Chapter 24
Nathalie Chanell's Point Of View
Ano ba naman 'to? Mage-exam na't lahat, may activity pa din? Mas okay pang mag summative nalang kaysa makasama ko 'tong lalaking to eh
FEELING NERD BUWISIT!
Pumunta pa dito sa bahay tapos siya din naman pala ang gagawa at pinapabasa niya lang itong book na binigay niya sakin?
Ayos ah! May utak naman ako pero bakit hindi siya magpatulong sa akin? Ganon na ba kahina ang tingin niya sakin para hindi ipagkatiwala 'tong letcheng activity na 'to?
Kung tutuusin ay napaka-basic lang nito tsk
"Ito lang ba ang ipinunta mo dito?" Wala sa sariling tanong ko
Nagulat ako nang ma-realized ko ang tinanong ko kaya naman babawiin ko na dapat ito pero naunahan niya na ako
"Bakit, may inaasahan ka pa bang ibang dahilan kaya ako nagpunta dito?" What? Sabi ko na nga ba eh!!! Napaka-assuming nitong lalaking ito! Bakit ko nga ba 'to nagustuhan?
"A-Ano ba!! Syempre, tignan mo nga oh, ikaw lang gumagawa niyang activity na iyan na kung tutuusin ay dapat binibigyan mo dapat ako ng gagawin ko! Sana pala hindi ka nalang nagpunta dito at sa inyo niyo nalang sana yan gina—"
"Psh" Arrgghh. Alam ba niyang kahaba-haba nung sinabi ko tapos 'psh' lang ang matatanggap ko sa kaniya? Kagaling ah! I'm freaking amaze!
Tinignan lang ako nito ng deretso sa mata at napapalunok na lang ako dahil sa titig na yun "I really have to come here because I have something to tell you"
"W-What is it?" Bigla akong kinabahan dahil dun. Dagdag mo pa yung titig niyang pailalim. Anong sasabihin niya sa akin?
Pero agad ding nagliwanag ang mukha ko dahil sa iniisip ko. Is he inlove?
Yes, kay Ella
"Confirm na gumagamit si Mr Arago ng ipinagbabawal na droga" Lintaya nito. Natural akong natigilan sa iniisip at paggalaw ng mga kamay ko na nasa mesa dahil sa sinabi niya. After nung incident na 'yun ay hindi na yun muling pumasok pa sa isipan ko
Ang inisip ko nalang ay yung tungkol sa titulo ko. Gayong pati sa nangyari kanina kaya paano ko pa siya iisipin kung sa eskwelahan palang ay merong malas nang nangyari sa akin diba?
Mr Arago? Yung gagong muntikan na akong––arrggh bwisit na buhay 'to
And then something hit me.
'Ikaw!! Siya, siya ang kriminal! Kung makukulong lang din ako, sasabihin ko na din ang baho niyo para magkasama-sama tayo dito sa kulungan—'
'KRIMINAL KAA!! KRIMINAL YUNG TATAY MO—'
'Kriminal ang tatay mo! Dapat sa kaniya ay makulong dito, siya ang nababagay dito. Malaki ang kasalanan niya sa pamilyang Buenaventura!!!'
'Kri...mi-nal ang ta-tay niya! Kriminalll!! Malaki ang kasalanan ng pamilya niya sa pamilya niyo!!'
'You will figure it out soon and you will hate them for that crime'
Biglang bumalik sa akin ang alaalang sinabi ng lalaki sa akin nung gabing yun
Ngayon ko lang ulit inisip ang bagay na ito. Bakit ba bigla nalang yun nawala sa isipan ko? Bakit ngayon ko lang ulit inintindi ito?
Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin ang sinabi nito tungkol kina Kian at sa Dad niya
Anong kasalanan?
Eh ngayon ko nga lang nakilala si Kian eh
*Ehem*
Natauhan ako nang marinig ko ang tikhim nito. Hindi ko napansing nakatitig pala ako sa kaniya habang inalala ko ang mga bagay na iyon
Napayuko naman ako sa hiya dahil duon. Tsk, walang katapusang kahihiyan ata ngayong araw na ito ang mararamdaman ko ah?
Pero—Wait!
Kung confirm ngang gumagamit siya nung ewyng droga na yun, edi may posibilidad na nakahithit lang siya nung araw na yun kaya ganun ang pinagsasabi niya?
Pero kasi, iba eh, iba sa pakiramdam. Para kasing kilala ka talaga niya pag ikaw yung nasa sitwasyon kong iyon
Kasalukuyan kaming nakasalampak sa baba ngunit dali-dali akong tumayo nang wala sa wisyo dahilan para matisod ako sa carpet na nanduon at...
Muntik na akong natumba sa sahig kung hindi lang ako nasapo ni Kian dahil napatayo din ito nung tumayo ako kaya agad itong nakaalalay sa akin
Napalunok ako nang bumaba ang paningin ko sa ilong, papunta sa labi pababa sa a-adams apple niya at...
"Oh my god babyy!!"
Dali-dali akong napatayo dahil sa tili ni Mommy na ultimong katulong namin ay nagsipaglabasan na
Napalayo ako kay Kian na siyang nakatingin na kay Mommy na kung makatili ay parang kaedaran lang namin
Nang makitang wala namang masamang nagyari ay agad ding nagsibalikan ang mga maid sa dati nilang ginagawa
"Oh my god Nathalie Chanell!!!!!"
N-Natha..Lie––What????
Parang ngayon lang ako tinawag ni Mommy ng Nathalie Chanell? Di naman sa gusto kong tawagin niya akong baby, it's just that––hindi ako sanay na yun ang tawag niya sa akin. It's either Channel or Liechan kasi ang tawag niya sa 'kin kaya naman nagulat talaga ako sa itinawag nito
"Baby hihihi, naistorbo ko ba kayo?" Painosenteng tanong ni Mommy kaya tumaas ang kilay ko dahil dun
Naistorbo? Nagbibiro ka ba Mom?
"Oh siya! Hinatid ko lang 'tong meryenda niyo ni Luis para ganahan kayong 'gumawa' ng activity niyo hihihi" Tugon nito habang ibinababa ang mga cookies at juice duon
"Bye Luis and my baby" Pahabol nito at dali-daling umakyat sa taas at dinig na dinig pa ang maliit na takong nito sa pag-akyat
Napailing nalang ako at hinarap ang kasama ko na kasalukuyan palang...NAKATINGIN SA AKIN!
"Pa-Pagpasensiyahan mo na si Mommy ah? Ganon kasi talaga yun eh" Hingi ko ng paumanhin dito
Si Mommy kasi nag a-act na naman na bata-bata. Tinanguan lang niya ako at muling sumalampak ng upo sa carpet at pinagpatuloy ang pag gawa sa naturang activity
Actually, reaction paper lang naman 'to eh pero dalawang text siya kaya pang dalawahang tao rin lang siya. Useless diba? Inindividual nalang sana
Reaction paper pero hindi manlang niya tanungin kung anong masasabi ko sa text na pinapabasa niya sa akin. Bahala siya sa buhay niya
"Poverty Eradication key to fighting social media problems" By: Ghio Ong (The Philippine Star)
Basa ko sa title nito. Sinimulan ko itong gawin at tinype ko nalang ito sa cellphone ko dahil tinatamad akong magsulat ngayon
Nang tumagal ay nakaramdam ako ng antok kaya naman ipinahinga ko nalang muna ang ulo ko sa mesang babasagin na siyang pinagpapatungan namin para makagawa kami ng maayos
Halos magkaharap lang kami ni Pangit. Hindi naman ganun kalaki yung mesa eh, parang wala pa ngang isang dipa dahil pinagpapatungan lang naman ito ng flower vase
Pa-slant kasi kami kaya malamang hindi magkatabi
Pagod na pagod na ang mata ko dahil tutok talaga ako sa cellphone ko kanina para i-type yun. Hayst sana pala di na ako nagdress edi sana makakahiga ako ngayon ng maayos. Humilata nalang ako sa sofa matapos kong gawin ang part ko para sa activity
Pinikit ko ang mga mata ko pero pumasok si Kian sa isip ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dahil hindi ko pa siya nililingon kaya naman pinilit ko pa ding ipikit ang mga mata ko at hindi ko namalayang...
"HAAYYY!!" Hikab ko. Napasarap yata ang tulog ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at inunat ang mga kamay. Hindi ko alam kung bakit hindi mabigat ang pakiramdam ko ngayon
Minulat ko ang mga mata ko at pinalibot ito sa kabuuan ng kwarto ko. Napangiti ako nang makita ko ang liwanag na nagmumula sa malaking bintana nito
Tumayo ako at nagpunta sa harap ng salamin para tignan kung may nagbago ba sa napakaganda kong mukha pero bakit parang mas lalo yata akong gumanda?
Dumeretso ako ng CR at may nahagip ang dalawang mata ko duon. Malaki ang kwarto ko, kung tutuusin nga ay pwede na yun maging isang bahay dahil sa laki at lawak nito
Syempre malaki din ang CR nito na salamin lang ang pagitan sa bowl, tub, at shower room. May lalagyanan din dun ng mga labahan at yun ang nakaagaw ng pansin ko
Tinignan ko ang salamin na nandito sa loob ng CR na tama lang para sa mukha at napansin kong may make up pa ako
Hindi ako nagme-make up pag natutulog at mas lalong hindi ako natutulog ng nakamake-up!!
Pinagmasdan ko din ang damit kong suot ngayon at naka-pantulog na ako!!!
Tandang-tanda ko pa yung iniisip ko kagabi na sana hindi nalang ako nagdress para makahiga ako ng ayos sa sofa tapos ngayon naka-pantulog na ako????
CANNOT BE!!
CANNOT BE!!
Sinong nagpalit at nagbuhat sa akin?
Impossibleng si Daddy dahil nasa Davao siya para sa business trip at si Kuya naman ay nasa penthouse ng barkada niya for unknown reason at mas lalong impossible namang si Mommy dahil hindi naman ako binubuhat nun kapag nakakatulog ako sa sofa
Isa lang ang may posibilidad nito at si KIAN...OO SI KIAN ANG NAGBUHAT SA AKIN PAPUNTA DITO!!!!!
"Kyahhhhhhhhhh" Tili ko dahil napasok niya ang kwarto ko nang basta-basta
At sinong nag palit sa akin ng damit at pj's? Oh my goodness!!!
Nasapo ko ang noo ko dahil sa iniisip ko. Hindi naman siguro ano? Baka gusto niyang ma-side kick?
Napabuntong hininga ako at pinagsawalang bahala na lamang iyon at naligo. Nagbihis ako ng aking uniporme at lumabas sa closet ko at dumeretso sa harapan ng salamin para gawin yung alam niyo na, gorgeous routine, hello?!
Isinukbit ko na din yung bag ko sa balikat ko at handa nang umalis ngunit nasagi ng paningin ko yung notebook na pagsusulatan ko sana ng reaction ko tungkol sa text. Kinuha ko nalang ito at nilagay sa bag ko
Nang masatisfy ako sa itsura ko ay nagdecide na akong bumaba para makapasok na. May 30 minutes pa bago magsimula ang unang klase, kaya magbe-breakfast muna ako sa baba
Matapos ang halos limang minutong pagtahak pababa ay nakarating na din ako sa sala
"Ang blooming naman ng baby girl ko hihihihi" B-Blomming what???
Am I?
"Hihihi" Impit na hagikgik pa ni Mommy pero parang may nahagip akong isang babae sa peripheral eye view ko
Nilingon ko ito sa nagtatakang tingin ngunit ngitian niya lang ako kaya binalik ko kay Mommy ang tingin ko na animo'y humihingi ng sagot kung sino itong ka-edaran niya lang din na babae
"Ayy hehe, sorry Miss Alsaybar" Paumanhin ni Mommy sa kaharap
Tumawa naman ng tipid yung babae at..."Ano ka ba Beatrice, maka-Miss ka naman parang wala tayong pinag-samahan ah" Tawa pa nito habang nakatingin kay Mommy na bahagya ring tumawa
Napaawang naman ang bunganga ko dahil sa narinig.
So ibig sabihin ay magkakilala ang dalawa dahil ika nga nito'y may pinag-samahan silang dalawa at bakit parang ka-pormal naman ata ni Mommy kanina?
"Ah, kilala mo naman na 'tong anak ko diba mars?" Ani Mommy. Teka—Paano ako nakilala nito eh ngayon ko lang naman ito nakilala
"Ahh siya na pala yung unica-hija mo mars? Napakagandang bata" Komento nito. Pinagmasdan ko pa siya at mahahalata mo din sa kanya ang karangyaan dahil sa suot pa lang nitong itim na fitted skirt na above the knee at white long sleeve sa loob ng itim na coat at sandals nitong itim. May hawak din itong itim na bag kaya mahahalata mong siya'y business woman
"Salamat po" Tipid kong sagot sa sinabi nito, hindi komportable
"A-Ah, Mommy, Miss Alsaybar, mauuna na po ako, 15 minutes left nalang po kasi baka malate pa po kasi ako" Tugon ko
"Ano ka ba anak, just call me Tita Erja or Tita nalang" Natawa pa ito ng bahagya dahil sa itinawag ko sa kaniya. Tumango at ngumiti nalang ako bilang tugon sa kaniya at lumapit kay Mommy at humalik sa pisngi nito bago umalis
Ngunit hindi pa ako nakakalayo nang bigla kong marinig ang sinabi ni Miss––Tita Erja
"Nakikita ko sa kaniya ang anak kong si Ashley, matatanggap pa ba niya ako sa kabila ng pag papaubaya ko sa kaniya sa ibang tao?"
—°—
END OF CHAPTER 24!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top