Chapter 19

Shane's Point Of View

"Gosh!! Hell week is coming!!" Reklamo ko. Paano ba naman kasi, kadaming requirements at dumagdag pa na exam na sa huwebes at biyernes

I'm so frustrated!

Bakit kasi ngayon lang nila in-announced?

May dalawang araw pa ako para hindi bumagsak pero sure ba akong makakapagreview pa ako sa lagay na yon? Ang dami kayang gagawin. Badnesss!!

"Really Bad" Sabi ko pa. Kasalukuyan akong nandito sa drinking fountain dahil feeling ko madede-dehydrate ako dahil sa narinig kong announcement na iyon na gamit ang intercom at kalat ang mga speaker na connected duon kaya naman rinig na rinig ito ng dalawang tainga ko!

Iniwan ko naman sila Celes sa quadrangle kasama sila Kian. Si Lie? Ayun di na namin mahagilap. Di ko pa nga nakikita yun simula nung umalis siya papunta sa Dean's Office eh

*Ting*

Bigla kong kinapa yung bulsa ng coat ko nang tumunog ang cellphone ko

Kinlick ko ang chat head na nagpop dito dahil sa messenger naman kasi nagchat itong babaeng ito

Nathalie Chanell Buenaventura
"Where are you?"
4:10 PM Received.

Shane Ryie Vicquerra
"Drinking Fountain"
4:10 PM Delivered.

Nathalie Chanell Buenaventura
"At sa tingin mo pupuntahan ko pa yung tatlong drinking fountain ng campus para lang mahanap ka?"
4:11 PM Received.

Shane Ryie Vicquerra
"Miss me na ba Lie?"
4:11 PM Delivered.

Nathalie Chanell Buenaventura
"Nope. Where the hell are you?"
4:13 PM Received.

Shane Ryie Vicquerra
"Ouch! It hurts! Aistt malapit ako sa quadrangle"
4:15 PM Delivered.

Sinadya ko talagang hindi magreply agad para inisin siya. Alam ko namang bugnot na bugnot na yun kahit two minutes lang ang hinintay niya

"Shane" Ayan na po siya. Liningon ko ito at kalmado naman ang mukha niya

Woaaahh kinabahan ako dun ah!

"Where's Celes?" She suddenly asked at hinanap pa ito sa paligid

"Wow! Ako ba talaga ang hinahanap mo o si Celes?" I asked sarcastically. Paano ba naman kasi, ako lang ang hinahanap niya kanina tapos si Celes naman na ngayon?

Tampo ak-"Aww" Masakit yun ah? Hinampas lang naman ako ng dragona. Bwisit talaga 'tong babaeng ito kahit kailan!!

"Bakit ka ba nanghahampas?!" Hinimas-himas ko pa yung parte ng braso ko na hinampas niya

"Don't pout, hindi bagay sayo" Anito at siniringan pa ako ng kaniyang mata. Tsk, tusukin ko yan eh!!

"You're so mean!" Sabi ko sabay irap sa kaniya. Aba ano bang problema nito? Pati pag-nguso ko sisitahin pa? Maka-irap pa wagas, kawawa naman ang kagandahan ko, naaapi lang ng dragonang ito.

"Where's Celes?" Iba talaga, naka unli ata siya. Kanina 'where are you' na paulit-ulit tapos ngayon 'Where's Celes naman?' Kaloka. Di ko kaya lola mo 'te. Mukhang baliw na yata!

Tinuro ko nalang ito na nasa bench kasama sina Oliver, Erick, and Justin

Wala naman si Ella at Kian duon kaya kampante akong bumalik dun na kasama si Lie na walang magaganap na rambulan. Siguradong rat-ratan na naman kasi pag nagtagpo yung tatlong iyon

Hindi na din ako magtataka kung isang araw, manampal na ulit si Ella kay Lie. Laki ng pinagbago tae. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig!

Oo alam kong may gusto si Lie kay Kian. I heard that nung birthday nila ni Tito at Vier

°

~FLASHBACK~

Kasalukuyan kaming nandito sa table namin. Kakatapos lang nina Tito at Nathalie sa speech nila

After a minutes, natagpuan nalang namin ang sarili na sumasayaw sa gitna. Partner ko si Oliver at isang hakbang lang ang layo namin kay Lie at kay Tito Lexis. Bali nasa left side kami nila at nilingon ko naman kung sino ang nasa right side at napansin kong sina Ella at Kian yun na hindi din naman masyadong malayo sa agwat nina Lie at Tito Lexis

"Do you like him?" Naging alerto naman ang pandinig ko nung marinig ko ito mula kay Tito

Napalingon naman ako sa kaliwa, kanan, harap at kung saan-saang direksyon na malapit sa kanila pero pansin kong busy ang lahat sa kanilang mga kasayaw

"Sino Dad?" Mas lalong naging aktibo ang sistema ko nung marinig ko ang sagot ni Tito Lexis

"Kian"

Bigla akong lumingon sa kasayaw ko at sa iba ito nakatingin kaya naman inagaw ko ang pansin nito at tinanong kung may earphones ba siyang dala

He shrugged at naweirduhan ng bongga pero nagpaalam muna ito sandali at may dala-dala na siya pagbalik. Mukhang kay Erick to ah! Buti nakuha niya? Eh hindi na ata ito mawawala sa sistema nung Erick na yun eh!

"What's the use?" His forehead creased dahil mukhang nagtataka ito sa pang gagamitan ko. What's the use-what's the use. Bakit hindi ba niya alam kung paano gamitin ito? Tanga ba siya? Eh lagi ngang gamit 'to ng kaibigan niyang wierdo tapos ngayon tatanungin niya kung para saan? Baliw din pala 'to eh

"Wear this please, I want you to hear my favorite song while we're dancing" Palusot ko. Malakas ang sound system kaya naman paniguradong mahihirapan siyang pakinggan ang nasa earphone na nagpi-play na song. But I know it'll help para hindi niya marinig ang pinag-uusapan nila Tito Lexis

Nilabas ko naman yung phone ko at sinalpak ko sa tenga niya yung earphones and he just smiled

MASUNURIN!

I want to eavesdrop someones conversation at ayaw kong marinig ni Oliver kung ano man iyong maririnig ko kaya yun lang ang naisip kong paraan

Sumasayaw pa rin kami at pasimple akong lumalapit ng kaunti habang sumasayaw pa rin ayon sa ritmo para mas marinig ko pa ang pag-uusapan nila

Argg I missed something about what they were talking about!

"I know, as your father. I know you're in pain while you are looking at them two from afar, laughing"

Aww!

Pasimple ko silang tinitignan sa gilid ng mata ko para di ako mapansin ni Oliver na halata namang nage-enjoy sa music na napapakinggan nito

I saw the tears slid down her cheeks after Tito said those words for her, then Tito wiped them using his own hand.

Sweet. Miss ko na tuloy si Daddy

Nasa Japan kasi siya at inaayos yung business namin duon, yung isa sa branch nito. Hindi pa siya umuuwi, isang buwan na. Kahit napakastrikto nila ni Mommy ay mahal ko pa din sila

"Change partners" Sigaw ng lalaking nasa mini stage. Sa taranta ko, umikot nalang ako kunwari para di na mapalitan pa ang partner ko. I still need to eavesdrop to know what's real

Napansin ko naman na ang puwesto nila Lie at Kian ay duon sa pwesto nila Ella at Kian kanina. Ako na ang kumontrol sa sayaw namin ni Oliver kaya sumayaw-sayaw ako ng palakad at nakipagpalit ng pwesto dun sa katabi nila Lie at Kian habang si Tito Lexis at Tita Mommy ay nasa right at kami ay nasa likod ni Lie at sa left side ay si Ella at si Warren

Parang pinapalibutan lang namin silang dalawa pero may isang hakbang agwat nga lang

"This is not the Nathalie Chanell Buenaventura I knew, Nathalie is a fierce woman, but here. You're like an angel sent from above because you're so tame as of now, what happened?" Sweet boy. Tinignan ko ulit si Oliver at enjoy na enjoy pa rin ito sa pakikinig habang kasayaw ako sa magandang tugtugin

"If you don't mind, can I hug you for a while? I just want to prove something on myself that it's not real"

What the heck?

She's proving it to herself about her feelings for Kian if it is real or not by hugging him?

Shit this is new. She really like him because I saw the freaking glint of love in her eyes!!

~END OF FLASHBACK~

°

"Where are we going?" Narinig kong tanong ni Celes

I spaced out for thinking

Kumurap-kurap ako para bumalik na sa kasalukuyan "Fun" Tipid na sagot ni Lie habang nakatayo pa rin sa harap ni Les

Kumunot naman ang nuo ko sa sagot nito. Fun? Saan iyon? May ganoon na palang lugar dito sa Sta Rosa?

"Status Bar" Dagdag nito na mukhang napansin ang pangunot nuo namin ni Les. Fun? Teka!! Kailan pa naging fun sa kaniya ang isang bar?

Whattt? Alam kong mahilig din ako sa party-party na iyan pero-

"Samaaaaaaa"

"Sama kami!" Gusto kong tumawa dahil dito sa dalawa

Their reaction was priceless kaya hindi ko na napigilan at natawa na ako sa paraan ng pagkakasabi nila. Yung isa kasi mukhang excited na excited tapos yung isa naman, parang gusto lang pumunta pero walang excitement para dito

"Nope! You're not coming with us" Tugon ni Lie na nagpasimangot sa dalawa

Natawa kami ni Celes dahil humaba ang nguso ng dalawang lalaking ito na parang batang hindi nabigyan ng tsitsirya

No other than...Oliver and Justin

Oliver was the excited one while Justin ay yung parang gusto lang sumama para makipag-bonding ganun

"Okay, hindi na kami sasama" Diretsong sabi ni Justin kaya naman napabuntong-hininga si Lie sa narinig nito dahil sa ginhawa. Mukhang nabunutan ng tinik ang kaniyang lalamunan kung tutuusin.

"Pero-" Sabay na sabi ni Oliver at Justin. Nagtaka si Lie maski ako na din, ano na naman bang kalokohan nitong dalawang 'to?

Gusto kong maawa kay Erick dahil sa kakulitan ng dalawang kaibigan niya. Parang walang mga taong nakapaligid sa kaniya kung tutuusin dahil wala manlang itong imik at nakasalpak pa din ang earphones niya sa kaniyang tainga habang nagbabasa

Wow! That's one of his talents. Reading while listening to some sort of distracting music

"Pupunta kami" Sabay na sagot ng dalawa. Their smile becomes wider and widest at para silang mga timang kung makikita mo man sila ngayon

"What!!! I thought you're not coming with us!!" Inis na inis na tanong ni Lie. Pinipilit ko lang na huwag ng tumawa at baka ako pa mapagbuntunan ng inis ng dragona. Eh kasi naman yung reaksyon niya ay nakakatawa talaga

Lumaki ang mata at nawala ang poise niya nung narinig niya ang sinabi nung dalawa

"Yeahh, slow-?" Pagtatanong ni Justin na mas lalong nagpasama sa mukha ni Lie

Biglang dinagdagan ni Oliver itong sasabihin sana ni Justin "Magkaiba kasi ang pupunta sa sasama. Hindi kami sasama sa inyo, pero pupunta din kami sa Status Bar. Diba Kian?" Sabay baling ng tingin ni Oliver at maging kami sa likod at nanduon si Kian na mukhang kadadating lamang

Tumaas ang kilay ni Lie kay Kian na nagpalabas ng kaninang impit lang na tawa mula sa akin

"Yeah, see you then" Ani Kian kay Lie at tumayo na ang mga kasama nito at umalis na din

Naiwan namang bagsak ang panga ni Lie sa sinabi ni Kian. Hindi na kami umimik ni Celes duon but a smirk plastered on my face

It will be fun!

Bagot na bagot na kaming tatlo sa kakahintay sa mga wierdo na 'yon. Asan na ba kasi yung mga yun? Grabe parang mga babae namang gumalaw, dinaig pa kaming tatlo nina Celes at Lie. Kanina pa kami dito na naghihintay, hindi ba nila alam na masamang paghintay ang mga magaganda? O di kaya'y kahit babae nalang? Nakakahiya naman sa inyo, baka i-judge niyo agad ako sa pagka-assumera ko eh nagsasabi lang naman ako ng totoo!

Asan na kasi yung mga lalaking yun eerrr magagalit na ang dragona eh!

"Shane, Celes, let's go!" Naiiritang sabi ni Lie

Nandito palang kami sa parking lot at pinilit namin si Lie na hintayin namin yung mga Shokoy. Pumayag naman siya pero mukhang naiinip na kaya gusto nang pumasok sa loob

"Lieee, 5 minutes please!!" Pagpupumilit ko pero aba mga 'teh, inirapan ako! Itong gandang ito ay iniirapan lang ng isang dragon?

Hmfft text ko na nga lang yung babaerong yun. Bakit ba kasi ang tagal nila?

Compose Message
To : Playboy
"Asan na ba kasi kayo Mr Playboy?"
Message Sent! 7:45 PM

~One Message Received~
From: Playboy
"Stop calling me Mr Playboy, do you want me to kiss you?"
Received! 7:46 PM

To: Playboy
"Yuck! Can you hear what you were saying?"
Message Sent! 7:46 PM

~One Message Received~
From: Playboy
"Can't hear because I just texted it"
Received! 7:46 PM

Umirap ako sa kawalan bago ko nireplyan itong babaerong Oliver na ito!

To: Playboy
"Asan na ba kasi kayo? Lie is mainipin you know her naman"

Message Sent! 7:47 PM

~One Message Received~
From: Playboy

"Miss me?"
Received! 7:47 PM

Aggghh nakakainis, hindi nalang kasi sagutin ng maayos. Kung ano-ano pa kasing kasinungalingan ang pinagsasasabi!!

~One Message Received~

From: Playboy

"We're here, stop pouting nagmumukha ka ng pato"
Received! 7:48 PM

WHAT THE HELL?? PATO? As in duck? Aba!! Ang ganda ko namang pato?

Agad akong bumaling sa right side ko pero WALA PA NAMAN SILA.

~One Message Received~
From: Playboy
"Opsss, tingin sa left"
Received! 7:49 PM

At dahil tatanga-tanga ako, nagpauto ako sa babaerong yun

WALA PA DIN!

~One Message Received~
From: Playboy
"Hehehe peace na tayo, wag ka ng magtransform. Eto na talaga, tingin ka sa harap"
Received! 7:50 PM

At dahil dakila talaga akong tanga, wala akong napala sa panlilinlang niya at tapos na ang 5 minutes na iyon at sandaling panahon na lang ay sasabog na naman ang dragona

In one,

Two,

Thr-

"Shane, Celes let's go inside"

Yung kaninang inis ko ay napalitan ng tawa at ganun din naman si Celes pero inirapan lang kami ni Lie

Bago umalis, sinulyapan ko muna ang cellphone ko pero wala ng text ang bwisit na babaerong iyon!

Hanggang sa..."Huli kaaaaaaaaa" Nakakarindi bwisit na lalaking 'to!

"Sorry-"

"Aray ko naman!!!" Reklamo nito dahil binatukan ko na siya dahil sa inis ko kasi nasa likod lang naman pala namin sila

"Shane, Celes, tara na sa loob. Hinintay niyo na at pinagmukha na kayong tanga sa paghihintay na hindi naman dapat kasi sinabi nilang hindi sila sasama satin kaya tara na" Wow, seryoso siya ateeee, seryoso.

At teka ano daw? Kagulo ah! Tagalog na nga lang yun Lie, wrong way ka pa? Or slow lang talaga ako?

Whooo, magwo-walkout na po siya halla heto na!!! Maglalakad naaaa! Ayan naaaa-

"Baby"

Oh-uh!

Dali-dali kong nilingon yung nagsalita nang mapansin kong napahinto si Lie sa pagwo-walkout eksena niya dahil sa bagong dating

"Wala ka talagang balak isama ako ah? At wala ka ding balak sabihin sakin? Magtatampo na ako!" Errrr badness!! Nakakabiter mga ate

Nakasabit lang naman ang mga braso ni Ella sa leeg ni Kian na parang unggoy na naglalambitin sa kaniyang puno

Hinarap ko si Lie at dali-dali na itong pumasok sa loob ng bar na hindi manlang kami nililingon at tinatawag. Selos alert?!

Hayst binabawi ko na ang sinabi kong magiging masaya ito

Nakuuu!! Iba iyon kapag nalalasing eh. Shit baka maging drunksitter ako ng wala sa oras!

Sumunod naman na kami papasok ng bar but I realized...

This bar was named Status Bar at ang laking building nito, ten floor kaya ito kaya naman..."Kyaaaaaaaaahhh" Sigaw ko sa excitement

"Shane!! Bakit ka ba sumisigaw nakakahiya" Sita sakin ni Playboy pero di ko pinansin ang sinabi nito dahil nae-excite pa din talaga ako

"Ediibigsabihinsapangthirdfloortayoatsapangfifthsilakian?" Dire-diretso kong sabi at halos hingalin ako dahil sa walang hintong sinabi ko. Maging ako ay hindi ko naintindihan ang aking sinabi kaya malamang sa malamang ay mas lalo nila itong hindi naintindihan

"Ano ba, Shane. Di namin naiintindihan!!" Naaasar na tugon ni Celes. Inirapan ko naman sila at inayos ko nalang ito baka di pa ako isama sa loob ng bar na ito edi sayang outfit ko?

"Ang sabi ko, edi ibig sabihin sa pang third floor tayo at sa pang fifth floor naman sina Kian at Ella?" Sabi ko

"Nope" Sabay na sabi ni Ella at Kian

Naguluhan naman kaming apat dito at pagkatapos naming magsulat-sulat sa pina fill-up-an dito sa first floor ay pumunta naman na kami sa elevator at nagulat ako nung pinindot pa nila ang third floor

Medyo nalinawan naman ako kaya nagtanong na ako

"Diba, In a relationship kayo? Edi dapat sa pang fifth floor kayo diba? Magjo-join ba kayo sa pang single?" I asked

Sa first floor kasi ay yung pagsusulatin o pagfifill-up-an kapa ng kung ano-ano. Including your name, age-na pineke namin. At status na din kung single, in a relationship, complicated and so on and so forth

Sa second floor naman ay yung mga Finding. I mean, naghahanap palang ng malalandi-owww, maybe magiging ka-ibigan.

Sa third floor ay kami-mga single kumbaga. Walang dinaramdam na sakit sa puso at happy go lucky lang sa buhay

Sa fourth floor naman ay yung mga Mutual Understanding palang. Aba wow Shane huh. MakaLANG ka naman, eh wala ka ngang ka-MU eh!

Sa fifth floor ay yung mga in a relationship. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sa third din sila Kian at Ella eh. Sandali, bitter ako 'te bitter kaya wag na natin yang pag-usapan pa

Habang yung sa sixth floor naman ay yung gaguhan lang. In a RelationSHIT kumbaga. Yan yung gaguhang relasyon lamang. Flings lang ganun o naghahanap lang ng Ef buddy. Bet? Sakit nun pre!

At sa pang seventh floor naman ay yung mga wasak. Opsss hindi yung wasak talaga na dinisvirginize ah? Yung broken hearted. Yung mga wasak na ang puso, yung pilit dinurog ng iba sa pamamagitan ng pananakit ng damdamin nila. Wew!

While sa pang eighth floor ay yung mga complicated relationship. Magulo, malabo, gaya nung relasyon niyo magulo na nga, malabo pa! Kabilang din dito yung mga walang label na relasyon kaya magdadalawang-isip ka pa ba? Alam ko namang dito ka kaya huwag ka nang mahiya

At sa pang ninth floor ay yung mga happy-married na. Yung nakanap na ng the one nila. Opss di ako makarelate bes!

And last, tenth floor yung mga gusto lang mag unwind para makalimutan ang kanilang mga problema at para makapag relax na din, hayst dun kaya ako? I'd been stress lately kaya feel ko mas okay dun.

Ano kayang ambiance duon sa last floor na yun? Iba-iba kasi ang atmosphere kada floor at naaayon iyon sa status mo kaya nakaka-curious lang talaga kung anong itsura ng ibang floor gaya ng papasukan namin

Pagkadating na pagkadating palang namin sa loob ay si Lie na agad ang hinanap ng dalawang mata ko

Pero walang bakas na Lie akong makita. Sinuri na ng paningin ko ang kabuuan ng stool, couch at sa dance floor pero wala

Kaya naman sinabi ko na ito sa mga kasama ko "Guys I can't find her" Saad ko habang kung saan-saan napupunta ang direksyon ng aking mga mata

"Sino?" Tanong naman ni Kian na halos ngayon lang nagsalita

"Si Lie, kanina ko pa sinusuri itong kabuuan nitong single bar na ito pero wala" I instantly panicked. Ohhh lagot kami nito kila Tita Mommy!

Agad kaming tumalima ng wala talaga kaming mahanap

Kumunot naman ang nuo ni Ella na parang walang paki-alam kung mawala man si Lie kaya binalewala ko nalang muna din ang kaniyang presensiya

Magkasama kasi kami ngayon nito na naghahanap sa dance floor pero WALA, we can't find her!

Bumalik kami sa couch na pwesto namin kanina at nakita ko sila Celes na nag-aalala na

"Ano? Nahanap niyo na ba?" Tanong ko na natatakot na, baka kung anong mangyari sa kaniya

Iba pa mandin yun pag nalalasing. Oh gosh!

"Waaa papagalitan kami ni Tita nito" Mangiyak-ngiyak na saad ni Celes

"Guys, let's find Natalya to the other floor" Wika ni Kian na may halong pag-aalala

I can't hide the smile plastered on my face when I heard what he said

Kahit papaano pala, she cared Lie in his own way

-°-

END OF CHAPTER 19!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top