina. Ngumiti lang ito ng pagkatipid-tipid. Mukhang alam na niya ang pakay ko

"Kailangan kong maka-usap ang taong sinasabi mong mag-isa lang sa suite na kaniyang inokupa" Sabi ko at matalim ko siyang tinignan

Nataranta ito at agad na nagdial sa telepono ng hotel. Sakto namang may narinig akong tunog ng isang cellphone na nasa bandang likod ko kaya ko ito nilingon and it gives me chill nung naramdaman ko ang presensiya nito

A-Ashley?

What the fuck is she doing here??

Siya ba ang nagpa-book sa suite na katabi ng kwarto nila Kian? Fuck! What a small world.

Ngumiti ito sa akin at nagsalita "Nais mo daw akong makausap?" Bungad nito sa akin ng magtagpo ang aming mga mata ngunit mas lalo lamang nanlaki ang mga mata ko nung pumasok si Tita Erja, at... Daddy ni Kian?

I knew it!!

Sinasabi ko na nga bang kapatid ito ni Kian eh

"What is it?"

"I want to exchange words with you and I want to ask you a..." Natigilan ako dahil hindi ko alam kung ano ang idudugtong kong salita sa sinabi ko

"A favor?" Pagtatapos nito sa balak kong sabihin and there goes my pride

"No it's not and...you wish!!" Pagtataray ko sa kaniya

Napansin ko namang dumeretso na si Tita Erja at ang kasama nito sa elevator at hinintay itong magbukas at unti-unti na silang nawala sa paningin ko nung makapasok sila sa loob ng elevator. Wow ah! Hindi manlang ba nila sasabihan ang unica-hija nila na aalis na sila?

"Okay" Sagot nito at akmang tatalikod na but I held her wrist to stop her. Lumingon ito sa akin at tinapunan ako ng nagtatakang tingin kaya binitawan ko ito at tinitigan siya sabay buntong-hininga

"Fine and if I were you, I'll not think this one as a favor but as an order-"

"Ops! Too bad, who are you to order me such things" Mataray nitong aniya kaya mas lalo akong nainis. Kung alam ko lang pala na demonyita ang kapatid ni Kian ay dapat pala kanina ko pa hinanda ang palad ko para sa pisngi niya

"Stop it, and just like what I've said, I just want to exchange words with you to let Ella Santita occupy also your suite just for three days" Deretsahang tugon ko sa kaniya

Ang ganda niyang sipain palabas ng hotel but I noticed her emotions. From freak to shock state "Ella what?" Gulantang aniya so I rolled my eyes para hindi ko na siya masumbatan pa because I badly need to take a bath after this shit

"Yeah, Ella Santita Valdez. And I'm warning you, she's freak and delusional" I said widened my eyes to her "Well, I think you two will click because you are also crazy to handle her scrap attitude" I said and burst out laughing kasabay ng pagtalikod ko sa kaniya at pagbalik sa suite namin para kausapin na si Santa

—°—

END OF CHAPTER 37!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top