Chapter 34
Nathalie Chanell's Point Of View
After we ate, we went straight here to the living room at pinagpatuloy ang kuwentuhan naming apat. It’s just fun to feel this again. I admit that we don't often do this simple bonding anymore because we're already busy with things pero hindi pa din naman sila nagkulang sa amin ni Kuya Niel.
Hindi muna namin inisip ang bukas. Ang sa amin lang ay yung nangyayari ngayon. Hindi muna namin inisip yung kaniya-kaniyang gagawin ngayong gabi. Alam ko na may kailangan pang tapusin si Daddy sa work. Alam ko na kailangan nang ayusin ni Mommy yung tungkol sa pagpu-put up niya ng new business which is restaurant. At alam kong kailangan ni Kuya Niel na mag-aral dahil mahirap daw bumagsak 'pag college kana. At kailangan ko ding mag-aral para di ako bokya, pero hindi na muna namin inisip yung ngayong gabi.
Hinayaan nalang muna namin itong kaunting oras para sa aming apat. Kasalukuyang nagkukuwento si Mommy kay Kuya—exact story gaya ng sinabi ni Mommy. Hindi pa din ako makapaniwala na parehas ang first meet namin ni Kian at Mommy at Daddy dahil akala ko ay sa libro at panood lang nagyayari yung ganun
We just let have a little time for the four of us first. Mom is currently telling Kuya the exact story as mom said to me. I still can't believe that Mom and Dad had the same first meet with me and Kian because I thought it was just in the book or drama but it's not!
"Ayyyyyyy!!" Pilyong tugon ni Kuya Niel nang marinig ang kwento ni Mommy
Nangunot naman ang noo ko dahil sa reaksyong iyon ni Kuya Niel
"It's the same story as your first meet with your loverboy as Mom and Dad huh!" I gave him a scrutinizing look because of what he said. At kailan pa kami nagkaroon ng lahing mind reader?
Hindi din iyon alam ni Kuya Niel dahil magka-ibang campus kami dahil nga college na siya at senior palang ako. Kaya paano niya iyon malalaman kung gayon? Wala talaga kaming lahing mind reader promise! Wala talaga, wala!!
"How did you know that?!!" I hissed. Bakit ba alam nila ang tungkol sa amin ni lover bo—What the fuck Chanell, what did you say?? Oh hell!! Kuya Niel said that pero di manlang ako aware kanina? Like wth?
"Oh, don't stare at me like that Changet. Let me remind you na hindi ka carnivorous. Mom also told the stories you told her" Sabi nito kaya hindi ko napigilang panliitan ng mata si Mommy
"You have to pay Mom" I said firmly. Dad must be enjoying this scene together with his Queen, Princess, and Prince. I want to smile like an idiot pero hindi ko nalang pinahalata pa, baka kasi asarin na naman ako nina Mommy at Kuya Niel
"Name your price then" Tugon naman ni Mommy and I can't help but to creased my brows. So she's thinking na money ang kabayaran nung confidential na kwentong iyon? "I will not accept money as your payment mom" I said then plastered my smirk smile on my pretty face
"Then what, baby?" She asked cluelessly
"I want you to tell me a story about you and dad. Anything that I need to know" Kuya Niel agreed. And Dad smiled at me
"Oh, volunteer yourself as an ally. You didn't know how talkative your princess, hon" She said avoiding my sight. What the hell? Is she serious?
"Mom, please start if you don't want na abutin tayo dito hanggang umaga" Tugon ni Kuya Niel and this time, I agreed with his statement. Kailangan ko pa ding magreview kahit na magpuyat pa ako ngayon. Worth it naman dahil nakabonding ko silang tatlo
"Saan ba ako nagtapos?" Tanong ni Mommy habang nakapaskil sa mukha niya ang ngiti
"Sa sinabi mo pong sila na" Sagot ko kaya naman napawi ang ngiting kanina lang ay nakapaskil sa kaniyang maamong mukha
Ano bang nakakalungkot dun sa sinabi ko? Kanina ko pa siya napansing ganun eh. Nung sinabi niyang sila na ni Tita Abegail at Tito Christian ay ganun din ang reaksyon niya
Hi-Hindi k-ka—no, no hell no!! Bakit naman magkakagusto si Mommy kay Tito Christian diba? Eh sila na nga din ni daddy nun eh, kalokohan Chanell!! Kung ano-ano iniisip mo!
"Mom bakit ba nalulungkot ka pag binabanggit mong sila na?" I asked out of the blue. Huli na upang mabawi ko iyon dahil nasabi ko na ng buo
Ngumiti siya ng pagkatipid-tipid kaya naman lalo akong naghinala. Tinignan ko naman si Daddy at kung saan lang siya nakatingin
"Kasi mas lalo silang dumistansiya sa amin ng daddy mo nuong naging sila" Sagot ni Mommy at bahagya siyang nalungkot sa sariling sinabi
Pati ba ngayon ay ganun pa din ang trato nila sa isa't isa? Nagtataka lang ako, base sa kwento ni Mommy ay grade school palang ay may gusto na si Tito Christian kay Mommy diba?
It's impossible for him to lose his feelings against my mom so quickly, isn't it? And Tita Abegail is the same. Hindi din lingid sa kanilang kaalaman na may gusto ito kay Daddy tapos bilang naging sila ni Tito Christian at Tita Abegail nang ganun kabilis?
"How's your relationship with them? Maybe you're okay because you already have a family of your own, right?" Tanong ni Kuya Niel. Umm may sense din naman pala si Kuya pag nagtatanong. Akala ko kasi panay kahanginan lang ang alam
"Platonic" Sagot ni Daddy na ngayon lang nagsalita. Tumingin pa ito kay Mommy at nagngitian sila. Owww masyadong in love sa isa't isa huh?
"Yes, at business partner sila ngayon ng daddy mo" Sang-ayon ni Mommy. Tumingin siya sa gawi ko at nagsalita "Naalala mo ba yung time na bumisita dito si Abegail at tinawag ko siyang Miss Alsaybar?" Tanong ni Mommy habang nakangiti pero ako ay parang tanga kakaisip kung kailan ko ba nakilala at nakita si Tita Abegail.
As far as I know, I have never met one of Kian's parents because when we were caught fighting, our parent was called and he just brought his guardian—maybe their mayordama
Business partner?
Miss Alsaybar?
Nag-isip ako ng nag-isip hanggang sa unti-unting lumaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa nalalaman ko. Biglang bumalik ang ala-alang iyon kamakailan lamang sa isip ko
'Ano ka ba Beatrice, maka-Miss ka naman parang wala tayong pinag-samahan ah'
'Ahh siya na pala yung unica-hija mo mars? Napakagandang bata'
'Ano ka ba anak, just call me Tita Erja or Tita nalang'
'Nakikita ko sa kaniya ang anak kong si Ashley, matatanggap pa ba niya ako sa kabila ng pag papaubaya ko sa kaniya sa ibang tao?'
Sumikip ang puso ko dahil sa nalalaman ko. Hindi ako makapaniwala sa impormasyong iyon. Si Tita Erja at Tita Abegail ay iisa?
Siya ba iyong nakita ko kaninang kausap nila Ella at Kian malapit sa gate? Iyong sinasabi ni Shane na Mom-typed girl?
Shit! Kaya pala pamilyar siya sa akin dahil kilala ko pala talaga siya!!
Is she the one in the corridor and talking to the woman in black who is bothering me?
Damn it! Ang tanga mo Chanell!! Ang tanga-tanga mo!!
Bakit Erja ang sinabi niyang pangalan sa akin at bakit hindi umapela si Mommy nung yun ang sinabi niyang pangalan nito?
At bakit Alsaybar ang kaniyang apelyido?
'Nakikita ko sa kaniya ang anak kong si Ashley, matatanggap pa ba niya ako sa kabila ng pag papaubaya ko sa kaniya sa ibang tao?'
Biglang bumalik ang alaalang iyon sa akin. Anak? So ibig sabihin ay may kapatid si Kian? Sinong Ashley? Hindi kaya'y siya yung babaeng nakaitim na kausap ni Tita Erja—shit Abegail? Damn! Naguguluhan na ako! Masyado akong nagulat at nanghina sa mga nalalaman ko kaya naman unti-unting nilamon ng dilim ang paningin ko at narinig ko nalang ang tili ni Mommy nang maramdaman kong bumagsak ako sa sofang naroon sa tabi ko
"DAMN, SHIT!!" I cursed consecutively when I realized na umaga na!!
Darn it!!!! Hindi ako nakapag-aral ka-k-kaga—tuluyan akong muling nanghina nang maalala ko ang nangyari kagabi.
Tita Erja at si Tita Abegail ay iisa. Shit heto na naman tayo!! Shit here we go again!! Who will I believe? The one who introduced herself as Erja or the one my mom and daddy said?
S-Sandali!! Pupwede namang isa duon ay nickname lang niya o second name hindi ba?
Kaya naman ng ma-realized ko iyon ay mabilisan kong nasapo ang noo ko dahil sa katangahan ko na naman. Ang tanga-tanga mo talaga Chanell sobra!!
'Her surname before is Alsaybar'
Biglang nanumbalik ang katagang iyon na sinabi ni Mommy kagabi sa akin
I know that Mom is just kidding me! She just want to confuse me. Knowing my Mom, she's childish right?
R-Right!
"Yeah she is!!" Pampakalma ko sa aking sarili at tumayo kapagkuwan at dumeretso sa CR upang maligo
Binuksan ko ang bottle ng bubble soap at ibinuhos iyon sa tub ko at tinansiya ang init at lamig ng tubig niyon. Naglagi ako duon ng ilang minuto at umahon na din kapagkuwan upang maligo. Inangat ko ang mukha ko at naramdaman kong bumagsak ang tubig na nanggagaling sa shower. Para akong kumalma dahil doon, na para bang bawat dampi ng tubig sa mukha ko ay nakakagaan sa aking pakiramdam. I suddenly missed going to lagoons, beach or resorts to refresh my mind
Bukas ay simula na ng isang linggong break namin. Why not planned something fun? Para naman mawaglit sa isip ko itong nalaman ko these past few days
Nang matapos kong maligo ay nagpalit na ako ng aking uniporme. At inayos ang sarili kapagkuwan. Bumaba na ako matapos kong gawin ang lahat ng kailangan kong gawin sa aking silid
Naabutan ko silang tatlo duon at mukhang kakababa pa lamang nina Daddy at Kuya Niel "Good morning" Bati ko sa kanilang apat pero ngumiti lang sila bagay na ipinagtaka ko
"How are you anak?" Mom asked and my brows creased because of what she asked
"I'm okay?" Hindi siguradong sagot ko dahil hindi ko naman alam kung bakit ganiyan sila mag-alala
"You fainted" Sabad naman ni Kuya Niel kaya naman napanganga nalang ako dahil sa mga reaksyon nila
"May nasabi bang mali ang mommy mo para himatayin ka bigla anak?" Pang-uusisa ni Daddy na siyang ikinailing ko
"Oh siya't umupo kana para makapag-almusal kana anak" Tugon ni Mommy kaya mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa inaasal nila. Masyado bang big deal yung mahimatay ako bigla? Hindi ba puwedeng mangyari sa akin iyon lalo na't ang daming impormasyong pumasok sa utak ko kagabi?
Tahimik lang naming tinapos ang pagkain naming lahat at dumeretso na kami ni Kuya sa school, samantalang sa work naman si Daddy. Mga bandang alas dies pa daw aalis si Mommy para sa bagong business na pagkaka-abalahan niya kaya siya ang naiwan ngayon sa bahay for the mean time
Tulala akong nagmamaneho papuntang school kaya naman laking pasasalamat ko nang makarating ako ng ligtas at walang gasgas maski isa dahil may posibilidad na madisgrasya ako dahil wala ako sa sarili ko
Ipinark ko nang maayos ang sasakyan ko at dinoble check ko muna kung nailock ko ba ito. Naglalakad ako at tinatahak ko na ang daan papasok sa BRIA nang bigla na namang bumalik sa alaala ko ang mga nalaman ko kagabi
Then reality kicked in...
I check my wrist watch at 6:30 AM palang. Ngayon lang ako pumasok ng ganito kaaga dahil kadalasan ay mga 10 minutes bago mag time ako pumapasok. Umupo ako sa isang sementong upuan na hindi kalayuan sa gate at inilabas ko ang libro at notes ko at inumpisang magreview kahit kaunti manlang para naman hindi ako nga-nga mamaya
Wala pang masyadong estudyante dahil isang oras pa bago magsimula ang aming klase. Kung normal day lang sana ay 7:00 AM ang time, pero dahil exam day ngayon ay 7:30 AM ang start. Kaya naman masasabi kong napakaaga ko nga naman ngayon. Mangilan-ngilan pa lang ang mga natatanaw kong estudyante sa hindi kalayuan at karamihan sa kanila ay mukha ding nag-aaral
Iwinaglit ko muna ang ibang nasa isip ko at itinuon na lamang iyon sa pagbabasa para naman kahit papaano ay may maisagot ako mamaya
Nang tumagal ay napagpasyahan kong pumunta muna sa canteen para bumili ng aking stress reliever.
Kinuha ko ang table knife at hiniwa ito. Matapos nun ay kinuha ko na ang kutsarang naroon at sinimulan ko nang kainin ang aking pakay pampaalis ng stress
Cake!
Latagan mo lang ako ng ganiyan sa harap ko ay tuwang-tuwa na ako sayo. I consider it a stress reliever because I just really love any flavor of it. But what I really liked was the Chocolate Mousse Cake. It's delicious and I really like the taste
Agad kong nilantakan ang stawberry cake na inihanda sa akin ni Manong Dante dahil out of order pa daw ang aking paborito
Makalipas ang ilang minuto ay biglang nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking coat
~One message received~
From: Shane
"Where art thou?"
Received! 7:15 AM
I rolled my eyes because of her question
Compose Message
To: Shane
"Hell"
Message sent! 7:15 AM
~One message received~
From: Shane
"Really? Then how's your birthplace? Is it good?"
Received! 7:16 AM
What the fuck? This girl really knows how to hit my fucking nerve!
Compose Message
To: Shane
"Fine, wanna come with me?"
Message sent! 7:16 AM
~One message received~
From: Shane
"Nah, thanks but no thanks. I'm fine here where I am belong"
Received! 7:16 AM
Compose Message
To: Shane
"Really? Where is that place?"
Message sent! 7:17 AM
~One message received~
From: Shane
"Heaven!"
R
eceived! 7:17 AM
Sa pagkapikon ko sa kaniya'y bigla ko na lamang binagsak ang cellphone ko sa sofang kinasasadlakan ko. Masyado talagang mapang-asar yung babaeng iyon ayst!!
Tinignan ko ang relo kong Rolex Datejust Pink Dial Oyster Watch. Marami akong collections na relo at iba-ibang brand iyon kaya naman kada araw ay iba-iba din ang ginagamit ko
7:19 AM na pala. Eleven minutes nalang ay magsisimula na
Konting tiis nalang Chanell! Bakasyon na bukas kaya pagtiisan mong ipasa yang natitira niyong ieexam
Nag-umpisa na akong maglakad at tinatahak ko na ang daan papunta sa building namin nang makita ko siya.
Bigla na namang bumalik sa isip ko yung nalaman ko kagabi that's why I badly need to talk to him. I want to ask, ask and ask until I get the answer that I needed.
Binilisan ko ang lakad ko dahil medyo malayo din ang kaniyang kinaroroonan. Mukhang papunta na din siya sa room kaya naman mas binilisan ko pa. Lakad-takbo ang ginawa ko para lang maabutan ko siya
Hinigit ko ang kaniyang braso at naiusal ang pangalang binanggit ko sa kaniya nuong nasa canteen kami na kagagaling lamang sa storage room
"Gray..." I said unconsciously. Hindi ko alam kung bakit yun ang nabanggit ko kaya agad ko din iyong binawi "I mean Kian" My heart was piercingly trouncing in my chest when our eyes locked on each other
"I want to ask you something" Walang paligoy-ligoy kong aniya. Napansin kong tumingin pa ito sa relos niya at tinignan muli ako
"Mabilis lang 'to kung sasagutin mo din siya nang mabilisan" Sabi ko. Gusto kong purihin ang sarili ko dahil hindi ako nagtunog sarkastiko
"What is it...Hazel?" Nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa pagpayag niya, kundi dahil iyon sa itinawag niya. Naalala kong binanggit niya itong pangalan na ito nung araw na sinabi ko din ang Gray na nickname para sa kaniya dahil sa kulay abo nitong mga mata
I was dumbfounded but I need to ask him a question to ease those thoughts in my mind "Do you have a sister?" I asked directly because we're running out of time para magpaligoy-ligoy
Natigilan siya sa aking itinanong at pansin kong nahulog siya sa malalim na pag-iisip
I snapped my fingers to his sight just to call his attention and he blinked twice palatandaan na nakuha ko ang atensyon niya
"DO YOU HAVE A SISTER?" I repeated
"Why are you asking me that kind of a question?" He asked curiously. Bakit ba hindi niya nalang ako sagutin nang deretso? Nagtatanong ako pero tanong din ang ibinabato niya sa akin, is he freaking crazy?
"Just straight to the point!" I hissed. Hayst sabi ko na't hindi magtatagal ang pagiging nice ko lalo na pag naiinip eh
"I don't have any siblings, why do you ask?" He said. Hahh!! Magsisinungaling pa siya? Bakit ba pilit niyang itinatago kung may kapatid ba siya. Is he aware kung anong ginagawa nung kapatid niya sa akin? Y-Yung Ashley ba yun? Yung narinig ko sa usapan ni Mommy at Tita Erja—arrghh Abegail? Fuck I don't know her real name!!
"Liar!!! Kung ganon, who is Ashley? Hindi ba't kapatid mo siya?" Panggigiit ko sa kaniya hanggang sa mapaamin ko siya
Shit madami pa akong tanong sa kaniya pero maski itong nag-iisa palang na naitanong ko sa kaniya ay hindi pa niya masagutan ng totoo
"Ashley? Ano bang pinagsasasabi mo, Natalya? Are you on drugs?" Inis na sabi nito and makes my annoyance step up to the next fucking level
D-Drugs?
What the hell!! I'm still trying to contain my anger dahil may kailangan pa ako sa kaniya!
"Just answer me honestly!!" Sigaw ko kaya naagaw ko na ang atensyon ng iba na ngayon ay nagmamadaling maglakad papunta sa silid nila dahil mukhang malapit nang magsimula at wala pa din akong nakukuhang sagot sa kaniya
"Sinagot ko na ang tanong mo Natalya! I don't know why are you insisting that I have a sister named Ashley because I have no fucking one! Shit!!" Sagot nito at kitang-kita ko sa mata ang confusion dahil sa mga sinabi ko
Kung wala siyang kapatid ni isa? Sino ang tinutukoy ni Tita Erja na anak niya na pinaubaya niya sa iba?
—°—
END OF CHAPTER 34!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top