Chapter 31
[A/N: Connected sila nung Chapter 29. Same day, same time]
-°-
Nathalie Chanell's Point Of View
As soon as the bell rang, I quickly arranged my belongings. Isinilid ko ito ng maayos sa bag ko at binitbit ito. Pagbaling ko sa harapan ay napansin kong nagmamadaling umalis si Ella na siya namang hinahabol ni Kian
Lunch break na kaya malamang, sa canteen ko maabutan 'tong dalawang 'to. Hinihintay ko pa ang dalawa kong kasama na kay tatagal kumilos dahil halos lahat naman na ata ng gamit ay nakalabas na, psh!
When we left the room, there were already many people in the corridor walking down the stairs because they were probably as hungry as I was.
I haven't seen Kian and Santita yet because they seem to be in too much of a hurry.
When I got down to the ground, I roamed my eyes. Many students move to the right, left, and front. It looks like the others are going to canteen two and three. I have never experienced going that way because my feet would hurt like hell. This university is too big for you to not get tired. It is such a spacious school, we should have bikes available just like the other universities.
Well, I rather walk than ride that thing dahil hindi ako marunong gumamit nun, baka nga pagkaupo ko palang ay bagsak na agad ako. But one thing is, buti hindi nga naman nila naisipang maglagay ng bikes sa malapit sa gate para gamitin iyon ng mga gaya kong malalayo ang building dahil panigurado namang walang gagamit nun. Maaarte ang estudyante sa paaralang ito at himala nalang 'pag may gumamit nun. Well except kapag nerd ka.
Yung tipong late kana but you still don't want to be too late like that. Nerd eh, edi they will chase the time so as not to miss class
Ayst bakit ko ba pinagkaka-abalahang isipin yun?
Madami nang tao sa quadrangle nang mahagip ito ng mata ko. Matagal din na lakaran ang ginawa ko nang may mahagip ang mata ko malapit na sa entrance ng school
"Chan, parang si Kian at Ella yun ah?" Exactly!!! Sila nga 'yun
"Pero sino yung kausap nila?" Clueless na tanong ni Shane. Pinakatitigan ko ang kausap nila at parang kilala ko ito. Malayo ang kanilang kinaroroonan kaya naman hindi ko siya masyadong maaninag dahil na din sa tirik ng araw. Mukha namang paalis na ito at parang hinabol lamang ng dalawa
Matamang nag-uusap ang tatlo at nag-ngingitian ngunit napansin kong bigla nalang bumagsak ang balikat ng Ginang na kausap nila
She may be disappointed!
Nangunot naman ang nuo ko dahil sa nakita kong iyon "Who's that Mom-typed girl?" I scowled at Shane who uttered that word
"What, Shanie! Mom-typed girl?" I asked
She snapped her finger to me "Don't you dare do that thing again Shanieee!!" I exclaimed but she just rolled her eyes saying I-don't-care-about-it
"Hello Lie? Where is your common sense? Is it lost and just blown away by the wind?" She said sarcastically, probably wants to boost my anger
"What the hell are you talking about?" I hissed about that thought. Whatever!
"Knock Knock Lie!!" What the fudge? Kailan pa nagkaroon ng 'Lie' word sa pagna-knock knock? Atsaka kailan pa siya natutong gumanyan?
"I didn't know there's such a word had been added to that game Shanie" Tugon ng inosente
Gusto kong umirap dahil sa naisip ko. Inosente? Si Celes? Umm pwede na din naman kung iisipin natin
"Bakit ba ang slow niyo? Badness!" That was Shane. Well, here we go again with the word 'badness'
And who is slow she says? Me? If she's targeting Celes, that's okay with me but when she said 'niyo'? What a different conversation, when has this Buenaventura been slow?
"Hellooo!! Of course Mom-typed girl na siya, look!" Anito kaya naman nilingon ko pa din ito kahit malayo
"Anong masasabi niyo sa kausap nilang dalawa?" Tanong muli ni Shane. I wanna roll my eyes dahil obvious naman na kung ano. Of course hindi siya taga-BRIA at Mom-typed na nga siya kaya malamang ay hindi na yan nag-aaral kasi nga mukhang kaedaran niya lang din si Mommy
"Umm, I guess she's in the mid 30s or 40s" Sagot ni Celes kaya naman umangat ang kaliwang kilay ko dahil dun at ibinalik ang tingin sa kausap nilang babae.
Yeah, mukhang nasa mid 30 to 40s nga ito just like Mom. Hindi ko kasi masyadong maaninag ang itsura nung Ginang ngunit parang medyo pamilyar ito. Hindi ko ngalang kasi masyadong ma-identify dahil gaya nga ng sinabi ko, malayo ang kinaroroonan nilang tatlo
"I guess, she's someone I know" Sagot ko na lamang sa dalawa. Akmang hahakbang na ako nang mapansin kong paalis na din ang kausap nilang babae. Habang kami'y papalapit nina Celes at Shane ay siya namang pagtalikod nung Ginang na kausap nilang dalawa
At habang naglalakad ito'y mas lalo akong nagtataka sa gut feeling ko.
Nang makarating kami sa canteen ay madami na ding tao. May nakikita pa akong mga junior students na napagawi mismo dito sa senior campus. Hindi naman ito restricted para sa kanila dahil malawak talaga ang BRIA kaya malabo sanang mapapadpad sila dito. Hindi mo kasi agad maiikot 'to ng buo sa isang araw lang dahil sa lawak nito
When Manong Dante delivered our food, we ate it immediately. There was silence for the three of us and I wasn't used to it so I looked at the two with me but I noticed that they looked like starving dead.
"Hey you two! Shanie and Celes. What scene is that huh?" Sita ko sa kanila dahil napansin kong mabilis ang kalansingan ng kanilang kutsara at para talaga silang mga patay gutom sa inaasta nila. Kailan pa sila naging hampas-lupa?
I rolled my eyes dahil sa eksena nila ngunit duon ko napansin ang sabay nilang pagsilip sa entrance ng canteen na akala mo'y may dadating na biyaya dahil sa paraan ng pagtingin nila. Nangunot ang noo ko at nilingon ang entrance at napataas na talaga ang kaliwang kilay ko dahil sa nakita
Papunta sina Oliver at Justin dito sa aming pwesto na hawak ang tig-isang bugkos ng rosas marahil para sa dalawang kasama kong patay gutom. Pero I realized something...
Hindi kaya binibilisan lamang nilang kumain para makasama nila 'tong dalawang bugok na 'to at plano nila akong iwan na dalawa?
Nanlaki naman ang mga mata ko sa realization na iyon kaya naman hindi pa masyadong nakakalapit sa amin ang dalawang lalaki nang balaan ko na itong mga 'to
"No!! Don't go any further! I won't allow you!! And for what? Iwan ako ng mga ito to join you and I will look miserable because this beautiful woman is alone?!!??" Turo ko sa sarili ko "No!!! Hindi ako papayag!! Celes, Shane, tara na sa room daliiii!!!" I yelled when that conclusion formed into my pretty 'lil head
Dali-dali akong tumayo at padaskol kong kinuha ang handbag ko sa couch at tumalikod na upang lumabas pero pakiramdam ko'y lahat ng pares ng mata na nasa loob ng canteen na ito ay nakatingin sa akin. At dun ko lang napagtanto na hindi pa tumatayo sila Celes at Shane sa kanilang kinasasadlakan. Nadaanan pa ng paningin ko ang table nila Kian at dalawa lang sila duon ni Santa na taimtim na kumakain at hindi pinansin ang kahihiyan na ginawa ko
Goodness Chanell, what have you done?
Nakakahiya yung ginawa kong pagsigaw sa dalawang kararating na lalaki tapos nung sinabi kong sundan ako ng dalawa kong arrrggh-kaibigan ay hindi pa sila sumunod kaya mas lalo lang akong napahiya!!!
Thank God hindi aware yung dalawang pasakit sa buhay ko!
I just shot them a bad look and left them. Who would have thought na kung sino pa yung nagpipigil kanina para lang huwag umalis ang mga kasama eh siya pa pala mismo ang aalis sa lugar na iyon?
Dumeretso ako sa rooftop ng ABM department para magpahangin. I guess fifteen minutes na lang bago mag ala-una para muling magsimula ang exam.
Napabuntong-hininga nalang ako ng makarating ako sa taas ngunit napawi ang masamang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang sariwang hangin na dumampi sa balat ko
Hindi ako fan ng nature pero sa pagkakataong ito ay umalma ang pagkapahiyang naramdaman ko kanina dahil sa nakikita ko. Tanaw ko mula dito sa kinaroroonan ko ang mga nagtataasang mga puno. Hindi man iyon mga punong may iba't ibang kulay ng dahon pero maganda pa rin iyong pagmasdan kahit simple lamang iyon
Mula sa kinatatayuan ko'y tanaw ko ang mga estudyanteng papasok na sa kanilang silid-aralan. Samantalang ang iba'y naglalakad at mukhang kakaalis lang sa canteen matapos mananghalian. At duon ko nakita sina Kian at Ella na naglalakad pero wala sa isa't isa ang atensyon dahil pareho silang titig sa nilalakaran
Napansin kong huminto sila sa paglalakad at bigla nalang may isang babaeng galing sa pagtakbo ang huminto sa likod ng dalawang nasa malayo. Mahahalata mong nanggagaling nga ito sa pagtakbo dahil hawak pa nito ang dibdib at ang isang kamay ay nakatukod sa tuhod na halatang hapong-hapo
Nangunot ang noo ko ng makita ang babae. Kahit malayo ito ay pamilyar ang kaniyang tindig ngunit masasabi kong hindi ko pa ito kilala o maski siguro nakita
Bumakas pa sa mukha ni Kian ang ngiti habang kausap ang babae pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghakbang ni Ella palayo sa dalawa. Muli ko namang nilingon si Kian at nung babae pero halatang nagpapaalam na si Kian sa babae that's why he chased Ella who plastered a pale look to the girl
Mukhang may sinabi ito upang magkaganon ang ekspresyon nang dalawa
Four exams were completed throughout the day. Mahirap dahil hindi ako maiging nakapag-aral tska dahil na din sa hindi ko pakikinig minsan dahil kung saan-saang mundo napupunta ang utak ko
4:00-5:00 PM is our completion time. And since wala naman na kaming ico-comply, napagpasyahan na naming magliwaliw sa ground ng BRIA kasama sina Celes at Shane. Actually hindi ko pa din sila masyadong pinapansin dahil sa nangyari. Called it pride or ego but hat's how I really am, because I'm not used to being embarrassed.
"Lie!! Take a look back haller!!" Maarteng tugon ni Shane habang nakasunod pa din sila sa likod ko. I don't know where my feet will take me but I just continue walking
Naiinis ako sa dalawang 'to dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi ako mapapahiya. I mean, kung sumunod lang agad sila ay hindi na ako nagmukhang tanga
"Chan, pansinin mo naman kami" Pagsusumamo naman ni Celes sa akin. Nang mamataan ko na ang destinasyon ko'y hindi na ako nag-abala pang lingunin sila. Umupo na agad ako sa isang nook doon sa Reading Center at sumunod naman ang dalawa kong kasama
Inilabas ko sa pouch ang aking cellphone at pinagtuunan ito dahil wala akong magawa at ayaw ko ding kausapin ang dalawang 'to
Nagtingin-tingin lang ako sa facebook hanggang sa manigas ang buong katawan ko nang may maalala ako dahil sa litratong ito
Madre...
I've forgotten about her since I broke into the locker room. I knew she was there then because she was the only reason why I was so terrified. That was her second and last appearance to me until now
Muli kong tinignan ang nasa cellphone ko at inalala yung babaeng nakaitim na nagpakita sakin nang unang beses nung nasa canteen ako. Nagtataka lang ako kung bakit wala na akong nararamdamang kaba kaya ibig sabihin nun ay hindi talaga niya intensyong takutin ako o kung yun lang talaga ang akala ko
Naalala ko lang siya ngayon dahil nakita ko itong litrato ng madre sa isang page sa facebook na nakapulos itim
"Hoy ano yan hah?" Sigaw ni Shane na nakapagpabalik ng diwa sakin ngunit huli na para maitago o ma-off ko pa ang cellphone ko dahil agad na nilang nakita kung anong pinagkakaabalahan ko
Tinignan naman nila ako ng hindi makapaniwalang tingin. I darted a glare at them pero mukhang hindi sila natinag sa ginawa ko
"Buo na ba ang desisyon mo Chan?" Nagtataka ngunit inosenteng tanong ni Celes. Hindi ko alam kung inosente ba talaga siya o painosente. Gandang kaltukan!
"Magmamadre ka talaga?" Sugod naman ni Shane sa mukha ko. Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka may makarinig sa kanilang dalawa. At kapag nangyari yun, lagot talaga sila!
Pinatay ko ang cellphone ko at inilagay iyon sa pouch ko then face them wearing my bitchy side
"What do you think, Shane? I'll study then what? Magmamadre?" Their mood suddenly shifted and their mouth formed into an 'O' shaped
"Oh com'on Lie!!" Sinimulan ko nang ayusin ang gamit ko't bigla nalang tumayo. Narinig ko pa silang tinawag ako pero hindi ko na ito nilingon at dumeretso ako sa comfort room
What the hell? Ano't bakit pumasok sa kukote nila na mag mamadre ako? Kung magmamadre lang din pala ako, bakit ko pa kailangang mag-aral dito? Hello!! Iba na pagkaka-abalahan kong aralin kung sakali 'no psh!
Pumasok ako sa CR at mukhang walang tao duon maliban sa akin kaya naman malaya ako sa kung ano man ang nais kong gawin. Inangat ko ang aking paningin at pinakatitigan ko ang aking magandang mukha
Itong mukhang 'to magmamadre? Aba'y mas okay pa kung si Celes ang sinabihan ni Shane tapos ako?
Parang hindi naman niya alam na ang dami ko nang tinanggihan patungkol sa modeling na 'yan tapos madre? Don't get me wrong, okay?
Hindi ako bagay dun dahil gaya nga ng sabi nila, matabil ang aking dila. At isa pa, hindi ako nababagay sa ganung propesyon
I took the pressed powder out of my bag and applied it to my face. After I was satisfied with my face I took my liptint from my pouch then I applied it with a moderate inten only because of my natural red lips.
Matapos kong gawin lahat para sa pagreretouch ay pumasok ako sa ikalawang cubicle at iniwan ang aking bag sa harap ng malaking salamin
Akmang uupo palang ako ng mapansin kong namatay ang ilaw at sumindi din ito agad-agad. Hindi ko na muna pinansin yun dahil baka namalikmata lang ako pero naulit siya pero saktong patay lamang iyon para mahalata ko
Nangunot ang aking noo at nagsimula nang bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi na naman maipaliwanag na dahilan
Tumayo ako sa aking kinasasadlakan at napansin kong bumilis ang pag patay-sindi ng ilaw pero wala akong marinig kahit na ano para malaman kong may tao dito sa loob maliban sa akin. Tanging ang tibok ng puso ko lamang ang naririnig ko at ang maingat kong paghinga
Lalo pang bumilis ang pagpatay-sindi ng ilaw at umakyat nang talaga ang takot sa buong katawan ko.
Hindi kaya...may multo?
Nanlaki ang mga mata ko sa ideyang iyon kaya dali-dali kong pinihit ang doorknob ng pinto pero...
Bakit hindi ko mabuksan?
Pabilis ng pabilis ang pagpatay-sindi ng ilaw at ganun din kabilis ang tibok ng aking puso kasabay ng tunog ng switch ng ilaw sa comfort room na ito. There's someone who's playing prank with me!
Kanina'y mukhang banayad ang kaniyang pagpindot sa switch dahil wala kang maririnig na tunog niyon ngunit ngayon ay meron na at nagpapadagdag iyon sa akin ng kaba
"W-Who the hell are y-you??" Shit. Why am I stuttering? Wtf!!
Kapag nalaman ko lang kung sino itong taong ito na naglalaro sa akin ay magbabayad siya sa pinaparanas niya sa akin. Hindi lingid sa kaalaman ko na takot din ako sa dilim simula nang mangyari ang araw iyon.
Patuloy lang ang pagpatay-sindi ng ilaw at patuloy lang din ako sa kakapihit ng doorknob hanggang sa nawala ang tunog ng paglipat ng switch kasabay nun ay nilukob na ng dilim ang cr na kinaroroonan ko
Dahan-dahang umagos ang mainit na likido sa gilid ng aking mga mata. Ang luhang sabay-sabay na nahulog na parang talon. Nanghihina kong pinihit ang doorknob at dahan-dahang lumabas sa cubicle na 'yon at pumunta sa switch ng mga ilaw. Matapos kong masindi ito'y akmang kukuhanin ko na ang aking bag sa harap ng salamin nang may makita ako
Gusto kong sumigaw pero nanghihina ako dulot sa pangyayari kanina at maging sa madilim na paligid na naranasan ko sa loob ng cubicle na 'yon
Nanlalaking mata lang ang nagawa ko ng makita ko ang nakasulat sa malaking salamin
"BLACK"
-°-
END OF CHAPTER 31!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top