kabanata 8

KABANATA 8
[THAT DRESS]

After I did my daily routine ay agad na akong lumabas ng kwarto ko.

"Ma, papasok na po ako!"

Pagkasabi kong iyon ay agad iniluwa mula sa pinto si Mama. Ayan na naman nagbabad na naman siya sa paglalaba. Paano ba naman kasi every weekend and after school ko lang siya matutulungan? And I feel sorry for that.

"Ma, hindi ba sabi ko sa inyo pahinga rin pag may time?"

"Ano ka ba, Anak? Hayaan mo na lang ako. Wala rin naman akong ibang gagawin dito sa bahay."

'Yan, ganyan lang lagi ang isasagot niya ‘pag pinagsasabihan ko siya. Wala raw magawa sa bahay. Boring daw kung nagmumukmok lang. Kaysa raw makipag-tsismisan sa mga kapitbahay mabuti na lang daw ang maglinis at magtrabaho. Worth it pa.

"Teka, bakit bihis na bihis ka ngayon? Nagpapaganda ka ba?"  taka niyang sabi habang sinuri ako mula paa hanggang ulo.

Agad naman akong napakagat sa labi ko at napakamot sa aking batok. Akala ko hindi halata, akala ko lang pala.

"Ahm, wala 'to, Ma. Sadyang maganda lang talaga 'tong anak mo. Mama naman parang hindi aware,"

"Ikaw nga, Serenity, tapatin mo nga ako. Ikaw ba ay may naibigan na r’yan sa unibersidad mo at nakapag-ayos ka ng ganiyan, ha?"

Naloka na. Wala na akong lusot nito.

Gan'yan talaga si Mama, malalaman at malalaman talaga niya kung may tinatago ba ako o wala dahil sa mga awarahan at kinikilos ko.

"Si Jio, Ma."

Alam kong simpleng salita lang ang sinabi ko pero si Mama, alam niya na kung ano ang nais kong sabihin.

Agad naman itong napatingin ng diretso sa akin. "Bakit? Nagpakita na sa‘yo? Ano raw kailangan? Bumigay ka  na naman ba ulit?"

Agad niya akong tinalikuran at nagtimpla ng kape.

Sa tuwing si Jio ang pinag-uusapan, ganiyan talaga lagi ang reaksyon ni Mama. She knows everything. My pain.  'Yong mga pinagdaanan ko at bawat pag luha ko.

"Hindi po. Sabi kasi ni Mariel, lilipat na rin siya sa MCU."

"Kaya ka nagbihis dahil magkikita ulit kayo?"

"Ma, no. Syempre hindi, ano siya gold? Kaya ko lang naman ginawa 'to kasi-"

"Para ipamukha sa kaniya na mali siya? Tapos ano, Serenity, kakagat ka na naman ulit sa pain ng loko na 'yon? Hindi kita pinalaking tanga, Anak, kaya huwag kang tatanga-tanga."

I bit my lower lips and chuckled. "Sino ba namang nagsabi sa‘yo, Ma, nakakagat na naman ulit ako sa pain ng gagong 'yon?"

Noon lang 'yon at wala ng karugtong ang nakaraan. Kung ano man ang mga nangyari at mayroon kami noon hanggang alaala na lamang iyon hindi na pwedeng maging parte pa ng kasalukuyan.

Nilapag ni mama ang tinimpla niyang kape sa mesa at nilapitan ako. "Anak, lagi mong tatandaan na ang nakaraan ay maging isang aral na lang sa kasalukuyang panahon."

Bigla akong natauhan  sa mga salitang sinabi ni mama. Siya ang ina ko at siya ang mas nakakaalam kung ano nga ba ang makakabuti sa akin at hindi. Bigla na lang akong napaisip tungkol sa nangyari noon, kaya siguro naranasan ko iyon dahil kailangan. Kailangan kong matutunan ang isang bagay na kailangan muna nating masaktan para sumaya. Kailangan muna nating umiyak para ngumiti. Higit sa lahat kailangan muna nating madapa para matuto tayo kung paano nga ba bumangon.

"Yes, Ma. Hinding-hindi ko po 'yan kakalimutan."

"Mahal na mahal kita, Anak, kaya ayaw kong makita ka muling nasasaktan. Kaya nais ko na sa susunod na pagkakataong umibig ka sana sa tamang tao na."

Siguro, aral na rin sa akin ang mga nangyari noon. Kailangan muna siguro akong masaktan ni Jio para mahanap ko ang lalaking magmamahal sa akin ng totoo. Si Jio ata ang way para itulak ako mismo sa lalaking nakalaan para sa akin.

Oo, bata pa ako. 17, right? Pero as far as I know, ang pag-ibig ay hindi namimili ng edad. 'Pag tinamaan ka, tatamaan ka talaga. 'Pag para sa‘yo ang pag-ibig na 'yan, ibibigay niya sa‘yo 'yan ng kusa. Pero kapag hindi kailangan mo munang masaktan.

Love is not about happiness, but also it talks about pain. Kasi hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.

"Ay, ang ganda natin ngayon, ah?"

Nabalik ako sa katinuan noong may nagsalita sa gilid ko.

Nasa MCU na pala ako? Ganun na ba talaga kahaba ang pinag-iisip ko at hindi ko na namalayan kung paano ako nakarating dito?

"Sinag."

"Oo, ako nga 'to. Bakit sino pa ba ang aasan mong magsasalita?"

"Wala."

"Lutang, Bes?" She chuckled. "Oh, anong mayroon at bihis na bihis ka?" taka niyang tanong.

Akala ko ba kay mama lang ako magpapaliwanag kung anong mayroon pati pala sa babaeng 'to.

For sure, 'pag sasabihin ko ang totoong dahilan, kukutyain na naman ako ng bruhang 'to.

"Duh, porket ba nagbihis may occasion na? Hindi ba pwedeng maganda lang talaga ako?" pagbibiro ko rito.

Mukhang hindi naman ata effective ang naging palusot ko kasi alam ko sa mukha niya ay hindi siya naniniwala.

She laughed. "Nako, nako, Serenity, lokohin mo na 'yong gusto mong lokohin huwag lang ako kasi hinding-hindi ka talaga makakalusot sa akin."

Ano pa nga ba? Eh, daig mo pa nga si Mike Enriquez sa pagka-imbestigador mo.

"Nand'yan na ba si Jio?" walang gana kong tanong.

"Wow! So, si Jio pala, ha?  Bakit, aber? Kailangan pa talagang magbihis ganun?"

Sasagot na sana ako sa tanong niya nang may umagaw ng presensya namin.

"Hey, MCU Gorg Ladies!" Masiglang ani ni Vincent.

Agad kaming napalingon ni Sinag sa mga 'to, pero ibang rebulto ang nahagilap ng mata ko.

Ang gwapo naman ng isang 'to.

Tiningnan ko lang siya nang bigla niya akong nahuling nakatingin sa kaniya. Sh*t wrong move. Dali-dali akong napaiwas ng tingin at umasta na para bang wala lang.

"Hi," ngiting bati ni Lenience sa akin.

Bakit ganun, para bang iba ata ang dating sa akin ng 'hi' na 'yon? Jusko, Serenity, kalma. Nag-hi lang sa‘yo ‘yong tao, ano ba.

"Hi."

'Yon lang din ang nagawa kong tugon. Bakit ano ba ang pwedeng i-reply sa hi? Akin ka na o I do, ganun? Tangi.

"Ang haharot naman, ang aga-aga, oh," natatawa na sabi ni Mariel.

Napatingin ako sa gawi ni Mariel at pinandilatan siya ng mata. Nag-hi nga lang ang tao dami pang sinasabi.

"Sinag."

"Bakit?"

"Bibig mo." Sabay irap sa kaniya.

Ngumiti na lang ako ng pilit dahil nakaramdam ako ng kaonting hiya. Pasimple ko ring tiningnan si Lenience habang ang kaniyang atensyon ay na sa mga kaibigan niya. Bakit ganun? Bakit ang gwapo niya kahit plain lang ang suot niya?

He's wearing a plain white T-shirt with matching jeans na panlalaki. Bagay rin sa kaniya ang may kaonting bangs niyang buhok 'yon bang dating na mala-Daniel Padilla. God, I can't help but to stare.

"Where were you two going?"

Hindi ko akalaing tanong sa akin ni Lenience.

"Ahm, sa room."

"Wala pa naman si Mrs. Kaparas. Ano, canteen muna tayo?" pagyaya niya sa amin.

No. Hindi pwede kailangan ko nang pumasok sa room. Baka mapansin niya pa ang outfit ko, nakakahiya kaya 'yon. Tapos baka magtanong na naman siya kagaya ni Mariel.

"Hindi na. Kailangan na kasi naming pumasok ni Mariel, tsaka may gagawin pa kasi ako roon," pagdadahilan ko.

"Okay."

Tumango na lang ako sa sinabi niya. "Tara, Sinag."

Kikilos na sana kami ni Mariel para makaalis na nang muli siyang nagsalita.

"Serenity," mahinang pagtawag niya dahilan ng mapalingon ako rito.

"You look pretty in that dress. It suits you.” Then, he turned his back para makaalis na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top