Chapter 16

Nathalie Chanell's Point Of View

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung nalaman ko kay Daddy at sa sarili ko na may gusto na 'ko kay Kian. Kaya naman mas naiintriga ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko. I keep asking on myself kung ano ba talaga ang nagustuhan ko sa taong yun

Seeing him with Ella boils my blood. I've become territorial these past few days, especially when I'm bored. When I open my account, their photos together pop on my wall.

I have no idea what happened. I've never accepted him nor added him, so how did it happen?

Bigla namang nahagip ng paningin ko ang picture namin nung taong walang ginawa kundi paiyakin ako gabi-gabi nitong nakaraang taon

Miss na miss na kita Vier!

Napangiti ako ng mapait nung maalala ko na naman siya. Dapat ako yung nandiyan ngayon eh, hindi ikaw.

Akala ko okay na ako. Akala ko si Shane nalang ang hindi pa nakakatanggap. Ako rin pala

Alam mo bang dahil sa ginawa mo Vier ay sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkawala mo?

Yes, siya si Vier na first boyfriend ni Shane

Miss na miss ka na ni bunso oh, miss ka na ni Ellie. Dapat hindi mo yun ginawa eh. Dapat ako yung nag suffer at hindi ikaw

Miss na miss na kita. No one can replace you kahit pa yung taong tang 'nang gumawa sayo niyan ay kulang na kulang pa ang buhay nito sa buhay mo

Bigla akong nayupos sa galit nang maalala ko na naman ito. I have many nicknames. But just for those people I treasured a lot. Pero mas nangingibabaw sa skin ang rason na sinabi sakin ni Vier two years ago

Kaya naman ganun nalang ang reaksiyon ko nung malaman kong tinatawag akong Natalya ni Kian. I even cried for that

°

~FLASHBACK~

2 years ago

Kasalukuyan kaming nandito sa swimming pool at naglalaro kami ng habulan. Gusto naman naming maging taya si Vier kasi hindi pa ito natataya simula nung nag umpisa kaming maglaro kaya naman pinagkaisahan namin siya

Me, Shane, Celes, at si Vier

Kami lang ang laging magkakasama kaya naman close na close kaming apat

Nagulat naman ako nang biglang tumili si Shane at sinasabing papunta na si Vier sa gawi ko

Bigla naman ako lumangoy nang lumangoy palapit kina Shane. Inangat ko ang ulo ko at tinignan kung nasaan na si Vier. Nasa malayo pa siya kaya naman tawa kami ng tawa dahil wala pa siyang mataya sa aming tatlo

"Argghh Elliieeeee!! Ang daya mo, magpataya ka naman" Sabi ni Vier kaya naman tumawa ako ng tumawa dahil bugnot na bugnot na ang pagmumukha ng kakambal ko

Mabilis naman siyang lumangoy kumpara sa amin pero sabi niya, babagalan daw niya para fair daw pero ngayon naman nagrereklamo siya?

And yes, he's my twin. My identical twin but he's older than me. He's Nathan Javier Buenaventura. Vier for short

He got a pair of brown eyes, a pointed nose and has perfectly shaped luscious lips with his blonde hair. He's taller than me and we have the same skin. Soft and white

"Huli kaaaaa!!!" Nagulat ako nang bigla ako nitong hinawakan ng mahigpit na para bang tatakas pa ako

"Vieeeeeerrr!! Ang daya mo naman!! You took advantage kaya nataya ako" He just laughed dahil sa reklamo ko at sina Shane at Celes naman ay nakalayo na habang nagbubungis-ngisan

Di manlang nila ako tinawag

Bigla namang pinitik ni Vier ang ilong ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Masakit yun ah!

"Ehh bakit ka ba kasi nakatitig sa akin? Alam kong gwapo ako at ikaw ay pangit kaya naman naintindihan na kita" Yumakap ito sa akin mula sa aking likuran

Kung hindi lang kami magkapatid ay malamang napagkamalan na kaming mag boyfriend at girlfriend nuon pa man

"Hoy Nathan Javier Buenaventura" Nameywang pa ako sa harap nito at itinaas ang aking kilay "Baka nakakalimutan mong magkambal tayo. Kaya kung gwapo ka, mas maganda ako. Pero pag pangit ka,  maganda pa rin ako" Dagdag ko. Natawa naman silang tatlo. Pinakawalan naman na ako nito sa pagkakayakap at biglang dumating si Mommy na may dalang meryenda samantalang si Daddy ay may hawak na mga tuwalya

Tumakbo kami papalapit sa kanila at kumuha ng kaniya-kaniyang towel para punasan ang basa naming katawan

"Hi Tita Mommy" Bati ni Shane kay Mommy

Tita mommy ang tawag nito kay Mom dahil na din magkasintahan sila ni Vier. Bata pa sila pero pansin kong matured na sila pagdating dito

Bigla namang yumakap si Vier kay Shane

"Oh my god, your badness Vier!!" Saway ni Shane dito "Alam mo naman sigurong basa ka at nakapagpunas na ako diba?!!" Bakas ang sarkasmo at inis nito sa pananalita kaya naman natawa kaming lahat na nandirito

They're mature enough to handle this kind of relationship. Para lang ding magkaibigan itong dalawa dahil bully sila sa isa't isa

"I'm sorry Shanie" Sabi nito. Biglang sumama ang mukha ni Shane sa itinawag ni Vier sa kaniya "Oh Vier!! Anong Shanieee!!!"

"Shanie means Shane, pinasexy ko lang kasi sexy ka naman eh" Pambobola nito pero totoo, sexy si Shane gaya ko. Napabuntong-hininga nalang si Shane dahil sa rason nito

"Ikaw naman, Ellie" Sabay tingin ni Vier sakin. Inirapan ko nalang ito dahil sanay na ako sa kaniya sa pagtawag ng Ellie "Wow huh! Ang dami ko naman talagang nickname oh" Tumawa pa sila sa sinabi ko

"That's okay baby" Sabat naman ni Mommy. Pinaningkitan ko naman siya ng mata dahil hindi naman na ako baby pero patuloy pa din siya sa pagtawag sa akin ng ganun

"Okay let's see. Nathalie Chanell. That's my name, They can call me Nathalie and Chanell. Dad and Mom's nickname for me is baby. Then when Mom wants a serious talk, it's Liechan. While if Dad wants to comfort me, his nickname for me is Princess. Shane's nickname for me is Lie while Nathalie if she's serious. And Celes is Chan. And you Vier!!" Turo ko dito "You added Ellie. Seriously? Gawin niyo nalang kayang bente nahiya pa kayo eh" Saad ko. Umiling naman ako at kinagat ang burger nang magsimula silang tumawa

"Buti pa si Kuya Nathaniel hindi na dumagdag pa. I'm so thankful kasi hindi siya pabigat pagdating sa usapang nicknames" Pagpaparinig ko. Saktong dumating si Kuya Nathaniel na malaki ang ngisi nito "Hi guys, hello ladies!!" Bati nito

"Hey you Changet" Dagdag nito. Napatingin naman ako sa tinatawag nitong Changet pero nasa akin ang tingin nito

Nagulo ko nalang ang aking buhok sa realisasyon "My goodness!!!! Binabawi ko na ang sinabi ko!" Kaasar, akala ko paman din wala kay Kuya Niel eh

"Bakit naman Changet Kuya?" I asked. Curious lang. Well, curiosity kills nga naman

"Ahh. I have a friend who's living in Ilocos" Wika nito. Sa probinsiya? Ang layo naman! "Then, of course, ilocano and tagalog are their languages. Chanell plus Panget then Manget is equal to Changet" He said while laughing. Whattt? What is Manget?
He said while laughing.

"What is Manget?" Tahimik naman sila Shane, Mom, Dad, Les, At Vier dahil pare-pareho silang nakikinig sa usapan namin "Manget is Ilocano word. At sa tagalog nito ay Iyakin" Pagpapaliwanag nito.. Arrggh, what? Ako iyakinnnn??!

Nagtawanan silang lahat nang maunawaan nila ang itinuran ng aking magaling na Kuya

"Hey bro!" Si Vier ang unang nakarecover kaya binati nito si Kuya Niel

Hindi ko tinatawag na Kuya si Vier kahit pa mas nakatatanda ito sa akin ng ilang minuto sapagkat hindi ako sanay sa ganong trato para sa kaniya

Bagay talaga sila ni Shane eh, parehas madaldal "At ikaw Celes. Your name is short kaya naman Les or Celes nalang ang itatawag ko sayo, okay ba yun?" Tanong nito, ngumiti nalang si Celes dahil sa kabaliwan ng kakambal ko. Binibigyan na niya po kami ng nickname "Pero...Dapat ako lang magtawag sa inyo niyan ah! Please???" Then puppy eyes. Ngumiwi naman ako dahil sa tryin' hard na pagpapa-cute nito

"Nakakasuka Vier! Don't do that again" Pagsasaway ni Shane kaya um-agree kaming lahat pero bigla itong nagseryoso "But, promise me na wala ng ibang tao kayong hahayaan na bigyan kayo ng nickname ah, dapat ako lang. Special ako eh haha. Let them call you by your given name not with a nickname. Magseselos ako, hindi ko kayo papansinin sigeee" Sabi nito. Tumango naman kami at hinayaan nalang siya sa gusto nitong mangyari "Promise?" He added

"Whatever, promise!" Sabay-sabay naming sabi including Mom and Dad. Nagkatingin nalang kami matapos masabi iyon ng sabay-sabay.

~END OF FLASHBACK~

°

"Liechan?"

"Liechan?" Tawag sa akin ni Mommy habang yakap-yakap ko pa rin ang picture namin ni Vier

Mom wants a serious talk with me so I faced her "M-Mom?" I uttered. Nag una-unahan na namang tumulo ang mga luha ko dahil sa alaalang lumukob sa akin na okay pa kaming lahat. Na nandito pa siya kasama naming lahat. Yung tipong kumpleto pa kaming lahat

"M-Mom, I m-miss Vier s-so much Mom. So damn much. I m-miss my twin M-Mom" Nagsimula na akong humagulgol nang maalala ko ang huli nitong sinabi bago siya inagawan ng buhay

Yinakap ako ni Mommy ng mahigpit at hinayaan ako nitong sabihin lahat ng gusto kong sabihin "M-Mom ako dapat yung nanduon sa kinaroroonan ni Vier ngayon diba?! Ako dapat yung namatay at hindi siya! Ako dapat yung nagsuffer ng husto at hindi siya! Ako dapat yun eh!!! Bakit ang unfair Mom! I feel so hopeless back then when I saw him in that freaking coffin. Ako dapat yun eh!!! Ako! Hindi siya!! Pakiramdam ko, ako ang pumatay sa kaniya eh" Sunod-sunod kong pagtapon ng mga ganung salita para sa sarili ko. Hinagod lang ni Mommy ang likod ko sa paraang alam niya para maibsan ang nararamdaman ko. Alam niyang mahina ako kapag ang kakambal ko na ang usapan dito

Mahina ako pagdating sayo, at ikaw lang ang makakapagpalakas sa akin, kambal ko

"Mommy miss na miss ko na si Vier!" Pinunasan ko na lamang ang mga luha ko sa paraang pang-bata "Mom he doesn't deserve to die in that early age. Madami pa siyang pangarap. He wants to graduate Mom. He wants to be an Engineer someday. He wants to build his own family with Shane, Mom. He wants to have his own happy family!! Pero hindi na mangyayari yun and that's because of me!!" I'm always saying that it's because of me, but the people around me keep saying that it's not my freaking fault.

"Liechan, don't say that" Si Mommy. Alam kong ganito lang ang reaksyon ni Mommy pero alam ko sa loob-loob nito ay nawawasak din siya dahil sa nararamdaman ko "Mom no! Ako ang pakay eh pero iba ang pinatay" I faked laugh when that memory flashed on my mind

"Anak, hindi ito ang gustong marinig ng Kuya mo sayo. He doesn't want you to blame yourself for what happened to him. He sacrifice his life for you anak because he treasured you a lot" Mom said comforting me

"Ano po ba ang gustong marinig ni Vier sa akin Mom?" I paused "Thank you?" Natawa nalang ako sa nasabi ko. "No! It should be I'm sorry pero kahit anong sorry ko, hindi naman na siya maibabalik kahit kailan eh" Cry after cry and turn it into light sobs.

Dad entered my room. He sat on the edge of my bed "D-Daddy" I said "Are you mad at me back then because of what happened to Vier?" I asked. Umiling naman si Daddy bago nagsalita

"It's not your fault Princess" My heart softened because he called me Princess "Hindi mo yun kasalanan. Kasalanan ito nung taong gumawa nito sa kaniya—"

"Na dapat ako ang nanduon at hindi siya" Pagtatapos ko. Pero alam kong hindi ito ang sasabihin ni Daddy

"Vier told me that don't cry for him and do not blame yourself for what happened. And that was he said to me before his life ended" He explained and I feel so speechless by that

I went here to Vier's room when our conversation with Mom and Dad ended. Lumapit ako sa drawer nito at binuksan ang pinakadulo. Ngayon lang ako naglakas loob na pumasok sa kwarto nito simula nang mamatay ito gayung magkatapat lang naman kami ng kwarto. Hindi ko manlang magawang lingunin o maatim na pagmasdan ito kapag lalabas at papasok ako sa kwarto ko. Dumako naman ang paningin ko sa tatlong bagay na nanduon

I saw a picture frame with our family picture inside. Second, our picture together when it was our 14 years old birthday

Hindi manlang siya umabot sa labin limang kaarawan niya.

That was the painful birthday I ever had

I saw also the picture of Shane and Vier. They're look like arguing here according to their reaction. And then the envelope caught my attention

My hands are shaking for no reason. I handed it then I saw a word with this envelope

"Ellie"

Basa ko dito. Agad na tumulo ang luha ko sa hindi ko malamang dahilan. I  open it immediately then I saw a hand written letter from Vier. My tears keep falling. Para itong waterfalls na walang tigil sa pagbagsak


        Your twin is the luckiest man alive because I got you. Naging masaya ako, wala akong pinagsisisihan na nabuhay ako dito sa mundong ito ng panandalian. It was a great memory and I'm very lucky that I got experienced it with you.

          I saw a man stalking you and holding a gun kaya naman lagi akong sumasama sayo para protektahan ka sa paraang alam ko. Wala na din akong chance na masabi kina Mommy at Daddy 'to kasi wala naman sila dito. They're on a trip. Yes, nung time na umalis sila Daddy, tyaka ko napansin na may umaaligid na sayo. I can't contact them that time dahil out of coverage sila nung time na iyon. I did'nt have the chance to call somebody for help because they were three and they could catch me from tailing you.

          I can't risk you that's why I kept on following you wherever you go. As long as na kaya kitang protektahan ay gagawin ko. I love you that's why I need to do this

          Kapag ako ang nalagay sa panganib, don't blame yourself okay? Just don't. Isipin mo nalang na ginawa ko yun para hindi kana masaktan. Alam kong ikaw ang pakay kaya naman lagi akong sumasama sayo. And I'm sorry for that. Alam kong inis na inis ka na sa akin dahil sama ako ng sama sayo ngayon. Iniisip mo pa ngang bakla ako eh. Really? Itong pagmumukhang to bakla? Wala yata sa lahi natin yan Ellie!

          Please, always remember that I love you and I will miss you. I have the strong feeling na hindi ko masisilayan ng matagal ang mundo. I can't even see my future.

          Ellie please, huwag mong ikukulong ang sarili mo sa nakaraan, mas lalo kalang kasing masasaktan. Alam mo bang maraming rason upang maging masaya? At lahat ng bagay gumagaan kapag binibitawan.

          Bitawan mo ang salitang "ako ang may kasalanan nito". Alam ko soon ay sasabihin mo yan paulit-ulit. I know that you are a strong woman. Strong people are given much trials and heartaches. 'Cause it is believed that they can overcome such pain. That they are brave. But sometimes we get so tired that we just want to scream and give up. When that certain time comes that you can no longer walk on your own, God helps you to carry your pain. For as long as God is here, giving up is never a choice. Please, don't you dare blame yourself.

          Tell to Mom, Dad, Bro, Les, and to Shanie that I love them very much. I will guide you kapag nangyari sa akin itong paulit-ulit na bangungot. I love you my twin. Tell to Shanie that I'm sorry and I love her so much. Tell her that she can find another man in her life. And if that scene happens, I will surely guide her through every step she takes in her life. Iloveyou and I'm sorry my twin, I'm really sorry for leaving you.

From your sexy handsome twin,
Nathan Javier Buenaventura


I'm not strong as you know. I'm fragile. Some people pretend they're strong but deep inside they're really broken.

Yes, I'm strong outside but fragile inside. Thank you for the memories. Thank you for sacrificing your life for me. I'm sorry my love. Im sorry

END OF CHAPTER 16!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top