Chapter 27
Nathalie Chanell's Point Of View
Parang lantang-lanta ako pagkauwi ko sa bahay. Dumeretso agad ako sa kwarto at humilata
Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit pangbahay kaya naman naka uniform pa ako, hindi pa ako nakakapag-shower, toothbrush, kumakain, nagtatanggal ng make up, maski nga magtanggal ng sapatos ay wala pa, hindi ko pa nagawa. Basta nalang akong humilata
Alas siyete na ng gabi at wala pa din akong linis sa katawan kaya naman..."Chanell anak, labas kana diyan, kumain kana anak at gabi na" Anyaya sa akin ni Mommy pero hindi ako sumagot "Anak lumabas kana diyan" Aniyang muli kaya naman tamad lang akong sumagot sa kaniya
"Y-Yes Mom"
"Chanell, papasok si Mommy ah?" Hinging permiso sa akin ni Mommy pero hindi pa din ako sumagot kaya naman binuksan niya na ito
Sumilip pa ito ng bahagya at nagulat pa ito sa kabuuan ko "Anak, bakit ganiyan itsura mo?" Takang tanong nito
I heaved a sighed before answering "I'm just tired Mom" Wala sa sariling tugon ko. Umupo naman siya sa edge ng kama ko at pinakatitigan ako
"Baby, what happened?" Tanong nito at bakas sa mukha ang pag-aalala pero umupo lang ako sa kama at tumitig sa kawalan
"Nothing Mom" Sagot ko. Ayaw ko silang pag alalahanin so better keep nalang kaysa sa sabihin ko pa sa kanila
"Get up baby, you look like a beggar" Natatawang biro nito pero hindi ako sumabay sa gusto niyang mangyari
"Mom, I want to ask you something" I started. Kumunot naman ang nuo nito at pilit na ngumiti "What is it baby?" Pilit ngiting tanong nito
Ngumiti naman ako ng bahagya dahil dun "M-Mom, who's T-Tita Erja?" I stuttered. Her fake smile fade away
"Why do you ask?" Mom asked me. I felt something wrong, I smell something fishy. My Mom keeps on saying 'Anak and Baby' but this time, nothing so it means, it's too private and serious
"I'm just curious Mom" Sagot ko. Yes, I'm curious kung sino ba talaga si Tita Erja. Magkakilala na sila nuon pa man at yun lang ang nasisiguro ko dahil sa sinabi ni Tita Erja na 'parang wala naman silang pinag-samahan ni Mommy' that's why I'm a bit confused about their past
"He is your Dad's business partner" She said directly. Hindi na ako nagulat sa impormasyong iyon dahil alam ko naman yun. Si Daddy ang hinahanap niya kaninang umaga at nakapang-business attire pa siya kaya hindi malabong tungkol sa business ang ipinunta niya pero hindi yun ang gusto kong malaman. I want to know deeper
"Magpalit kana at bumaba para kumain okay? Just call Manang if you need something, I'll go downstairs baka meron na ang Daddy mo" Aniya, with that-umalis na siya
Nahiga muna ako at nag isip ng malalim. Nakakalunod dahil sumisisid na nga ako, wala pa akong sagot na makuha mula sa sinisid ko
Tumayo na ako at tinanggal na ang sapatos kong kasalukuyan pa ring nakasuot sa akin. Pumasok na ako sa sariling banyo at pinuno ang tubig sa bathtub ko, katamtamang init lang iyon para mahimasmasan ako sa pag-iisip. Nilubog ko na ang katawan ko sa tub matapos kong matanggal ang mga saplot ko.
Hindi pa din mawala sa akin yung sinabi ni Mr Arago. I think he threatened me-yes! He threatened my life!
'Wala akong alam! Ang nasisiguro ko lang ay delikado ka! Delikado ka! Tandaan mo 'tong sinabi ko, delikado ka! Mag-iingat ka'
Mga katagang binitawan niya ang nakapagpakaba sa akin ng tuluyan. Anong ibig niyang sabihin? What will happen next? I don't want to doubt her-yes, ayokong pagdudahan si Tita Erja dahil business partners lang sila ni Daddy at mukhang close din sila ni Mommy before.
But the fact na nakita ko silang magkausap nung babaeng nakaitim? Hindi ko maiwasang mag duda dahil feeling ko magkakilala sila. Nagkakamali ba ako? O tamang hinala?
Isa pa, si Mr Arago, I'm so freaking confused. The way he denied, parang totoo eh. Maaaring maloko niya ako sa salita pero sa mga mata niya, nagsasabi talaga iyon ng totoo eh
He was confused by what I've said, I don't know what to say, andaming nangyari sa araw na ito at lahat ng iyon ay mabibigat para sa akin
Wala sa sarili kong pinagmasdan ang shower gel ko.
Chanel Coco Mademoiselle Foaming Shower Gel
Sa halimuyak nitong bango ay wala manlang akong maamoy sa tub ko na siyang kinalalagyan ko
Walang-wala ako ngayon sa sarili na maski maglinis ng katawan ay hindi ko pa magawa. Hinayaan ko lang ang mga bulang palibutan ang katawan ko
Ilang minuto na din ang tinagal ko dito at wala pa akong balak na umahon dahil punong-puno pa din ng katanungan ang isip ko
Pagkatapos ng mahabang oras ay napagpasyahan ko nang mag-shower. Mga kamay at paa ko ay kumukulubot na dahil babad na sa tubig. Wala pang ilang minuto ay naglakad na ako sa walk in closet ko para makapagpalit. I get my Pj's and spaghetti strap at pagkatapos isuot nun ay lumabas na ako dito at nag-ayos
Napansin ko naman ang bag kong nakakalat sa bed kaya kinuha ko ito at nilagay sa talagang lalagyanan nito
Akmang pipihit na ako patalikod nang may maalala ako,
Thursday
Shit Thursday na pala bukas! Bakit nawala yun sa isip ko? Lagot ako nito, damn it!!
Exam na namin bukas at WALA PA AKONG NARE-REVIEW!!!
Para akong biglang bumalik sa wisyo nung maalala ko iyon. Paano na 'to? Hindi pwedeng magtapos ang isang semester na bagsak ako sa isang grading lalo pa naman ngayon na normal na estudyante nalang ako at hindi na pwedeng kunsintihin
Shit naman! Bakit ko ba nakalimutan iyon eh kani-kanina lang nire-review kami ng mga lecturer namin? Sa dami-dami ng iniisip ko-oo dahil dun sa mga iniisip ko kaya hindi ko na nagawang makapagreview.
Agad kong kinuha yung bag kong binalik ko kanina at inilagay yun sa study table ko at inilabas lahat ng gamit duon. Kinuha ko din yung mga libro, reviewer at kung ano-ano pa para lang makapag-aral na ako
Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa taas ng TV and damn! 8:30 na!!! Hindi pa man din ako sanay sa puyatan. Hanggang 9 o'clock lang ang beauty ko at hindi na dapat lumampas dun dahil magmumukha akong panda bukas kapag nagkataon and I don't want that happen kaya binilisan ko nalang ang mag-aral
Inintindi ko ang bawat line at isinaulo ko ito. Ginawan ko ito ng kwento at yun ang panghahawakan ko para hindi ko ito makalimutan agad-agad. Hindi kasi ako sanay sa paword-clue word-clue lang. Kailangan ko talagang intindihin yun at gawan ng kwento ayon sa sinasabi nito para tumatak sa isip ko. Minsan nga ginagawa ko nalang na kanta para makabisado ko. Isang subject palang ang natatapos ko at wala pa ako sa kalahati nitong isang inaaral ko
Bali apat kasi ie-exam namin bukas. Actually, tatlong araw talaga namin ginugugol ang pag e-exam at kasali talaga ang sabado duon pero dahil Sem break na, dalawang araw nalang ang ginawa para naman daw masulit namin kahit papaano ang bakasyon
Gutom na ako pero kailangan kong tapusin ito. Thankfully, nawala na sa sistema ko yung mga pangyayari kanina dahil ayokong bumagsak dahil paniguradong lipat ng school ang aabutin ko dito
~KNOCK KNOCK~
Pagkarinig ko ng katok na iyon ay automatic akong napalingon sa orasan
9:47 PM na. May isang oras na pala akong nagrereview. Onti palang ang naaral ko sa pangalawang binabasa ko dahil marami-rami talaga iyon
Pinihit ng kung sino ang doorknob hudyat na papasok na ang nasa labas
"Baby, sabi ni Manang hindi ka pa daw kumakain" Panimula ni Mommy sabay lapag ng tray sa katabing mesang walang masyadong kalat
Natakam naman ako sa nakalagay sa tray pero napangiwi din ako at the same time dahil sa nakita ko
With milk? Eh?
Napabuntong hininga nalang ako dahil dun. Tinignan ko naman si Mommy at halos mapatalon ako nang mapagtantong nakatitig ito sa akin
"A-Ah nakalimutan ko p-po kasing ma-magreview, nawala sa isip kong e-exam na pala namin bukas kaya di na ako n-nag abalang bumaba para k-kumain" Utal-utal kong pagkasabi, hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganun
Ngayon lang kasi ako dinalhan ni Mommy ng pagkain dito sa kwarto ko at gabi pa, usually kasi, sabay-sabay kaming kumakain bilang respeto sa pagkain o biyayang nakahain
That's what my Mom said kaya naman nagulat ako nung nagdala siya dito ngayon
"Baby, don't skip your meal even if your busy. Eat up baby, hihintayin ka ni Mommy na matapos" Aniya sa malambing na tono. Nangunot naman ang nuo ko dahil dun
I'm not questioning pero hindi naman kasi ganun kalambing masyado si Mommy eh. Childish siya para sa akin kaya nanibago ako
Hindi na ako nagdalawang isip na ubusin ang pagkaing dinala niya dahil na din sa gutom ko. Wala pang sampung minuto nang maubos ko lahat yun maging ang gatas na nandun sa tray. Ngitian naman ako ni Mommy at inayos ang pinagkainan ko
Hinalikan pa ako nito sa noo bago binitbit ang tray. "Finish that thing and go to your bed after that, okay? Iloveyou" Sabi nito bago tumalikod
Ano ako b-bata? Kanina milk tapos ngayon 'go-to-your-bed-effect?'
Bahagya akong umiling dahil sa inasta ni Mommy tska ko tinuloy ang pag-aaral
KINABUKASAN...
"Miss Nathalie?"
"Miss Nathalie, gumising na ho kayo't malelate na po kayo"
~KNOCK! KNOCK!~
"Miss Nathalie?"
"Wala pa po ba?"
"Hindi pa po sumasagot Ma'am eh"
"Oh siya, mag-agahan na po kayo dun at ako na ang bahala sa kaniya"
"Sige po Ma'am, salamat po"
Gusto kong tumayo pero pilit pa din akong hinahatak ng katawan ko pahiga kaya naman wala akong choice kundi ipikit nalang muli ito
Narinig ko pang may kumakalansing na kung anong bagay sa labas pero pinilit ko pa din ang sarili kong matulog dahil inaantok pa talaga ako
"Baby, gumising kana at late kana" Boses ni Mommy. Bahagya pa ako nitong niyugyog para magising pero bagsak pa din talaga ang katawan ko pero gising na ang diwa ko
"Baby, late kana oh!" Dagdag pa nito pero umungot lang ako "What time is your first Exam?" Dinig ko pang tanong niya kaya kahit nakapikit ay sinagot ko pa din ito
"S-Seven thi-thirty" Utal-utal kong sagot habang bagsak pa din ang aking dalawang talukap sa mata
"Seven thirty, kaya paano ka makakaabot kung thirty minutes nalang ay magsisimula na ang iyong klase an-" Hindi ko na pinatapos ang sinabi ni Mommy dahil para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko
"Oh my goodness Mommy, bakit hindi mo ako ginising?" Dagliang kong sabi habang hindi na magkanda-ugagang isuot ang sapin sa paa
Narinig ko naman ang hagikgik ni Mommy sa labas namg makapasok ako sa sariling banyo. Daliang ligo lang ang ginawa ko. Mga sampung minuto lang yata ang itinagal ko dun at pumasok na ako sa pagkalawak-lawak na walk-in closet ko
Akala ko noon, 15 minutes na ang pinakamabilis kong ligo sa tanang buhay ko pero nagkakamali ako. Mas worst pa pala itong sampung minuto dahil sa exam na ito
Inilibot ko ang aking paningin sa walk in closet ko at masasabi kong para iyong isang kwarto at wala na akong oras pa para magdescribe ngayon dahil male-late na talaga ako!
Maging ang pagsuot ng necktie at ID ay hindi pa maayos ang pagkakalagay.
Sa kamamadali ay halos makalimutan ko pang magsuot ng sapatos dahil napansin kong tsinelas pa din pala ang suot ko kaya agad akong bumalik sa kwarto para kuhanin ang sapatos ko para makaalis na ng tuluyan
Halos magkanda-ugaga pa akong isuot ito dahil sa kamamadali. 10 minutes nalang kaya pati ang pagtakbo ko ay halos magkanda dulas-dulas pa ako. Buti nalang nakakahawak pa ako sa railing ng hagdan dahil kung hindi, pasa-pasa siguro ang abot ko dito
Pagkadating ko palang sa baba ay hindi na ako pumunta pa sa kusina para kumain dahil gahol na ako sa oras. May iba't ibang proctor kami sa bawat subject na ite-take namin at malas pa talaga kung ang unang proctor namin ngayon ay terror
Lagot ako nun panigurado dahil detention ang abot ko nito kahit na exam!!
"Mooommm!!! Mommm!! I'll go first byeee, Ilove you!" Sigaw ko at sakay agad sa sariling sasakyan, hindi ko na hinintay pa ang tugon nito dahil dali-dali ko ng inistart ang engine ng kotse ko
Pinaharurot ko iyon at muntik pa akong mabwisit nang tuluyan dahil sa bahagyang traffic na naabutan ko
Tatlong minuto nalang at magsisimula na. Ngayon lang ako naghurry ng ganito dahil medyo maaga din naman ako 'pag pumapasok
Pagkarating ko pa lang sa parking lot ay dali-dali kong kinabig ang manibela at nagpapasalamat naman ako sa isip-isip ko dahil sa maayos pa din ang pagkakapark nito
Dali-dali ko ding sinarado ang sasakyan ko at bumaba na ng tuluyan, walang anung-ano akong tumakbo papalapit sa gate-wala nang lingunin kung sino man ang mga estudyanteng papasok pa dahil mangilan-ngilan nalang iyon at mabibilang mo pa sa iyong sariling daliri
Wala na din akong pakialam kung ano mang itsura ko ngayon dahil mas mahalaga ay huwag akong ma-detention. Simula nang mawalang bisa sakin yung titulo ko ay wala na akong magawa, hindi ko na sila kayang i-manipulate gaya ng ginagawa ko kaya hin-
~BOOGSHHH~
MAY NAKABUNGGUAN AKO!
Bahagya pa akong tumalsik sa lakas nun pero nang matutumba na sana ako, bigla din akong hinila ng taong nakabungguan ko. Pag-angat ko ng aking paningin...
"KIAN?" Again?
-°-
END OF CHAPTER 27!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top