Chapter 36
Kian Luis' Point Of View
"DO I HAVE A SISTER?" Pag-uulit kong tanong sa aking ina matapos ang ilang minuto
"Anak please, stop this!" Tugon nito at parang nagsusumamo ang kaniyang tinig pero hindi eh!! Tang 'na! Bakit nila kailangang itago sa akin kung totoong meron nga?
"Why do you keep on hiding it from me? Just tell me kung meron ba o wala, that's it! Napakadali mom pero bakit pilit niyong ipinapa-komplika ang usapan?" Inis na tugon ko. I've already lost my temper
~Buzzt Buzzt~
Mukhang nakahinga nang maluwag si Mommy nang marinig niyang nagvibrate ang cellphone ko
Kinuha ko ito sa bulsa ko habang hindi ko pa din tinatanggal ang tingin ko kay Mommy. Sinagot ko ang tawag at hindi na tinignan pa ang caller ID
"Hello" I said, nakatingin pa din kay Mommy
"We need to talk!" Seryosong tugon ng kausap ko and this time, nagtaka ako dahil babae ito. Tinignan ko kung sino ang caller pero unknown ito. Number lang siya kaya nagtaka ako
"Who's this and what are you saying?" Taka kong tanong. Dinig kong napabuntong-hininga ang kausap ko kasabay nun ay narinig ko ang maliit na takong ng sandals ni Mommy paakyat sa kanilang silid ni Dad
"This is Nathalie Chanell and we really need to talk, meet me at 6:30 PM in Cream N' Frosting Café" And then next I knew, she ended up the call without hearing my side
The fuck? Paano kung ayoko? Ano na naman ba ang pag-uusapan namin? Bibigyan niya na naman ba ako ng sakit sa ulo gaya nitong tinatanong ko kay Mommy ngayon na wala manlang akong sagot na makuha ni isa?
~Buzzt Buzzt~
~One message received~
From: Unknown
"No talkshits! I'll go there 10 minutes before the time has been discussed"
Received! 6:01 PM
Is she really on drugs? No talkshits? Time has been discussed? Is she kidding me? Eh hindi niya nga ako pinagsalita matapos niyang sinabi iyon tas ako pa ang mangta-talkshit? And what? Wala kaming napag-usapang oras kasi siya lang mismo ang nagsabi kung anong oras tsk!
I just turn my head alternately from left to right in disbelief. That woman is crazy!
Umakyat na ako sa kwarto ko dahil wala akong mapapala kung kakausapin at pipilitin ko si mommy ngayon dahil paniguradong hindi naman siya magsasabi ng totoo
I took a bath and face the mirror to check myself if I'm that presentable or not
I just wore my black t-shirt and faded jeans dahil paniguradong hindi naman ako magtatagal doon. Knowing her, she can lost her temper in just 1 minute kaya inaasahan kong hindi talaga tatagal ang usapan na iyon kapag nagkataon
I sprayed my perfume at my shirt and get the car key at the table atsaka ko ito pinaikot-ikot sa aking daliri as I went down from the second floor of our house
Nasulyapan ko na ang kotse ko sa aming garahe at sumakay na ako duon matapos kong makalapit
Cream N' Frosting Café?
Nagpaikot-ikot muna ako at pinuntahan ang café na hindi ganoon kalayo sa aming village at ayun, Cream N' Frosting Café. Ngayon lang ako pupunta dito at sa ganito pang pagkakataon
I've heard of this café before, but I've never visited. Even the name is new to me. Mom bought something here once, and I can attest to the fact that their pastries and coffees are great.
Minsan pang binanggit ni Mommy na kaibigan niya daw noon ang may ari nito. I even wondered then why she used the word ‘noon’ when she said that.
As soon as I enter the café, I can say that the ambiance is so good. The combination is brown and light brown and the decoration inside and outside the café is beautiful. Dagsain din siya ng tao dahil occupied lahat ng table and chairs nito, only the one at the end was not and there I saw Natalya
She's wearing a black crossover top and paired it with her denim shorts. Don't get me wrong, I'm not what you think. I just described her outfit base lamang sa nakikita kong uri ng kaniyang kasuotan
She stood up when she saw me. Pinag-aralan niya ang kabuuan ko at masasabi kong halos may similarity ang suot namin. She's wearing a black crossover top while I'm wearing a black plain t-shirt at parehas pang maong ang suot namin sa pangbaba
I shook my head left to right to erase those things in my mind. Umupo ako sa upuang nasa harap niya at tinawag ang waiter at nag-order ng dalawang mocha latte and some pastries
Kinuha ko ang wallet ko sa aking bulsa at naglapag ng isang libo sa table kaya napalingon ito sa akin. She gave me a scrutinizing look dahil sa ginawa ko
"Why are you staring me like that?" I asked. Tinulak niya ang perang iyon na nasa table papunta sa gawi ko kaya naman mas lalong nangunot ang noo ko
"I don’t let the woman pay the bill" I said but she just gave me a smirk smile as an answer
Dumating na ang order at ngumiti pa ito sa waiter nang mailapag nito ang tray sa harap namin
Tinitigan ko ang waiter at masasabi kong mas magandang lalaki naman ako. Wala man akong trabaho pero kaya kong itaguyod ang sarili ko. Mas maputi naman ako. Pamatay din naman ang ngiti ko kaya in short, mas okay ako pero bakit ito ang nginitian niya at hindi ako?
Shit!
I messed my hair in frustration. Ano bang sinasabi ko? Kailan pa ako naging ganito?
"Where's mom?" She asked kaya mas lalo akong nakinig sa kanilang dalawa. Why is she asking where her mom is? Are they just on the same roof with this man?
"Ah, umalis na po si boss, ma'am. Halos kakaalis niya lang po nung dumating kayo" Sabi naman ng lalaki at todo ngiti talaga ito kaya mas naasar ako lalo
Bakit ba kasi ako apektado?
"Mukhang nagkasalisi po kayo ni boss, Ma'am Nathalie, sige po balik na po ako sa trabaho. Tawagin niyo nalang po ako pag may kailangan pa po kayo" What the fuck? Boss? Atsaka bakit siya ang tatawagin ni Natalya kung kay dami-dami naman ng waiter at waitress dito?
Yeah, this café is not self service unlike sa iba na pipila ka pa. Kaya nga balita ko ay dagsain talaga ito ng tao dahil sa ambiance, coffee, tea, and pastries nilang patok sa panlasa
Tumingin ako kay Natalya at ngumiti ito "Seems you're not that updated huh. By the way, my mom own this café" Walang bahid na pagyayabang pero yun ang dating sa akin nun
Does it mean, dating mag kaibigan sina Mommy at Tita Beatrice? Bakit dati lang?
"What do you want to talk?" I asked directly. Yun naman kasi ang ipinunta namin dito at hindi ang kumain lang
"Same question and I need to know everything tonight because we will be out of town tomorrow and I won't be asking you this for the whole week and it's hard for me to know all the answers here in my mind" Mahabang lintaya nito.
Everything? Silly! Ganoon na ba kadami ang sikreto ng mga magulang ko at si Natalya pa muna ang makakaalam before I do? I don't think she should be like this but I'm also curious and I want to know everything she has to say and ask.
"Then what's your question?" I asked. Para lang kaming artista at jounalist. Ako ang artista at siya ang manunulat. Aalamin ang lahat ng gusto at pwedeng malaman at ibubunyag ito sa madla
I wanted to laugh because of what I was thinking but I didn't because we would have a long argument when it happened. I still need to prepare things for our vacation. What? Out of town Natalya? Hmm, are they just?
"I said, same question" Sagot nito sa tanong ko. Ah if I have a sister?
"Imbecile, I've—"
"What the fuck? Who's that imbecile you're talking. Me?" She said in disbelief "How about you?Airhead, deadhead, dim bulb, dimwit, dip, dolt, donkey, doofus—"
"Hey stop, it's—"
"Dork, dullard, dumbbell, dunce, goof, half-wit, hammerhead, hardhead, ignoramous, id—"
"Yah! Stop it! Sto—"
"Idiot, jackass, knucklehead, lamebrain, loggerhead, lump, moron, schlub—"
"Will you stop Natalya? You're so talkative!!" Inis na sambit ko. She already said everything that can mean stupid tsk!
"Hah!! Talkative, sinong talkative? Ako? Aba Kian Luis Asuncion!! You told me that I'm imbecile tapos palalagpasin kita? Those words suitable just for you okay?!! Tsk Dimwit!!" Psh, that's not talkative ah. It took us almost thirty minutes but we still haven't talked about the purpose of why she met me here.
"I've already told you! I don't have a sister, why are you trying so hard Natalya Channel 5" I said teasing her. At hindi nga ako nabigo dahil halos lahat ng dugo niya ay napunta na sa kaniyang pisngi dahil sa galit niya sa akin. Ang ganda lang kasi niyang asarin dahil sa mga reaksyon niya
Atsaka gusto ko din kasing makita lahat ng ekspresyon na kaya niyang ipaskil sa kaniyang mukha
"Don't you dare na asarin muli ako dahil hindi ako magda-dalawang isip na sapakin ka dito" Pagbabanta nito sa akin. Napangisi na lang ako sa pagkasadista niya
"Sagutin mo na kasi ako!!" Dagdag nito at talaga namang hindi nawala ang ngisi sa mukha ko dahil sa sinabi nito
"Why should I answer you Natalya, you haven't even asked my permission para ligawan mo ako. Are you really that aggressive?" Pang-aasar ko kaya, ang mga mata niya ay nanlaki na halos sagad na dahil wala nang ilalaki pa
"A-Aray!! Ano ba, bakit ka ba nang-aapak hah?" Singhal ko dahil inapakan niya ng pagkadiin-diin ang paa ko. Buti nalang hindi 'to nakatakong kundi ay bali-bali na ang buto ng paa ko kapag nagkataon
"That's for teasing me, you moron!!" Napapikit nalang ako sa inis at sinagot siya ng maayos. Wala lang patutunguhan itong usapan namin kapag patuloy na ganito ang trato at ginagawa namin sa isa't isa
"Fine!" Usal ko
"You're also going to tell the me truth, pinatagal mo pa! You know I have a lot to ask but since it's seven o'clock! There is only so much time left! I still have to pack my things for three days and two nights, you know that?" Mahabang lintaya nito. What the fuck? Fine lang sinabi ko tapos kahaba-haba na ng sinabi niya, tska hindi ba talaga siya naniniwala na nagsasabi ako ng totoo?
"Whatever you say Natalya! All I can say is that, I don't have any sibling okay?" Kalmang sagot ko
"Tsk! Badtrip ka talaga eh ano? Fine let's move on!" Aniya kaya naman umiral na naman ang kakulitan ko
"Move on agad? You're not even courting me and I haven't answered you yet, you'll— "
"Do you see what I was holding?" Sabi nito at pinulot ang table knife sa harap niya at marahang inikot ito sa dalawang daliri niya
"Yeah!" Walang ganang sagot ko. As if naman kaya niyang manakit. In a word, maybe it's still possible, but physically? Only a few percent of the probability of that
"Wala akong kapatid Natalya. Kasi nga wala diba? Bakit ba ang kulit mo? Kung gusto mo, pumunta ka sa bahay at halughugin mo ang bawat sulok niyon at kung may makikita ka, well congrats—ako ang naloko, pero kung wala—kainin mo yang mga sinasabi mo dahil sa pamimilit mo" Tugon ko sa kaniya. Hanggang kailan pa ba kasi na yun at yun lang ang topic naming dalawa?
"Hellooo!! At bakit naman ako pupunta sa inyo hah aber?" Mataray ngunit maarteng aniya. I sighed.
"Next question Natalya! Because I have something more important to do than you do, chismosa!" Sabi ko ngunit hininaan ko na ang huling sinabi ko para hindi na niya marinig pero may lahing elepante ata ito dahil umangal siya dahil mukhang narinig talaga niya kaya naman tinakpan ko nalang ang bibig niya at sinabi kong next question na para maka-uwi na kami nang mas maaga
"Fine!!!! We're not yet done Kian Luis" Pagbabanta nito pero inilingan ko nalang siya "Why is your mom's last name still Alsaybar, shouldn't that be Asuncion because your Mom is married to your Dad and they already have a child named Kian and Ashley, right? So I'm just wondering why your Mom uses Alsaybar instead..."
Hindi ko na narinig lahat ng sinabi niya dahil nahulog na ako sa malalim na kaisipan
"Mommy bakit po ganito ang surname niyo dito? Diba po, dapat po eh yung surname ni Daddy ang gamit niyo?" Inosenteng tanong nang batang lalaki sa kaniyang ina habang hawak ang isa sa ID nito
Ngumiti ang Ginang at hinaplos ang buhok ng kaniyang anak
"Mahabang kuwento anak pero iyan ang ginagamit na surname ni Mommy. Tandaan mo 'yon ah? Wag kang magkakamali kasi importante iyan lalo na kapag nawala ka edi ibang tao na ang hahanapin nila pag tinulungan ka imbis na si mommy sana diba?"
I blinked multiple of fucking times nang bumalik iyon sa isip ko. Iyon yong araw na nakita ko ang ID ni mommy sa trabaho niya at kahit napakabata ko palang noon ay naitanong ko na ang ganoong bagay sa kaniya
"Hoy!! Aba't kinakausap kita Kian" Untag ni Natalya at pinitik pa niya ang kaniyang daliri sa kawalan
"...Hindi ko nga alam eh" Sagot ng batang lalaki. Tila'y naguguluhan
"What happened ba kasi Louie?" Curious na tanong nang batang babae na kaniyang napakatalik na kaibigan
Umiling ang batang lalaki at ngumiti sa batang babae "I'm just wondering about my mom's surname" The boy answered creasing his forehead
The latter burst out laughing. Masyado kasing seryoso ang batang lalaki nung sinabi niya ito
"Natalya, I just want to ask something to you!" The boy said and the latter pouted about his seriousness
"Go on Louie, I'm all ears"
"Yung mom mo ba ay iba ang surname niya sa surname ng Daddy mo?" Tanong ng lalaki
Napa-isip naman ang babae kung bakit ito ang tinatanong ng kaniyang kaibigan ngunit sinagot pa din niya ito kung anong alam niyang sagot sa tanong nito
"Umm, si mommy? Syempre, nung wala pa ako eh yung surname ni Lolo ang gamit niya kasi di pa naman sila mag-asawa ni Daddy. Pero nung kinasal na sila, iisa nalang ang surname nila. Why do you ask ba?" Bibong sagot ng batang babae. Masyado pa silang bata sa kanilang edad pero kung mag-isip ay parang may gulang na
"Natalya..." Tugon ko out of the blue
"Oh bakit?" Mataray na sagot ng kaharap ko. Natauhan ako sa naiusal ko, nakalimutan kong nasa harap ko pala si Natalya. Gusto kong matawa dahil ang Natalya na nabanggit ko out of the blue ay para sa kababata kong si Natalya pero heto't siya ang sumagot sa tanging nasabi ko
"Ano na? You're so irksome talaga alam mo ba yun? I'm still waiting for your answer yet you fell on deep thoughts, are you playing with me?" She asked irritatedly and impatiently
"Why do you ask and where does that question came from?" Nagtataka kong tanong. Saan nanggagaling ang ganitong tanong niya? Why did she jumped in that conclusion or usapin para tanungin niya ito sa akin?
"Just answer my damn question so I can move on to something else. You have a lots of side comments, you dimwit"
"Fine!" Nauubusang pasensiya kong sagot "Hindi ko alam iyang bagay na iyan kaya wala kang mapapala—"
"Mukha nga" Putol nito at inirapan pa kayo
Anak nang!
"Si mom ang i-interrogate mo at hindi ako because I don't know what you're saying" Inis na sabi ko sa kaniya
"Well, Tita Erja it is—E-Erja?!! WAIT!!! I have a question!" Biglang sabi nito. Napailing nalang ako sa inaasta niya
Well-known heartless girl? I can't see that side of her, maybe sometimes kapag naaapakan na ang ego at pride niya tska lang iyon lumalabas sa kaniya
Bakit kaya hindi nalang talkative or gossip princess ang ibansag sa kaniya?
"You've been asking me a question since I arrived" Pambabara ko sa kaniya. She have a question? You've got to be kidding me Natalya, kanina ka pa kaya tanong ng tanong
"Arggghhh!!! My goodness, why do I even expect this to be a good conversation for us today? Like hell? When will that ever happen?"
"Masyado ka kasingng pikon" Pagsasabi ko ng totoo sa kaniya. Totoo naman diba? Masyadong pikon itong babaeng ito tsk
"I don't care, Asuncion" Anito't inirapan na naman ako "Who's that girl na kausap niyo ni Ella kahapon sa field? Yung humabol sa inyo ni Santa nung pabalik na kayo sa room at bigla din kayong nagwalk-out something?" She asked. I gasped in disbelief because of what I heard
"Are you stalking me Natalya?" I said nonchalantly para hindi halatang pinagdududahan ko siya dahil sa nalalaman niya
"What the fuck Kian? What the hell you're saying?" She hissed at naka-agaw kami ng atensiyon dahil sa sinabi at lakas ng boses niya "Me? Stalking you? That would be not me but obviously you!!" Where did that came from?
Hindi ko nalang siya pinatulan dahil mas lalong hahaba ang usapan na ito pag patuloy lang kami sa ganoong set up, it's almost 8:00 in the evening at naka isang oras at tatlumpung minuto na kami dito pero tatlong tanong palang ang naitatanong niya sa akin
I wonder kung ang twenty question ba ay isang linggo ang lilipas para matanong niya lahat nang iyon
"That girl named Questly" I just answered obviously in a bored tone
"Another info!" She said in a 'lil bit calm
A smile formed into my lips ng mapansin kong nagseryoso na siya. Mukhang narealized niya din kung anong nasa isip ko kanina na wala lamang iyong mapupuntahan kapag ganun kaming dalawa
"I don't know anything about her pero ang alam ko ay sa Catarina din siya galing at lumipat lang din siya ngayong taon gaya namin" I answered and sipped my drink.
Tumango-tango lang ito na parang may napagtanto "Bakit ba hindi ka nalang kumuha ng private investigator para alamin lahat ng katanungang iyan sa isip mo at nagtataka din ako kung saan mo nakukuha ang ganiyang klaseng tanong at kung bakit ka curious sa ganiyang bagay" I said. But I have something in my mind
"I don't care about your point of view, that's all for now. You're right, wala nga akong makukuhang sagot sayo. I still need to packed up and ready my things for our vacation" She said habang inaayos na ang kaniyang sarili. Akmang tatalikod na ito nang hawakan ko ang kaniyang braso
Napatingin naman ito sa kamay ko na nakahawak sa kaniya kaya agad-agad ko itong tinanggal kaya naman sa akin na siya tumingin "What?" Mataray nitong tanong
"If you don't mind, ako nalang ang maghahatid sayo" I said out of the blue. What the fuck Kian? What did you say?
Masama bang mag-offer?
"You're serious?" She asked and plastered her evil smile
"Yeah?" I answered not so sure
"But I can call our personal driver" Naghihinalang aniya
Ano bang kahina-hinala sa kinikilos ko? Masama bang mag-alok na ihatid ko siya lalo na't ako ang kasama niya sa mga oras na 'to?
"No need because I can drive you home atsaka ako ang kasama mo ngayong gabi, baka mamaya habang naghihintay ka ay may masamang mangyari sayo. Kargo pa kita" Paliwanag ko. Pansin kong napalakas ang kaniyang pagbuntong-hininga na tila may iba siyang inaasahang sagot mula sa akin
"Hindi na, kaya ko nang mag-isa" Malumanay niyang aniya. Katigas talaga ng bungo nitong babaeng ito
"Sumabay kana Natalya, diba sabi mo'y mag-iimpake kapa para sa tatlong araw niyong bakasyon—"
"Fine!! Sasabay na 'ko tsk!" Anito't tumalikod na at pumunta na sa parking lot
Napangisi nalang ako dahil napapayag ko ang isang 'to. Akala ko mahihirapan ako
Binuksan niya ang shotgun seat all by herself. Tsk hindi manlang ako hinayaang pagbuksan ko siya
Dali-dali akong umikot at umupo sa driver's seat at inistart ang sasakyan ko
"Sa Andre—"
"Shut up, I know" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. A-At talaga namang inirapan pa ako! Ako na nga itong nagmamagandang loob tapos ganun lang ang isusukli niya sa akin?
I just sighed because of her behavior. Shouldn't I be used to it? Of the things she even does to Ella and me, it's too much and then I'll question her behavior like this?
Medyo kabisado ko na siya!
Tahimik ang sandaling iyon habang minamaneho ko na ang sasakyan ko para ihatid siya kaya naman para maibsan ang nakakailang na pakiramdam ay nagpatugtog na lamang ako
♪♪And tell me what you're thinking
Do I ever cross your mind?♪♪
What the fuck? Bakit kailangang ganito ang kanta dito? Tinignan ko sa gilid ng mata ko si Natalya at pansin kong tutok lang siya sa kalsada at taimtim na nakikinig sa musika kaya naman ganun na lang din ang ginawa ko
♪♪Lately, I've been drinking
Just to get me through the night♪♪
Napailing nalang ako sa narinig ko. I was just shaken by what I heard. I'm not even an alcoholic person. I only drink once or enjoy drinking when I have a problem and when I want to forget it
♪♪And all the messages we sent
Are still on my mind♪♪
Napabuntong-hininga ako dahil kinokonekta ko ang lyrics kay Natalya. I don't understand myself why I become like this whenever she's around
♪♪Tell me what you're thinking
Do I ever cross your mind?♪♪
Nang marinig kong muli iyon ay napatingin ako kay Natalya at halos mabitawan ko ang manibela nang magtama ang paningin naming dalawa
"Tsk, why are the songs like this" Tarantang sabi ko at nilipat ito
Halos mapamura ako nung marinig kong halos parehas lang din sila ng sinasabi sa naunang kanta
♪♪You say you thought about me all along (say you thought about me)
But never said a thing 'til I was gone (ah ah)♪♪
♪♪How am I supposed to know what's on your mind?
I don't have a crystal ball
I can't see through your walls
You should know better♪♪
Are you playing with me? Tanong ko sa isip ko na hindi ko naman alam kung anong ipinapahiwatig ko
♪♪How am I supposed to know what's on you mind?
I'm tired of cracking codes
If you want me let me know
You should—♪♪
Padarag kong in-off ang naka-play na kanta at ramdam kong mabilis na lumingon si Natalya
"Why—"
"We're here!" Anunsiyo ko at hindi ko na pinatapos ang tanong niya. Lumapit ako sa kaniya at sinubukang alisin ang seatbelt niya habang nakatingin pa din sa mukha niya
She's so beautiful, I just want to be honest.
Nang matanggal ko ang seatbelt niya ay dun palang natanggal ang paningin namin sa isa't isa. I don't want to admit this one, but m-my heart was beating so darn fast
Dali-dali niyang binuksan ang pinto at nag-usal lang ng iilang salita ngunit iyon muli ang dahilan nang pagbilis ng tibok ng aking puso..."Thank you, goodnight"
*Ting*
Dinig kong tunog ng messenger ko. Kanina pa ako gising, mga alas siyete dahil naghanda ako ng gamit na dadalhin ko dahil nakatulugan ko iyon kagabi
"WEIRDOS"
John Oliver Gomez: @Justin Lee, where are you?
Received! 9:36 AM
Justin Lee: House
Received! 9:36 AM
John Oliver Gomez: What? Nasa bahay niyo ka palang? Akala ko ba susunduin mo na ako?
Received! 9:37 AM
Jan Erick Kim: Tss
Received! 9:38 AM
Ella Valdez: Bakit ba ang iingay niyo ayst! Ready yourself and things wierdos kasi malapit nang mag 10 okay?
Received! 9:39 AM
Kian Luis Asuncion:
Kita-kita nalang tayo sa airport
Received! 9:40 AM
Isinukbit ko na ang dadalhing bag ko sa aking balikat at nag logged out na ng facebook para na din matigil na sila duon
"Manang, where's mom?" I asked nung makababa na ako mula sa aking kwarto
"Wala po siya sir Kian eh, hindi ko pa siya napansin sir kanina pa. Baka po umalis siya" Magalang na sagot sa akin ni Manang
Umiling ako at nginitian siya "Manang, don't call me sir Kian or even 'po'. You're almost my mother" I said then plastered my genuine smile "Pakisabi nalang po na aalis na ako Manang. Tatlong araw po kami dun sa pupuntahan namin eh, don't worry alam niya naman na ang tungkol dito eh" Tumango ito kaya tumalikod na ako
"Oh sir, tara na po ba?" Tanong ni Mang Lito nang makita ako. Personal driver ni Mommy. Kailangan kasi naming magpahatid dahil hindi naman namin madadala ang sasakyan namin sa pupuntahan
"Daanan pa po natin si Ella Mang Lito" Tumango ito kaya sumakay na ako at maya-maya lang ay nasa harap na kami ng bahay nila
Nakangiti ito at halatang excited sa pupuntahan namin. Sino ba naman ang hindi diba? Ngayon na nga lang kaming lalabas na lima then out of town pa
Pinabilin sa akin ni Tita at Tito si Ella sa akin sinigurado ko sa kanilang hindi ko pababayaan ang anak nila
"I'm so excited! Ngayon lang kasi ako makakapunta doon" She said and her wide grinned plastered on her face "Alam mo bang nagsearch ako about dun? Halos matulala nga ako sa tanawin na nakita ko. Paano nalang kaya kung nanduon na tayo?" Halata nga sa mukha niya ang excitement dahil kitang-kita naman iyon sa maaliwalas niyang mukha
The ride went well until we arrived in our first destination. Saktong pagkababa namin sa sasakyan at nakapag paalaman na sa driver ay saktong-sakto naman ang dating nina Oliver, Justin at Erick. Wala pa man ay katataas na ng energy nila except si Erick
"Sayang wala dito si Sadista" m
Mahinang usal ni Oliver pero tama lang upang marinig naming lahat
"Kaya nga eh, pati yung anghel na iyon psh!" Sang-ayon naman ni Justin kay Oliver
"Tss" Sabi naman ni Erick
11:40 ang flight namin at mga ala una ng tanghali ay nandun na kami.
Habang nakasakay kami sa eroplano ay nahihilo si Ella kaya naman pinaidlip ko muna siya at gigisingin nalang sakaling nandoon na kami. Marahil ay hindi siya sanay sa sasakyang pang himpapawid kaya ganun ang nararamdaman niya
Samantala, si Oliver at Justin ay abala sa pag-uusap at ngingiti kapagkuwan kapag may nababanggit sila
Minsan nga'y maririnig ko silang bumubulong pero nadidinig ko pa din naman
"She's so annoying!"
"Napakasadista talaga"
"Bakit ba ayaw niyang sabihin kung saan din sila pupunta?"
"Pati nga si Celes ayaw din sabihin. Basta ang sabi ay out of town din daw sila" Dinig kong bulungan nina Justin at Oliver habang nakasalpak naman ang earphone sa tainga ni Erick habang nagbabasa
Napa-isip naman ako dahil sa narinig ko. Nabanggit nga sa akin ni Natalya kagabi na out of town din sila kaya naman nakakapagtaka kung saan din sila pupunta
Baka naman sa Cebu? Davao? Batangas? Baguio? Ah basta, madami namang magagandang lugar dito sa Pilipinas eh
"KIAN?"
"Kian, wake up!"
"Hey" Tapik sa akin ni Ella
"We're here!!!" Anunsyo niyang muli at dinig ko nga ang anunsyo na lalapag na kami at kailangan naming icheck ang seatbelt namin. I thought I was the one who wilk wake her up and it turns out not because I fell asleep
“Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. Thank you.”
“Ladies and gentlemen, welcome! Local time is one o'clock in the afternoon and the temperature reached 27 degrees celsius.
For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. Cellular phones may only be used once the Fasten Seat Belt sign has been turned off
Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight
If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you.
On behalf of the Rendi Airline and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day”
Nang makababa kami ay ang sariwang ihip ng hangin agad ang sumalubong sa amin
Nag-inat ng kamay si Oliver at sumigaw ng..."WELCOME TO PALAWANNNNNN!!"
A long deafening silence!
"C-Celes??"
"S-Sadista?????" Sabay na sigaw ng dalawa nang mapagtantong hindi lang si Oliver ang sumigaw nung 'welcome to palawan' dahil sabay na sabay talaga sila ni Shane sa pagkasabi
"N-Natalya?" Usal ko nang makitang bumaba siya ng sinakyan namin kasunod sina Tito at Tita Beatrice
—°—
END OF CHAPTER 36!
1st Song: Tell Me What You're Thinking
By: Mighty Oaks
2nd Song: What's On Your Mind?
By: Alessia Cara
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top