Kabanata 7
KABANATA 7
[PRANK]
"Kulimlim, naman. Bakit mo sinabi 'yon, ha? Paano 'pag magkatotoo 'yon sa kaniya? Anong gagawin mo?" pag-aalalang tanong sa akin ni Mariel.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Sinag, ipinanganak naman siguro siya ng mama niya na may utak. Saka, hindi naman siguro siya tanga para gawin ang sinabi ko, ‘di ba?"
As if naman talagang gumawa siya ng bagay na ikakapahamak niya? Kung mangyayari man 'yon, baliw talaga siya.
Tinignan niya lang ako. "Eh, papaano nga?"
I sighted. "Hindi niya gagawin 'yon, okay? So, relax. Ang oa naman ata niya kung totohanin niya ang mga sinabi ko. Tsk!"
Akmang magpapatuloy na sana kami sa paglalakad nang may tumawag sa akin.
"Serenity!" sigaw niya dahilan ng napalingon ako rito.
Huminto siya sa kinatatayuan namin at hinihingal pa ito.
Ano na naman bang drama nito?
"Serenity, si Lenience," ikli niyang sabi naikinakunot ng noo ko.
Bakit ako kinakabahan?
"Bakit? Anong nangyari?" takang tanong ko sa kaniya.
"Nagwawala."
Isang salita lang 'yon pero ibang klaseng ka ba na ang ibigay nu’n sa akin. Oh my God, Lenience. Ang bobo mo! Magwawala ka talaga?
I bit my lips, and I don't know what to do.
Pero, anong sabi niya?
What?
Nagwawala? Bakit naman magwawala ang ugok na 'yon?
“‘Yan na nga ba ang sinasabi ko sa‘yo Kulimlim, eh, hindi ka kasi nag-iingat sa mga pinagsasabi mo. Bilis puntahan na agad natin bago pa may mangyari masama sa Lenience na 'yon. Nako baka ano pang gawin sa‘yo ni Señorita Anna, ‘pag nagkataon," pag-alalang sabi ni Mariel na ikinakaba ko.
"Sinag, nagwawala lang naman 'yong tao, eh. Wala namang sinabing magpapakamatay kaya walang mangyayaring masama du’n. Tsaka—"
"Ahh, basta, Serenity, kailangan nating pumunta du’n. Nako talaga babae ka!" putol niyang sabi.
Tumango lang ako sa kaniya kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hinila niya ako dahilan para mapatakbo ako nang mabilis.
Gago ka talaga, Monte Carlos.
Pagkarating namin sa may sirang gusali ay nakatayo lang ang mga kaibigan niya, na tila wala namang nangyari.
Pinagloloko mo ba ako, Lenience?
Itinuro lang ng mga ito ang loob ng sirang gusali at kinakabahan ako at hindi nagdalawang-isip na pinasok ito.
Pagpasok ko ay wala naman akong nakitang Lenience na nagwawala. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko dahil sa kaba ng biglang—
"Kung hindi pa naisipan ng mga kaibigan kong mag-prank hindi ka talaga pupunta rito, ano?" sabi niya sa likuran ko na ikinagulat ko.
"Ay, butiki!" I exclaimed.
Napahawak naman ako nang marahan sa dibdib ko. "Nakakainis ka naman, eh. Alam mo bang aatakihin ako sa puso ng dahil sa'yo," inis kong sabi rito.
Tumawa lang ang mga kaibigan niya lalo na si Mariel. Akala ko ba nagwawala?
He looked at me. "Serenity, sorry. I mean I didn't mean it. Talagang desperado lang akong makausap si Faye. And making you a fool is not my intention."
Nang marinig ko ang mga sinasabi niya, may kung ano sa puso ko na nagsasabing patawarin ko na siya. Siguro nga desperado lang talaga siya. Halata naman.
"Aaminin ko, Monte Carlos, nagalit talaga ako sa‘yo. Sino namang hindi magagalit kung nalaman mong ginagamit ka lang, ‘di ba? 'Yong hindi ka pansinin, ahm, ginawa ko lang 'yon para malaman mo na maling-mali ang paggamit ng tao para sa sarili mong kapakanan at kasiyahan."
Sa wakas nasabi ko na rin ang gusto kong sabihin sa kaniya. Tama naman kasi ang sinabi ko. Bago ka gumawa ng desisyon kailangan mo munang isipin kong may masasaktan ka ba o wala.
"Sorry."
"Okay na 'yon, Papibrows."
And he smiled.
"Yehey, okay na sila," ngiting sabi ni Mariel.
"Good job, Dre!" sabi no’ng isa niyang kaibigan.
Natawa lang kami sa ginawa namin.
"By the way, we don't know each other yet in an appropriate way," he whispered with a smile. "I'm Lenience Zitheo Monte Carlos and you are?" ngiti niyang sabi sabay alok niya sa kaniyang kamay.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Serenity Fate Belmundo,"
Grabe, ang gwapo niya talaga tapos ang liit pa ng mata niya at ang kapal pa ng kilay, ha? Parang ang perpekto naman ng taong 'to. Paano kaya siya ginawa ng mga magulang niya? Joke.
"Serenity, this is Vincent, Carl, Ivan, and Matteo," pagpapakilala niya sa mga boys.
Kinamayan ko lang sila at ngumiti, nginitian rin ako ng mga ito pabalik. Hindi na niya pinakilala si Mariel sa mga kaibigan niya because they already knew her. Kilala ko naman sila kasi magkaklase kami, but like what Lenience said, kailangan naming magpakilala ng pormal sa isa't isa for a new beginning and for a friendship to make? I hope so.
Ang saya naman ng araw ko ngayon kung hindi pa dahil sa prank na 'to hindi pa kami magkakabati. That prank made my day.
August 16, 2005; We became friends.
"Yay, masaya na ang Kulimlim ko kasi okay na sila ni Lenience," ngiting sabi ni Mariel habang binabangga ang tagiliran ko.
Pauwi na kasi kami kaso na sa labas pa lang kami ng gate nag-aantay ng sasakyan pauwi.
"Syempre naman, ‘no? Hindi ko lubos akalaing maging kaibigan ko ang anak ng may-ari ng University na 'to, Sinag. Tapos, kinababaliwan pa siya ng mga babae sa campus natin," ngiting tugon ko sa kaniya.
Ang saya ko talaga kasi sa wakas okay na kami at kaibigan ko na siya, sila ng mga barkada niya.
"Masaya ako para sa‘yo, Kulimlim. Sana magtuloy-tuloy na ang pagiging close ninyo ni Lenience sa isa't isa."
I looked at her and smiled. "Salamat, Sinag. Oo naman, alam kong magiging close pa kami no’n."
"Oo nga pala, buti na lang naalala ko. Sabi sa akin ni Mabel kanina sa telepono, dito na rin daw mag-aaral si Jio, The Bangungot." I opened my eyes widely.
"What?"
She shrugged my shoulder. “‘Yon ang sabi sa akin ni Mabel, hindi mo pa ba siya kayang harapin hanggang ngayon? Matagal-tagal na rin naman 'yon, ah."
She's right. I should forget it and besides, naka-move-on na naman ako sa kaniya. So, there's nothing to worry about. But the what ifs are still there kaya hindi pa talaga ako handang makita siyang muli. Huwag muna sa ngayon.
"Ayaw ko pa siyang makita, Sinag. Hindi pa ako handa."
Jio was the biggest part of my past. He is. And it makes me worry about his comeback.
"Kulimlim, it's about time para harapin mo siya ulit. Then, ipakita mo sa kaniya na kinaya mo kahit wala siya," ngiting sabi ni Mariel.
Sinag was right. It's about time to face him again. This time, sisiguraduhin ko na sa muli naming pagkikita, iba na ako sa Serenity na nakilala niya noon. Iba na ako sa Serenity na akala niya ay basta-basta at madali lang i-etsapwera.
"Kailan daw ba siya papasok?"
"Tomorrow," she simply whispered.
Agad-agad? Hindi ba pwedeng sa susunod pang mga araw na lang?
What is your plan again, Jio? Bakit ka pa nagbalik? Kung kailan okay na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top