Chapter 13

Shane's Point Of View

Pagkatapos ng nangyari kanina kila Ella eh mas madami nang gustong humanting sa kaniya dahil inaagaw "daw" nito sa kanila si Kian

We found out that they are in a relationship at kahapon lang daw iyon sa isang restaurant sa mall

Pagkadating ko palang sa bahay at makapagbihis ay agad kong kinuha ang laptop ko para icheck at i-stalk si Kian at Ella

After stalking Kian, sinunod ko naman ang kay Ella at nagulat ako sa mga nakita ko

I even saw Kian's post yesterday. Nakatag kasi ito sa account ni Ella. Many hatred comments ang nakapost sa timeline ni Ella

Karamihan ay five minutes ago palang pinost. Hindi ko mabilang kung ilan lahat ito pero lahat ng naka-tag sa kaniya ay halos panay panlalait at nakakasakit sa damdamin

"Mang-aagaw ka masyado bitch😠"

"Ohh the poorita😳 sa amin lang si Kian"

"He will never be yours bitch!😏Mukha kang basura duh!"

"Tama lang na pinrangka ka ni Queen, masyado kang malandi🤨"

"Sa akin lang si Kian, back off  you flirt🙄"

"Don't you ever show your face to us, pity you gurl!"

"I'm sure, he will going to break you up soon💁"

"Magsisisi sayo si Kian! Tandaan mo iyan, you don't deserve Kian because Kian is for us❤️"

"Di kayo bagay te! He prefer hot chix than manang girl🤮"

Wow lang huh? Masyado yata silang obsessed sa emoji pati na rin kay Kian? Well hindi naman maipagkakaila na gwapo talaga si Kian at maganda din ang pangangatawan nito na mas dumagdag pa sa kagwapuhan niya. Hindi payat, hindi din mataba pero sakto lang. He's really attractive so I can't blame these girls

Ano kayang mangyayari kay Ella? Kawawa naman siya kasi pinag-iinitan siya ngayon ng mga taong ito. Actually, naiinis na din ako sa ginagawa minsan ni Lie pero bahala siya, it's her life naman at hindi ko din naman siya mapipigilan sa gusto niyang gawin because she's too stubborn for me to stop her

°

Kian Luis' Point Of View

That woman's behavior was really bad. Saan ba iyon pinaglihi? Sa sama ng loob? Tsk!

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at humiga sa kama. Inabot ko yung cellphone ko sa bed side table and I checked my phone kung may message ba si Ella, but no one. I clicked her name and the call button. I want to talk to her

After three rings sinagot na niya ito "Ella" Panimula ko

[H-Hello] Saad nito na mukhang kagagaling lang sa iyak, bigla akong nag-alala sa kaniya at bigla akong napaupo sa kama dahil sa boses nito

"What happened? Something's wrong? Is it about your Mom? Inatake na naman ba siya nung sakit niya? Tell me, you can share it to me. I won't judge you" I asked consecutively

Damn! [I-It's not about t-that] Utal-utal nitong pagkasabi

"Then what? Tungkol ba 'to sa kanina? Tell me" I ask desperately. I just want to know what's going on my girlfriend's mind. I don't want her to hurt at any cause

[W-Wala iyon, I'm o-okay] Umiling nalang ako sa sinabi niya. "Ella" I said with my authority voice.

Lumipas ang ilang minutong katahimikan nang bigla niya itong sinagot

[U-Umm y-yeah, y-yung tungkol sa k-kanina] Sabi nito na humihikbi na. Biglang parang may kung ano sa puso ko dahil dito

"Shhhh" Pagpapatahan ko rito kahit pa sa telepono lamang ay mapagaan ko manlang sana ang loob nito

[A-Ayoko ng ganito K-Kian. L-Look at my t-timeline, hatred. G-Galit sila sakin k-kasi inagaw daw kita sa kanila] Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay dali-dali akong tumayo habang nasa tainga ko pa rin ang cellphone ko

Dali-dali kong kinuha 'yung laptop at earbuds ko at agad akong tumipa sa keyboard ng laptop nang makaupo ako sa higaan ko

Then I was shocked

Madaming nakapost sa timeline niya, madaming one minute ago at just now pero hindi 'yun ang talagang nakatuon sa pansin ko...

"Oh guys! Did Ella took your man? Well! Bakit niyo ba kasi pinag-aagawan yang pangit na iyan? Let them be a couple even just for three days hahahahah I'm sure hindi magtatagal iyang mga yan so don't waste your time, may tamang panahon para dyan, right Chanellist?"

Sinong Chanellist ang tinutukoy niya? Iyon ba ang tawag niya sa mga alagad niya? Psh pathetic!

Minutes passed...

"Baby" Tugon ko habang naka-focus pa rin sa laptop ko ang paningin ko

[A-Ano?] Sagot niya at tsaka ko lamang napagtanto ang sinabi ko. Nawala sa pokus ng screen ang paningin ko

"Baby" I smiled "Diba ganun naman talaga pag mag-couple na, may endearment" I said and chuckled dahil sa ka-kornihan ko

"So, is that okay with you?" I asked. Pinapagaan ko lang ang loob nito, kahit dun manlang mapasaya o mapatawa ko siya

Hindi muna siya nagsalita ng ilang minuto bago... [A-Ahhh ehh, a-ahhh umm o-okay lang n-naman] Natawa ako dahil hindi niya mabanggit ang gusto niyang sabihin

"Say it" pang-aasar ko dito

[Say what?] Paniguradong halos umakyat na ang dugo nito papunta sa pisngi dahil sa naiilang o nahihiya na ito "Baby, say baby please" Sabi ko sa malambing kong tono

KATAHIMIKAN

KATAHIMIKAN

KATAHIMIKAN

[B—Ba-Baby...] Tyaka sabay kaming natawa. Para siyang bata o sanggol na tinuturaan palang magsalita

Ang gaan lang sa pakiramdam na napatawa ko siya "Hmm so, punta tayo bukas kila Natalya? Half day lang naman pasok natin dahil masyadong sosyal yung babaeng yun eh" Sabi ko at natawa naman ulit ito sa sinabi ko. She cancelled the afternoon class of Grade 11 students psh, kung sana in-invite niya lahat ng Grade 11 para sa party niya edi maganda sana at may pakinabang yung pagpapa-cancel niya psh

[Nahihiya sana akong pumunta pero sige, susubukan ko. Tulog na tayo? May pasok pa tayo bukas eh] Sabi nito na ikinangiti ko, medyo okay na din siya at hindi na humihikbi gaya kanina

Nangingiti muna ako bago ko sinabing... "Okay good night, I'll pick you up tomorrow then"

[Y-Yes, Thank you] She said

"You're welcome baby" Then I smiled before she ended up the call

KINABUKASAN...

"Hi Tita, kumusta na po kayo?" Bati ko. Nandito na ako ngayon sa bahay nila Ella para sunduin siya pero bumungad muna ang Mama niya kaya kinamusta ko na muna ito

"Okay lang naman kami Hijo. Ikaw, kumusta naman kayo ng Anak ko?" Tanong nito nang may ngiti sa kaniyang labi. Pinaalam din agad namin sa kaniya na kami na, nung mismong araw din na iyon. Tuwang-tuwa nga si Tita habang si Tito naman ay kinausap pa ako

"O-Okay lang po" I uttered, nginitian naman ako nito bilang tugon at pinasunod ako papasok sa munting bahay nila

"Oh siya mabuti naman kung ganun" Napalingon naman kami sa likod dahil sa narinig naming mga yabag "Oh ayan na pala yung anak kong maganda" Ngumiti naman ako sa sinabi ni Tita bilang pagsang-ayon

"Ma naman, n-nakakahiya" Aniya kaya natawa kami ni Tita dahil mamula-mula na talaga ito sa hiya

"Oh that was true" Sang-ayon ko habang nakangiti pa din. Pero nagulat ako nang lumingon sa akin si Tita "Hijo, diba sabi ko naman sayo na Mama nalang din ang itawag mo sa akin?" Pilyong asar niya. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nahiya

"Maaaaa" Nanlalaking-matang saway ni Ella. Halos lahat yata ng dugo niya'y napunta na sa pisngi dahil sa pamumula nito. Ito ang gusto kong makita kagabi eh

Nailang naman ako sa titig ni Ti—Mama "Haha sige po M-Mama, una na po kami at baka sumabog na si Ella sa hiya" Tinanguan naman kami ni Tita aystt—Mama bilang pagsang-ayon

Habang nagmamaneho ay walang humpay ang tawa namin at wala pang sampung minuto ay nakarating na din kami sa destinasyon naming dalawa

Pagbaba ko ng kotse ay agad akong umikot para pagbuksan si Ella ng pinto. Pagpasok palang namin ay napansin ko nang nakatingin lahat ng mga babae sa magkahawak naming kamay, tinignan ko naman si Ella at nakayuko siya na parang naiilang

"Oh my god gurlsss, look at their hands"

"Akala ko iiwan na ni Kian yang babaeng yan, bakit ganun?"

"Hay nako Clarisse! 'Di mo ba nabasa yung post ni Queen kagabi? Let them be a couple just for three days nga diba"

"Hahahahah okay, pity naman siya"

Sinulyapan ko naman ang mga babaeng nagbubulungan at nginitian ko ito isa-isa at halos magkumahog na sila dahil sa kilig

Tsk!

"Ohh the ugly creatures. Kay aga-aga, nagkakalat na naman kayo ng baho niyo, hindi ba kayo mahiya?" Liningon ko naman ito at hindi nga ako nagkakamali, boses palang ni Natalya ay alam ko na, isama mo pa yung panglalait niya

"Ano ba naman yan! Umagang-umaga naglalandian. Buti hindi kayo napapatawag niyan nuh? Kung ako 'yan magbabansag pa ako ng panibagong acronym para sa inyo" Dagdag pa nito. Tinignan ko naman ito ng blangko para malaman niyang wala akong paki sa mga sinasabi nito

"Chanellist!!" Tawag pa nito sa paligid, bigla namang sumigaw lahat ng kababaihang nakakanood

"Did you guys know what is OPDA?" She asked. Sumigaw naman sila ng 'No'. Akmang tatalikod na kami nang biglang hablutin ni Natalya ang braso ni Ella na nakapagpatigil sa amin

"Don't you dare! Nagsasalita pa ako kaya 'wag niyo kong tinatalikuran"

Lalo namang napayuko si Ella dahil dito, I don't know what she's thinking kaya sumabat na ako sa pananalita ni Natalya "Sino kaba?" I asked in my cold voice. Binitawan naman nito ang braso ni Ella at ako ang tinignan with matching smirk pa

What a fucking attention seeker!!

°

Ella's Point Of View

"Don't you dare! Nagsasalita pa ako kaya 'wag niyo kong tinatalikuran" Napayuko naman ako dahil dito, kung pwede lang talaga ay ayokong lumaban kaya tinitiis ko din ito at alam kong hindi ko din siya kaya. Isa pa, mayaman siya at ako, ito dukha gaya ng ipinapamukha niya. Kaya ganiyan nalang siya kung makalait sa akin dahil sa kaniyang nakikita

"Sino kaba?" Sagot ni Kian dito sa malamig na tono kaya siya naman ang pinagtuunan ng pansin nitong babaeng nasa harap namin ngayon

"I'm the Queen and that's an order and if you disobey it, you'll have a punishment. Do you understand?" Hindi kumibo si Kian dahil una palang ay alam na namin ang rule dito sa BRIA at yun ang isa sa pangit dito sa unibersidad na ito. Una nalang ang attitudes ng mga estudyanteng spoiled brat dito gaya niya

Tinignan ko naman siya pasimple mula ulo hanggang paa. Queen pero walang korona? Kung pupwede ko lang sabihin ito sa kaniya ng walang takot ay nasabi ko na kanina pa

Tinignan ko naman ang nasa paligid at napansin kong karamihan ng nandirito ay HUMSS Student at marami ring ABM at STEM kaso mas madami kang makikitang HUMSS sa paligid base sa kanilang uniporme

Tinignan ko naman si Natalya at sinuri ko ang suot nitong uniporme ng ABM strand na kagaya ko

It has a white long sleeves inside with a black blazer coat. Stripe necktie while the small logo of our school and strand were in the left side of our black coat.

Skirt is stripe too then the color was black and mustard yellow and it's three inches above the knee.

Parehas lang ng style itong uniporme ng ABM sa ibang strand pero yung kulay at logo lang ang naiiba ayun sa strand mo para maidentify mo agad kung anong strand ang nakakaharap mo

Sa HUMSS ay aqua blue ang kulay ng skirt nila na may halong black gaya ng sa ABM. Habang sa STEM naman ay kulay maroon ang kulay ng skirt, ganun din ang necktie


Plus, under the knee black socks and shoes. But these three girls in front of me was not wearing a black shoes or even the socks dahil nagkikintabang sapatos na may takong ang ipinares nila sa kanilang uniporme.

In short, for ABM, it's black and mustard yellow combination. For HUMSS, black and aqua blue then for the STEM students, black and maroon combination

"SANTA!!" Sigaw sa akin ni Miss Nathalie na nagpagising sa aking diwa. Inangat ko naman ang tingin ko at sinalubong ang kaniyang mga mata

"B-Bakit po?" Magalang kong tanong, tumawa naman ang nasa crowd then I frowned, anong nakakatawa dun?

"Answer me! Did you know what is OPDA?" Nangunot naman ang noo ko dahil dun. Pauso, PDA lang ang alam ko at paniguradong yun din naman ang gusto niyang iparating sa akin

"Hindi po" Sagot ko na lamang dahil ayoko talaga ng gulo

"Ella, let's go!!" aya sa akin ni Kian na hawak pa rin ang kamay ko hanggang ngayon


"Well, OPDA stands for OVER PUBLIC DISPLAY OF AFFECTION, and in my vocabulary, it's OVER LANDI" Tumawa pa ito ng nakakaloko dahil sa sinabi niya pero kami ni Kian ay pinakitaan lang namin ito ng blankong emosyon

"Owwww!!!" Hiyawan ng mga nakarinig sa kaniya

"Ano bang problema mo kay Ella hah Natalya?" Pikong tanong ni Kian na mas nagpa-ingay sa crowd. Tingin palang kasi nito ay nang-aasar na kaya ganun din ang naging reaksyon ni Miss Nathalie

"Shut it guys!! Baka gusto niyong ma-expelled lahat" Pananakot nito kaya tumahimik agad ang lahat. Yan, yan ang isa sa rule na ayaw ko sa BRIA. Masyado nilang kinukunsinti ang apo ng may ari kaya ganiyan na lamang ang ugali

"Do you want to know why? Masyado kasi siyang pabibo para sa akin eh! Tska kalandi niya masyado!! A whore and a fucking attention seeker!" Aniya at nagreact na naman ang mga nakakapanood sa amin. Ano bang pinagsasabi nito na gusto na naman 'daw' naming malaman kahit wala naman kaming paki alam?

Yun na ba yun? Na isa daw akong whore at attention seeker? Ano nalang ang pwede kong itawag sa kaniya kapag nagkataon kung ganun nga ako diba?

Tinignan ko si Kian at nanginginig na ang panga nito dahil sa galit. Pinisil ko naman ang kamay niya para pakalmahin siya pero wala, he's furious but he's trying to calm his self

Tumawa na naman si Miss Nathalie ng pagkalakas-lakas bago nagsalita "Ganiyan kaba pinalaki ng Nanay mo? Ng magulang mo? Siguro makati din kasi siya kaya nama—" Sa gulat at inis ko ay bigla kong pinalipad ang palad ko patungo sa kanang pisngi nito at nagulat naman ang mga nakakita nito

Pinanlisikan ko ito ng mata bago ko siya dinuro "Malaki ang respeto ko sayo! Hinahayaan na kitang sabihin ang lahat ng gusto mo patungkol sa akin pero huwag mong pinagsasalitaan ng ganiyan ang Mama ko!!" Humiyaw naman ang mga nakakapanood at hindi sila makapaniwala dahil sa ginawa ko

Nagtitimpi lang ako dahil may respeto pa ako dito pero huwag niyang iinsultuhin ang Mama ko o sino mang miyembro ng pamilya ko dahil mapupuno talaga ako!

"How dare you—"

"Ano? Gagamitin mo na naman yang titulo at yaman mo para magpahiya ng tao? Mabait ako 'MISS' Nathalie pero napupuno din ako! Ayaw ko sa lahat ay iniinsulto ang pamilya ko dahil mapupuno talaga ako! Masyadong matalas yang bunganga mo. Di ako palaaway na tao pero sinagad mo 'ko at hindi araw-araw ay magpapaapi ako sayo!" Sigaw ko at tumalikod.

Naramdaman ko naman ang tingin ng nakararami sa akin ayon sa peripheral vision ko. May sumunod naman sa akin at alam kong si Kian 'yon kaya hinayaan ko nalang.

Now, this is the real battle between me and that woman

Mas binilisan ko pa ang lakad ko pero wala, nahagip pa din nito ang braso ko "E-Ella" Tawag sa akin ni Kian na hingal na hingal sa paghabol sa akin. Lakad-takbo kasi ang ginawa ko at habang tumatakbo ako kanina ay di ko namalayang lumuluha na pala ako

"Shhhh it's okay! I know the consequences pero hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo dahil lang sa Natalyang 'yun" Anito at yinakap ako

—°—

END OF CHAPTER 13!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top