Chapter 11

Nathalie Chanell's Point Of View

We arrived here in Kiara's boutique at ten o'clock in the morning with Mom and Dad. Kiara is a famous designer here in the Philippines

Hindi sumama si Kuya dahil may kailangan pa daw silang puntahan kasama 'yung mga barkada niya. So here! Para akong batang sinasamahan dahil baka mawala pa!!

"So, what kind of gown do you want me to create for you? It's my pleasure to do it because you and you're family are my best suki hahahah" Tawa pa nito.

Matagal na namin itong pinagkatiwalaan pagdating sa ganitong mga okasyon. He's kind and trustworthy at worth it ang mga ginagawa niya dahil mabilis siyang gumawa at maganda talaga ang pagkakagawa niya. Hindi naman siya magiging popular na designer kapag hindi maganda ang design niya hindi ba?

"I want a common or simple one yet exquisite, can you do that for me?" Sagot ko pero sumabat na naman si Mommy kaya nainis na naman ako rito lalo na sa sinabi niya

"Simple that make Kian fall in love hihihi" Mom said childishly

"MOMMMM!! What are you talking about?" Iritadong tugon ko, tinawanan lang naman ako ni Kiara at Daddy kaya naman nakuha pang magpalusot ni Mommy

"I said, Kiara. Ohhhh! You think it's Kian? I'm sorry baby it's not what you think hihihihiChildish, psh dinig na dinig na nga, nagpapalusot pa!

I described the dress I liked and Kiara took measurements for it. It's just a simple style dahil simpleng party lang naman kasi and then after the party with Dad, hahayaan na kami nito na mag-saya sa pool with my two friends pati na din yung ibang invited.

In short, a simple dinner celebration and a pool party for teenagers

Pagkatapos akong sukatan ni Kiara, nagdecide kaming pumunta ng Mall just to take our lunch, it's already twelve in the afternoon

Yes! We took almost an hour by that. Nakipag-kwentuhan pa kasi si Kiara sa amin at aliw na aliw naman si Mommy kaya natagalan pa kami!

Nagtungo naman kami sa restaurant na tinuro ni Mommy. Inip na inip na ako kanina pa actually. Even if it is simply a basic meal, it is better since I am with my family. It's the finest thing in the world to be with them.

"OMO BABYYY!!!" Tili ni Mommy na parang nakakita ng artista sa loob ng restaurant na kinakainan namin. Psh, childish talaga Mom! Hindi manlang nahiya, andaming nakatingin sa amin!

"Beatrice!" Saway ni Daddy kay Mommy dahil nakatingin na talaga sa amin ang mga tao na nandirito

"Mom! I said stop calling me baby especially outside. And why are you shouting? You're acting like a child again mom! Your shriek drew the attention of many of them" Iritado kong sabi, eh kasi naman nagiging childish si Mommy kapag sa ganitong bagay eh

"You're talking too much baby! Someone's caught my attention hihihi. Alexis! Look" Tawag nito kay Daddy sabay turo nito sa may dulo ng restaurant, tinignan ko naman ang tinuturo ni Mommy and I saw Kian and Ella. Mukhang may pinag-uusapang importante ang dalawa at magkatingin pa sila sa mga mata. I suddenly felt something in my heart. Maybe I'm tired?

Tired of what? Tanong din ng kabilang bahagi ng isip ko at kusa din namang sumagot

Of course, nakakapagod kaya nuh

Anong nakakapagod duon? Sinukatan kalang naman at nakaupo then here, kumain

Oh my goodness! Baliw na ata ako! "Chanell. Si Kian yun ha? Sino yung kasama niya? Seems familiar" Sabi ni Daddy at umakto pang nag-iisip

"Maybe I saw her before" Give up nitong tugon nang hindi niya na maalala kung sino iyon. Aba iniisip pa talaga nila kung sino yung kasama ni Kian huh? Umirap nalang ako ng bahagya dahil dito

"I don't care Dad. And why are you asking me ba?" Sabay baling ko kay Mommy na kung makatingin sa ibang table ay parang nanunuri

"Mom! Para ka namang nakakita ng multo para tumili. Mukha lang yang multo pero tao pa din yan Mom! And Dad..." Lingon ko na naman kay Daddy

"She's Ella Valdez, the Santa Santita" I said rolling my eyes

"Naka-side lang siya hindi mo na agad nakilala? Nakabihis lang ng medyo okay, maganda na? Dun na nga  kayo, siya nalang kaya anak niyo?" Pagtatampo ko. Totoo naman eh nakapagbihis lang ng simpleng dress na mukhang binili lang naman sa tiyangge eh hindi na nila mamukhaan?

Di hamak naman na mas maganda ako sa kaniya nuh. Kahit nga siguro magsuot lang ako ng punit-punit na damit ay maganda pa rin ako psh!

Teka, bakit ko ba kinokompara ang sarili ko sa babaeng yun? Hindi naman pantay level namin ah? Tsk baliw na nga talaga ata ako!

Natawa ng bahagya si Daddy dahil sa sinabi ko "Sounds jealous" Dad said habang nakatingin pa rin kila Kian na parang ayaw na nilang tanggalin ang tingin nila doon

What? Sino ang nagseselos?!! "Ako? Really Dad? Where the hell did you get that word? Bakit naman ako magseselos sa kanila? Kahit maghalikan pa sila ngayon ah. Kahit maging sila, holding hands or what so ever. I DONT CARE!" Saad ko rito. Totoo yon! Wala akong paki alam kahit maghalikan pa sila sa harap ko, magholding hands—what the hell? Pang squatter nga naman!

"Opss! Too bad for you baby. That's not what I mean, Chanell" He paused "I mean, you're jealous because of what we've said about her—you know, a compliment to Ella. I'm not talking about Kian and Ella's relationship"

Relationship?

Parang bigla sumikdo ang sakit sa puso ko sa hindi ko malaman na dahilan. I think I should consult my Doctor for this case secretly. Mukhang my heart problem kasi ako eh

Nangapa ako ng ipapaliwanag para hindi sila lalong mang-asar "A-Ahh I just t-thought—"

"It's okay baby, we understand" Mom said while smirking. Tinignan ko naman sila ng masama tska biglang sumeryoso si Daddy

"Chanell, don't stare us like that" Saway ni Daddy sakin. Bigla-bigla namang tumingin si Mommy sa akin na animo'y may naalala

"Baby! Binigay mo na ba yung invitation kay Kian? It's your birthday the day after tomorrow, and also your Dad, a-and...!"

Oh I forgot that thing immediately!

Sino ba kasi siya para um-attend psh. Tsk baby? Damn Mom kailan ka ba titigil sa ganiyan? "Mom! One more" Tinignan pa ako nito at painosente na nagtanong "What?"

Pinandilatan ko muna ito "Baby your ass Mom! Stop that. Or else I'll not give this thing to him!" I said firmly. Ganito talaga kami, we're like a bunch of friends na laging nagbabangayan

"So! Hindi mo pa nga binibigay. Give it to him now Nathalie!" Sabi ni Daddy na seryoso ang ginamit na tono para pasunudin ako. Wow! Kailan pa naging makakalimutin ang mga magulang ko? Parang kaninang umaga lang kami nag-usap tungkol dito tapos nakalimutan na agad nila?

"But—"

"No buts" Sabad agad nito, oh crap! Kaya naman nag-isip ako ng rason at nang makaisip ako ng brilliant idea ay agad ko itong sinabi sa nangungumbinsing tono

"Dad, I think there's something with Kian and Ella. Look dad, they're so serious" Turo ko pa dito para naman kapani-paniwala lalo. Lumingon naman ako kila Mommy at nakita ko namang lumingon sila sa gawi nila Santa ng bigla-bigla nalang akong may narinig na sigaw

"YESSSSSS!!!!!"

Isang pamilyar na boses!

Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkakamali. Boses iyon ni Kian at agaw-pansin sila dahil sa paghiyaw niya

Gosh!! Hindi manlang sila nahiya tsk. Masyado talagang cheap 'tong lalaking ito, hindi siya nababagay sa ganitong lugar, bakit nga ba pinapapasok pa ang mga ganitong klaseng tao dito na umaagaw lang ng pansin ng karamihan?

Pinagmasdan ko sila at nagulat ako nang biglang hinalikan ni Kian si Santa sa mga kamay at bigla-bigla niya itong niyakap na parang sabik na sabik ito. Dali-dali akong tumayo at napansin naman ako nina Mommy at Daddy

"E-Excuse me, sa CR l-lang po" Bigla na akong tumayo, I can't understand myself! Why I'm so affected?

What's happening to me?

Kian. He kissed Santa's hand and he hug her tight in public. Why am I feeling this way? Biglang kumirot ang parte ng puso ko. Mukhang kailangan ko na talaga atang magpacheck up dahil baka iba na 'to. Maybe some other time kapag naramdaman ko pa ulit ito and I'll keep this as a secret to my family if ever

I get my powder inside my bag then faced at the mirror. Nagulat ako nang may tumulong isang butil ng luha galing sa mga mata ko kasabay nito ang pagkirot ng puso ko

Why? What's happening?

Nag-pop na naman ang mukha ni Kian sa isip ko dahilan kung bakit bigla na namang tutulo ang luha ko

At bakit ako naiiyak?

Naghilamos muna ako bago nag-ayos. Nang nahimasmasan na ako ay bumalik na ako sa table at nakita ko naman sa mukha ng magulang ko ang pag-aalala

Nangunot ang noo ko dahil dun "Why Mom, Dad?" I asked with my innocent tone

"Are you okay?" Sabay pa nilang tanong. Gone the childish one!

Natawa naman ako pero hindi ko agad napansin na parang peke ito. Hindi ko na naman alam kung bakit "I'm okay—I'm better! Why are you guys asking? I'm good! More than good, more than better" Sagot ko sa kanila. Nginitian naman nila ako at binilisan na ang pagkain. Naging tahimik na din ang atmosphere dahil mukhang wala na sa mood si Mommy at Daddy na asarin ako ngayon

It's okay pero hindi lang ako sanay. Pansin ko naman na sinusulyapan nila ako. Akala ba nila ay nasaktan ako sa nakita ko? Of course not! Ako pa nga ang nagsabi na kahit maghalikan pa sila sa harap ko diba? So why are they staring and acting like that?

"Mom, is there something wrong with my face?" Huli ko rito dahil nakamasid si Mommy sa akin habang si Daddy naman ay kumakain lang pero tahimik na hindi gaya kanina. Umiling naman si Mommy at lumabas na kami ng restaurant nang matapos ang mahabang katahimikan

Naunang umalis sila Santa at mukhang hindi pa kami napansin dahil sa sayang naka-ukit sa kanilang mga mukha

Inaya ko na sila Mommy na umuwi na dahil wala na akong ganang mag shopping pa

Isang araw nalang kasi, kaarawan na namin ni daddy at maging siya kaya naman nakakatamad nang lumabas. Gusto ko lang ay magkulong sa kwarto magdamag at matulog

Invitation nalang ni Kian and his company, Shane and Celes with their family ang hindi ko pa naibibigay

Nang makauwi ay dali-dali akong nagtungo sa kwarto upang magpahinga. Kinuha ko naman ang laptop ko para libangin ang sarili ko. And as usual, I open my facebook account to ease my boredom

Psh, panay memes or trash talks ang lumalabas sa newsfeed ko. Masyado ng nahuhuli ang mga taong ito sa kabihasnan, masyado pa rin sila jejemon!

"Sino naman 'to? Ang swerte naman nito at naging friend pa ako dito" I clicked her name and click the unfriend button. I don't even know her. Duhh! Mas hot naman ako kumpara rito

Pinagpatuloy ko naman ang pag iscroll nang may post na nakaagaw ng pansin ko

"Thank you! Thank you for making me happy like this, Ella Valdez ^_^"

That was five minutes ago with hundred likes, comments and shares. Fuck, sila na ba?

"Chanell" Dinig kong tawag sa akin ni Mommy sa labas. Dali-dali naman akong tumayo para pagbuksan siya ng pinto kahit na ba mabigat ang pakiramdam ko. Bakit? Hindi ko din alam kung bakit

"Why are you crying? Is there something wrong? What happened? May masakit ba?" She asked consecutively. Hindi ko naman namalayan na nabuksan ko na pala ang pinto dahil sa narinig kong sinabi ni Mommy

"May problema ba, Liechan?" Tanong nito gamit ang pangalang ngayon ko lamang ulit narinig sa kaniya

A nickname separated by Shane and Celes. Narinig kasi nila itong tinawag sa akin ni Mommy once kaya naisip nila na Lie and Chan ang itawag sa akin at Liechan naman ang kay Mommy

Mom's using that nickname if she wants to talk to me in a serious way "Mom! I'm okay" Sagot ko at tumawa pa ng putol-putol na hindi ko naman sinasadya. Tinignan niya naman ako ng matiim at nagsalita

"Liechan, you're not okay and I can see it in your eyes, movements and then your laugh" She really knows me but I don't want to tell her why am I crying kasi maski sa sarili ko ay hindi ko alam kung bakit

"Mom! Do you know the wattpad app?" I asked at ngumiti para naman gumaan ang pakiramdam nito

"Wattpad app?" She paused and faced me when she realized something "Ahh, yung libangan ni Shanie? Reading stories?" She asked, half smiling.

"Yes Mom!" I smiled. I continued to explain just to make her believe that I'm okay.

Kapag narinig ni Shane ito na tinatawag pa rin ni Mommy si Shane ng Shanie ay magtatampo yun at magpapa-bake pa ng cake or cookies sa kaniya para mapatawad lang daw niya kunwari si Mommy

"U-Umm t-that's the reason why I am crying. Paano naman kasi, I tried to read pero nakakaiyak pala yung story. Hindi po sila nagkatuluyan at may namatay pa po sa kanila sa huli kaya po ayun nahawa po ako at naiyak na rin" I lied then smiled. Ohh please forgive me from above

"Okay I won't bother you for that. Just please, if you have a problem, don't be afraid or be shy to share it with us, we are your family, we don't want to see our princess to cry" Ngiti ni Mommy at sinara na ang pinto ng kwarto at iniwan akong tulala

Princess...

Ngayon ko lang ulit narinig kay Mommy ito

Ano nga ba kasing problema ko? Why am I feeling this kind of unknown emotions? Can you explain what's happening to me? I'm now in a blurry. I don't get any single detail why am I feeling this way...

Towards Kian and Ella's Relationship

—°—

END OF CHAPTER 11!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top