Chapter 33
Nathalie Chanell's Point Of View
~KNOCK KNOCK~
"Chanell are you asleep?" Dinig kong tanong ni Mommy mula sa labas ng aking silid
"Not yet Mom, come here open the door" Sabi ko at napabuntong-hininga. Ano kayang sasabihin ni Mommy? Hindi kaya papagalitan niya ako dahil nalaman niya na ang ginawa ko sa school kanina?
Umiling ako dahil sa naisip ko. Kung ganun nga, dapat Liechan ang itinawag niya sa akin nung kumatok palang siya sa pinto.
"Oh, you're not reviewing your notes?" Nagtatakang tanong ni Mommy
"Later Mom, I'm just refreshing my mind" I answered. May balak naman talaga akong magreview dahil kapag hindi ako nagreview ay siguradong bokya ako bukas. Onting knowledge lang ang na-stock sa utak ko dahil hindi naman ako madalas makinig sa nile-lecture ng aming mga guro
Parang kailan lang nung unang pasukan-kung saan una kong nakilala si Kian
Wait...
Ki-Kian-What the hell? What are you thinking Chanell? Kailan ka pa nag-isip ng ganoon?
Well ngayon!
"Pangalawang buntong-hininga mo na yan anak simula nung pumasok ako dito ah" Napantig ang tenga ko nang marinig ko ang tinig ni Mommy. Aishh bakit ba nakalimutan kong pinapasok ko na nga pala siya
"I'm just thinking about my first day of school" I answered honestly. Nakita ko namang sumilay ang nakakalokong ngiti ni Mommy kaya hindi ko naiwasang samaan siya ng tingin dahil baka kung ano-ano na naman ang nasa utak nito at baka isipin pa niyang iniisip ko si Kian na iyon
Siya naman talaga diba?
"Arggghh Mommy, sagutin mo nga ako. Pwede bang magamot ang sakit kong 'to?" Hesitant kong tanong kay Mommy kaya napansin kong kumunot ang kaniyang nuo "Are you sick?" She asked with worried look for me
Umiling ako "I mean, pwede bang matanggal yung ugali kong kinakausap ko yung sarili ko at sasagot din ito at the same time sa loob-loob ko?" Inosenteng tanong ko. Yes, I'm still innocent you know!
My Mom burst out laughing and it's irritating the way she laugh. Just like 'what-the-hell-are-you-serious?'
Okay, I'm overacting, I know na wala namang ganun na pati sa pagtawa ay may ganoong ibig sabihin iyon "Mom, take this seriously, I want to ask you again something important" Seryosong tugon ko kaya naman sumeryoso na din si Mommy. This is what I like the most about my Mom. When I say, I'm serious, she'll take it really a serious one that's why I love her that much
"What is it Liechan?" She asked seriously, but half of it was in a worried tone.
Here we go again 'bout Liechan thingy. I sighed before I answered her question
"Did you already consult our private doctor?" I asked at nagulat ito dahil sa tanong ko. Well, who doesn't? I said that this conversation is serious and important, then I talked about our private doctor if she has ever talked to him. I wanted to laugh because of Mommy's reaction, but she still managed to shake her head off.
"Are you normal Mom?" I asked and her eyes becomes wider when she realized kung ano ang tinutukoy ko. Kaya bago pa ito maka-apela ay sinundan ko na muli ang tanong ko "Are you sure that you're not-you know, abnormal, nuts just like th-"
"Chanell!!" Mom cut me off. At ang kaninang pinipigil kong pagtawa ay nilabas ko na kaya naman lumabas ang childish side ni Mommy at nagmaktol sa harap ko
"Alexissss" Maktol niya habang tinatawag ang pangalan ng asawa
"Honey!! Rescue please" Anito kaya natawa ako sa sinabi niya
"Ohh gosh, Honey 911 oh please your daughter!!" Sigaw niyang muli ngunit hindi pa din dumadating si Daddy
"Arggghh, whatever! Sa labas ka matutulog ngayong gabi!!!" Sigaw muli ni Mommy pero mas lalo ko lang itong tinawanan
Mukhang nakakalimutan niya ata na sound proof ang kwarto kong ito? Tawa lang ako ng tawa na parang walang nangyari kanina sa school
My mom is a hopeless case dahil kapag ganito ay nagpapatulong talaga siya kay Daddy "Mom stop it" I said pero hindi ko pa din napigilan ang matawa
"Hindi ka maririnig ni Daddy dyan Mom. Baka nakakalimutan mong sound proof ito?" Pasiring ko siyang tinignan and her mouth formed into an 'O' shaped
"Hmmft, bahala ka. Bababa na si Mommy at magpe-prepare na for dinner" Anito sa nagmamaktol pa ring tono ng pananalita
"But Mom, I still want to talk to you" I said and I saw her pouted
Papayag yan panigurado!
"Okay baby" I knew it! She grinned ear to ear and faced me again.
"What about...tell me about your love story with dad?" This time ay ako naman ang ngumiti ng pagkalaki-laki dahil sa naisip kong idea. I haven't heard about their love story before kung paano nila nakilala ang isa't isa
"Okay, I would love to share that. But baby, it's a long story" Animong kinilig pa si Mommy sa kaniya mismong sinabi pero napasimangot din siya nung banggitin niyang long story iyon at parang sinasabi niya na din na hindi niya iyon maikukwento ng detailed dahil kulang ang isang gabi para matapos lahat iyon
"Then make it a short story mom, first meet niyo lang then kung paano kayo napunta sa stage na iyan with Dad" I said kaya napangiti si Mommy
"Hmm, me and your dad was a high school lovers" Panimula ni Mommy. Para pa akong nakakita ng kislap sa kaniyang mga mata nang sinabi niya iyon. In love na in love?!
Napailing nalang ako sa aking iniisip at itinuon ko nalang kay Mommy ang aking paningin
"How did you meet?" I asked curiously. Well, curiosity kills ika nga. I want to ask, ask, and ask hanggang sa wala na akong matanong pa
"Umm transferee ang daddy mo noon. Sa totoo lang ay medyo may pagka-maldita din ako nung araw ko kaya siguro nahumaling lalo ang daddy mo sa akin" Aniya at para pa itong teenager kung kiligin. Malala na!
"Transferee" Usal ko at nakuha pang tumango-tango na parang tanga. Bigla namang pumasok sa isip ko si Kian dahil transferee din pala siya
W-Wait ngaa!! Bakit ko ba ikinokompara!?
That's it "Saang school naman daw po nanggaling si daddy noon?" Tanong ko. Ngumiti naman sa akin si Mommy na siya na namang ipinagtaka ko
"Sa Biñan siya noon, that school is a public school. Sakto lang din ang lawak nun pero sabi ng daddy mo ay maganda daw duon. At kapag nagloko ka sa BRIA ng husto ay dun ka balak ilipat ng Daddy mo para maging exchange student for 3 weeks" What the hell? E-Exchange student? Public School? Biñan? H-Hell noooo!!
I rather die than go there. Oh my goodness, I can't imagine myself wearing their less fashion uniform. Oh my goodness, I can't stand without aircon. At ohh!! Baka marurupok din ang building nila dun dahil wala silang fund para ipa-renovate or substandard ang gamit na materials kaya noooo!! Hindi ako papayag. Hindi ako bagay doon!!
"I know what you're thinking Chanell" Mom said and laugh afterwards
"Don't worry, I know that you can't stand there so please be good to everyone para hindi kami mapilitan ng daddy mo, you know that we're doing this for you not to be a brat kid pero mukhang may ganoong side ka pa din gaya na lamang nang ni-report sa akin kanina" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mommy. Hindi na dapat ako magtaka dahil alam kong malalaman at malalaman din agad nila daddy iyon pero heto't hindi ko pa rin mapigilang magulat
"Hep, hep mommy. Don't open that topic, you're going to share your story with dad right?" Hopeless kong tanong ngunit ngumiti muli si Mommy nang malaki na g mukhang may naalala
"By the way mom, anong name nung school na pinasukan ni Daddy dati?" I asked out of the blue. Hindi sana iyon ang itatanong ko pero iyon naman ang nasabi ko kaya hinayaan ko nalang for more information na din
"He studied at Catarina National High School"
'He studied at Catarina National High School'
'He studied at Catarina National High School'
'He studied at Catarina National High School'
It seems familiar. I don't know when I heard it, but I know that this isn't the first time that I heard about that school
Ngumiti nalang ako ngunit kasabay nuon ang isang alaalang nag flash sa isipan ko
"Hi! I'm Ella Valdez and I am 17 years old. I ju-just want to share t-this one, umm d-di po kami mayaman pero dahil sa s-scholarship ko kaya ako nakapag-aral sa magandang p-paaralan na ito. G-Galing ako sa Public School. Catarina National High School po to be exact. And I h-hope na maging c-close ko kayo"
Shoot!! Catarina National High School ang pinanggalingan din nung magka-kaibigan na iyon.
"What a great coincidence .om, dun din po nanggaling sina Kian-you know, my mortal enemy" Pagpapaliwanag ko. Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Mommy
"Continue mom, I'm really interested with your story" Pagpapatuloy ko dahil baka may sabihin na naman siya't asarin ako sa pangit na iyon ayst, knowing my mom
"I'm rude back then kaya sinungitan niya ako nung nakalinya kami sa canteen ng BRIA dahil siningitan ko daw sila sa pila. As what I've said, may pagka-maldita din talaga ako nuon kaya naman hindi ko tinigilan ang daddy mo sa pambubwisit sa kaniya" Nanlaki ang mga mata ko at wala na atang mas mailalaki ito dahil talaga namang gulat na gulat ako dahil sa sinabi ni Mommy
"Mom, are you kidding me? Totoo bang iyan ang first meet niyo ni daddy?!!" Singhal ko kay Mommy. Oh my goodness I know that she's just kidding, knowing my mom, she's childish just like that!
I know that she's playing prank with me. But kung nagbibiro nga siya, paano niya naman nalaman na yun ang first meet namin ni Kian?-Jeezzz Kian ako ng Kian eh wala namang binabanggit na Kian si Mommy. Am I crazy? Jeez hell no!
"Baby, I'm not kidding. That's really the story of our first meeting" Nilingon ko si Mommy at nakita ko sa kaniyang mga mata na nagsasabi talaga siya ng totoo
"But that's the story of our first meet too... He's also a transferee from Catarina National High School" Sabi ko sa sarili ko
"Ohh second generation huh!" Dinig kong sabi ni Mommy kaya nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito
"Second generation? Mom, what are you talking about?" I asked full of curiosity
"You said that it is your first meet with Luis and he's also a transferee from Catarina right?" What the hell? My Mom is a mind reader. Oh my goodness, be careful on what you're thinking Chanell. Your Mom is freaking mind reader
"Oh com'on Chanell, I'm not what you think" Napahalakhak pa si Mommy dahil sa kaniya mismong sinabi
"But how did you know that?" Tukoy ko sa sinabi ni Mommy
"Well, you're sick right?" She said, and with that? I messed my hair in frustration. Gosh!! Kailan ba ako gagaling sa sakit na 'to!!
"Mom, wala ka nang natapos sa kuwento mo" Pagpapa-alala ko sa kaniya
"Paano kasi, you have lots of side comments" Oh jeezzz so kasalanan ko pa pala? Okay. Nginitian ko naman si Mommy ng tipid kaya pinagpatuloy na nito ang kuwento. Di bali na nga, minsanan nalang ang comments ko kung sakali
"The moment I entered in our canteen in BRIA, I'm with my friends. Ang parents ni Luis" Napaawang ang bibig ko nang wala sa oras
Oh shit, binabawi ko na agad ang sinabi kong minsanan nalang akong magco-comment
"Mom, bakit hindi mo agad sinabi na kaibigan mo pala ang parents ni Kian?!!" Bulalas ko dahil sa gulat. Ilang beses ba dapat akong magulat sa araw na ito dahil sa nangyari at sa kinukwento ngayon ni Mommy? Hundred of times ba dapat iyon?
Tumango si Mommy "Since grade 6 ay magka-kaibigan na kaming tatlo nina Abegail at Christian. Hindi lingid sa kaalaman ko na nuon palang ay may gusto na si Christian sa akin-ang papa ni Luis" Pagpapatuloy ni Mommy. Sa maraming pagkakataon para sa araw na ito ay nanlaki na naman ang mga mata ko dahil sa gulat. Surprising!!
"The moment I entered in the school canteen, I'm with Christian and Abegail. They asked me to fall in line para bumili ng aming meryenda kaya naman ang ginawa ko ay sumingit ako sa linya sa pinaka-una dahil nasa isip ko nung oras na iyon ay walang sisita sa akin dahil kay Lola palang nakapangalan ang BRIA bago kay Mama" Okay, hindi na dapat talaga ako magugulat pero hindi mo maaalis sa akin iyong kwento ni Mommy. Yun talaga ang eksaktong nangyari sa akin
"Pero akala ko lang pala iyon dahil may naglakas-loob na pagsabihan ako at iyon ang daddy mo. Sa sobrang inis ko ay nag walk-out nalang ako" Ngumiti pa si Mommy na animo'y isa iyong magandang alaala. Bakit siya ngumingiti?
"Sinabi sa akin ni Abegail na iyon daw ang kauna-unahang nagwalk-out ako and worst sa marami pa daw na tao" Pagpapatuloy ni Mommy. Yeah ganun din ang sinabi sa akin ni Shane that time
'Uy Lie, bat ka na naman nag walk out huh? Kailan ka pa naging walk out Queen Nathalie Chanell Buenaventura?'
Umiling nalang ako dahil sa araw na iyon ay tatlong beses akong nagwalk-out, which is rare for me!
"Lumipas ang ilang araw at lumala ang cat fight namin ng daddy mo" she paused. "Until nakipag-friends si Christian at Abegail kay Alexis" Okay, medyo lumihis na. Napabuntong-hininga ako duon dahil akala ko ay magtutuloy-tuloy ang kwento ni Mommy na magkaparehas kami with Kian
Well, hindi naman nagtagal ang cat fight namin ni Kian. Mga three weeks lang ganun pero kina Mommy at Daddy ay months pala ang inabot
"I have no choice but to accept na makakasama ko na din siya araw-araw when he accepted the offer. Hindi kami masyadong nag-iimikan dati dahil awkward iyon sa pagitan namin. Tska lang kami magtatangkang kausapin ang isa't isa kapag kailangan lang talaga" Aniya
"Seatmate pa kami nuon na apat dahil halos magkakalapit lang ang surname namin pag titignan mo ang first letter nito" Sabi ni Mommy at bahagya pa itong natawa
"Ah, wait lang mom, ano po bang surname ni Tita Abegail nuong dalaga pa siya?" I asked. Nagtataka naman itong tumingin sa akin at sinabing..."Hindi mo alam?" I scoffed and rolled my eyes. Tatanungin ko ba kung alam ko? Hayst Mommy talaga
"Ohh maybe you forgot it. Her surname before is Alsaybar"
'Her surname before is Alsaybar'
'Her surname before is Alsaybar'
So their arrangement ay ganito...
Alsaybar, Andreda, Asuncion and Buenaventura
Ganiyan kasi ang karamihang arrangement sa BRIA. Alphabetical order pero hindi siya alternate like boys and girls ganun.
"What's next?" Tanong ko na g matigilan ito
"Nang tumagal-tagal kasi ay muntik nang masira ang samahan namin" Sabi ni Mommy at bakas ang lungkot sa boses ni Mommy ng sabihin niya iyon
"Naging okay na kami noon ng daddy mo, nagpapansinan na din kami pero siya pa din ang great enemy ko" Tuloy nito
"Ano naman ang nakakalungkot dun Mom?" Paano ba kasi ay wala namang nakakalungkot kung iisipin. E diba mas okay pa yun dahil nagkabati sila ni daddy nun?
"The problem is... hindi lingid sa kaalaman namin na may gusto si Abegail sa Daddy mo that time at may gusto naman si Christian noon sa akin at muntik na ngang masira ang samahan namin noon dahil nagkakamabutihan na kami noon ng daddy mo" Paliwanag ni Mommy. Hindi ko na napigilan pang ipakita ang reaksyon ko. How cruel!!
Napakalupit naman ng tadhana sa kanila. Sa tagal nang magka-kaibigan nina Mommy, Tito Christian at Tita Abegail ay ganun lang ang magiging sanhi ng pagkawasak ng friendship nila?
P-Pero muntik lang sabi pala ni Mommy hehe
"Bakit naman muntik lang mommy?" Tanong kong muli. See, hindi ko na natupad ang sinabi kong minsanan nalang ang comments dahil hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mang-usisa
Hindi ako madaldal don't get me wrong duhh!!
"Kasi ay may minsan sinabi nilang okay na, okay nalang daw sa kanila. Yun ay yung araw na naging kami na ng Daddy mo" T-Teka, bakit kumabog ng mabilis ang puso ko? Tila'y masama iyon sa pakiramdam ko pero wala naman akong maramdaman ni ano sa katawan ko. Parang isa itong masamang kutob na hindi ko alam kung saan nagmumula
"Okay na daw sa kanila pero binibigyan nila ng distansiya ang sarili nila sa amin ni daddy mo. Hindi ko nga alam kung masasabi ko pa nga bang buo pa rin kami dati dahil naging cold na ang treatment nila sa amin ng daddy mo" Malungkot na namang aniya ni Mommy
"Until we heard the news" Pambibitin nito. T-Teka, bat mukhang ang seryoso na ni Mommy? Bakit ngayon ko lang napansin eh kanina pa nagsimula ang kwento niya?
"What news?" I asked. Ngumiti ito nang matipid at sinabing... "Sila na"
Pagtatapos ni Mommy at tumayo matapos nitong tignan ang kaniyang relong pambisig
"Wait lang naman Mommy, ang konti palang nang naikuwento mo tungkol sa inyo ni Daddy eh. Karamihan naman dun ay tungkol sa friendship niyong apat" Mapait kong pagkasabi. Paano ba naman kasi eh sabi ko ay love story nila ni Daddy ang i-share niya pero mas madami naman siyang nasabi sa friendship ng parents ko at parents ni Kian kaysa sa kwento nila ni Daddy eh
Nakuha pang tumawa ni Mommy dahil mukhang natunugan niya ang mapait kong tono kanina "Still, you enjoyed it. We'll do that again next time at tatawagin ko na din ang daddy mo kapag nagkataon dahil hindi ko kakayanin kapag ako lang dahil madami kang tanong baby" Sabi nito at tumawa pa nang tumawa.
Kanina malungkot lang siya, tas ngayon ay tawa na siya nang tawa. Weird bipolar!!
"Let's go downstairs at maghanda na tayo for dinner" Sabi nito at inakay na ako pababa papunta sa dinning area
It's already 7:30 in the evening at naghahanda na kami ni Mommy for dinner. Wala pa sina daddy at kuya Niel pero malamang ay pababa na din ang dalawa
Eksakto namang pagkatapos naming ihanda ang pagkain ay siya ring pagbaba ni Kuya Niel at Daddy
"Good evening everyone!!" Sigaw ni Kuya nang makarating siya harap namin ni Mommy
"Oh good evening handsome!" Biro ni Mommy kay kuya Niel at humalik pa si Kuya sa pisngi ni Mommy at sumunod naman si daddy at tska ako binalingan ni kuya
"Good evening Changet!!" Pang-aasar nito't nalukot ang mukha ko "Hep! Hep! Don't come near me Kuya Nathaniel!!" Pagtatawag ko sa buong name nito
"Oh Changet common, just one smack on your cheeks" Akmang lalapit ito ngunit inambaan ko na agad ang kamao ko sa kaniya
Tawa-tawa naman si Mommy't Daddy "Enough na babies, let's have our dinner together" And with that, Kuya Niel and me darted a death glare to our mom who's now laughing out loud
Napailing nalang ako sa sinabi ni Kuya Niel dahil mas prefer pa daw siyang tawagin na handsome kaysa sa baby
Well I can't blame him because I prefer gorgeous also than baby
Umupo ako sa tabi ni mommy at nilagyan naman nito ng rice ang plate ko. "Mom enough, I'm on a diet!!" I squealed
"Then no diets for now" Kuya Niel insisted. Argghhh, nakakaasar ka talaga kuya!!
Pinagmasdan ko lang si mommy at mukhang maglalagay ito ng seafoods sa plate ko eh halos wala na ngang space yung plate tapos may idadagdag pa siya? Oh gosh!! Masisira diet ko nito!
"Eat a lot Chanell, ubusin mo yan. Maraming-"
"Maraming bata ang hindi nakakakain sa lansangan kaya masuwerte ka't nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw" Pagtatapos ko sa sasabihin ni Mommy. Memorize ko na yan eh, simula nung bata ako at pag ayaw ko ng pagkain ay 'yan ang sasabihin niya. Pag di naman ako kakain, yun din ang sasabihin niya kaya naman kabisado ko na ang linyang iyon ni Mommy
Nginitian lang ako ni Mommy ng malaki at parang sinasabi nitong mabuti at naaalala ko pa ang pinapayo at sinasabi niya nung bata pa ako.
"Btw, how's your exams?" Tanong ni daddy kapagkuwan. Binaba naman ni kuya ang kaniyang kubyertos at tinignan nito si daddy nang nakangiti
Tsk sipsip!
"Doing good dad, remember that I'm excellent" Whooo, parang mukhang lumakas yata ang ihip ng hangin
"I know that son" Singit ni Mommy. Kaya mas lalong lumalaki ang ulo ng kaniyang anak na lalaki eh, masyadong pinapaburan sa kahanginan hahahaha
Napairap nalang ako sa kawalan at napansin kong ako na tinignan ni Daddy "Well, I'm doing-ummm, my best?" Nag-aalinlangang sagot ko. Totoo naman ah
"Stop playing with your studies Chanell, you are supposed to be a first-year college student, but you did nothing but put some less effort into it. Please anak, this is also for your future" Seryosong sabi ni daddy habang nakatingin ito sa akin. Imbis na sabayan ang mood niya ay nilihis ko pa ito
"Dad common, don't be so serious. I still know my limits about that" Hindi kasi ako sanay na seryoso si daddy dahil mabait talaga siya since then. Nagagalit lang siya kapag sobra na ang nagagawa namin ni Kuya na hindi maganda o hindi kaaya-aya
"By the way sad..." Kuha ko ng atensyon sa kaniya. Nakatingin lang sila sa aking tatlo habang hinihintay ang aking sasabihin
Ngumisi ako nang nakakaloko kay Mommy kaya nanlaki ang mga mata nito. Wala pa akong sinasabi pero alam na agad niyang siya ang topic na 'to. I want to laugh gaya nung pagtawa niya kanina sa room but I can't do that dahil nasa harap kami ng pagkain
"What is it Chanell?" Tanong ni Daddy, walang ideya.
"Mom said th-"
"I to-told her about o-our story" Pagtatapos ni Mommy kahit hindi naman dapat iyon ang sasabihin ko
Umalma si Kuya dahil bakit daw wala siya duon nung ikinuwento nito. Tawa-tawa ako sa reaksyon niya dahil hindi lang siya nakuwentuhan ay ganiyan na siya
"Mom, gusto daw ni kuya Niel ng bed time story later, but instead of fairytales or whatsoever, story niyo daw ni daddy ang gusto niya" Sabi ko at pinipigilang matawa. Namula si Kuya dahil sa sinabi kong 'bed time story'
Bago pa makapag-salita si Kuya Niel ay narinig na namin ang boses ni Mommy "Reallyyyy??" Excited na tanong ni Mommy. Natawa nalang kami ni Daddy dahil halata namang ayaw ni Kuya pero mukhang excited na si Mommy para sa 'bed time story' para kay Kuya Niel
"Mom, I really want to hear also your story with Dad but I don't like in that way I'm no-"
"Baby, ayaw mo na bang katabi akong magsleep? Nung maliit ka pa ayaw mo ngang umalis si mommy sa-"
"Mom!!" Tawa-tawa kaming dalawa ni Daddy habang nilalantakan ang dessert na nakahain
Halos di na maubos ni Kuya Niel ang nasa plato niya dahil sa pamumula. Pinapaalala kasi ni Mommy yung tungkol sa kabataan ni Kuya Niel kaya tawa kami ng tawa
Dad cleared his throat before asking "Hon, ano namang kinuwento mo sa Princess natin?" And my heart melted. Not because of what he'd said, kundi dahil sa tinawag niya sa akin...
Princess!
"Ummm our first met?" Nag-aalangang sagot ni Mommy kaya naman siningit ko na ulit yung sasabihin ko sana kanina
"Dad, you know what? Mom said na sa labas ka matutulog ngayong gabi" Pilyang sabi ko. Napanguso naman si Mommy doon at natawa naman kami ni Kuya Niel sa kaniya
"Why? Did I say and do something wrong, Hon?" Tanong ni Daddy pero namula lang si Mommy na parang teenager
Hindi ko na nga masubo-subo itong cake sa bunganga ko dahil sa reaksyon ni Mommy
"No Dad, nakalimutan ata kasi niyang sound proof ang room ko then she keeps on calling your name dahil binubully ko daw siya that's why sinabi niyang sa labas ka matutulog kasi hindi ka manlang sumipot sa kwarto ko" I said then burst out laughing
"Oh, Mom also did that to my room, she keeps on calling your name pero pinaalala ko ding sound proof ang kwarto ko" Sabi ni Kuya kaya walang humpay ang tawa naming tatlo dahil mamula-mula na ang mukha ni Mommy
Kanina ay si Kuya Niel lang ang ginaganyan but it turns out to my Mom
"Hon naman, sa kwarto ako mamaya hah? Hindi ako makakatulog sa labas ng bahay, you want that?" Pagpapaawa ni Daddy kay Mommy
Habang nakatitig sa kaniya ay nahulog ako sa malalim na kaisipan.
I'm lucky to have them in my life. I'm lucky to have mom as my mother and also dad and Kuya Niel to be part of my life
Life isn't perfect, nawala sa amin si Vier but nakaya namin kahit hindi pa naghihilom ang sugat sa puso namin
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan sila Mom and Dad to witness my life but I know that, if I really need them the most, alam kong nandiyan lang sila to show their love and care for me
Even if we're not a complete family anymore, I know that we're still complete by love. Wala man si Vier dito sa mundong ito, alam ko't sigurado akong nandito lang siya sa puso ng bawat isang nagmamahal sa kaniya ng todo.
—°—
END OF CHAPTER 33!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top