Chapter 32
Nathalie Chanell's Point Of View
Gusto kong sumigaw pero nanghihina ako dulot sa pangyayari kanina at maging sa madilim na paligid na naranasan ko sa loob ng cubicle na 'yon
Nanlalaking mata lang ang nagawa ko nang makita ko ang nakasulat sa malaking salamin
"BLACK"
Biglang tumunog ang aking cellphone kaya naman kahit medyo hindi makagalaw ay pinilit ko pa ding tignan ito kung sino sa dalawa ang tumatawag at nakapaskil sa screen nito na si Shane iyon
Iniba ko talaga ang ringtone para sa kanila. The rest is normal ringtone at sa tingin ko ay ganun din ang ginawa ng dalawa para malaman namin agad na sa amin lang tatlo umiikot ang tawag na iyon
Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko at muntik pang end call button ang napindot ko dahil magalaw masyado ang mga daliri ko dahil pa din sa panginginig na nararamdaman ko.
"S-Sha—"
[Ano ba naman yan Lie!! Katagal mo naman mag CR! May LBM ka ba? Bakit di mo agad sa amin sinabi para nakabili na sana kami ng gamot ni Celes kanina pa at—]
"S-Shane"
[At desidido ka na ba talaga sa—]
"Sh—"
[Ano ba!! Bakit mo ba ako pinuputol? Shane ka ng Shane, alam kong Shane ang pangalan ko kaya wag ka nang paulit-ulit my gosh desidido ka na ba talagang magmadre bakit hin—]
"Shane please help me out of here"
[Please help me out of–o-out–What the hell Lie? Where are youuu!!] Sigaw nito matapos akong gayahin sa linya ko. Kung wala lang sana ako sa sitwasyon na 'to ay malamang umikot na ng todo ang mata ko dahil kakasabi niya lang na 'bakit ang tagal ko dito sa cr' tapos ngayon tatanungin niya kung nasaan ako?
"Look! I'm l-locked Shane Ryie, please faster. Jeezz I hate this place anymore!!" Sabi ko kay Shane kasabay ng pagbanggit ko ng 'Ryie' sa kaniyang pangalan. Alam kong si Zafrane lang ang tumatawag sa kaniya ng second name niya pero hindi ko na napigilan pa dahil sa nginig ko dito sa loob
[O-Okay I'm on my way!!] Aniya tska nito pinatay ang tawag.
Paikot-ikot lang ako sa loob ng CR at hindi mapakali. Sinubukan kong pihitin muli ang pinto nitong CR pero wala talaga. Parang may puwersang pumipigil sa labas nun kahit alam kong impossible dahil baka may makakita sa black na yun kung sino man ang may lakas ng loob para gawin ito sa akin ngayon
Sa inis ko ay bigla ko nalang tinadyakan iyon pero kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto at tumambad sa akin ang dalawa kong kaibigan na halata sa mukha nila ang pag-aalala. Kasama din nila yung dalawang key keeper ng unibersidad at maingat nila akong pinagmasdan na mukhang sinusuri ang kabuuan ko
"Oh my badness. Lie, what happened to you?" Hindi ko na sila sinagot pa at dali-dali ko nang linisan ang lugar na iyon
Narinig ko pa silang nagpasalamat sa key keeper bago ako sinundan. Pasimple ko pang sinulyapan ang aking relong pambisig at napasinghap ako nang malaman kong halos thirty minutes akong nakakulong sa CR na 'yon. 4:33 PM na at hindi pa ako nakakapag-meryenda ngayong hapon dahil may kinailangan akong tapusing requirements. Tatlo sa umaga ang itinake namin na exam at dalawa naman sa hapon kaya bali isang oras ang break time namin nitong hapon pero ginugol ko lang iyon sa paggawa nung project na 'yun
"Chan please kausapin mo naman kami, we're so worried about you" Tugon ni Celes. Dumeretso ako sa upuan duon sa may umbrella tree at napabuntong-hininga ng malakas sapat lang para marinig nila at maramdamang wala akong balak na magkwento sa ngayon
"What about the 'black' word na nakasulat sa mirror? What does it mean?" Usisa ni Shane kaya nanumbalik muli sa akin ang nakasulat duon sa salamin at tska ako biglang nagtaka
Paano niyang nagawa na isara ang pinto ng cubicle na kinaroroonan ko kung mag-isa lang siya? Paano niya nagawang magsulat sa salamin habang pinapatay-sindi ang ilaw na ganoong kabilis? Paano niya nagawang lumabas sa comfort room na iyon na walang ginagawang ingay? Paano niya nagawa iyon ng mag-isa lang siya?
"L-Lie—Lieee!!! Saan ka pupunta. Wa-Wait up!!!" Dinig kong pahabol ni Shane ng salita nang padaskol akong tumayo at naglakad palayo sa kanila
One person can't do that, and that's what I'm sure of. If any of you dare to do that to me, I will first forget what Mommy and Daddy and I talked about. The hell do I care? If I am useless as the Queen of this school and I experience this, I will not really allow that as its next heir. I will return to my habit here at BRIA so that they will no longer try to anger and intimidate me.
Hindi ako tanga para hindi ko mapansin na may mga galit din sa akin dito pero ang isang grupo lang na 'yon ang may lakas na loob na banggain ako. Yung tatlong impaksa sa classroom ay walang magawa kundi pag tingin lang ng masama sa akin ngunit ang grupo na iyon? Simula nang mawalang bisa ang titulo ko bilang Queen at tagapagmana ng eskwelang nilalakaran, pinapasukan at pinag-aaralan nilang tatlo.
Padarag kong tinulak ang pinto ng control room at hinarang naman ako ng guard roon ngunit hindi ako nagpatinag. Nagpumiglas akong makapasok duon para tignan sana ang footage para malaman ko din kung sino yung mapangahas na nang-gago sa akin
"Miss hindi po talaga pwedeng basta nalang kayong tumingin at magcopy ng footage diyan at tsaka restricted area po ito para na din sa ikabubuti ninyong estudyante" Persistent na sabi ni Manong Guard pero pinanliitan ko lang ito ng aking dalawang mata
"Yun na nga Manong eh! Kakasabi mo palang na para sa ikabubuti ng mga estudyante kaya naman gusto kong makita ang footage para malaman ko kung sino yung mga taong naglock sakin sa CR na iyon" I insisted. I could still see the doubt on his face and he was still trying to block his body so I can't get inside
Kaya naman isa lang ang naiisip kong paraan para mapapayag siya "Hindi mo ba ako nakikila Manong Guard?" Saad ko. Palapit naman ako nang palapit sa kaniya at sa paglapit ko'y siya ring pag-atras ng dalawang paa niya hanggang sa mapasandal ito sa pinto ng silid na pakay ko
He just turn his head alternately from left to right as an answer "Kilala mo naman kung sino ang may ari nitong eskwelahang ito maski ang lupang kinatatayuan mo diba?" Tanong ko at tumango ito bilang sagot sa aking katanungan
"Kung gayon ay bakit hindi mo ako nakikilala?" Bahagya ko pang tinaas ang isang kilay ko at napansin kong nagulat ito dahil sa itinuran ko
"I am Nathalie Chanell Buenaventura, the heiress of this university so if you still love your job, fix yourself at alamin mo kung sino na ang kaharap mo. Naiintindihan mo po ba Manong Guard?" Pasensyadong tugon ko
Bumakas sa mukha niya ang gulat at takot kaya pinagbigay ako nito ng daan para makapasok.
Napangisi nalang ako dahil sa ginawa ko. Pati guard niyabangan ko na psh!
Hindi ako techy kaya naman nagpapasalamat ako dahil meron din palang naka-toka sa loob nitong silid na ito
Sinabi ko sa taong iyon ang pakay ko at agad niyong hinanap ang footage bago ako pumasok sa comfort room na iyon
Nakita ko na ang sarili ko sa screen ng computer at kasunod niyon ay ang tatlong babaeng inaasahan ko. Hindi muna ito pumasok sa loob at mukhang naghahanap pa ng timing bago pumasok
That's it! I already reached my fucking limit!
At gaya ng ginawa ko kanina nung nasa umbrella tree kami ay padaskol kong hinablot ang bag ko sa upuan
Poor Louis Vuitton!
Kanina ka pa nahahatak dahil sa mood kong 'to. Don't worry dahil papalitan kita ng mas mahal sa sabado
Habang naglalakad ay namataan ko sina Celes at Shane sa field at mukhang may hinahanap. Paglingon nila sa gawi ko'y agad na nagliwanag ang mukha nila kaya naman napagtanto kong ako ang hinahanap nila
Mabuti na din at nakita ko 'tong dalawang 'to para hanapin yung mga tatlong hampas-lupang babae na kalalakas ng loob na banggain ako
"Oh my badness Lie!! Alam mo bang para kang cheetah dahil hindi ka na namin naabutan pa!! Again, where have you been?" Bungad nito sa akin ng malapitan nila ako. Hindi naman umimik si Celes na siyang ipinagpasalamat ko
"Will you please stop talking? You're irksome. Help me first to solve this. Let's go" I said showing my bitchy side
"Oh-uh. Bitch mode huh" She then rolled her eyes. Itinuon ko naman ang paningin ko kay Celes at nagsalita "If she can't just help me, can you do that for me, Celes?" Sabi ko't tila nagpaparinig.
Ngumiti naman si Celes sa aking 'tinuran. Well as usual, anghel eh. "Anong tulong ba ang kailangan mo hah?" Sabad na naman ni Shane sa usapan. Pinanliitan ko lang ito ng aking dalawang mata at inirapan kapagkuwanan
"You're not belong here shupiii" I said emphasizing the word 'not' and 'shupiii'
Sinulyapan ko ang aking relong pambisig then I realized that we're running out of time "Let's go, hanapin natin yung may pakana kung bakit ako nakulong sa lugar na iyon" I said half explaining
Sinimulan ko ng ilibot ang dalawang mata ko sa field ngunit wala akong natagpuan ni isang anino nila
Nagtatago na yata tsk!
"Y-Yung may—whaaaatt?? Yung may kasalanan kung bakit ka nalock sa CR na 'yon?" Bulalas ni Shane at tinakpan pa ang bibig ng malaman niyang napalakas ito.
Yun nga ang sabi ko, inibahan mo lang ng term!
Sabi ko sa isip ko. Gusto kong isatinig iyon ngunit baka mas humaba pa ang usapan at abutin kami ng siyam-siyam kapag nagkataon
"Teka Chan, sino ba kasi ang hinahanap natin? Paano namin masasabing siya nga ang hahanapin kung hindi mo naman sinasabi kung sino yun at describe na din kahit konti" Nanlaki ang mga mata ko dahil dun. May point siya—I mean, tama siya. Nagpapatulong ako pero wala manlang akong binigay ni description manlang sa kanila
"Hayst buti pa itong si Celes, kahit hindi masyadong nagsasalita'y may sense ang sinasabi. Samantalang yung isa dyan, dada ng dada tapos wala din namang patutunguhan ang sinasabi tsk tsk" Pagpaparinig kong muli
Napasinghap si Shane ng dahil dun at akmang sasagot na pero tinalikudan ko lang ito at hinarap si Celes at diniscribe ito ng mabilisan
"Naalala mo yung grupong tinuro ko noon nung araw na nawalan na ng kwenta ang titulo natin?" I paused "Yung tatlong babae na may isang bisugo, isang mukhang panda at yung parang lider-lideran nilang pandak na mukhang espasol. Naaalala mo ba sila?" I asked and plastered my evil smile. Pigil ang tawa ko habang sinasabi ang mga 'yon dahil kahit galing sa akin ay natatawa ako sa mga pinagsasasabi ko tungkol sa tatlo. Narinig ko namang tumawa si Shane sa likod ko pero hinayaan ko nalang siya, totally ignoring her.
Napangiwi si Celes matapos kong sabihin iyon pero tumango din kapagkuwanan
"I know that group!!" Pahayag ni Shane pero hindi ko pa din ito pinansin dahil busy ako kakahanap sa tatlong impakta na 'yon
Wow! Coming from you Chanell huh!
"I know their strand" Pahalaw muli ni Shane habang papunta kami sa Reading Center at benches at kung saan-saan
Malamang alam mo 'yung strand dahil gaya ng sabi ko nuon, magkakaiba ang uniform ng Senior High School dahil kada strand ito
Kulay palang ng uniform ay malalaman mo na kung anong strand iyon. Aqua blue ang suot ng tatlong impaktang iyon kapag nakikita ko sila sa canteen kaya it means, HUMSS students sila
"Excuse me, Miss" Dinig kong sabi ni Celes sa gilid ko at kausap nito ang hindi naman kagandahang babae
Tinanong ni Celes kung kilala at kung saan ba namin makikita ang tatlong impokrita na 'yon. Napangiwi ako nang pinaganda niya ang pagkaka-describe sa tatlo kaya sumabad na ako
"Well they are HUMSS students. There are three members in that group. One bisugo, one panda, and one espasol. Now answer me. Do you know them? I don't accept no as an answer" Tugon ko at bahagya ko pang tinaas ang kilay ko
"A-Ahh e-ehh panda p-po at tatlong member a-at HUMSS s-students po?" Pag-uulit nito pero umirap lang ako sa kawalan dahil narinig na nga niya, inulit pa!
"Ki-Kilala ko po sila a-at alam ko po k-kung saan sila madalas t-tumambay" Ohhh jackpot isn't it?
Sa pangatlong beses ay nilingon ko na naman ang aking relos. Malapit nang maglabasan, 20 minutes nalang. Bakit kaya hindi ako gumawa ng show between us?
Great!!
"Where can we find them?" Mataray kong sabi.
"D-Doon po sila madalas tumambay sa s-science garden—" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil nakuha ko naman na ang pakay ko sa kaniya at sa pangatlong beses ay padarag ko na namang hinablot ang bag kong pinatong sa mesang naroon
Don't you worry, papalitan talaga kita sa saturday!
Kahit medyo malayo ay tinakbo ko ang pagitan ng science garden at sa Reading Center. Narinig ko din ang reklamo ni Shane sa likod na siyang sumusunod sa akin papunta sa science garden
Hindi nagtagal ay naabutan ko ang tatlong bwisit na babaeng mga iyon sa loob at nagtatawanan dahil na din sa kanilang pinag-uusapan
Mula dito sa entrance ay dinig na dinig ko ang boses ni espasol na bumabangka sa kwentuhan
"Did you hear her voice when she's inside the cubicle?" Maarteng anito at duon kumuyom ang dalawa kong kamao dahil batid kong ako ang pinag-uusapan ng tatlo
Sabay silang nagtatawanan na animong may nakakatawang joke na sinabi ang espasol
"Oh my badness" Mahinang bulalas ni Shane na gaya ko ay batid na din niya ang pinag-uusapan ng tatlo
"Umiyak ang reyna" Sagot naman nung panda and their voice filled its laughter
One more thing!
"For sure hindi tayo paghihinalaan nung demonyitang Queen na 'yon dahil sa sinulat ko sa mirror HAHAHAHA—"
"Then you've got it wrong" Sabay sampal ko sa kanang pisngi nitong si bisugo. Inapakan ko pa ang paa niya at napasigaw ito dahil mukhang heels ko ang tumama duon
"Chan"
"This is for messing up with me" Sabi ko at hinarap ang lider-lideran nilang mukhang espasol. I pull her hair at nagkagulo na nga sa gawi namin. May mangilan-ngilan pang grupo ng estudyante ang nandito ngunit wala sila ginagawang hakbang upang pigilan kami bagkus ay mukhang nage-enjoy pa sila na pinapanood kami
Napangiwi ako nang may humablot sa kaliwang braso ko at inabot din ang buhok ko
"Badnesss!! Stop! Don't you dare pull her hair again or else ako ang makakalaban mo" Dinig kong ingit ni Shane sa may hawak ng buhok ko. At namg makakuha ako ng tiyempo ay inapakan ko din ang paa ni panda na siyang may hawak sa braso at buhok ko
Serves you right!
Nangangalaiti kong idinapo ang palad ko kay espasol at halos mamula-mula ito dahil sa ginawa ko. Mas lalong dumilim ang paningin ko sa kaniya nang makita kong ngumisi ito ng nakakaloko
"Why? Nakakanginig ba sa takot ang ginawa naming tatlo?" Nang-aasar nitong tugon at hinaluan pa niya ng mala-demonyong tawa
"Don't you fucking dare to clash me again because if that happens, goodluck to all of you!" Pagbabanta ko
"Oh I'm scared!" Maarteng tugon nito. Ano ba ang ipinagpuputok ng butsi nito't kinakalaban ako? "Black, black, black" Sumbat ni Panda.
"Yeah you have dark slash black circles under your eyes and it's disgusting to see it from you" Balik asar ko sa kaniya at nakita kong bumakas ang galit sa mata nitong mangitim-ngitim ang baba
"Arrrrrrgggghhhh" Dinig kong sigaw ni espasol at pagharap ko'y hawak na ni Shane ang kahoy na ipupukpok sana sa akin nitong impaktang si espasol "Too late sissy, mission failed" Saad ni Shane at itinapon ang kahoy na iyon sa likod niya
"You know what? You're so ugly to waste my time for you. But I have something to say" Tugon ko at nilingon si bisugo at panda na nanonood lang duon. Nginitian ko pa sila ng pagkatamis-tamis pero peke ang dating niyon. Pumunta naman ang dalawa sa tabi ni espasol na bagay na iuutos ko palang sana
"Closer please" I paused namg makita ko kung gaano katalim ang tingin nila sa aking tatlo. Animo'y naninindak. Natawa lang ako dahil dun sa iniasta nila
"I want to say..."
*PAKKK*
Dampi ng palad ko sa nauna at sunod-sunod hanggang sa dumapo ang kamay ko sa pisngi nilang wala ng gagaspang pa sa espalto
"I want to say to the three of you that even though my title as a Queen here in this school is worthless, think, think and think. I'm still the heiress of this fucking school so I can kick your ass here who's nothing to do but to clash me"
"You are just brave because you think my parents abandoned me and because of what they did to my title as a Queen. But think of it, I can destroy your life not only inside this school. Aren't you afraid? I can destroy your family's business as well, hmft not that bad because I've heard that—you know, near to bankruptcy" I said sarcastically then burst out into laughter
"Let me remind you that my family is belong to the respected people here in our country, just so you know. So one thing I advice to the three of you, don't you dare test my patience again dahil maliit na lang ang natitirang pasensiya ko sa inyo kumpara sa isang bote ng maliit na yakult na ito" Turo ko sa baba kung saan nakakalat ang maliit na boteng iyon
"Mabait din naman akong tao pero wag niyo nang sagarin ang galit at pasensiya ko para sa inyo..."
"Shane, Celes, let's go!"
—°—
END OF CHAPTER 32!
Pronunciation:
-Ryie (Ri)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top