Kabanata 4
KABANATA 4
[ROSAS]
"ANO ba kasi ang relasyon nila ni Faye at gano’n siya makapag-react?" mahina kong tanong kay Mariel.
Nandito kami sa loob ng classroom namin. Ang plain ng silid namin, walang ka art-art. Dahil mayaman ang school na ito dapat marami silang art sa mga room. Hindi ‘yong plain lang. Para bang ang tamlay tignan kasi walang mga pinapaskil sa gilid, pero mabuti na lang at maganda ang theme nila. Pang modern day or mala-vintage, gano’n. Mahina lang kaming nag-uusap ni Mariel, baka sabihin ng iba na pinag-tsi-tsismisan namin si Lenience at mapapahamak pa kami. Kaso, totoo naman talagang pinag-tsitsismisan namin siya.
Nilingon ako ni Mariel at tinignan niya lang ako, pero hindi nakaligtas sa akin ang pagbuntong hininga niya.
"Sabi ng mga kaklase natin dito, mag-on daw sila ni Faye dati. Kaso may hindi raw tinupad si Lenience sa pangako niya kay Faye. Kaya ayon nagalit ito ng sobra sa kaniya at nakipaghiwalay," mahina ring paliwanag sa akin ni Mariel. Sinulyapan ko si Lenience sa direction nila. Nandito rin kasi sila ng mga friends niya sa silid namin.
Ang mga kaibigan niya ang sasaya kaso siya para siyang ewan sa gilid. Kaya pala siya gan'yan? Naawa tuloy ako sa kaniya. Siguro kung hindi sila nagkatampuhan ni Faye, ang sigla at ang saya niya siguro ngayon.
Pero simpleng problema lang naman 'yon, ah? Tapos para na siyang sinira ng bagyo kung maka-asta. Gan’yan ba talaga pag-umibig? Maging mukhang ewan ‘pag iniwan?
I've been hurt before. Sabagay naging worse rin ako dahil sa pisteng pagmamahal na 'yan. Tsk. Ano ba itong iniisip ko?
"Iyon lang ang dahilan kaya naghiwalay sila ni faye? Ang babaw naman yata ng dahilang ‘yon," tugon ko rito.
"Alam mo, Kulimlim. Gan’yan ‘ata talaga magalit ang mga mayayaman, eh. Hindi lang natin alam at hindi tayo makaka-relate sa kanila kasi hindi nga naman tayo gano’n," natatawa niyang tugon.
Tumingin lang talaga ako sa kinaroroonan ni Lenience. Nais kong tingnan ang bawat galaw niya. I don't know why, pero bigla na lang akong naging interesado sa kaniya. Para bang isa siyang research project na gusto ko ng alamin agad ang hypothesis nito.
"Noong sila pa ba ni Faye, ganiyan na ugali niya?" takang tanong ko kay Mariel.
"Hindi. Sa katunayan nga mabait talaga 'yang si Lenience. Kaya maraming humahanga sa kaniya sa campus natin at naging heartthrob siya. Sa madaling salita, naging sikat siya sa MCU. Plus points na ro’n ang pagiging Monte Carlos niya. Kahit na hindi sang-ayon ang iba sa relasyon nila ni Faye, pero hindi pa rin nawala ang paghanga ng buong MCU warriors sa kaniya," mahabang paliwanag niya sa akin.
I looked at her and sighed. "Bakit hindi nila gusto si Faye para kay Lenience? Maganda naman si Faye, ah, feeling ko mabait din." Hindi nga lang halata sa mukha. Medyo strikta kasi.
"Maganda nga, pero pangit naman ng ugali ng babaeng ‘yon. Isang beses mo pa lang siyang nakita, nababaitan ka na agad sa kaniya? Sinigawan ka nga, ‘di ba? Tsk."
Batid ko ang pagkainis sa tono ng pananalita niya, pero nagawa niya pa rin itong sabihin gamit ang mahina niyang boses.
Sabagay, aanhin mo naman ang may panlaban sa mukha kung wala namang kabutihan na ugali na pinakita kapwa. Kawawa naman siya kung gano’n.
I gulped hard. "Wala. Feel ko lang, kasi kung hindi siya maganda at mabait hindi magkakaganyan ang mukong na 'yan."
Ano kayang ang mayroon kay Faye? At bakit parang baliw na baliw sa kaniya si Monte Carlos? Tinignan ko lang si Lenience at bahagyang napangiti.
"Ibabalik ko ang dating siya," simple kong sabi kay Mariel.
Hindi ko alam kung bakit nabitawan ko ang mga katagang iyon. Pero hindi ko na ito magawang bawiin pa kasi nasabi ko na. Tinignan niya lang ako at tinawanan.
"Nagpapatawa ka ba, Kulimlim? Eh, hindi ka nga kilala, ni hindi ka pinatawad agad kanina tapos pinahiya ka pa at wala kang balak kaibiganin. Tapos ibabalik mo siya sa dating siya? Asa ka,” natatawa niyang sabi.
Sabagay tama nga naman siya.
Hayst, basta maibabalik ko rin 'yon.
"Hindi natin alam, baka bukas close na kami.” Napangiti akong puno ng konpyansa sa aking sarili kong tugon.
Tumawa lang siya nang tumawa. Nakatuon lang ang aking atensyon sa kinaroroonan ni Monte Carlos.
"Ayan ka na naman. Nangangarap ka na naman ng gising, eh. Mamayang gabi mo na lang iyan tuloy kasi do’n walang bayad ang mangarap kapag tulog," natatawa niyang sabi pero hindi ko siya pinansin.
Paano ‘pag magawa ko nga 'yon? Paano nga ‘pag maibalik ko talaga siya sa dating siya? Pero sabagay wala 'yong kasiguraduhan. Sino nga ba naman ako kundi isang hamak na scholar lamang sa unibersidad na ito. Hindi kita hahayaan na maging gan'yan lang palagi, Lenience, dahil lang sa babaeng hindi mo naman deserve!
*****
KINABUKASAN ay agad akong pumasok sa school kasi ayaw kong mahuli sa klase. Pagkapasok ko pa lang sa silid namin ay laking gulat ko na agad akong sinalubong ni Mariel. Tila ba natataranta siya.
"Hoy, Kulimlim! Mabuti naman at nakarating ka na." natatarantang bungad niya sa akin nang marating ko ang silid namin.
"Ha? Bakit naman?" takang kong tanong.
Tumingin lang siya sa akin na para bang natatakot at hindi napalagay. "Anong bakit naman? Eh, kanina ka pa hinahanap ni Lenience," tugon niya.
Nagtakang tingin ako sa kaniya kasi bakit naman ako hahanapin no’n?
"Bakit daw?" maikli kong tanong na may pagtataka.
"Anong bakit daw? Nakalimutan mo na ba ang sabi niya sa‘yo kahapon? ‘Di ba sinabi niya na bumalik ka do’n sa sirang gusali para sa kapatawaran mo," pag-aalala niyang paliwanag sa akin.
Oo nga pala. Gaga. Patay, nakalimutan ko!
Bigla akong kinabahan, nataranta at nanlalamig nang marinig ko iyon kay Mariel.
"Oo nga pala nakalimutan ko. Eh, marami kasi akong ginawa sa bahay kaya–" hindi ko natuloy na pagpapaliwanag.
"Nako. Mabuti pa pumunta ka na roon baka magalit pa 'yon sa‘yo. Lagot ka talaga," putol niyang pag-aalala na sabi.
"Sige pupunta na ako. Dito ka lang ba? Hindi ka sasama?"
Tumago naman ito.
Agad akong kumaripas ng takbo baka galit na 'yon. Wala akong paki kong pinagtitinginan man ako ng ilan sa mga estudyanteng nadadaanan ko. Basta ang kailangan ko lang ay ang mapuntahan siya agad.
Pagkarating ko sa sirang gusali ay laking pasasalamat ko at nandito pa siya kasama ang mga kaibigan niya. Nang maramdaman nila ang presensya ko ay tumingin lang ang mga ito sa akin maliban sa kaniya.
"Bakit ngayon ka lang? I told you na pumunta ka rito at eight, right?" buong boses niyang tanong.
Infairness. Nakakatakot, ha. Kahit hiningal pa ako sa kakatakbo ko kanina ay agad ko itong sinagot.
"Sorry. May marami pa kasi akong ginawa sa bahay kaya ayon na–" pinutol niya agad ang paliwanag ko.
Tsk. Hindi man lang ako hinayaang mag-explain? Hindi man lang niya ako nilingon, saka inabot sa akin ang sobrang pulang isang bigkis ng rosas. Rosas na naman?
"Anong gagawin ko rito?" takang tanong ko sa kaniya.
Sa oras na ito ay nilingon niya na ako. Ang gwapo talaga ng laking ito. Nakakalaglag ng panty.
Tinaasan niya lang ako ng kilay na tumingin sa akin. "Huwag kang feeling, kiddo, hindi para sa‘yo 'yan."
I sighed. Tsk. Sino namang nagsabi na para sa akin ang mga 'to?
"Alam ko naman, saka hindi ko rin naman gusto ang mga ‘to. Ang pangit kaya ng rosas." I rolled my eyes at him. Kung Tulips ito baka p’wede pa.
He cleared his throat. "Whatever," walang gana niyang sabi. Whatever ka rin, gago!
"Ibigay mo 'yan ulit sa kaniya. Sabihin mo na nais ko siyang makausap. Ito na ang huli at hindi na ako manggugulo pa. Ikaw na ang humanap ng paraan para pumayag siya," pagpapaliwanag niya saka ako tinalikuran.
Kunot naman ang aking noo habang nakatingin sa rosas na ibibigay ko kay Faye. "Ha? Paano ‘pag ayaw niya talaga? Anong gagawin ko?" sunod-sunod na pagtataka kong tanong.
Desperado. Napalingon siya sa akin nang wala sa oras. Nilapitan niya ako kasabay ang pagyuko nito sa akin. Kasi nga naman, ‘di ba, ang liit ko.
"Just do it for your scholarship," simple niyang tugon. Kakaibang kaba naman ang hatid sa akin nang sinabi niya iyon.
Tuluyan niya na akong tinalikuran at hindi na ulit lumingon pa.
I gave a deep breath. For the sake of my damn scholarship.
"Okay," sabi ko. Aalis na sana ako nang tawagin niya ako ulit kaya napalingon ako sa kaniya.
"Serenity?" Hindi man siya nakatingin ng deretso sa akin pero ako nagawa ko iyon.
He bit his lower lip. Napalunok naman ako sa ginawa niyang iyon. Damn, ang sexy niya.
"Pag hindi niya ulit tatanggapin ang mga rosas na ‘yan… sa‘yo na lang. Basta siguraduhin mo na makakausap ko siya."
Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon. Nginitian ko na lang din ang mga kaibigan niya. Ngumiti naman pabalik sa akin ang mga ito, saka hindi nagdalawang-isip na lumabas sa sirang gusali.
Bakit gano’n? No’ng sinabi niya na akin na lang ang mga ‘to ‘pag hindi tatanggapin ni Faye ay may iba akong nararamdaman. Para bang mga buttetflies na nagsisitakbuhan sa tummy ko.
Buntis ba ako? I mean, kalimutan na lang natin. Ang hirap naman ng kapalit para sa scholarship ko. Sana talaga tanggapin na ito ni Faye para bayad na ako sa kasalanan ko kay Lenience.
Kaya ko 'to. Ako pa? Aba, si Serenity ata ako 'no.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top