Kabanata 36

KABANATA 36
[GIRLFRIEND]


"Ten years from now I really want to see you walking in that aisle wearing your dream wedding dress with me."

Napapahid ako sa aking luha nang tingnan ang harap ng simbahan kung saan nangako sa akin si Lenience noon. Hindi pa kasi ako nakapasok nang tuluyan dahil may naalala ako bigla. Akala ko pa naman ay kami na hanggang dulo at tutuparin niya sa akin ang mga 'yon kaso sa ibang babae niya pala tinupad. 

Nang makaramdam ako ng kaginhawaan at medyo kaya ko na silang harapin ay agad akong naglalakad papasok sa loob. Eksaktong pagkapasok ko ay ako na lang ang iniintay nila. Nakita ko silang nakatingin sa akin, lalo na si Lenience, pero agad akong nag-iwas tingin sa mga ito. 

Nagbuntong-hininga muna ako bago pumunta sa kinaroroonan nila ni Mariel. Naagaw ko siguro ang presensya niya kaya napalingon ito sa akin. 

"Pati ba naman pagbaba ng kotse ang tagal?" kunot-noo niyang tanong. 

Eh, paano ako hindi matatagalan kung pinagloloko ako ng Monte Carlos na 'yan. Hindi ko na siya tinugon pa at inirapan na lang ito. 

I heard Vincent chuckled. "Iniwan mo kasi, Dre."

Mas lalo akong nainis kaya sinamaan ko siya ng tingin dahilan nang matahimik ito sa gilid. Napansin ko ang mabilis na paglalakad ng wedding organizer nila ni Mariel sa kinaroroonan namin kaya nabaling ang atensyon ko rito. 

"Oh, sige na, mga abay, 'wag nang dumaldal para matapos na tayo agad," pagsasabi niya sa aming lahat. 

Napalunok ako sa sinabi niya at medyo kinabahan kasi alam ko na si Lenience ang aking partner sa kasalang ito. Kung mamalasin ka nga naman. Lumingon sa gawi ko ang baklang organizer nila Mariel at tinaasan ako ng kilay. 

"Oh, Miss Belmundo, kayo ni Mr. Monte Carlos ang mauuna sa paglalakad sa gitna. Okay," nakangiti niyang pagpapaalala at saka lumingon sa gawi ni Lenience.

Tumango na lang ako sa sinabi niya.  Agad namang pumwesto ang mga abay sa gitna ng simbahan kaya ganun din ang ginawa ko. Nakaramdam ako ng kaba nang makalapit na si Lenience sa akin. Nasa gilid ko lang siya pero ibang kaba na ang hatid sa akin nito. 

Hindi ko siya magawang lingunin kahit kaonti man lang kasi natatakot ako baka mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. 

"Let's start!" masiglang sabi ng bakla. 

Magsisimula na sana ako sa paglalakad nang muli siyang magsalita na ikinainit ng aking ulo. "Miss Belmundo, humawak ka sa partner mo para naman kayong magkaaway niyan."

I rolled my eyes and sighed. "Ensayo pa naman 'to, ‘di ba, so hindi pa final kaya okay lang."

"Kahit na," pagpoprotesta niya sa akin. 

Lintik na 'to. Wala na akong magawa pa kaya sinunod ko ang sinabi niya. 

"Pahawak," walang gana kong pagpapaalam kay Lenience. 

Nakita ko ang paglaki ng ngiti niya sa labi, kaya mas nainis pa ako sa kaniya lalo. Gagong lalaking 'to. "May karapatan ka naman na hawakan ako, Love."

"What the—"

Hindi ko nagawang tapusin ang sinabi ko kasi galit na na sumigaw si bakla. "Move!"

Natataranta ako sa utos niya kaya dali-dali ko itong sinunod. Nakita ko ang nakakalokang ngisi ni Lenience pero pag-irap lang sa kaniya ang ginawa ko. 

Napapansin ko ang panginginig ng aking kamay na nakahawak sa kaniya at alam kong napansin niya rin iyon kasi minsan nagawa niya itong dapatan ng tingin. Well, wala akong pake. 

Napahinto naman ako nang magsalita siya habang kami ay naglalakad. "Sorry pala sa pag-iwan ko sa‘yo kanina." Mahina niyang sabi. 

"Sanay na naman akong maiwan. No need to apologize," walang gana kong tugon dito. 

Nagpatuloy ako sa paglalakad baka kasi pagalitan na naman ulit ako. Bakit ba kasi ang laki ng simbahan na ito? Ayan tuloy ang tagal naming makaabot sa harapan.

He gave me a little stare. "By the way, you look stunning. Mas gumanda ka ngayon."

"Can you please stop?!" inis kong sabi rito. 

Nang magawa kong sabihin 'yon ay hindi gaano ka lakas pero may diin, kaya hindi 'yon maririnig ng nasa likod namin. Hindi ko magawang lingunin ang mga kaibigan ko kasi diretso lang ang aking tingin sa harapan. 

"Why? I'm telling you the truth," ani niya. 

I gulped and didn’t answer him. Bahala siya sa buhay niya. Nang matapos na ang rehearsal ay agad naisipan ni Mariel na dumiretso kami sa bahay nila ni Vincent para man lang daw makakain kami at makipagkwentuhan. Kay Lenience na naman ulit ako sumakay, pero hindi na ako umimik sa kaniya at tahimik lang ako sa buong byahe. 

Ayaw ko na magsalita o kausapin man lang siya, baka kasi kung saan-saan na naman aabot ang usapan. 

"Thank you, guys. Kahit busy kayo, you made time for us," nakangiti at masayang sabi sa amin ni Mariel.

Nasa sala nila kami habang ang mga boys ay umiinom ng beer at ako naman ay juice lang. Ngiti lang ang nagawa ko sa kaniya kasi wala ako sa mood na magsalita. 

“Syempre, special day niyo kaya ang pinaghahandaan naming," masayang tugon ni Carl. 

Napasulyap naman ako sa gawi niya dahilan nang magtama ang mga mata namin ni Lenience. Shit, kanina pa ba siya nakatingin sa akin? I felt awkward kaya napaiwas ako ng tingin dito. 

"Yeah, until now hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ang chickboy na 'to." Ivan chuckled. 

Even me, akala ko hindi magtatagal ang dalawa kaso sa amin pala ni Lenience nangyari 'yon. Sa ikalawang pagkakataon, nakita ko muli siyang tinapunan ako ng tingin isang tingin na sobrang dilim pero nakita ko pa rin ang kaniyang mata. Problema niya? 

Bigla kong nalunok ang juice na dahan-dahang kung iniinom sa salitang binitawan ni Matteo. 

"Pag-ibig nga naman para lang sila ni Lenience at Fate dati," sabi niya na ikinagulat ng lahat. Nang mapansin niya na natahimik ang lahat at masama ang tingin dito ay saka niya pa lang napagtanto ang kaniyang sinabi. "Sorry," mahina niyang sabi. 

Hindi na tama 'to. Agad kong nilagay ang juice ko sa lamesa sabay tayo. Kailangan ko muna ng hangin kasi parang nauubusan na ako. 

"Excuse me," pagpapaalam ko sa mga ito. 

Nag-angat naman sila ng tingin sa akin, pero hindi ko sila tiningnan kahit kaonting tingin man lang. 

"Ayan, sinali pa kasi sa usapan," pagsasabi ni Mariel. 

"Na-carried away lang ako," paliwanag ni Matteo. 

Nagawa ko pa na marinig ang mga bulong-bulungan nila na iyon kasi hindi pa ako tuluyang nakalayo sa kanila. 

Hindi ko alam kong saan ako balak dalhin ng aking mga paa, pero ng makita ko ang pintuan ng CR nila ni Mariel ay agad akong tumungon dito. Nang makapasok na ako ay agad kong tinungo ang faucet nila at naghilamos. 

"God, Serenity, please stop thinking too much. Hindi na 'yan healthy," sabi ko habang sinasampal-sampal nang marahan ang aking mukha noong makita ko ang aking repleksyon sa salamin. 

I gulped to calm myself. Naghilamos ako muli saka inayos ang aking sarili at naisipan na lumabas sa cr. Eksaktong pagkasirado ko ng pinto ay agad akong napaigtad ng makita ko si Lenience, na nakasandal sa pader habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa. 

Napalunok ako dahil sa mga titig niya na para bang ang itim. Lalampasan ko na sana siya dahil sa aking kaba nang magsalita ito na ikinatigil ko. 

"Are you avoiding me?" malamig niyang tanong. 

"What are you doing here?"

I looked at him and he just gave me a cold look. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan nang maiharap ko ang aking sarili sa kaniya. Pero mas lalo pa akong kinalabutan noong tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. 

"Just answer my question." 

I rolled my eyes at him and sighed. "Why would I?"

Nag-ayos siya ng tayo at nilapitan niya ako ng kaonti. Napaatras naman ako sa ginawa niya kasi hindi ako naging komportable sa sitwasyom namin.

"Kasi pakiramdam ko, iniiwasan mo ako simula nung sa simbahan—"

I cut him off. 

"Lenience, please stop. Don't act as if you care."

Napamali ata ako sa aking nasabi kasi mas lalo pa niya akong nilapitan. Napalunok ako nang madiin dahil sa sobrang lapit niyang iyon. Napaatras naman ako kaso ramdam ko na ang aking likod na nabangga na sa dingding. Kaya napapikit ako nang marahan. 

He looked at my eyes down to my lips and gulped. I saw her Adam’s apple moving,  and I find it sexy. Shit.

He touched my hair slowly and fixed it to my ear. "I care naman talaga. You're still my girlfriend," sexy niyang tugon. 

Agad akong natauhan sa sinabi niya kaya itinulak ko ito nang bahagya. Sa sobrang lakas niya ay hindi ko man lang siya natinag sa kaniyang kinatatayuan.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Monte Carlos! After what you did, may lakas ka pa talaga ng loob para sabihin sa akin na girlfriend mo ako!" I exclaimed. 

Wala akong pake kung marinig man kami ng mga kaibigan naming. Mabuti na nga 'yon at ng matauhan ang jerk na 'to. 

Nang masabi ko iyon sa kaniya ay napansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Isinandal niya ang kaliwa niyang kamay sa pader at ang isa naman ay nilagay niya sa kaniyang noo at hinilot ito nang bahagya. 

He looked at me back and chuckled. Baliw ba siya? "We didn't have a breakup before, right? Umalis lang ako, pero hindi tayo naghiwalay." He smirked after saying those words. 

Nainis ako sa sinabi niya kaya napahilot ako sa aking sentido. I looked at him and sighed. "Wow, nu’ng umalis ka wala na rin tayo!"

Mas nagulat ako sa sumunod niyang ginawa at talagang ikinagulay ng aking dalawang mata. Hayop ka, Monte Carlos! 


 "No matter what you say girlfriend pa rin kita. You're still mine, Love," He whispered it to my ear and kissed my right hand. 

Mula sa sinabi niyang iyon ay tuluyan na akong na pipi. Nang makauwi ako sa bahay ay doon pa ako nagkaroon ng lakas na loob na sabihin kay Mariel ang kagaguhan ni Lenience kanina. She just laughed at me na para bang alam niya na na mangyayari talaga sa amin 'yon.

"Baliw na ang Monte Carlos na 'yon, Mariel!" galit na sabi ko sa kabilang linya. 

Nasa loob ako ng kwarto ko. Naupo sa aking desk dahil hininto ko muna ang aking pagsusulat ng record sa mga activities ng mga estudyante ko kasi nagsumbong pa ako sa kaniya. Akala ko pa naman sa akin siya kakampi pero mas lalo niya lang akong ininis. 

"Kulimlim, baliw na naman talaga siya sa‘yo, ‘di ba? Noon pa." She chuckled in the other line. 

Napahilot ako sa aking noo sa sinabi niya habang ang isa kong kamay ay nilalaro-laro ko sa aking ballpen. 

I sighed. "What I mean is how can he say those things to me?"

"Like what he said, kayo pa rin kasi hindi kayo naghiwalay before."

Isa pa 'yan sa kinaiinisan ko. I thought alam na niya na hiwalay na talaga kami kasi iniwan niya ako. Kaso sabi niya sa akin na kami pa rin kasi hindi ko raw kailan man nabanggit na wala na kami ni Lenience. Tanga. 

"No. Tapos na kami, period!" I exclaimed. 

I heard her laughing. "Para sa‘yo. But for him, hindi pa."

Sasagot pa sana ako nang marinig kong magbukas ang aking pinto. Napatingin naman ako kung sino ang nagbukas kaya mas kinabahan ako nang makita ko si Jio.

Nataranta ako sa pagkaayos ng aking upo at tinuon muna ng sarili sa aking kausap sa telepono. "I'll hang up. We’ll just see each other tomorrow."

Hindi ko na hinayaan na magsalita pa si Mariel kasi agad ko na itong binaba. Humarap ako kay Jio, kaso nagulat ako sa bungad niya na sabi sa akin. 

"So, tama nga ako na si Monte Carlos nga 'yong tinutukoy ni Alexis?" walang gana niyang sabi. 

Kanina lang ba siya nakikinig sa labas? Napangiti naman ako ng peke sa kaniya kahit kinakabahan na ako ng sobra. "Jio, sasabihin ko naman talaga sa‘yo kaso hindi ko alam kung papaano."

"Just tell him the truth, Serenity. May karapatan siyang malaman ang totoo."

I know what he wanted me to understand. Alam ko naman 'yon, eh, iyon naman talaga ang plano ko kaso hindi ko alam kong paano. 

Napapikit ako nang marahan bago siya muling magawang tingnan nang maayos. Kita ko rin sa mata niya ang malamig nitong tingin sa akin. 

I sighed. "Pero, Bal."

Napaupo siya sa kama dahilan nang lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. He held my hand and looked at me directly.

"Hindi ka sasaya kung karga-karga mo pa 'yan. Alam mo naman kung ano ang ibig kong sabihin, ‘di ba?" pagpapaintindi niya sa akin. 

Tumango ako sa kaniya at ngumiti nang mapait. Ito na nga ba ang kinatatakutan 'to, ang umabot kami sa ganito. "Yes, I know."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kaniya nang maayos. He smiled at me, and I did the same. 

"I want you to be happy, I want us to be happy. Kaya sabihin mo sa kaniya kung ano nga ba ang mayroon tayo," nakangiti niyang sabi. 

Tumugon ako sa pagkahawak niya sa kamay ko at mas hinigpitan ko pa ito ng hawak. "I will, ‘pag may lakas na ako ng loob."

He kissed me on my forehead. "Make it fast before it’s too late."

Saka tuluyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Alam ko na ako lang ang hinihintay niya para sabihin kay Lenience ang totoo tungkol sa relasyon namin. Ayaw niya ng gulo kaya gusto niya na sinasabi ko agad dito. Even my friends, hindi nila binanggit ang mga bagay na iyon kasi gusto nilang respetuhin ko ang plano ko. Ako ang may alam ng lahat kaya ako lang ang may karapatan na sabihin ang dapat at totoo. Para sa ikabubuti ko, ni Jio, at ni Alexis. 

Alas singko na ng hapon noong makalabas ako nang tuluyan sa paaralan. Nag-text din sa akin si Jio na hindi na naman niya ako masusundo sa ngayon kaya andito ako sa labas ng gate nag-aantay ng sasakyan.

Parang mali ata ang pag-aantay ko rito kasi nakita ko si Lenience sa labas na nag-aantay sa akin at kinukulit ako. 

"Serenity, please, we need to talk," pakiusap niya sa akin. 

Kanina niya pa ako kinukulit kaya mas lalo akong na inis sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin, pero hindi man kang siya natinag sa tingin kong iyon. 

I gulped. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Lenience."

"How about us?" kaswal niyang tanong. 

Napahinto naman ako sa aking paglalakad nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Natigilan din siya sa ginawa ko. Hinarap ko siya nang maayos at kinagat nang marahan ang aking pang-ibabang labi. 

"Anong ‘us’? Wala na tayo, ‘di ba?" I asked. 

He shook his head. "No, hindi ako papayag."

I chuckled. "Bakit nu;ng nagmamakaawa ako sa‘yo na huwag mo akong iwan pumayag ka ba?" 

Natahimik siya sa tanong kong iyon. Ayan, akala mo mauuto mo na naman ulit ako? Then you're wrong, Monte Carlos. 

Iiwan ko na siya at magpatuloy sa aking paglalakad nang bigla niya akong hawakan sa aking kamay dahilan nang mapakunot ang noo kong nakatingin sa kaniya. 

"Love," mahina niyang sabi. 

Tinanggal ko ang pagkahawak niyang iyon kaya nagulat siya sa ginawa ko. 

"Please stop calling me ‘Love’ kasi hindi mo naman talaga ako minahal!" I exclaimed. 

Mabuti na lang at wala ng masyadong tao kasi nagsisiuwian na ang mga estudyante sa oras na ito. I saw sadness in his eyes, and I don't know why, pero nasaktan ako sa nakita ko. 

"Mahal kita. Minahal kita," malungkot niyang sabi. 

"Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan."

Iniwan ko siya nang tuluyan at mabilis na naglakad para hindi na siya makasunod, pero nagawa niya pa rin. Kaya huminto na lang ako para harapin niya at matigil na siya sa kabaliwam niya. 

"Serenity." 

Nagbuntong-hininga ako nzng matigil na rin siya sa pagkakasunod sa akin. Nag-ayos siya ng tayo at hinintay ang susunod kong sasabihin. 

I cleared my throat. "Alam mo, bagay talaga sa‘yo ang maging parte ng politiko kasi ang hilig mong bumitaw ng pangakong hindi mo naman kayang tuparin."

Napangiwi siya sa sinabi ko at napatingin sa lupa dahil natamaan ata siya. Mayamaya pa ay nagawa niya akong tingnan ulit. 

He was forced to smile while looking at me in my eyes. "Love, I have my reasons."

I smirked. "Wala akong pake sa rason mo." I paused. "Isa pa, kung tatakbo ka man sa politika. Hindi kita iboboto kasi alam kong wala akong mapapala sa‘yo, kaya dun pa lang talo ka na, Monte Carlos." And I turned my back to him. 

Agad akong sumakay sa taxi nang makita ko na ito. Hindi ko siya nagawang lingunin pa, sapat na ang makita ko siyang bigo sa kaniyang kinatatayuan bago pa man ako nakatalikod sa kaniya kanina. 

Stop dreaming, Lenience, kung ano man ang mayroon sa atin noon hanggang dun na lang 'yon. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top