Kabanata 37

KABANATA 37
[MAY ASAWA]

Nang matapos ang tagpo namin na iyon ni Lenience ay agad akong pumarito kina Mariel. Hindi muna ako umuwi sa bahay namin ni Jio, baka kasi pangangaralan na naman niya ako. 

Nagulat naman si Mariel sa itsura ko nang makarating ako sa kanila. She looked at me, mula ulo hanggang paa, tila ba kinakabisado niya ako. I told her about what happened earlier kaya gan'yan siya kung makatitig sa akin. 

Nilagay niya sa lamesa ang hawak-hawak niyang pampakulot ng kaniyang buhok saka umupo sa upuan sa aking harapan. She rolled her eyes and sighed. 

"Ayan, nagpapaloko ka kasi, pinangakuan ka lang akala mo naman mahal ka na agad," taas-kilay niyang sabi. 

Inirapan ko naman siya. Nakita ko ang pag-cross niya sa kaniyang mga kamay. Ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa akin ng diretso. 

I gulped as I calmed myself. "Who knows na lolokohin lang pala niya ako? ‘Di ba wala? Kahit kayo nga hindi niyo alam."

"Sabagay, pero ang mahalaga bumalik siya, ‘di ba?"

Napatigil naman ako sa sinabi niya at prinoseso iyon sa utak ko. Sinamaan ko siya ng tingin kaya nagulat ito sa aking reaksyon. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan saka pumunta sa likuran nito. 

"Teka nga, ikaw, Mariel, alam mo minsan hindi kita kayang spell-ingin, eh. Sabi mo noon, ayaw mo kay Lenience kasi kagaya siya ni Vincent, manloloko." I paused for a second. "Tapos no’ng bumalik siya, parang okay lang sa‘yo. Best friends lang kayo, gano'n. Then now, iyan na naman ang mga pinagsasabi mo. You know what, nakakalito ka sobra. Sakit mo sa utak," inis kong pagsasabi sa kaniya. 

I caught her smirked. "Alam mo, isa lang talaga ang masasabi ko sa‘yo." She paused to trailed me. "Need niyo ng closure dalawa para maliwanagan kayo sa isa't isa."

"May pa closure-closure ka pa r’yan."

"Essential 'yon. Lalo na't kailangan mong aminin sa kaniya kung ano ba talaga kayo ni Jio," she explained calmly. 

I bit my lower lip. "Naiisip ko naman 'yon, nag-aantay lang ako ng timing."

I know what she wanted me to realize. Parehas lang sila ni Jio. Sinasabi nila sa akin kung ano nga ba ang kailangan kong gawin. Hindi ko naman 'yon kinalimutan, naghahanap lang ako ng tamang oras para sabihin iyon sa kaniya. Pero hindi ko alam kung paano at kailan ang perfect timing na 'yon. 

Bumalik ako sa pag-upo sa harap niya, saka naglabas ng isang malalim na buntong-hininga.

I waited for a minute until I heard her talking again. 

"Oo nga pala, how's Alexis? Matagal ko ng hindi nakita ang baby mo," pag-iba niya sa usapan. 

Ilang araw na rin na hindi ko kasama si Alexis. Sobrang busy ko kasi these past few days. Minsan nga hindi ko siya magawang tawagan o kamustahin man lang. Sana hindi magtatampo sa akin ang batang 'yon. 

I sighed. "Minsan lang siya sa bahay namin. Madalas siyang nasa mga magulang ni Jio."

‘Pag busy kami ni Jio, sa parents niya namin siya iniiwan. ‘Pag nando’n kasi siya sa lolo at lola niya, masaya siyang nakikipagkulitan sa kanila.

She cleared her throat. "Nako, kawawa naman pala baby Alexis ko nyan. Minsan lang hindi busy ang mga magulang niya."

"Kapag wala naman akong klase tapos hindi ako busy dinadalaw ko naman siya at inuwi sa bahay." kaswal kong tugon. 

She sighed. "Hirap ng gan'yang sitwasyon, Kulimlim."

KINABUKASAN napag-isipan namin ni Jio na ipasyal si Alexis. Hindi muna siya pumasok sa work kagaya ko. Lumiban muna ako kahit isang araw man lang para makasama ang bata. 

Nang sinundo namin siya sa bahay ng mga magulang ni Jio ay nakita ko ang laki ng kaniyang ngiti. Hindi pa lang kami nakababa sa kotse ay sinalubong niya na kami agad ng papay niya. Alexis grew as a beautiful, lovely and a kind girl. Kahit na awayin mo man siya at hindi ka magpakita sa kaniya ng ilang araw, hindi niya kailanman inisip na magtanim ng galit. Natutuwa nga ako kasi tama ang pagpapalaki namin ni Jio sa kaniya. 

Nakatuon lang ang atensyon ko sa bata habang masayang namimili ng gusto niyang mga toys. Naisipan namin ni Jio na rito siya ipasyal sa mall para naman makakita siya ng maraming tao. Lagi lang kasi siyang nasa loob ng bahay kaya dinala namin dito para naman hindi siya manibago. Mapahinto kami sa mga pambabaeng toys, may nakita kasi siyang gustong bilhin sa mga ito. 

Nang makuha niya na ang toy na iyon ay lumingon ito sa akin. Nakita ko naman ang malaking ngiti sa labi niya. "Mamay, gusto ko po nito."

I shrugged. “‘Wag 'yan, Sweetie. Marami ka na nyan sa bahay, eh. Hindi mo naman ginagamit."

Nais niya kasing bumili ulit ng barbie toy. Marami na siyang ganyan sa bahay. Lahat ng mga iyon ay nakatambak lang sa kwarto niya at hindi niya ginagamit. Nakita ko naman ang pagsimangot niya. 

She sighed and bit her lips. "Pero, Mamay, I want this po," pagmamakaawa niya. 

"Iyong wala na lang sa‘yo, 'yon ang bilhin natin."

"Okay po," walang gana niya na sabi. Mayamaya pa ay pumili ito ng ibang toys, saka muling nagsalita. "This, mamay! Look ang cute!"

Pinakita niya sa akin ang isang mermaid doll kaya ngumiti na lang ako sa kaniya. Wala pa akong nakita na nabili niyang gano’n kaya tumango ako rito. 

"Get it, I will pay for it."

"Talaga po?" I nodded. 

Niyakap niya sa kaniya ang toy na iyon at nagpatuloy sa pagtingin ng iba. Habang ako naman ay tumitingin-tingin din, baka kasi may magustuhan ako for her. Patuloy lang ako sa pamimili nang bigla itong may tinawag dahilan ng mapalingon ako kay Alexis. 

What the—bakit siya nandito? 

"Tito Lenience!" masiglang tawag ng bata sa kaniya. 

Nanlaki naman ang mata ko nang makita ito. Nakaramdam din ako ng kaba dahil sa presensya niya. Nakita ko naman ang pagtakbo ni Alexis papunta sa kaniya kaya pinigilan ko ito. 

I bit my lips. "Alexis."

Ngunit hindi ito nakinig kaya napalapit ito sa pwesto ni Lenience. Nakita ko ang dala niyang mga  pamilihin kaya napalunok ako. Pumunta lang siya rito para bumili ng boxers? Seryoso?

"Hey, Sweetheart," masayang bati niya sa bata. "Who's with you?"

"Sila Mamay at Papay po."

I caught him looking at my direction, but I avoided that gaze. 

"Hi," he greeted. 

Tinanguan ko lang siya, saka agad kinuha ang kamay ni Alexis para makaalis na kami. I feel awkward pag kasama ko siya o nakikita ko ang presensya niya. Simula no’ng bumalik siya palagi na lang akong ganito. 

Nakita niya naman ang pagkahawak ko sa bata kaya napatingin ito sa akin. Napalunok ako sa ginawa niyang iyon. 

"Alexis, halika na. Baka hinahanap na tayo ng Papay mo."

"Pero, Mamay, gusto ko muna kausapin si Tito Lenience—" 

Nagulat ako dahil hindi niya nagawang tapusin ang kaniyang nais sabihin dahil may tumawag sa kaniya na likuran ni Lenience. Mas lalo akong kinabahan dahil alam ko kung sino ang tumawag sa bata. Nabitawan ko ang kamay nito dahil nanginginig na ako sa nerbyos. 

"Alexis," pagputol ni Jio sa sinabi niya. 

"Papay." 

Lumapit ito kay Jio kaya napaharap kami ni Lenience sa pwesto nila. Pakiramdam ko para na akong kakapusin ng hininga dahil nagharap na ang dalawa. God, 'wag muna ngayon.

"Lenience," gulat na tawag ni Jio. 

"Jio," Lenience replied casually. 

Pero bago pa man humantong ang lahat sa kung anu-ano ay agad na akong kumilos. 

"Halika na, Bal. Kailangan na nating umalis." My voice cracked. 

Mas lalo akong nababaliw nang marinig ko ang tugon sa akin ni Jio. Nakita ko rin ang pagtingin niya sa mata ko para bang alam ko na ang nais niyang sabihin. Napalingon naman ako kay Lenience na nasa akin din pala ang atensyon. 

"Sige, ako na lang ang magbabayad," alok niyang sabi. "Come with me, Sweetie," nakangiti niyang sabi sa bata. 

Tumango naman si Alexis dito, saka agad niya itong binuhat. Hindi pa man nakaalis si Jio paputang counter area ay nilingon niya ako ulit. Napalunok naman ako kasi alam ko na gusto niya talaga na sabihin ko kay Lenience ang palagi niyang sinasabi sa akin. 

Nang tuluyan na silang makaalis ay akmang susundan ko na sana sila kaso ‘di ako nagtagumpay. Ayaw ko talagang makasama kahit saglit lang si Lenience. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kinikilos ko ‘pag kasama ko siya. 

"Happy wife, ha?” I heard him chuckle. 

Natigil ako sa sinabi niyang iyon, pero hindi ako nagpatinag. "Excuse me," pagpasintabi ko sa kaniya para makaalis na. 

Ilang hakbang lang ang nagawa ko nang bigla siyang magsalita ulit na ikinahinto ng aking mundo. 

"Mahal mo ba talaga si Jio?" taka niyang tanong. 

"Lenience."

He snorted and looked me straight in the eyes. "Just tell me the truth."

Inirapan ko siya. Hinilot ko nang kaonti ang aking noo kasi feeling ko para na akong sasabog sa biglang init na aking nararamdaman. Marahan niya akong sinuyo ng tingin habang nag-aantay sa aking sasabihin. 

"Para saan pa?"

"Para magkaroon ako ng rason na itigil na 'tong paghahabol ko sa‘yo, Serenity." He said like it’s very normal to him to tell me those words.

I bit my lips. Nagpakurap-kurap ako sa sinabi niya. Sino ba ang nagsabi sa kaniya na habulin niya ako? Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. 

"Hindi na kita kailangan na sagutin pa kasi alam mo na kung ano ang isasagot ko."

Pagkasabi kong iyon ay agad ko na siyang tinalikuran pa. ALAS syete na ng gabi nang mapagpasyahan namin ni Jio na maligo muna kami sa pool para makapag-relax kahit papaano. 

Nakaupo lang ako sa gilid ng pool habang umiinom ng juice. Siya naman ay lumalangoy ng pabalik-balik. Nang mapagod na siya sa kakalangoy ay lumapit siya sa akin saka naupo sa aking tabi. 

Narinig ko ang malalim na hininga na kaniyang ginawa. Sinulyapan niya ako nang bahagya kaya napalingon ako rito. 

"Nasabi mo na ba sa kaniya kanina ang totoo?" he asked normally. 

"Jio."

"Alam mo naman siguro kaya ko kayo iniwan saglit kanina, ‘di ba? Para masabi mo sa kaniya."

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. It took me a minute before I answered him.

"Hindi ko kaya, Jio," malungkot kong sabi. 

Kinuha niya ang isa kong kamay at hinawakan ito nang mahigpit. Napatingin naman ako sa kaniyang mga mata. Nakita ko ang pag-aalala niya sa titig na iyon. I know he wants me to be settle and to be happy. Iyon din naman ang gusto ko para sa sarili ko, pero hindi ko lang alam kung paano ko gagawin ang nais niya. 

He cleared his throat. "Bal, you need to him the truth. Baka pagsisihan mo ang lahat sa huli."

I nodded as I gulped and gave him a forceful smile. "Promise, I will try."

SABADO ng umaga, inimbitahan kami nila Mariel at Vincent sa kanila para magkaroon kami ng mahaba-habang kwentuhan bago sila ikasal. Wala akong choice, barkada ko sila kaya nagpaalam ako agad kay Jio tungkol sa plano. Pumayag naman ito kaya nakapunta ako. 

Simula no’ng magsama kami ni Jio sa iisang bahay, hindi siya nakasama sa amin ng mga kaibigan ko sa kahit anong uri ng okasyon. Maliban sa busy siya, ayaw niya rin ang magpakita sa mga ito kasi natatakot siya. Pinilit ko siya ng higit pa sa isang beses na magpakita sa mga ito. But he refused every time I asked him to do so, kaya hindi na ako nagpupumilit pa. Ang mahalaga maayos kami. 

Hindi maiwasan ng mga boys na makipag biruan at kwentuhan kay Lenience. Lalo na't minsan lang magsama ang mga ito. Until now, hindi pa rin nagsi-sink-in sa utak ko kung paano sila naging ganito ka ayos lahat sa kabila ng mga pangyayari noon sa pagitan namin. Tinanong ko si Mariel, no’ng una ang sabi niya hindi naman sila ang nagkatampuhan at kami lang daw, kaya ayon friends pa rin. 

Minsan napalingon ako kay Lenience, minsan din siya ang lumilingon sa akin. Napapansin ko ang mga iyon, 'di ko lang pinapahalata. He's more handsome and hot now. Kahit simple lang ang damit na suot niya ngayon nakikita ko ang maganda at matipuno niyang katawan. He just wearing simple T-shirt na kulay black at naka-jeans lang siya. Pero sa itsura niyang iyon, ang bango niya at sarap sa mata kung tingnan. 

No’ng una, nakakatawa pa ang biruan nila, pero kalaunan hindi na ako natutuwa.

"Excited na ako sa kasal ni Vincent bukas. Tapos si Fate ang makakuha ng flower mula kay Mariel para sila ang susunod na ikakasal ni Lenience," masaya na sabi ni Ivan. 

"Tsk. May asawa na nga, Dre." Lenience smirked. 

"Oo nga pala, may Faye ka na, Monte Carlos. ‘Di ba, Kulimlim?" tanong sa akin ni Mariel. 

Napakagat naman ako sa aking pang-ibabang labi sa sinabi niya. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nanahimik na lang ako sa gilid. Nasa tabi ko si Mariel habang si Vincent naman ang nasa kaliwa niya. Tapos 'yong iba nasa harapan namin. Lalo na si Lenience na nasa mismong harap ko talaga. 

"Si Serenity ang tinutukoy ko na may asawa," natatawa niyang tugon. 

Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya nang masabi niya iyon. Nakita ko ang kakainis niyang ngiti habang tinitingnan ako. Nakita ko rin ang pag-igting ng kaniyang panga. Nag-iwas agad ako ng tingin dito. 

Wala akong magawang sabihin sa usapan nila. Basta alam ko ang totoo at iyon ang mahalaga. 

"Nagpapatawa ka ba, Dre? Sino naman ang asawa ni Fate?" Matteo asked him while chuckling. 

"Si Jio. May anak na nga sila, ‘di ba?"

"What the, Dude, walang relasyon si Jio at Serenity," pagsasabi ni Vincent sa kaniya. 

Ang mga sinabi na iyon ni Vincent ay ang nagpahina ng aking tuhod dahilan ng mabilis na pagtibok ng aking puso. 

They laughed except for me and Lenience. 

"What do you mean?" naguguluhan niyang tanong. 

Bago pa man makagawa ng tugon ang kahit sino sa kanila ay gumawa na ako ng eksena. Nilapag ko ang hawak kong baso sa mesa dahilan ng mapatingin silang lahat sa akin. 

I calmed down a little. "That's enough."

Narinig ko ang mahina, pero malutong na mura ni Carl. "The f*ck! I'm sorry, Serenity, I forgot."

Nahuli ko ang tingin ni Lenience. Kung kanina ang tingin niyang iyon ay nakakapatay ng tao, ngayon napalitan na ito ng pagkagulat. 

"You're not with him?"

Wala na akong magawang isagot sa kaniya. Hahayaan ko na lang siya na mabaliw sa kakaisip.

LUNES ng hapon, naisipan ko na mag-taxi na lang kasi may dadaanan pa ako. Pupuntahan ko ang isa sa mga estudyante ko na hindi na pumasok sa aking klase. Paalis na sana ako ng aking silid nang may biglang pumasok na siyang dahilan ng aking pagkagulat. 

Hindi ko magawang ikilos ang isa sa aking mga paa. Unti-unti siyang naglakad papunta sa aking direksyon. Wala akong ibang magawa kundi ang mapalunok at kabahan. Baliw ba siya? Pati rito sa school pinupuntahan niya ako? 

Nang makalapit na ito sa akin ay ngumiti siya nang bahagya, pero tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin. "Hi. I'm here para sunduin ka sana," nabubulol niyang sabi. 

"Magta-taxi ako," walang gana kong tugon. 

Padabog kong inaayos ang aking mga gamit sa lamesa para naman kabahan siya at dalawa na kami. 

"Serenity, kahit ngayon lang. Gusto lang kitang makasama at mamasyal tayo saglit."

"Busy ako. Marami akong papers na aasikasuhin."

Lumapit pa siya nang kaonti. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napaatras ito. Ramdam ko ang kaba niya kasi ganito rin siya noon, no’ng nanliligaw pa siya sa akin. 

He cleared his throat. "I can wait hanggang sa free ka na."

"Wala akong free time."

Napakamot siya sa kaniyang ulo. Ako naman ay bini-busy ko talaga ng sadya ang aking sarili para makita niya na busy talaga ako. 

"Ice cream tayo?"

"No, umalis ka na."

"Jollibee or Mcdo?" pangungulit niya pa. 

I gulped to calmed myself. "Busog ako."

"Usap tayo saglit."

Nainis na ako sa kaniya kaya napahinto ako sa kakaayos ko sa aking mga papeles. Tiningnan ko siya nang malamig. Nakita ko naman ang pag-awang ng kaniyang labi. 

"Monte Carlos, hindi mo ba gets? Ayaw kitang kasama. Period!" I exclaimed. 

Napalunok siya sa sinabi kong iyon  saka napabuntong-hininga. Binasa niya nang kaonti ang kaniyang labi at nginitian ako. Tila ba para siyang bata makikisuyo at nakikiusap sa akin. 

"Serenity, kahit ngayon lang. Promise, after nito hindi na kita kukulitin pa." nataranta niyang sabi. 

I smirked to what he said and rolled my eyes. "Nakalimutan mo ata na hindi ka marunong tumupad ng pangako."

Napayuko siya sa ginawa ko, pero hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy ang aking planong lisanin ang aking classroom. 

Tsk. Nakaya mo nga akong iwan noon. Kaya ko rin 'yang gawin sa‘yo ngayon, Monte Carlos. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top