Chapter 22

Nathalie Chanell's Point Of View

Hindi ako mapakali at pawisan na din ang noo ko dahil sa nerbyos kaya naman napansin akong muli ni Celes at Shane na may halong pagtataka at pag-aalala sa mga mukha nila

"Lie, are you really okay?" Si Shane. Pilit ko naman siyang nginitian at napatingin pa ito sa kamay kong nanginginig dahil sa takot

"Y-Yeah d-dont bo-bother" Nanginginig na usal ko. They are looked worried kaya naman nginitian ko lang ito ng pagkatipid-tipid

Nung nakita ko kasi yung babae ay bigla ko ding tinanggal ang tingin ko dun dahil sa takot. Nakakatakot yung ngiti niya at naka-whole black pa siya na natatakpan ng mask ang mukha niya

Ang masasabi ko lang?

SHE LOOKS REALLY LIKE A DEMON!!

I mean, she's wearing her evil smile at kinilabutan din ako sa paraan ng pagtitig nito kaya naman ganito na lamang ang nararamdaman ko ngayon

Gustuhin ko mang lingunin muli ito pero nandun pa din yung takot sa loob ko. But I can't take it anymore. I need to see her again and face this one because I can still feel this uneasiness feeling towards me

Dahan-dahan ulit akong lumingon sa kaliwa ko pero bakit wala na siya dun? Pero ramdam ko pa din siya. Nararamdaman ko pa din yung pakiramdam ko kanina kaya impossibleng wala na siya

I tried to find her kung saan banda at sa kung saang malapit ko siya nakita kanina pero wala talaga siya kaya naman napalingon na naman ako sa likod ko pero bigo ako, wala talaga

Sa kanan pa Chanell

Bigla ko namang narinig iyon sa ibang bahagi ng utak ko kaya biglaang lingon ang ginawa para mataranta, manginig at mabitawan na naman ang kubyertos na hawak ko

"Sh-Sh-Shane!! C-Celes" Manginig-nginig na usal ko kaya agad silang lumapit sa likod ko at di magkanda-ugaga sa kung ano mang gagawin sa akin

NANDUN SIYA. NANDUN YUNG BABAE AT BAKAS SA KANIYA ANG NAKAPASKIL NA NGITING NAKAKAPANGILABOT SA KANIYA!!!!

"L-Lie, ayos ka lang ba? W-What happened? Why are you trembling? May ma-masakit b-ba sayo? Tell me?" Halos pumipiyok na usal ni Shane. Madami na din ang nakatingin sa amin

I'm drawing too much of attention!

Muli kong nilingon yung babae at nandun pa din siya at parang tuwang-tuwang pinagmamasdan ako

"S-Shane! Celesss!! Look at her!!! She's Demonnnn!!!" Sigaw ko at umugong na ang ingay ng mga estudyanteng nakarinig sa sigaw ko. Tinuro ko pa yung babae pero nanlumo at napahikbi nalang ako dahil nawala na agad ito bago pa nila malingon

WHO ARE YOU!

Di ko maitatangging sa akin talaga siya nakatingin dahil sa akin lang naman talaga ito nakatingin at nagpakita. At mukhang hindi pa niya inilipat ang mata kung saan, lumipat lang siya ng pwesto pero nasa akin pa din ang paningin niya

Sino siya? Why is she smiling like that to me? Hindi ko siya mamukhaan dahil sa mask na nakatakip sa mukha niya pero alam kong naka-uniform siya ng BRIA sa loob ng suot nitong dress na itim at hindi ako nagkakamali duon dahil naka-black shoes pa ito

Mahigpit na pinagbabawal dito ang pagpasok sa mga outsiders kaya naman ganoon nalang ang kaba ko. Paano kung may gawing masama sa akin yun? What should I do?

"W-Where? Chan we don't get you. Are you really okay? Let's go, dadalhin ka namin sa clinic" Malumanay ngunit nag-aalalang tugon ni Celes habang akay-akay ako ng dalawa palabas ng canteen patungo sa clinic

°

Ella's Point Of View

I saw Dem's reaction. Remember who's Dem? It's Nathalie Chanell Buenaventura. I don't know why she yelled the word DEMON. Tanggap niya na ba yung nickname na binigay ko sa kaniya?

Maraming nagtatanong kung bakit nagbago ako! Alam niyo ba kung bakit? Nagbago lang ako dahil ayokong mawala yung taong mahalaga sa akin. Ayaw ko lang siyang mawala sa akin kaya tinatatagan ko ang sarili ko because I know Dem's secrets

Ngunit meron isang malaking reason kaya ako nagkakaganito ngayon. Malaking impact ito sa akin, sa pagkatao ko kaya naman ganito na lamang ang nangyayari sa akin

Ayoko pa, hindi ko pa tanggap sa sarili ko ang katotohanang iyon. Ayaw tanggapin ng sistema ko kung bakit? Bakit pwedeng magkaganon? Bakit nagkaganon?

I'm not yet ready to share what it was kaya ito na lang munang isang rason ang ibabahagi ko sa inyo

Alam kong may gusto si Dem sa boyfriend ko. Hindi ako tanga para hindi paniwalaan yung nalalaman kong iyon. Alam kong ayaw ako nito dahil nga boyfriend ko yung taong gusto niya. Masyadong maaga para malaman ko, pero halata siya masyado kaya naman ganun na lamang ang bakod ko kay Kian dahil alam ko, there's a possibility that he can fall in love with Dem too. She's almost perfect! I don't want to admit pero she's really almost perfect. She's beautiful, rich, famous, she has perfect shaped of body, luscious lips, hazelnut eyes, she's also smart, she can dance well, she can sing, she's almost a complete package. At ang almost na iyon ay ugali niya lang ang nakapagpataliwas sa kaniya. So I know that there's a possibility na magustuhan din siya ni Kian

Ano lang ba naman ako para hindi iwan diba? Mahirap lang ako yet, mas lalo pang gumulo ang buhay ko

Hindi din ako manhid sa sakit ng lipunang ito. Maraming linta, pero ang alam ko? Hindi ako magagawang saktan ni Kian dahil alam kong mahalaga ako sa kaniya.

I trust him a lot. Alam kong naging mabilis ang proseso ng relasyon namin pero hindi ganun kababa ang nararamdaman ko sa kaniya. Iba ang pakiramdam ko sa kaniya una ko palang siyang nakita sa Catarina

"Ella" Tawag sa akin ni Kian kaya nginitian ko ito. Hindi naman ganun kalalim ang iniisip ko para hindi ako maging aware sa paligid ko

"Bakit?" I asked. Kasama naman namin sina Erick, Oliver at si Justin. Mukhang may katext pa ang dalawa dahil halata ang mga daliri nila sa pagtipa. Habang si Erick naman ay ganun pa rin.

"Sa tingin mo, anong nangyari kay Natalya?" Napangiwi ako sa tanong nito. Worried?

Ako na nga ang kaharap mo pero nakay Natalya pa rin ang isip mo!

Napailing nalang ako sa naisip ko. Napaka-paranoid ko na "Nag aalala kaba?" Tanong ko. Napaiwas pa ito ng tingin dahil nilingon ko siya at pinakatitigan

Bakas sa mukha nito ang pagkailang kaya naman inalis ko na lamang ito sa kaniya. Gusto kong matawa dahil dun, nakakailang ba yung tingin ko o yung tanong ko?

"What happened to our Queen ba?"

"I don't know, why is she acting like that?"

"She looks like a crazy"

"Yah, she says pa na may nakita daw siyang babaeng nakablack kanina like arggg so creepy"

"Oh my god! It means, my third eye siya?"

"Kyaaaaaaaaaaa, Ano ba Leanne!!! Nakakatakot ka naman"

"Ngayon ko lang siyang nakitang ganun, like duh. It's so pathetic" Sabi nung halatang pinakamaarte sa kanila at agad din silang lumakad palayo

Queen? They mean, Nathalie Chanell Buenaventura? Si Dem? Nababaliw na ba siya? Anong black lady?

"BWAHAHAHAHHAHAA" malakas na tawa ko kaya naman napalingon ang karamihang malapit sa amin na nandito

Nandirito kasi kami sa bench at nakatambay dahil wala kaming klase. Napalingon naman si Kian sa'kin at nagtataka

"Di mo ba narinig yung mga girls kanina? Pinag-uusapan nila si Dem, nakakita 'daw' kasi ata ng black lady hahahaah" Tawa ko pa pero he's so damn serious. Salubong ang kilay nito at pwedeng anytime ay sumabog na ito sa inis kaya tumigil na lamang ako

"Ikaw, narinig mo ba yung sinabi nila?" Balik tanong pa nito sakin. Why is he so serious? May nasabi ba akong mali?

"Yes" I answered "Sinabi nilang may nakitang black lady si Dem, napaka-paranoid niya ano? Hahaha I wond—

"Ang 'pagkakaalam' ko, may nakita daw siyang babaeng nakablack kanina. Wala akong 'narinig' na sinabi nilang 'nakakita' ng 'black lady' si Natalya" Sabi ni Kian na bakas sa kaniya ang pagka-sarkastiko

Nagulat ako sa inaasal niya ngayon. Ano bang nangyari sa kaniya? "Ano bang problema mo?" Inis ding tanong ko. Paano ako di maiinis eh nakapa-sarkastiko niya?

Blangko ang mukha nito kaya hindi ko alam ang takbo ng isip niya "Sinabi ko lang kung 'ano' yung narinig ko" Pagdedepensa nito sa sarili kaya naman nainis ako lalo sa inasta nito at napatayo nalang ako dahil sa disappointment

"Ella!!"

"Ellaa!!!" Tawag pa nito sakin pero pinagpatuloy ko pa din yung lakad ko hanggang sa makapunta na ako sa room ng kay aga-aga

Fifteen minutes pa bago magsimula ang klase kaya nakakaburyo dahil sa sobrang tahimik ng bawat sulok dahil mag-isa lamang ako dito

Kaya naman dahil sa pagkabagot ko ay kung saan-saan na naman napunta ang imahinasyon ko

Bakit kailangang malaman ko pa yun? Sa loob ng labin pitong taon ay nabuhay ako sa kasinungalingan? WTF!

Ito, ito ang malaking rason kung bakit ako nagkakaganito. Mahirap kasing tanggapin. Nabuhay lang pala ako sa kasinungalingan sa loob ng maraming taon. Nagmukha akong tanga at di ko manlang alam na sa nakalipas na taong iyon ay kulang ako, kulang ang pagkatao ko dahil kulang ang nalalaman ko sa buhay ko

Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang pagngitngit ng pinto hudyat na may papasok dito

Inangat ko ang mukha ko sa pagkakayuko ko at nakita ko siya...

Si Mr. Earphone Type

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa sa third row. Nasa last row kasi ako umuupo kaya naman napapagmasdan ko pa ito sa likod

Honestly? He's handsome and hot too pero TAHIMIK MASYADO kaya naman hindi siya masyadong lapitin ng mga babae

"LQ?"

Eh? Ako ba kinakausap niya?

Malamang, kami lang naman tao dito diba? Pero nakakapagtaka kaya nuh! Did I mentioned na STEM Student siya? Kung oo, siguro naman magtataka na din kayo kung bakit nandito siya ngayon sa room ng ABM diba?

At eto pa. Nagtataka talaga ako dahil ngayon lang ako nito kinibo simula nung makilala ko siya! Unbelievable!!

"Nag away kayo?" Tanong nito ulit kaya naman speechless pa din ako. Grab the chance Ella, minsan lang magsalita ang pipi kaya kibuin mo na

"Wag niyong patagalin yang ganiyang klaseng away kasi alam niyo? Napakaliit lang niyan pero nakakasira din ng relasyon yan" Dagdag nito na nakapag-pamangha sa akin!! Wow! As in wow! Word breaker na ba? Ang haba po ng sinabi niya. Mahaba na yun kung talagang kilala mo siya

Siya yung taong isang sentence o word lang ay okay na. Pero ngayon mahaba-haba onti ah?

But my attention caught what he said earlier.

'Napakaliit lang niyan pero nakakasira din ng relasyon yan'

'Napakaliit lang niyan pero nakakasira din ng relasyon yan'

Inulit-ulit ko pa sa isipan ko yung huling sinabi niya. Ganun ba yun? "Kapag ganiyang bagay lang ang pinagtatalunan ay matuto kayong magpakumbaba" Sabi na naman nito. Hindi pa din ako makapag salita. Parang naumid yata ang dila ko para hindi na makapagsalita pa

Ngunit mas lalo akong nagulat nang humarap pa ito sa akin at tumitig ng bahagya

"Mahal mo ba siya? Iyang pagmamahal bang iyan ay kayang magparaya?" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi nito

"A-Ano ba-bang s-sinasabi mo?" Utal kong tanong. I don't have any idea of what is he talking about

"Alam mo bang hindi lahat ng taong sinasabihan ka ng mahal ka ay mahal kang talaga? Dahil yung iba, pinapakiramdaman lang nila ang sarili nila. Yung iba? Hindi pa nila lubos na alam kung ano ba talagang nararamdaman nila pero kadalasan, sinasabihan kalang nilang mahal ka dahil ayaw nilang makasakit pa ng damdamin ng iba" Pagpapatuloy pa din nito sa pag eexplain kahit wala naman akong maintindihan maski isa. Weird pero hindi pa ako sinasabihan ni Kian na mahal niya ako. Kahit nung araw na sinagot ko siya ay hindi niya sinabi yun.

"Paano nga ba natin masasabing mahal natin ang isang tao?" E-Eh? Ano bang sinasabi niya?

"Alam mo bang nagbabago ang pagmamahal ng isang tao?" Tanong na naman nito pero di pa din ako kumibo "Sa panahon ngayon at sa kalagayan mo? Alam mo ba ang isang nararamdaman ay pwede agad maglaho? Kung noon, mahal ka niya, maaaring ngayon ay gusto ka na lamang niya" Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa sinabi niyang iyon

"At ang tanong ko ay yang pagmamahal bang iyan ay kayang magparaya? Kasi mahirap magmahal ng taong hindi ka naman gusto. Oo gusto ka pero paano kung may mahal siyang iba, paano kung ang pagmamahal na iyon ay normal lang pala? Papalayain mo ba lalo na kung wala dyan sa mga sinabi ko ang rason upang iwan ka niya?"

WITH THAT? HE LEFT WITHOUT HEARING WHAT MY MIND SAID

Napuno ng katanungan ang isip ko. Bakit ba niya sinabi sakin yun? May masabi lang ganun?

Pero hindi eh, hindi naman madaldal yun. Bakit ganito pa din yung pintig ng puso ko? Parang hinahabol ako dahil sa bilis nito

'Alam mo ba ang isang nararamdaman ay pwede agad maglaho? Kung noon, mahal ka niya, maaaring ngayon ay gusto ko na lamang niya'

Tsk, kalokohan. Ayaw ko mang aminin pero malakas ang pakiramdam ko na para sa amin talaga yung mga sinabi niyang yun at para sa akin talaga yung tanong niyang yun

Ayaw kong maniwala sa iniisip ko dahil may tiwala ako sa kaniya. I know that Kian loves me more than I know so there's nothing to worry about

Ayokong kapag nalaman niya ang iniisip ko ngayon ay baka isipin pa niyang wala akong tiwala sa kaniya. I don't want that happen

Masyadong malaki ang tiwala ko sa kaniya para lang masira ng ganun-ganun lang dahil sa iniwang katanungan at sa mga sinabi na din ni Erick kanina

Oo, aaminin kong kinabahan ako dahil hindi naman iyon pala salita pero kadaming dinada kanina

Ang alam ko kasi sa taong yun ay hindi ka niya pag-aaksayahang puntahan dito para sabihin lang lahat yun. Dahil para sa lalaking yun, dapat may sense lang lahat ang sinasabi niya at sasabihin mo para kausapin ka niya kaya naman nakaramdam din ako ng takot sa sinabi niya dahil ayaw kong isipin...

Ayokong isipin na ganun talaga. Nakabuo ako ng sariling konklusyon dahil lamang sa sinabi ni Erick. Ayaw kong isipin na may nagbago talaga dahil lang sa sinabi nito. Mahal ko siya at alam kong buo ang pagmamahal niya sa akin.

Kasi ayokong isipin na baka naawa lang siya sa akin. Ayokong isipin na peke ang lahat sa kaniya, ayoko!


—°—

END OF CHAPTER 22!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top