Kabanata 9

KABANATA 9
[BABE]

Nandito kami ng mga kaibigan namin ni Lenience sa sirang gusali ng university habang hinihintay namin siya. Nagpaalam kasi siya sa amin kanina na pupunta raw muna siya sa gym dahil may nakalimutan siya.

I still remember what he said to me yesterday. And I keep thinking about it. Natagalan nga akong matulog kagabi kasi iniisip ko ang papuri na iyon. I don't know kung bakit, hindi ko malaman-laman kung bakit kakaiba ang epekto sa akin ng mga salitang 'yon. Para bang may kung ano sa puso ko na kakaibang klase ng kasiyahan. God, I'm crazy.

"Nasaan na ba kasi ang isang 'yon? Bakit ang tagal bumalik?" hindi ko mapigilan tanong sa mga kasama ko.

Gosh, Serenity, why are you asking?

Bigla silang napatingin sa gawi ko dahilan nang mapakagat ako ng marahan sa labi ko. Bakit ba kasi naisipan kong itanong 'yon?

"Kakaalis pa nga lang na miss agad?" pang-iinis ni Matteo.

As if miss ko naman. Hindi ba pwedeng nagtatanong lang?

"Hayaan mo na baka may ginawa lang kaya natagalan. Huwag kang mag-alala walang mang-aagaw ng crush mo," tawang sabi ni Carl.

I sighed. "And who says na crush ko si Lenience?" taas-kilay anong ko sa mga ito.

Bakit nasabi ni Carl 'yon? Kinakabahan tuloy ako. Jusko, baka ano pang isipin ng mga 'to at sabihing may gusto talaga ako kay Lenience.

"Halata naman, e. Kaya 'wag mo nang ipagkaila. Don't worry hindi niya malalaman," ngiting sabat ni Ivan.

Baliw ba ang mga 'to? Bakit nila pinagdikdikan na crush ko nga ba si Lenience?

Wala naman talaga akong feelings sa kaniya, ah? Wala nga ba?

"Aba, ewan ko sa inyo. Wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo."

Tinawanan lang nila ako na tila ba ayaw nila akong paniwalaan sa mga sinabi ko.

"Oh, nandito na si papibrows," ngiting sabi ni Matteo.

Agad naman akong napatingin sa tinutukoy ni Matteo nang biglang.

"Sino ang kasama niya?" takang kong tanong.

God, sabihin mong mali 'tong nakikita ko. Sana hindi. Huwag muna ngayon please–kahit sa susunod na araw na lang.

"Nako, Kulimlim. Si Jio," pag-aalala na sabi ni Mariel.

Bakit ngayon pa? Bakit ka pa nagpakita? Jusko, bato-bato sa langit.

Siya nga pero anong ginawa niya rito? I mean, bakit magkasama sila ni Lenience?

Mas lalo akong kinabahan ng makita ko na siya nang buong-buo. Hindi nga ako nagkamali, si Jio nga ito. After all, akala ko hindi ko na siya makikita.

Bigla akong nag-init nang maramdaman ko ang presensya niya. Nanumbalik sa akin lahat lalo na ang mga kagaguhan na ginawa niya sa akin noon.

Ang kapal. Nagpakita pa talaga?

"Kiddo, kilala mo raw siya? Hinahanap ka kasi niya kanina pa kaya dinala ko na siya rito," ngiting sabi sa akin ni Lenience.

Hindi ko lang siya kilala. Kilalang-kilala ko pa pati kung gaano ka itim ang budhi ng isang 'yan. Kung gaano siya ka gago at ka walang hiya.

Sinamaan ko siya ng tingin ng mahuli ko siyang nakatingin sa akin.

What? You want to play dirty games again? Tsk. Baka this time, talo ka na.

"Babe," ngiti niyang sabi at- niyakap ako?

What? Ang kapal!

Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakayakap ito sa 'kin pati si Mariel at sila Lenience nagulat rin sila sa reaksyong nagawa ko.

Ano na naman bang drama 'to, Jio?

"Sinong nagsabi sa‘yo na yakapin mo ako?" walang gana kong tanong.

Agad naman siyang napakalas mula sa pagkayakap nang marinig ang sinabi ko. Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo. Tsk, wala ka paring pinagbago, manloloko ka pa rin kagaya ng dati.

Sinong mag-aakala na totoo pala ang sinabi ni Mariel, akala ko pa naman biro lang 'yon. Oo, inayos ko nga sa sarili ko kahapon pero hindi ko lubos akalain na kakaiba pala pag nagkatotoo na.

Bakit pa siya nagpakita?

I looked at him using my evil look. "Anong ginagawa mo rito?"

"Dito na ako mag-aaral, Serenity. Magkakasa-"

"I know. What I mean is bakit ka sumama kay Lenience para makita ako?"

Imbes na siya ang sumagot sa tanong ko ay hindi ko inaasahang ang sasagot nito ay Si Lenience.

"Ahm, I saw him inside the gym. Tapos tinanong ko siya kung anong kailangan niya then, he replied that he's looking for you kaya sinama ko siya rito." Sambat na pagpapaliwanag ni Lenience.

He's looking for me? For what reason?

Nakakapanibago naman atang marinig na hinahanap niya ako. Samantalang noon ayaw na ayaw niya akong lalapit at sumama sa kaniya kahit saan man siya magpunta. Tsaka, kahit ni minsan hindi niya ako magawang hanapin at tanungin man lang sa iba kung ano nga ba ang pinaggagawa ko.

Ano ba talaga ang gusto mo, Jio? You make me curious about your actions. And that's trying to kill me inside.

"Umalis ka na,"

Iyon lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong itanong at isumbat sa kaniya pero hindi ko alam kung papano. Basta ang alam ko lang ayaw ko ang presensya niya.

Napatingin sa akin sila Mariel at mga kaibigan ni Lenience, lalo na siya. Para bang nagtataka siya kung bakit ganito ang kinikilos ko at ang pagtrato ko lay si Jio.

"Babe, nandito ako para e.surprise ka," ngiti niyang sabi.

Biglang nagdilim ang paningin ko nang marinig ang endearment na 'yon. Kung saan nakasanayan kong itawag sa kaniyan noon kahit na ayaw niya. Pero pag may nagawa siyang kasalanan tinatawag niya ako sa callsign na 'yan.

Babe? Surprise? Gago, gusto mo sapakin kita?

"Pwes, hindi ako na surprise, Jio." I exclaimed.

"Babe-"

"Stop calling me using that endearment! Wala na tayo Jio, baka nakalimutan mo!" Galit na sigaw ko sa kaniya.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Naririndi na ako sa kaniya, nabubuwesit na ako at gusto ko na lang mawala bigla.

Ramdam ko ang mga titig sa akin nila ni Lenience, pero hindi ko na ito binigyan ng pansin. Basta ang alam ko lang ay mawala sa pananaw ko ang Jio The Bangungot na 'to.

Yes, bangungot kasi isa siyang napakalaking bangungot ng nakaraan ko.

"Sorry. Kaya lang naman naisipan kong lumipat dito kasi nandito ka."

Cut that drama, Jio. Wala nang epek sa akin ang mga 'yan. Bobo at tanga lang ang maniniwala sa‘yo at hindi na ako isa sa mga 'yon.

"Stop that reason, Jio. That's nonsense. Pinapaaral ka ng mga magulang mo sa mamahaling Unibersidad na ito para matuto hindi para lumandi."

"Trust me Serenity, isa 'yon sa mga rason kung bakit ako naparito. Gustong-gusto talaga kitang makausap,"

I chucked. "Wala na tayong dapat pag-uusapan pa, Jio. We're done. Tapos na tayo. Kung ano man ang meron sa atin noon mananatili na lang 'yong alaala. Hmm, a worst nightmare I think?"

Bangungot. Isang malaking bangungot kong akin lang ihahambing ang relasyon namin ni Jio noon. Alam kung hindi ako perpektong girlfriend pero alam ko sa sarili ko na hindi ko deserve ang gan'yang klaseng sakit.

I know my worth, so why will I settle for less?

"Serenity, lahat ng bagay may second chance. Kasama dun ang pagmamahal-"

Pagmamahal? Talaga? Ang tanong, minahal mo ba talaga ako? God, Jio kung ganun naman pala ang pagmamahal mo mabuti na lang talaga at wala ng tayo. Periodt.

"Really? All of these years, iyan pa rin ang paniniwala mo? Kung meron man Jio, para lang sa kanila 'yon hindi para sa atin."

Nanatili lang tahimik ang mga kasamahan ko sa tabi, nakikinig lang sila sa mga pinag-uusapan namin at nanatiling walang alam. Maliban kay Mariel, na masama ang tingin kay Jio. She knows everything.

"No. It's for us,"

"Just leave please,"

"Babe,"

Uminit na ang ulo ko dahilan nang mapasigaw na naman ulit ako. "Umalis ka na! Hindi ka ba nakakaintindi?!"

"Jio, please. Umalis ka na lang," si Mariel.

Pansin niya na siguro na hindi na ako comfortable sa sitwasyon naming ito kaya nakikiusap na rin siya.

Hindi pa rin kumilos si Jio at nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Pati sila Lenience ay wala ring magawa kundi ang tingnan lang kami. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya kailangan kong gawin ito.

"Kung ayaw mong umalis. Ako ang aalis," sabay talikod sa kanila.

Kita ko ang pagkagulat nilang lahat sa ginawa ko pero para sa akin wala lang 'yon. Ang mahalaga, nagawa kong umiwas.

"Kulimlim?" Tawag sa akin ni Mariel pero hindi ko na sila pinansin pa. "Jio naman kasi,"

I need to be alone. Kailangan ko munang mapag-isip-isip kahit papano.

Umalis ako doon kanina kasi hindi ko na kaya akala ko after ng lahat makakaya ko ng harapin siyang muli,  'yon pala hindi. Pinaghahandaan ko pa naman ang araw na 'to, but still it's useless naman pala.

Na heal na naman 'yong mga sugat ko after naming maghiwalay kaso when I remember kung paano niya ako nagawang lokohin noon nasasaktan pa rin ako.

I gave him all the best in me. I gave him the love and care that he wanted to have, but I don't know bakit nagawa niya pa rin ang mag-cheat.

Nagpatuloy lang ako sa pag-eemote ko hanggang sa may nagsalita mula sa likod ko dahilan ng ma palingon ako rito.

"Wipe your tears hindi bagay sa‘yo." Mahina niyang sabi pero narinig ko pa rin.

Pinahiran ko naman agad ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko ng marinig ko ang marahan niyang pagtawa.

Bakit? Anong nakakatawa?

"Silly. Hindi ko naman sinabing 'yong kamay mo ang gamitin mo panunas d'yan sa mga luha mong ayaw magpaawat. Here, take this." Sabay abot sa akin ng panyo.

Agad ko naman itong tinanggap at ipinunas sa mga luha ko. "Salamat,"

Lumapit siya sa akin at tumabi sa aking maupo. Sinulyapan ko siya and he do the same kaya nag-iwas ako ng tingin. He gave a deep breathe, tsaka tumingin sa kawalan.

"I don't know what happened, but to tell you honestly parang kailangan niyo talagang mag-usap." He commented.

Kailangan ba talaga?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top