Chapter 26
Nathalie Chanell's Point Of View
Nanghinayang ako sa pagkakataong yun nang pagmasdan ko silang nakiupo sa kanilang kakilala
Tsk, I don't share pala ah? Ang sabihin mo, mataas lang talaga ang pride mo dahil sa pinakamagandang babae ka makiki-table hmft. Kung maramot ka pala'y ano nalang ang tawag sa akin? Sakim?
Kumain lang talaga ang ginawa ko at hindi na nakipagdaldalan pa. 5 minutes nalang magta-time na kaya agad kong inubos LAHAT ng inorder kong pangwalong katao. Sabi ko naman sayo eh! I'M NOT HUNGRY, I'M STARVING! That's why!
May minsan pang titignan ko sila Santita sa gilid ng mata ko at nahuhuli ko silang nagtatawanan kasama yung mga may ari ng pwesto
Kasalukuyan pa din namang nandito sina Justin, Oliver at Erick. Pareho ding kumakain at nagkwekwentuhan.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at lahat sila'y napansin kong masaya kaya naman wala sa sariling napatayo ako kaya napatingin sa akin ang mga kasama ko and they pointed their worrying eyes at me.
"Punta lang ako sa locker, tapos punta nalang kayo sa room. 2 minutes nalang din kasi" Paliwanag ko. Binilisan naman nilang kumain dahil sa sinabi kong natitirang oras
Lumabas naman na ako sa canteen at nagtungo sa locker na may hindi naman kalayuan dito sa canteen
Nang makarating ako'y mabilisang palit lang din ng notes ang ginawa ko at nahagip ng mata ko ang worksheet ko na iba't ibang column
Tsk! Akmang isasara ko na ang pinto ng locker ko nang biglang may napansin akong bultong kakadating lamang
Hinayaan ko nalang ito at nilock na ang locker ko. Akmang aalis na ako ng marinig ko pa ang boses nito...
"Hi" Boses babae. Nakakunot nuo naman akong lumingon dito pero sa pagkakataong iyon ay wala akong bultong nakita. Pinalibot ko ang mga mata ko at pumunta sa kaduluduluhan pero walang taong naroroon
Agad akong kinilabutan sa kaba. Nagmadali na akong lumabas dun upang makapunta sa ABM building. Paniguradong late na ako nito. Iwinaglit ko nalang yun sa isip ko dahil baka praning lang talaga ako
Nasa fourth floor pa man din yung room ko tsk. Sasakit na naman ang mga binti ko dito. Sina-suggest ko ngang palagyan ng elevator pero pinag iisipan pa nila Lolap
Malapit na, malapit na talaga. Nakasanayan ko kasi na dito dumaan eh kaya ayan ang napapala ko. Magkabilaan ang hagdan nito at kapag nakaharap ka sa building ay sa kaliwa yung bandang room namin dahil dulo to dulo nga diba? Pero sa kanang hagdan ako nasanay dumaan
Inshort, madadaanan ko pa yung four classrooms bago ako makarating sa room ko. At nung binuksan ko na nga'y...
NAGDIDISCUSS NA SI MISS ABBY!
"Im sorry Miss, I'm late" Tugon ko. Mabait si Miss Abby kaya naman tinanguan lang ako nito at hindi na binigyan ng detention slip.
Agad akong nagtungo sa aking upuan at nakinig. Review-review nalang ngayon dahil exam na namin bukas
Hayst semestrial break naaaa!!! Ano kayang magandang gawin sa isang linggong bakasyon na 'yun?
Vacation in...
"Chan workbook mo" Si Celes. Natauhan ako dahil sa sinabi nito. Yes, hindi ko na kalapit yung pangit na 'yun. Kahapon lang bago mag-uwian kami nagdecide para sa new sitting arrangement namin. Kung dati kasi ay nasa harap ako at pangatlong upuan. Ngayon naman ay nasa likod na 'ko dahil naaalibadbaran ako sa harap at kitang-kita ko ng malinaw ang pagmumukha ni Tanda. Sakto namang palipat-lipat na din ng seats itong mga classmates ko kaya napagkasunduan ng mga itong choose your own seat nalang kaya heto at pinaggigitnaan na ako ng dalawa
Mukhang may pinapagawa si Miss Abby kaya ganun na lang ang sinabi sa akin ni Celes. Inilabas ko ang workbook ko nang wala sa sarili at sinagutan din ng wala sa sarili yung activity na nakasulat sa whiteboard
At nung oras na ng pasahan ay halos hindi ko pa 'yun natapos dahil lutang na lutang talaga ako ngayong araw na ito
Pakiramdam ko'y napakabilis ng oras dahil pagkatunog ng bell ay pumasok na din si Mr Ville
Kung di ako nagkakamali ay ngayon ko lang siya nabanggit sa inyo. Earth and Life Science ang kaniyang itinuturo
Gaya ng nagdaang oras ay wala pa rin ako sa katinuan. Nabaling ang paningin ko sa bintana at pinakatitigan ko ang labas—ang corridor
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko yung babaeng nakaitim. Hindi ito kalayuan at hindi din naman ito ganun kalapit kaya sigurado akong siya yun dahil sa suot nitong parang togang itim. Nakatalikod ito kaya kumurap pa ako ng dalawang beses para makasigurado ngunit pagmulat ko, nagulat ako nang makita ko rin si...
T-Tita Erja?
Oo si Tita Erja yun at hindi ako nagkakamali dahil bahagya pa itong tumagilid. Kanina ko man siya nakilala pero dahil sa suot at tindig nito'y kaya ko siya naalala. Tandang-tanda ko pa kung paano ko pinagmasdan kanina ang kaniyang suot tapos ngayon makikita ko siya dito kausap y-yung babaeng—mukhang may masamang pakay sa akin?!!!
Kaya naman, dahil sa kakaisip nun ay hindi ko namalayang padarag na pala akong tumayo mula sa kinasasadlakan ko. Bahagya pang nagulat si Mr Ville dahil sa ginawa ko ngunit hindi ko na iyon kinakikitaan pa ng kawalang respeto dahil sa nakikita ko
"Miss Buenaventura, where are you going?" Tanong ni Mr Ville ngunit pinagpatuloy ko ang pagpihit ng doorknob para makalabas ako
"Miss Buenaventura, aren't you going to say 'excuse me' first before you go outside?" Dagdag pa nito ngunit nabuksan ko na ng tuluyan ang pinto.
Nang mabuksan ko ito'y dali-dali akong tumakbo. Narinig ko pa ang boses nina Shane at Celes ngunit tumakbo na ako papalapit sa nakita ko
Kailangan ko silang maabutan dahil kailangan kong makilala yung babaeng naka-itim
Ngunit nang makarating ako sa kinaroroonan nila kanina ay bigla akong nanlumo. Parang gustong bumigay ng tuhod ko dahil WALA NA ANG MGA ITO!
Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo kausap si Tita Erja? Magkakilala ba kayo o magkasabwat kayo sa pananakot sa akin?
NAGUGULUHAN AKO!
Bakit naman nila gagawin yun? Anong mapapala nila kapag ginawa nila 'yon?
Dalawang beses ko pa lang naman nakita yung babaeng naka-itim pero iba ang dala nitong presensiya sa akin at hindi iyon kaaya-aya para sa akin
I don't like her presence, it gives me an undefinable feelings. Who are you? Bakit ka bigla-biglang umeeksena sa sarili kong kwento? Anong magiging papel mo sa buhay ko—kayo ni Tita Erja. Anong lugar ninyo sa storya ko?
Wala sa sariling napaupo ako sa bench na nanduon. Napahilamos sa sariling mukha at walang paki-alam sa nakakakita. I don't really give a damn kung ano mang isipin nila sa akin ngayon. Mangilan-ngilan lang ang estudyante dito at bakante pa ang apat na classroom kaya ibig sabihin kami nalang ang nagkaklase ngayon dito sa palapag na ito
Takong. Takong ng mga sapatos ang namayani sa tainga ko. Papalapit na sapatos sa tahimik na lugar dahil bakante ang ibang silid dito. Nasa tapat ako ng ikatlong silid sa pang apat na palapag. Wala kang ibang maririnig kundi mga yabag
"L-Lie" Hingal na aniya ni Shane. Gusto kong matawa dahil dalawang classroom lang ang itinakbo nito tapos hingal na hingal na agad ang mga ito ngunit hindi iyon akma sa ginawa kong pag walkout sa room at maging sa mood ko ngayon kaya hindi ko ginawa
Dahan-dahan kong inilipat ang mga mata ko sa pulsuhan ko at tinignan ang relos na nakasuot dito.
Fifteen minutes pa bago mag time. Bakit kaya pinalabas ang dalawang 'to?
"C-Chan bakit ka ba bigla-biglang lumalabas? What's wrong? Napapadalas nang ganiyan ang mga kilos mo! I know there's something wrong pero bakit hindi mo manlang masabi sa amin kung anong problema mo? Ganun ba 'yon kahirap para sabihin lang kahit kakapiranggot na detalye?" Mahabang lintaya nito. Bahagya pa itong umupo sa tabi ko at ipinatong ang kamay sa hita ko
"Kaibigan mo kami, you can share your problems with me—with us!" Dagdag nito pero nakinig lang ako pero labas din agad 'yon sa tainga ko. Okupado pa din kasi ang isip ko kung bakit ganun sa akin yung babaeng naka-itim at sa huling sinabi ni Tita Erja bago ako umalis ng bahay
'Nakikita ko sa kaniya ang anak kong si Ashley, matatanggap pa ba niya ako sa kabila ng pag papaubaya ko sa kaniya sa ibang tao?'
'Nakikita ko sa kaniya ang anak kong si Ashley, matatanggap pa ba niya ako sa kabila ng pag papaubaya ko sa kaniya sa ibang tao?'
Nagpaulit-ulit ito sa pandinig ko at nanuot pa ito sa isip ko.
H-Hindi kaya...siya si Ashley? Siya ba yung Anak na tinutukoy ni Tita Erja kaninang umaga?
Muli, wala sa sarili akong napatayo at naglakad sa corridor na parang walang kasama. Tinawag pa nila ako pero dumeretso pa din ako sa gusto kong puntahan kahit halos sumakit na ang mga paa ko dahil sa suot kong sapin sa paa
Medyo may kalayuan talaga ang building namin kaysa sa ibang strand building kaya naman hapong-hapo na ako ng makarating ako sa baba
Sigurado akong hindi pa nakakaalis si Tita Erja, I want to talk to her. I want to ask kung sino yung kausap niya at kung bakit sila magkakilala—o magkakilala nga ba talaga sila?
Damn I'm confused and frustrated at the same time
Call me overacting but that kind of smirk—evil smirk rather, kahit hindi ko man makita yung ilong at bibig niya ay nakakapangilabot ang ngising iyon. Her eyes that will really confused you a lot kasi parang andami nitong gustong sabihin sa akin. Her mala-toga na suot kapag nakikita ko siya, ano bang trip niya at all black pa siya?
I'm not that stupid not to recognize that she's a BRIA student too. Ang mga matang iyon—ang titig na iyon ay parang familiar sa akin. Hindi ko matukoy kung paano ngunit talagang pamilyar iyon sa akin
Nakadaan na ako sa quadrangle at gaya ng inaasahan ko'y madami-dami na din ang estudyanteng naroon. Hindi ko na inabalang lumingon pa sa likod ko dahil batid kong hindi na nakasunod sina Shane at Celes sa akin
Lakad takbo ang ginawa ko habang ipinapalibot ang paningin ko dahil baka makita ko ang hinahanap ko
Liko, lakad, takbo, liko—hanggang sa halos magpaulit-ulit ang ginawa ko at matagpuan ang fountain sa harap na hindi naman kalayuan sa gate.
Hingal na hingal ako nang makarating ako dito. Parang ngayon lang ata ako napagod ng ganito sa tanang buhay ko
Gusto kong maupo dahil sa pagod ngunit nang makita ko siya ay nawala ang pagod ko. Hindi ko na ininda yung sakit ng paa ko dahil sa heels ng sapatos ko
Tita Erja!
Natanaw ko ito sa labas ng gate kaya agad kong tinakbo ito ngunit paliko na ito ng bigla akong hinarangan ng guard
"Tita Erja, waitt!" Sigaw ko pero parang wala itong narinig dahil nagpatuloy lang ito sa paglalakad
"Manong Guard, let me skip for the mean time, I just need to follow her" Aligagang turo ko kay Tita Erja na lumapit na sa itim na sasakyan
Pero hindi ata bumenta sa kaniya ang sinabi ko kaya ginamit ko ang aking alas "Hindi mo ba ako kilala? Kami ang may ari ng unibersidad na ito at kapag hindi mo 'ko pinalabas ngayon din ay mawawalan ka na ng trabaho!" Asik ko kaya natakot ito at hinayaan niya akong lumabas ng school
Pagkalabas ko pa lang ng gate ay..."Tita Erja!!" Sigaw ko pero nakatakbo na ang sasakyan nito
Maraming pagkakataon na akong nanlumo sa araw na ito pero pakiramdam ko, ito ang worst dahil bukod sa masakit ang paa ko, hindi ko pa naabutan si Tita Erja para ito'y makausap.
Pumunta ako sa parking at pumasok sa loob ng sasakyan ko at nag-isip
'Confirm na gumagamit si Mr. Arago ng pinagbabawal na droga'
'Confirm na gumagamit si Mr. Arago ng pinagbabawal na droga'
Biglang umugong ang tinig na iyon sa isip ko. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa alaalang sinabi ni Kian sa akin kagabi
Bigla kong binuhay ang makina at kinabig ito at binilisan ang pagpapatakbo. Biglang nanuot sa akin yung araw na muntik na akong mapahamak at ang mas matindi pa dun ay bigla na namang bumalik yung alaalang pinapakasalanan nung adik na yun na si Kian ang kriminal
I want to know kung bakit sinabi iyon nung taong yun, but there's something na nagsasabing, if Mr Arago already confirmed that he's using that illegal drug, maybe effect lang nun ng droga sa kaniya kaya kung ano-ano ang pinagsasasabi niya?—but why there's something sa loob-loob ko na naniniwala sa lalaking yun?
The way he asked me if I'm one of the Buenaventura, there's something wrong talaga eh. Pagkarating ko'y daglian akong nag-park kaya wala ito sa ayos. Walang paki-alam kung sitahin man ako
Kinuha ko na ang kailangan kong kunin sa sasakyan ko at inilock ito pagkatapos. Pumasok ako sa presinto at sinalubong ako ng isang pulis
Nangangati na ang mga kamay ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Sinabi ko naman sa pulis ang pakay ko. Inihatid ako ng isa sa waiting area.
Habang naghihintay ay napapaisip nalang ako. Tama ba 'tong ipinunta ko? May mapapala ba ako sa pagtatanong ko dito? Totoo kaya ang sasabihin nito kapag nagkataon?
Sa hindi ko malaman na dahilan ay tska palang ako kinabahan. Wala naman siya sigurong gagawin sa akin na masama diba? There's a lot of pulis here so bakit ba ganun ang iniisip ko?
Naupo na ito ng bahagya sa harap ko at pinakatitigan ako. Linabanan ko naman ang titig nito pero sadyang talo ata ako dahil hindi manlang ito natinag
"Buenaventura" Panimula nito. Nagulat ako sa sinabi nito at napaisip na naman ng malalim. K-Kung alam niyang B-Buenaventura ako, e-edi ibig sabihin matino siya nung sabihin niya yung mga yun sa harap ko?—sa harap naming lahat? Pero hindi eh, lasing siya nun kaya paano siya magiging matino? Kailan pa naging matino ang paggamit ng ipinagbabawal na droga na iyon?
Aishhh—"Anong sinadya mo rito?" Putol nito sa iniisip ko. Kumurap muna ako bago bumalik sa wisyo
"I want to talk to you" Panimula ko. Tumaas naman ang kilay nito dahil sa sinabi ko kaya dinagdagan ko ito "And I want you to answer me honestly. HO-NEST-LY" Pagdidiin ko pa sa huling sinabi. Kumibot-kibot pa ang labi nito at nakakaasar ang dating non sa akin
"What is it?" Trying hard na pag e-english nito.
"Answer me honestly and directly" Pag-uulit ko dito at tumango naman siya. "Nang gabing 'yun, anong ibig mong sabihin sa mga iyon?" Patungkol ko sa mga sinabi nito tungkol kay Kian
Inosente naman itong tumingin sa akin at nagtataka ang mga mata nito "Anong gabing 'yon?" Tanong nito. Naaasar ako dahil kailangan niya pang mag maang-mangaan para magmukhang inosente
"The day kung bakit ka nandito ngayon" Maikling eksplanasyon ko "Yung sinabi mo, totoo ba ang lahat ng iyon?" Muling tanong ko pero parang nangangapa pa ito ng maisasagot
"Bakit mo kilala mo ang mga Asuncion?!" Dagdag ko pang tanong pero wala. Hindi manlang ito nag-abalang sumagot "Bakit ganun nalang yung sinabi mo sa binatang iyon?" Patungkol ko kay Kian
"Asuncion? Hah anong Asuncion? Sinong Asuncion?" Tugon nito. Tinignan ko siya sa mata at makikita mong nagsasabi talaga siya ng totoo
"Anong ibig mong sabihin sa kriminal ang tatay niya? At sa sinabi mo pang huli sa akin bago ka ipinasok sa kulungan, anong ibig sabihin mo sa lahat ng iyon?" Tanong kong muli. Nagulat pa ito ng bahagya at umiling.
"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo. Wala akong kilalang Asuncion. Wala!" Sigaw nito kaya naalarma ang ibang nanduon. Napatingin naman ang pulis na naghatid sa akin dito at sinenyasan kong okay lang at walang problema
"Don't play numb Mr Arago, tell me anything you knew" Utos ko
"Wala! Wala akong alam sa sinasabi mo" Pagtatanggi nito. Hindi ko alam kung pagtatanggi pa ba ang matatawag duon dahil makikita mo sa mga mata nitong totoo ang kaniyang sinasabi
"Wala akong alam! Ang nasisiguro ko lang ay delikado ka! Delikado ka! Tandaan mo 'tong sinabi ko, delikado ka! Mag-iingat ka"
—°—
END OF CHAPTER 26!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top