Kabanata 5
KABANATA 5
[SAMPAL]
DALA-DALA ko ang rosas na binigay sa akin ni Lenience kanina para kay Faye. Siguro mahal ang bulaklak na 'to kasi ang bango tapos may kabigatan din.
Gano’n ba talaga ka mahal ni Lenience si Faye dahil hahanap at hahanap talaga siya ng way para makausap ito? Ano kaya talaga ang tunay na dahilan nang bangayan ng dalawa?
Nang makita ko agad si Faye sa canteen ay agad akong lumapit sa kaniya, upang ibigay ang isang bugkos ng bulaklak mula kay Lenience.
"Faye?" kaswal kong tawag sa kaniya.
She looked at me. Para bang galit na naman ito. Alam na yata niya kung ano ang sadya ko. Ano pa nga ba?
"What are you doing here?" Ipapahamak mo na naman ba ako?" deretsong mataray niyang tanong.
Ang advance, ha? Kahit na nahihiya ako kasi pinagtitinginan ako ng mga estudyante lalo na ng mga kaibigan niya ay wala akong pake. Hindi ko na sila pinansin pa. All I know is para 'to sa scholarship ko.
"Faye, pinabibigay niya sa‘yo. Sorry raw. Tanggapin mo na upang matapos na," sabi ko. Dinugtungan ko na lang ng sorry para tanggapin.
Kinuha niya ito at natuwa ako ro’n. Kaso, laking gulat ko na lang nang... ibinato n'ya ang mga ito sa akin.
What the–
Baliw ba siya? Mukhang sinusubukan ako ng gagang 'to, ah. Naglabas na lang ako ng malalim na hininga at pinakalma ang sarili.
Relax lang, Serenity. Nakasalalay ang scholarship mo sa gagang 'to.
Kahit nagulat ako sa ginawa niya at pinagtitinginan na ako sa buong canteen ay wala pa rin akong pake.
"Sabihin mo r’yan sa Lenience na 'yan, na hindi ko kailangan ng mga bulaklak niya," galit niyang sigaw sa akin.
Kailangan talagang sumigaw, Te? Eh, hindi naman bingi ang kausap mo.
"At, isa pa…" dagdag niya na ikinalingon ko rito. Nanginginig na ‘ata ako, ah.
"Pag-uulitin mo pa ito dahil sa utos niya… hindi lang hiya ang aabutin mo sa akin. Mark my words!"
Hindi na ako nakasagot pa dahil kinakabahan talaga ako.
"You are beautiful. Sayang ang ganda mo kung maging utusan ka lang ng Monte Carlos na 'yan. Tsk."
Agad itong nag-ayos sa pagtayo. Gano'n din ang ginawa ng iba niyang kaibigan.
"Let's go, girls," anyaya niya sa mga ito saka umalis.
Naiwan akong parang tanga sa table nila. Nakakahiya. Sana hindi ko na lang ginawa 'to, ayan tuloy napahiya ako.
Hindi ko na nilingon ang mga taong nagtitinginan sa akin. Dali-dali kong pinulot ang bulaklak saka kumaripas ng takbo dahil sa kahihiyang inabot ko. Habang mabilis ang lakad ko ay nakita ko sila ni Lenience at ang mga kaibigan niya na hinaharangan ang dinaanan ko. Tsk.
Ano na naman ba? Wala na akong magawa, nakaharang, eh, edi haharapin.
Tinignan ko si Lenience nang masama. Hindi na ako nagdalawang-isip pang ibigay sa kaniya ang rosas niya.
"Sorry if I failed. Hindi niya tinanggap," seryosong sabi ko.
Akmang aalis na sana ako nang napahinto ako sa tawag niya.
"Serenity," tawag niya sa akin na kinalingon ko.
May iuutos ka na naman? Hindi pa ba sapat ang hiyang sinapit ko? Hindi pa ba 'yon okay? Napahiya na ako, oh. Hindi ko na siya sinagot at lumingon lang ako.
"Take the flowers," malamig niyang utos at sinunod ko ito.
Agad ko itong tinanggap. Nang may nakita akong trashcan sa gilid ay agad ko rin itong itinapon. Nagulat siya sa ginawa ko, lalo na ang mga kaibigan niya.
"Bakit mo tinapon? I gave it to you, right?" hindi makapaniwala na tanong niya sa akin.
Basura 'yon, ‘di ba? Kaya tinapon. Gago.
I chuckled. "Sorry, hindi kasi ako tumatanggap ng basura ng iba."
I turned my back at him. Ano pa ba ang gagawin ko, damayan siya sa heartaches niya? Hindi ako galit sa kaniya, galit ako sa sarili ko kasi napahiya ako. Sana hindi ko na lang ginawa 'yon, edi sana hindi ko inabot ang kahihiyang 'yon. Kamalasan at kahihiyan na lang ba talaga ang matatanggap ko sa unibersidad na ito?
PAGKATAPOS no’n ay agad akong napapunta sa gym, nais ko lang mapag-isa. Hindi ko lubos akalain na sa buong buhay ko sa paaralan pa talaga na pangarap ko, aabutin ang gano'ng klaseng hiya. Wala na akong magawa, nangyari na at hindi ko na 'yon mababawi pa. Habang umupo ako sa gym agad akong napalingon nang may tumawag sa akin.
"Kulimlim!" tawag sa akin ni Mariel saka umupo sa tabi ko. "Sabi ko na nga ba nandito ka lang. Okay ka na?" pag-alala niyang tanong.
I nodded at her. "Okay lang ako."
Tumingin lang siya sa akin na kunot ang noo. "'Di ba sabi ko naman sa‘yo na mag-ingat ka? Ayan tuloy napahiya ka naman ulit kanina."
Ngumiti lang ako ng mapait sa kaniya. Sorry, tanga kasi ako. I need to do it for my scholarship. F*ck that scholarship.
"Wala 'yon, gano’n naman talaga. Kailangan ko lang talagang gawin 'yon para sa scholarship ko. Besides, I am used to it na naman. Kahit na mahirap para lang sa scholarship ko, gagawin ko lahat," mahinang boses na sabi ko sa kaniya.
Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. "Tumayo ka na riyan. Kailangan na nating pumasok baka mahuli pa tayo sa klase. Baka ikakabagsak pa natin 'tong pareho."
Agad naman akong tumayo kasi baka mahuli pa kami sa klase namin. Mas mahirap 'yon. Habang binabaybay namin ang daan palabas ng gym ay may narinig akong pamilyar na boses dahilan ng napahinto ako.
"Sandali lang," mahinang sabi ko kay Mariel.
Nagtakang tingin lang ito sa akin. "Bakit?"
Suminyas lang ako sa kaniya at tumahimik naman ito.
"So, Dude, hindi mo naman talaga alam na scholar siya sa school ninyo, ‘di ba? Sinakayan mo lang siya sa sinabi niya para magamit mo siya kay Faye," tanong ng isa nyang kaibigan na dahilan ng pagsama ng loob ko.
Holysh*t! I heard it right, ‘di ba? I'm gonna kill you, Lenience. You fooled me!
Tumingin lang sa akin si Mariel. "Sila Lenience ba 'yan?" tanong niya.
"Psst, makinig lang tayo," tugon ko rito saka nagpatuloy sa pakikinig.
Gusto kong alamin at pakinggan kung ano talaga ang dapat kong malaman. I work hard for that f*cking scholarship tapos... malalaman ko na lang na ginagamit lang pala niya ako para sa nais niyang makuha.
"Paano na 'yan, ‘Dre, ayaw talaga ni Faye nakausapin ka. Kaya ayan tuloy napahiya mo 'yong tao dahil d'yan," sabi naman no'ng isa niyang kaibigan.
"Wala akong pake kong mapahiya siya. Basta gagamitin ko lang ang scholarship niya para kay Faye," sagot ni Lenience sa kanila.
Dahil sa galit ko, hindi ko na nakayanan at sinugod ito.
Hayop siya, wala naman pala siyang alam sa scholarship ko ginamit niya pa ako. What a jerk. Mapapatay ko talaga kita, Monte Carlos! Hayop ka talaga, Lenience!
"Kulimlim, 'wag," pag-alalang pigil sa akin ni Mariel.
"Tuturuan ko lang ng leksyon, Sinag. Mukhang walang alam, eh. Just watch and learn," galit na sabi ko saka nagpatuloy.
Laking gulat ng mga kaibigan niya nang sinugod ko sila. Habang hindi ako napansin ni Lenience dahil nakatalikod ito.
"Serenity!" gulat na tawag sa akin ng isa niyang kaibigan dahilan ng paglingon sa akin ni Lenience.
Agad na paglingon niya ay wala naman akong ginawa kundi sinalubong siya ng sampal.
You deserved it, Monkey! Sa katunayan kulang pa nga 'yan, eh.
"Kulimlim, halika na."
Hinatak ako ni Mariel.
Hindi ko ito pinansin at binalingan nang masamang tingin si Lenience, habang hawak-hawak ang nasampal niyang mukha.
"How dare you? Ginawa mo akong tanga. Napahiya ako sa harapan ng maraming tao dahil lang sa scholarship ko tapos hindi mo pala 'yon alam and you used me?"
I loathed him. "Sana naging masaya ka sa mga sandaling ginamit mo ako. Sana makausap mo na nang matino si Faye, para sumaya ka man lang kahit papano. Nakakaawa ka naman."
Straight kong sabi at puno na galit ang mga salitang binitawan ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako habang hawak ang mukha niya.
Well, you deserve it. Gago.
Agad ko siyang tinalikuran at hindi na pinansin pa.
"Serenity!" tawag niya sa akin pero hindi ko na siya nilingon.
Serenity, your face! Bagay lang 'yan sa‘yo manggagamit ka. Sana sa ginawa mong 'yon ay kausapin ka na niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top