Kabanata 35

KABANATA 35
[KABA]

Nakita ko kung paano niya ako tiningnan gamit ang blankong ekspresyon sa kaniyang mukha. May ibang kilabot naman na hatid sa akin ng tingin na iyon. Para akong nawalan ng hangin at naubusan ng hininga. Malakas ang pintig ng aking dibdib at para bang mahihimatay na ako sa susunod na mga oras kung ganito pa rin ang titig niya. 

Mas gwapo siya lalo ngayon mula sa Lenience na nakita ko sampung taon na ang lumipas. Ang porma ng pananamit niya ay mas lalong naging pogi ang dating. 

Ano ba 'tong iniisip ko? Gusto ko na umalis, umatras o tumakbo, pero hindi ko magawa ang mga bagay na iyon. Para ba akong nakasemento roon. After 10 years, ngayon niya pa naisipan na muling magpakita sa akin? 

Saka lang ako nagawa na kumilos ng muling magsalita si Alexis. "Mamay, look, tinulungan niya po ako na—" putol niyang sabi. 

Hindi ko na siya hinayaang makatapos pa. Kinuha ko agad ang braso niya para makaalis pero hindi ito magawang kumilos sa kaniyang kinatatayuan. "Halika na, kailangan na nating umuwi."

"Mamay, wait," pagpipigil niya sa akin. 

Nakita ko ang pagtingin niya kay Lenience kaya nag-angat ako ng tingin dito. Nahuli ko na kanina lang pala siya nakatingin sa akin kaya mas kinabahan ako lalo. Para akong nanlalamig na nauuhaw dahil sa ginawa niyang iyon.

Nakita ko ang bahagyang pagngiti niya sa bata kay doon ko lang nagawa na magsalita ulit. I cleared my throat. "Alexis, ‘di ba sabi ko sa‘yo na 'wag kang aalis don? Bakit ka nandito sa labas?" My voice cracked obviously.

Shit. 

Sunod na sabi ko kay Alexis. "Let's go."

Hindi ko na siya hinyaan na sagutin ang tanong ko kanina kasi ang alam ko lang ay gusto ko nang lamunin na lang ako bigla ng lupa dahil sa sitwasyon ko ngayon. 

“‘Yong bola ko po," mahina niya na sabi. 

Napalunok naman ako sa bola na tinutukoy niya na hawak-hawak ni Lenience. Lumapit siya sa akin bahagya kaya napaatras ako. Malamig lang siya at hindi magawang magsalita. Baka na pipi na. 

Wala akong choice kaya lumapit ako ng kaonti rito at nagulat siya sa ginawa ko nang bigla kong hablutin sa kaniya ang bola. 

"Akin na," malamig ko na sabi.

Nang makuha ko na ang bola ay hihigitin ko na sana si Alexis, kaso nagsalita pa ito na ikinainis ko lalo. Ngayon pa talaga? 

Inalog-alog niya ang kamay ko, na tila ba nakikiusap. "Mamay, say thank you po. ‘Di ba sabi mo ‘pag tinulungan ka magpasalamat. kaya say thank—" putol ko. 

Nagbuntong-hininga muna ako bago sundin ang sinabi ni Alexis. "Salamat," walang kaemo-emosyon kong sabi. "Tara na," I sighed. 

"Bye, Tito Lenience!" masayang paalam ng bata. 

Hindi ko na hinintay na makapagsalita siya dahil agad na namin siyang tinalikuran. Nang matapos 'yon ay para naman akong nakahinga nang maayos. Muntik na akong himatayin dun kanina. 

Paano niya magawa ang ganun ka-kalma kung alam niya na ang babaeng kaharap niya ay ang iniwan niya noon? Napapikit ako nang marahan noong maalala ko kung gaano nga ba ako kabaliw sa lalaking 'yon ten years ago. 

Alam kong matagal-tagal na rin, pero hindi ko pa rim magawang kalimutan na lang ang lahat. Lalo na, marami akong bagay na natuklasan kong bakit nga ba nagawa niya akong iwan. I can't believe that he chose Faye than me. 

Napahilot ako sa aking sentido nan marinig ko ang sabi ni Mariel sa akin. Nang matapos kong hinatid si Alexis sa bahay ay agad akong pumarito para ibalita sa kaniya ang nangyari. Mabuti na lang at sinabi niya sa akin na magpapatulong daw siya sa pamimili ng disenyo ng gown niya kaya sinabay ko na ang chika.

"What? Matagal mo ng alam na nandito siya sa Pilipinas?" hindi makapaniwala kong tanong.

I can't believe her. Paano niya nagawang itago sa akin 'yon? Alam niya pala na nakauwi na si Lenience, pero wala man kang siyang pasabi tungkol dito? 

I looked at her, habang siya naman ay busy sa nakatingin sa salamin sa gown na gusto niyang suotin sa kaniyang kasal. 

She shook her head. "Yeah, actually 3 or 4 years na siya rito."

"Ganun katagal? So, ibig sabihin matagal mo na ring alam?" 

Tumayo na ako ng tuluyan mula sa aking pag-upo at lumapit sa gawi niya. Nginitian niya lang ako at nagpatuloy sa ginagawa. 

Impossible! Tatlo o apat na taon na niyang alam? Sa apat na taon na iyon at nandito lang pala siya? Ano ang ginagawa niya? Bakit hindi niya man lang ako nagawang puntahan, kausapin o kamustahin? Sabagay, iniwan niya nga ako, ‘di ba? 

Hinintay ko siya na sagutin ako hanggang sa nagulat ako sa sunod niyang sinabi. 

"Oo, kami ng mga boys," walang gana niya na tugon. 

"God. Bakit hindi niyo sinabi sa akin?"

Napahawak ako sa aking noo na tila ba hindi ko alam kung paano papaniwalaan ang sinabi niya. Ngumiti lang siya sa akin na tila ba okay lang sa kaniya na hindi ko ito alam. 

Kung alam ng mga boys, so nagkita sila? Pero bakit hindi man lang nila nagawang banggitin si Lenience sa akin sa loob ng apat na taon na iyon? Bigla na lang pumasok sa isip ko, kung paano sila nagkaayos? Sabagay, ako lang naman ang galit kay Lenience at hindi sila. 

Humarap sa akin si Mariel at nagbuntong-hininga. "Kasi sabi nila, hayaan na lang daw namin na mag-cross 'yong landas niyo. Mismo!"

I cleared my throat. "What the—"

She shook her head at natawa na lamang sa reaksyon ko. Kaya hindi nila sinabi kasi hinintay nila na kami mismo ang magkikita? Anong klaseng rason 'yon? 

Bumalik ako sa pag-upo para magawa ang pag-isipan nang mabuti ang huling sabi sa akin ni Mariel. Napatigil naman ako sa aking pag-iisip ng magsalita siyang muli. 

"Ano ang maganda? Ito o ito?" masayang tanong niya sa akin.

“Iyong kulay black," wala sa sarili ko na komento. 

Hindi ko alam kung alin nga ba sa mga gown na iyon ang tinutukoy niya, basta ang alam ko lang nasabi ko na sa kaniya ang kulay black. 

Nakita ko ang pagbitiw niya ng bahagya sa gown na hawak-hawak niya kaya nag-angat tingin ako rito. 

She rolled her eyes and shrugged. "Earth on you, Serenity. Kasal ko tapos balak mo akong magsoot ng kulay itim?"

"I mean, 'yong katabi ng black sa gilid."

Pailing-iling na lang siya sa akin at kinuha sa gilid ang gown na aking tinutukoy. Nang makuha niya na ito ay tiningnan niya sa salamin ang kaniyang sarili sa gown na iyon, pero hindi niya iyon sinukat kasi bawal. 

Kinabahan naman ako sa muling sinabi niya sa akin dahilan nang nakatingin ako sa kaniya na may kunot-noo. 

"Kakakita mo pa lang kay Lenience, lumilipad na 'yang utak mo. Paano kaya pag nagsama na kayo sa isang okasyon?"

I bit my lips. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Hininto niya muna ang kakasukat niya ng gown at hinarap ako. "Girl, ikaw ang maid of honor ko at si Lenience naman ang napili ni Vincent na itapat sa‘yo."

What? Partner ko si Lenience na maglalakad sa simbahan? "No, hindi ako papayag. Maghanap ka ng iba."

Nang makapili na siya ng gown na kaniyang isusuot, pumunta siya agad sa may-ari ng store at tinanong kung may iba pa ba silang size ng gown na iyon. Ewan ko ba sa kaniya kung bakit bumili pa siya kung pwede naman siya na magpagawa ng mismo niyang gusto niyang disenyo. 

She chuckled. "Bakit ikaw ba ang ikakasal?"

Nilapitan ko siya sa kinatatayuan niya na para bang nakikiusap sa kaniya na palitan ang partner ko. 

"Mariel." Napapikit ako nang marahan. 

"Ayaw mo man, wala ka nang magagawa. Fix na ang lahat." Sabay tapik sa aking balikat. 

Naglabas na lang ako ng hangin sa sinabi niya. Wala nga akong choice. Sa sumunod na araw ay sinundo ako ni Jio sa school. Minsan kasi si Mang Tomas ang sumusundo sa akin ‘pag busy siya sa opisina, pero pag hindi naman kagaya nito siya ang sumusundo sa akin. 

Tahimik lang ako habang binabaybay namin ang daan pauwi. Napalingon naman ako sa kaniyang mg magsalita siya. 

"Are you okay, Bal? Kasi napapansin ko kanina ka pa tahimik sa school," pag-aalala niyang tanong. 

Nilingon niya ako bahagya at agad naman na ibinalik ang kaniyang atensyon sa daan. Tinanguam ko siya at ngumiti ng peke. "Okay lang ako. May iniisip lang."

"Are you sure?"

"Yeah."

Hindi na niya ako kinulit na tanungin pa kung okay lang ba talaga ako. Tinuon ko ang aking sarili sa daan pero hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang sinabi sa akin ni Mariel kahapon. 

I don't know, pero simula nang makita ko si Lenience ay lagi ko na lang siyang iniisip. And I hate myself for doing that. 

Napalunok naman ako ng muling magsalita si Jio, na ikinakaba bigla ng aking puso. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya, kaya nakaramdam ako bigla ng kung ano man sa sarili ko. 

"Sabi sa akin ni Alexis, may nakilala raw siyang guy sa restaurant nung nandun tayo," basag niya sa katahimikan. 

"Ha?" nabubulol kong tanong. 

"Yeah, Lenience raw ang pangalan kaya nagtaka ako baka kasi si—"

Hindi ko siya nagawa na patapusin sa balak niyang sabihin. 

Napatingin naman siya sa akin kahit nagmamaneho siya dahil sa pagputol ko sa kaniya. "No, mali ang iniisip mo."

"Paano kung si Lenience nga talaga 'yon?" dagdag niya pa na tanong. 

I cleared my throat and sighed. "Let's not talk about it, please. Ayaw ko siyang pag-usapan."

"Sorry."

Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay hindi ko na magawa ang magsalitang muli. Alam ko na napapansin na ni Jio ang pananahimik kong iyon pero hinayaan niya lang ako.

Mabilis lumipas ang araw, mabilis din ang takbo ng panahon kaya mas lalo akong kinakabahan kasi nakikita ko na lagi si Lenience dahil sa paghahanda ni Mariel para sa kasal niya. Paano ko ba siya magawang harapin muli? 

Alas-otso na nang umaga ako makarating sa venue na sinabi ni Mariel. Sabi niya kasi pupunta raw kami sa simbahan ngayon kasama ang abay niya para mag-ensayo kung paano nga ba ang estilo namin sa paglalakad sa simbahan. Akalain mo, kailangan pa pala ang mag-ensayo para dun, eh, ang dali-dali lang naman nun. Ang dami talagang arte ng kaibigan ko na ito. 

I wear simple yellow floral dress and matched it with white heels na hindi naman masyadong mataas. I like what I wear today, lalo na at hubog na hubog ang sexy kong katawan. Nagkakaroon na rin ng resulta ang pagsama ko kay Jio sa gym ‘pag hindi ako busy. 

Nang makababa na ako sa sinasakyan ko na taxi ay agad akong tumungo sa kinaroroonan nila. Kumpleto na ang mga boys at ewan ko kung nandito na rin ba ang Monte Carlos na iyon. 

"Oh, ano ang drama mo at ang tagal mong nakarating?" bungad sa akin ni Mariel. 

Inirapan ko siya. "Pasalamat ka pa nga at dumating pa ako," taray kong sabi. 

Nakita ko naman ang pagbuwag ng baba niya pero hindi ko iyon pinansin. Napansin ko rin ang pagngiti sa akin ng mga kaibigan namin at ngumiti rin ako sa mga ito pabalik.

Nang makaupo na ako sa kinauupuan nila ay laking gulat ko na lang nang may biglang nagsalita sa likod namin. 

"Hindi pa ba tayo aalis?" kalma na tanong nito sa mga kaibigan niya. 

Nanlaki naman bigla ang mata ko. Nandito na pala siya? Bakit hindi ko siya napansin? Hindi ko siya nilingon, napalunok naman ako ng dahil sa kaba na dulot nito sa aking dibdib. 

"Yeah, nandito na si Fate, so makakaalis na tayo," tugon sa kaniya ni Matteo. 

"Tara na," excited na sabi ni Vincent. 

Tumayo naman ako kagaya nila para makaalis na. Nang makarating kami sa kung saan naka-park ang kanilang mga sasakyan, hindi ko alam kung saan nga ba ako sasakay. Napakamot ako sa aking noo at tumungo sa sasakyan nila ni Mariel kaso hinarangan niya ako. 

"Lenience, isabay mo na sa‘yo si Kulimlim kasi puno na kami rito," nakangiti niyang sabi. 

Nanlaki naman ang mata ko sa aking narinig at hindi magawa na gumalaw sa aking kinatatayuan. Bumilis ang tibok ng aking puso na para bang may kumakambol dito. 

"What? No, maliit lang naman ako, eh, pwede akong sumiksik d'yan," reklamo ko sa kaniya. 

"Look, ‘di ba puno na?" pagpapakita niya sa akin sa loob ng sasakyan. 

I out a deep breath nang makita ko na puno na nga talaga ang van nila. Napalingon naman ako kay Lenience nang magsalita ito. 

"Ano, tatayo ka lang d'yan? Hindi ka na ba sasakay kasi iiwan na kita?" malamig niya na sabi. 

I clenched my hand and turned my back from Mariel. Tsk. Mabuti pa sa pag-iwan mo sa akin mula sa pagsakay nagawa mo ang magpaalam, pero noon hindi. 

Tinungo ko naman ang sasakyan niya at dali-daling pumasok dito, baka maiwan ako. Nang makapasok na ako ay napansin ko ang pagtingin niya sa akin kaya nilingon ko ito. 

"Ano na naman ba?" galit na tanong ko sa kaniya. 

"Fasten your seatbelt," malamig niyang utos. 

Hindi ako nakakilos agad sa sinabi niya dahil sa kaba kaya umusog siya sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa niyang iyon kaya hindi ko magawa ang mag-react. Naamoy ako ang pabango niya, naramdaman ko rin ang balat niya na dumapo sa akin. Napalunok ako dahil sa kakaibang dulot nun sa sistema ko na para ba itong kuryente na dumadaloy sa aking katawan. 

"Tsk. Pati ba naman pagsuot ng seatbelt hindi mo pa rin magawa," komento niya. 

Inirapan ko lang siya nang nakaayos na siya sa kaniyang pag-upo. Paano ko gagawin, eh, inunahan mo ako? Gago. Nang makita niya na ayos na ang lahat ay agad niya ng pinaandar ang kaniyang sasakyan. 

Tahimik lang siya sa pagmamaneho habang ako naman ay tinuon lang ang aking buong atensyon sa daan. Minsan, nahuhuli ko siya na tumitingin sa akin, pero agad naman siyang umiwas agad. 

Bigla akong nabuhusan nang malamig na tubig noong bigla-bigla na lang nagsalita si Lenience. 

"About the cute girl that I saw with you last time." He trailed off. "Hindi ko akalain na may anak ka na pala."

I bit my lower lips and sighed. Naalala niya pa rin pala ang bata, akala ko pa naman nakalimutan niya na ang araw na iyon. 

"Si Alexis," I uttered nervously. 

He shook his head. "Ilang taon na siya?" he asked casually. 

Tumikhim ako. "Ah, tatlong taon na."

Ito na nga ba ang sabi ko, kaya ayaw na ayaw ko ang sumabay sa kaniya kasi alam ko na marami siyang itatanong sa akin. 

I don't even give him a little glance. Kahit na ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin paminsan-minsan. 

"How about her dad?" he paused. "Sino ang daddy niya?"

Mas lalo akong kinabahan, nagawa niya nang itanong sa akin. I know if he will know the truth about Alexis's father, he will be shocked. 

I gulped as I calmed myself. Ramdam ko ang pagbilis ng aking hininga at hindi pagka-komportable sa aming sitwasyon dahil sa tanong niyang iyon. But I need to tell him the truth nang matapos na ang lahat ng 'to. 

I cleared my throat. "Si Jio."

Nang marinig niya ang aking sagot sa kaniyang katanungan ay hindi na siya muling nagsalita pa. Nang makarating na kami sa simbahan na tinutukoy ni Mariel ay agad niyang hininto ang kaniyang sasakyan.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa noong bigla siya na lumabas sa kotse niya at padabog na sinara ang pinto. Walang ni isang salita at iniwan akong mag-isa roon. Bigla naman ako nakaramdam ng sakit sa aking puso, hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagsara niya nang malakas sa kaniyang pintuan.

Bakit ganito ka, Lenience? ‘Di ba ikaw ang nang-iwan sa akin? Bakit pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat? Hindi ko namalayan na tumulo pala ang luha ko kaya natawa na lang ako ng bigla. Ang hina mo, Serenity. 

Pinahid ko ito nang marahan tsaka naglakas ng loob na lumabas nang tuluyan sa kotse niya. Tangina, Lenience, hanggang ngayon kabisado mo pa rin ang kahinaan ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top