Kabanata 34
KABANATA 34
[NEW BEGINNING]
Ang buhay ay hindi mo masasabi na maganda kung hindi ka dumaan sa kahit anumang pagsubok. Kailangan mo munang pagdaanan ang lahat ng sakit, hirap, pagod o kung ano pa man para makita mo ang tunay mong halaga at saysay sa mundo.
Napalingon ako sa aking likuran ng may narinig ako na nagsasalita. "Need a hand?"
Kagaya niya napangiti rin ako sa kaniya. It’s been ten years, but they are still there to make me feel that I'm not alone. Nabitawan ko ang hawak kong isang supot na may laman na mga pagkain sa mesa dahil sa presensya niya.
"No, ayos na ako rito. I can handle it," masaya kong tugon kay Matt.
Yes, kasama ko pa rin sila hanggang sa makabangon ako muli sa mga masasakit na pinagdaanan ko noon. Sila 'yong naging inspirasyon ko para lumaban muli kasi sila mismo ay naniniwala na kaya ko. Simula nung iniwan ako ni mama ay hindi nila ako magawang iwanan. Kaya ang blessed ko. Nawalan man ako ng ina at ama, nagkaroon naman ako ng bagong pamilya dahil sa kanila.
Life is like a long road for us to ride na kailangan nating tawirin para mapunta tayo sa ating paroroonan. Kahit na matumba man tayo minsan kailangan pa rin natin ang bumangon para makamit ang ating minimithi. Kung na kaya ng iba na ang lumaban, kaya ko rin.
Aalis na sana si Matteo para tumulong sa iba naming kaibigan ng mapahinto ito dahil sa lumapit din si Ivan sa gawi namin.
"Naks, ang bait naman ni Ate Serenity, teacher na nga tumulong pa sa mga naulilang bata," natutuwa niyang sabi.
Noon, akala ko magiging isang ganap talaga akong arkitekto pero dahil sa mga nangyari sa akin, naisipan ko ang maging guro. Isang dakilang guro na walang ibang hangad kundi ang makapagturo ng mga bata lalo sa mga bata na walang mga magulang na nagtuturo sa kanila.
Nagtayo rin ako ng sarili kong orphanage at pinangalanan ko itong 'Bagong umaga, Bagong pag-asa'. Gusto kong makatulong sa mga batang sa murang edad pa lamang ay naulila na. Gusto kong ipadama sa kanila na hindi nag-iisa sa buhay kasi nandito ako kasama nila.
Nang makapagtapos ako sa kursong Edukasyon at nakapasa sa Licensure Exam, doon ko sinimulan na itayo ang orphanage na ito. Masaya ako kasi marami akong nagtutulungan na bata pero hindi ko pa rin maiwasang hindi maiyak sa kalagayan nila. They are just kid left by their parents. Nangangailangan pa sila ng aruga ng isang magulang at pagmamahal pero ipinagkait iyon sa kanila.
Napangiti ako sa mga kaibigan ko ngayon na busy din sa pamimigay ng mga pagkain at damit para sa mga bata. Every Monday, Wednesday, Friday and Sunday sila nandito para tumulong sa akin. I'm so blessed to have them. My new home for my sweet beginning.
I cleared my throat. "Guys, hindi ko naman magagawa 'to kung wala ang tulong n'yo sa akin noon," mahina kong sabi sa mga ito.
"Sus, maliit na bagay, Serenity." Si Carl.
Napangiti lang ako sa kanila habang nanonood sa kanila na tumutulong. Hindi ko akalain na ganito pala ako ka swerte kay God. Akala ko mas lalo niya akong pahirapan kasi sinisi ko siya noon pero hindi pala.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakamit ang hustisya para kay mama. Sampung taon na ang nakalipas pero wala pa ring usad para sa hustisya niya. Marami na kaming ginawa na paraan para bayaran ng taong gumawa nun sa kaniya ang kasalanan niya sa mama ko, pero wala talaga. Kahit sila Carl, Mariel at lahat ng kaibigan ko na ang kumilos para mahanap ang may sala pero wala pa rin at nauuwi lang sa wala. Kaya napag-isipan ko na isantabi muna iyon dahil alam ko na may mas maganda pang plano ang Panginoon kaysa sa akin. Balang araw, makakamit ko rim ang hustisya para kay mama.
Napatigil ako sa aking pag-isip-isip ng kung ano-ano nang may pumukaw ng aking atensyon.
"Anong plano mo ngayon?" mahina na tanong sa akin ni Mariel.
Nginitian ko siya nang malaki, ganun din siya. Ang babaeng 'to kahit may pinagdaanan din na problema ay hindi pa rin ako nagawang iwan. Nandyan lang siya sa tabi ko kahit pilit ko siyang itinaboy noon. Si Mariel ang nagpapatunay sa akin na hindi kailangan ng dugo para matawag kayo na isang pamilya. Ang mahalaga ay ang pagmamahal niyo sa isa't isa.
Pinukol ko ang aking paningin sa mga batang masayang tumatanggap ng mga bigay naming kaya medyo ako naging emosyonal na humarap sa kanila.
"Ito, ipagpapatuloy ko ang pagtulong sa mga batang kagaya ko na maagang nawalan ng magulang," naiiyak na sabi ko rito.
Naramdaman ko ang kamay niya na napahawak sa aking kaliwang kamay kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko sa mga mata niya ang saya kaya natutuwa ako roon.
She smiled and bit her lips. "Proud ako sa‘yo, Kulimlim."
Naiyak na ako nang tuluyan noong marinig ko ang salitang gusto kong marinig mula sa mga magulang ko, pero siya ang nagpapaalala sa akin na parang kasama ko pa rin sila.
Kinuha ko ang isa niyang kamay para mahawakan ko ang dalawa. Napaharap siya sa akin habang may malaking ngiti pa rin sa labi. Nagbuntong-hininga muna ako bago magawang magsalita ulit. "Salamat Sinag, ha?"
"Ano ka ba? Makita ka lang na ganito kasaya, ayos na 'yon. Bayad ka na sa akin."
Kalaunan ay niyakap ko siya nang mahigpit bilang pasasalamat. God, I really love this woman. Sa ilang taon namin na pagkakaibigan, mas naramdaman ko ang pagiging strong ng relasyon namin. Twenty-seven na kami pareho pero para pa rin kaming bata kung magyakapan.
Napakalas ako mula sa pagkayakap sa kaniya ng magsalita si Matt sa may hindi kalayuan sa amin.
"Guys, kain muna tayo sa labas. Gusto niyo?" masigla niyang paanyaya.
Bahagya ko silang tiningnan isa-isa kasi hindi ko lubos akalain na nandito sila kasama ko. Nauna kong tiningnan si Matt na napatigil sa pakikipaglaro sa isang batang lalaki. Napangiwi naman ako sa ginawa niyang iyon.
Itong lalaking 'to, hindi ko lubos akalain na may iiingay pala ito. Noon, palagi lang siyang tahimik sa tabi at ayaw makisali sa mga gimmick ng grupo, pero ngayon ang laki na ng pinagbago niya. At masaya ako para sakanya. Malaki na ang pinagbago naming lahat at nasaksihan ko ang lahat ng 'yon.
Si Matt naging successful na business owner na siya sa isa sa pinakasikat na kompanya sa buong Pilipinas. He took up business. Nag-aral siya abroad at pagkatapos niyang grumaduweyt ay bumalik din siya agad sa Pilipinas para rito niya tuparin lahat ng pangarap niya.
Si Carl, he became the best engineer. Marami na siyang naipatayo na bahay at building. Mismo bahay niya, siya ang may gawa. Nag-aral din siya abroad kagaya ni Matt at after many years ng experience niya sa work niya roon, bumalik siya rito dahil gusto niya kasama pa rin niya kami kahit naging isa na siyang enhiyero na siya. Taray, ‘di ba?
Si Ivan, a supportive boyfriend kay Jhia. Ang babaeng nakita ko sa MCU noon na umiiyak dahil pinagalitan niya. Akalain mo, ayaw niya raw sa bata, pero pinatulan pala. He became an engineer, too, like Carl. Ang saya-saya niya kasi swerte siya lahat sa mga bagay na nais niyang abutin. Swerte na sa trabaho, swerte pa sa pag-ibig.
Vincent Sarmento, ang magiging asawa ni Mariel. Akala ko hindi magtatagal ang dalawa, 'yon pala sa susunod na buwan, ikakasal na sila. Nakamit niya rin ang pangarap niya na maging isang seaman. Noong una, ayaw ni Mariel sa kursong napili niyang kunin kasi mahirap daw ‘pag malayo sila sa isa't isa pero 'di nagtagal natanggap na rin niya na iyon ang gusto ni Vincent sa buhay. Kaya ayon, ipinagpatuloy niya ang pagbabarko.
Si Sinag, ang kaibigan kong ubod ng bait at tapang. Ikakasal na siya, magkakapamilya na siya at hindi na kami masyadong magkikita sa susunod na buwan kasi pamilya muna bago iba. She reached her dream to be a psychiatrist. Bata pa lang kami iyon na ang pangarap niya, ngayon hawak-hawak niya na. Isa rin siya sa nag-alaga sa akin noon para maiwasan ko ang matinding depression. I want her to be happy—at mukhang matutupad na nga 'yong gusto ko para sa kaniya.
"Game ako r'yan, Matt. Mukhang gutom na rin 'tong si Teacher Serenity," pukaw na sabi ni Mariel.
Ang haba na namang ng daydreaming ko. I bit my lips and chuckled. "Tara, tara!"
Agad kaming nakapunta sa isang restaurant nang maihabilin namin sa iba kong kasamahan ang mga bata. May mga kasama kasi akong kinuha, which is sila ang mga tumutulong at nag-aasikaso sa mga bata pag wala ako, lalo na kapag klase ko.
My day went on normally. As usual, nakaharap na naman ako sa laptop ko, para i-record lahat ng mga grades ng aking mga estudyante. Pagkatapos nito kailangan ko namang gumawa ng maraming banghay-aralin para sa aking mga leksyon, lalo na't may observation ako bukas kay dean. Para sa akin, normal lang ang mga ito kasi nasanay na ako. Minsan, nahihirapan at napapagod pero kung iisipin ko kung bakit ko pinasok ang trabahong ito ay mawawala ang lahat ng iyon.
Napahigop muna ako ng kape. Nagbuntong-hininga bago ko muli itinuon ang aking atensyon sa aking laptop. Three years na rin simula nu’ng makapasok ako sa trabahong 'to. Nung una sa private school muna ako nagtuturo for my experience, at saka ko naisipan na sa public school mamalagi.
Being a teacher is not just a career or a profession, but also it is a mission and a lifelong vocation that I need to fulfill. I was assigned to make a change and difference to those students who need it the most. At iyon dapat na iisipin ko kahit baliktarin man ang mundo.
Napahinto ako sa aking pagta-type at napangiti nang mahawakan ko ang ang isa sa mga papel ng estudyante na may maliit na sulat sa gilid.
Teacher Serenity,
Not just a teacher, but a mother as well.
Natuwa ako nang mabasa ko iyon mula sa sulat kamay ng estudyante ko. Ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko iniinda ang pagod sa pagtuturo kasi may mga estudyante na naniniwala at nagmamahal sa akin. I love to live my life so much.
"Hey," he greeted me happily.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti ako rito. Nagbeso siya sa akin, and I do the same. "Hm…"
Naupo siya sa harap ng desk ko habang tinitingnan ang aking ginagawa. Narinig ko ang buntong-hininga niya. "Kanina ka pa nakatingin d'yan, ah. Pahinga ka muna."
He used to say it every day, lalo na ‘pag nakikita niya ako na ganito ka-busy. Tinigil ko muna ang ginawa ko sabay tanggal sa aking salamin at nilapag ito sa mesa. I looked at him and shrugged.
"Kailangan ko 'tong tapusin ngayon, Bal. Baka kasi bukas marami na naman akong kailangan asikasuhin," I replied.
Apat na taon ko na rin na kasama ang lalaking 'to, apat na taon niya rin na ipinaramdam sa akin kung paano nga ba ang sumaya kahit sa simpleng bagay man lang.
He chuckled. "Sabagay, kailan ka nga ba nagkaroon ng bakanteng oras? Nagtatampo na nga si Alexis sa‘yo."
Nanlaki naman ang aking mata nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking kamay dahil dun. Oo nga pala, nakalimutan ko si Alexis.
Ilang araw ko na rin siyang hindi na hahatid sa school niya kasi busy ako these days. Alexis is a fine 3-year-old girl. Sa pananalita, kilos at porma niya ay hindi halata na tatlong taong gulang pa lang ito. I love her so much at isa siya sa nagpuno ng kulang sa aking buhay. I can't afford to lose that kid.
"Oo nga pala, tulog na ba siya? Nako, sorry, Bal. Promise I will make it up to her soon," Pag-aalala kong sabi.
Napakagat siya sa labi niya. "It’s okay, she will understand na busy ang mamay niya."
I smiled hearing those words. I love the way Alexis called me mamay. Mama kasi dapat kaso nahihirapan siya kasi mahilig siya sa Y, kaya ayon mamay. And he used to call her papa as papay. Ang kyut pakinggan sa tainga.
"How about we go to a restaurant for tomorrow? Isasama natin si Alexis, para naman makabawi ako sa bata," Masiglang sabi ko rito.
"I like that idea. Panigurado ako na matutuwa 'yon."
"Hm." I chuckled.
Napatayo siya mula sa kaniyang pag-upo at nilipatan ako. "Sige na, tapusin muna 'yan para makapagpahinga ka na rin, okay?"
"Yes, Jio. Last na naman 'to," I replied.
Yeah, si Jio ang lalaking kasama ko na tumira sa isang malaking bahay na 'to apat na taon na ang lumipas. We agreed to live together for our baby Alexis.
Nung magkita kami ulit, iniwasan ko siya kasi galit ako sa kaniya. Akala ko tatantanan niya na ako pero hindi pa pala. Dinamayan niya ako araw-araw simula nung inilibing si mama. Pati siya nagulat sa nangyari kasi hindi niya akalain na ganun lang kadali ay nawala na siya.
Tinanong ko rin siya kung bakit hindi ko siya nakita simula nung nagkasagutan kami sa MCU, ang sabi niya lumipat siya kasi nahihiya siya sa sinabi niya sa akin. He explained every day and apologized, too. Hindi ko siya pinatawad agad. He worked hard para magawa ko siyang patawarin for 2 years. Nang makita ko na sincere siya pinatawad ko na. He even apologized to my friends, all of them, kagaya ko pinatawad din siya ng mga ito.
Naging magkaibigan kami, naging close sa isa't isa at higit pa. Until one day, dumating si Alexis sa amin. Siya ang naging dahilan para mas lalo pa na pinagbutihan namin ni Jio ang lahat, to be better parents for her.
Napagkasunduan namin na tumira sa isang bubong bilang isang pamilya. Sumang-ayon ako sa gusto niya, lalo na't makakabuti iyon sa bata. I love her and I willing to give her everything.
"Good night, Bal." Sabay halik sa aking pisngi.
Hinawakan ko naman ang kaniyang balikat sabay tapik dito. "Good night."
Kinabukasan, kagaya ng napag-usapan namin ni Jio ay kumain kami sa labas. Mabuti na lang at Sabado ngayon kaya wala akong klase. Tama nga siya ang saya-saya nga ni Alexis ng malaman niya na lalabas kami.
I really missed her, kaya masaya ako kasi nagkaroon na naman kami ng time together.
"Hey, Wweetie, be careful. Baka mabulunan ka n'yan," pagpapaalala ni Jio sa kaniya.
Natatawa na lang ako sa mag-ama. Ang saya-saya nang bata kaya panay kain ito sa cake niya. Ang bilis niyang kumain kasi minsan lang siyang mapagbigyan.
"Papay, I love their cake po. Ang tamis," nakangiting sabi ni Alexis.
Hindi niya magawa na huminto sa kakakain ng cake at natawa ako roon. Nakasubaybay lang ako sa kaniya habang ang ama ay natawa rin dito.
Hinawakan ni Jio ang ulo niya at hinaplos nang bahagya. "You want more?"
"No, 'wag na, Jio. Kanina pa 'yan kumakain ng sweets," I commented.
Pagdating sa mga kinakain ni Alexis, mas mahigpit pa ako kaysa kay Jio. Ayaw ko na kumain lang siya ng kung anuman ang gusto niyang kainin kasi baka hindi 'yon maganda sa health niya. Gusto ko if she wants to eat sweets, kaonti lang at hindi sobra.
"Mamay, sige na po," reklamo niya.
I sighed. "Alexis, gusto mo ba maubos lahat ng ngipin mo? Hala, sige ka."
Nakita ko ang dismayado niyang mukha nang masabi ko iyon sa kaniya. "Okay po," matamlay niyang sabi.
"Bili na lang tayo ulit bukas. Marami pa naman 'yan, hindi nila 'yan mauubos agad," pagpapagaan ko ng loob nito.
Napangiti naman ito sa sinabi ko kaya hinalikan ko ito sa kaniyang noo kasi katabi ko lang siya
"Really, Mamay?"
"Hm." Sabay kong tango.
Natigilan naman kaming tatlo nang marinig naming na tumunog ang cellphone ni Jio. Sinagot niya naman ito agad kaya binaling ko muli ang aking atensyon kay Alexis na busy sa kakain ng cake niya.
"Bal," tawag niya sa akin kaya nilingon ko ito. "Tumawag ang office may kaonting problema lang daw, kailangan kong pumunta roon. Gusto ko pa naman na makasama kayo, pero I need to be there. Ikaw na muna bahala kay Alexis," malungkot niyang pagpapaliwanag.
Gustuhin ko man na pigilan siya pero hindi pwede kasi trabaho niya iyon. May-ari siya ng isang kompanya kaya dapat niyang asikasuhin kung anuman ang problema na kaniyang tinutukoy.
Tumango ako rito. "No worries, Bal. Okay ka lang ba?"
He sighed. "Yeah, ipapasundo ko na lang kayo kay Mang Tomas."
Tumayo ito mula sa kaniyang pag-upo tsaka, nagbeso sa akin. "Okay, ingat ka."
"Kayo rin," tugon niya. "Bye, Sweetie. Babawi si Papay next time." Hinalikan niya naman ito sa noo.
"Okay po," malungkot na tugon sa kaniya ng bata.
Mayamaya pa ng makaalis si Jio ay nakaramdam ako na naiihi. Kaya nagpaalam muna ako kay Alexis. "Baby, magsi-CR lang si mamay, ha? Dito ka lang," pagpapayo ko sa kaniya.
Tumango naman ito na para bang naiintindihan niya ko. "Okay po."
I smiled at her. "Promise me na hindi ka aalis dito," dagdag ko pang paalala.
"I will po," nakangiti niya rin na tugon.
"Good."
Pagkasabi kong iyon ay agad na akong tumayo at nagtungo papuntang CR.
Ilang oras din ang tinagal ko roon kasi after kong umihi ay inayos ko mula ang aking sarili sa salamin. Mabuti na lang at walang masyadong tao kaya mabilis akong nakalabas.
Eksaktong pagbalik ko sa aming kinakainan ay agad akong napatingin sa pwesto naming kaso bigla akong kinabahan nang mapagtanto na wala na si Alexis doon.
Agad nagsitayuan ang mga balahibo sa kamay ko at nataranta dahil nawala ang bata. Shit!
"Alexis?" kaba kong tawag dito. "Oh, God, Alexis. What did you do?"
Para na akong nababaliw dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Nilakad ko ang daan patungo sa kinauupuan namin kanina at luminga-linga sa paligid kaso wala talaga siya.
Napansin ko nag paghinto ng isang waitress sa aking kinatatayuan. Siguro nahalata niya na may hinahanap ako.
"Miss, may I help you?" tanong sa akin ng waitress ng restaurant.
Natigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niyang iyon. Nanginginig na ang kamay ko pero nagawa ko pa rin ang kausapin siya.
"May nakita ba kayo na batang babae rito. Mga ganito kalaki," pag-aalala kong pagpapaliwanag. "Maputi at naka ponytail." My voice cracked.
Nanginginig na ako sa kaba dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ‘pag nawala nang tuluyan ang bata. Nagpahilot ako sa aking sentido at nakagat ang aking pang-ibabang labi.
"Wala po, eh," malungkot niyang tugon.
Jusko, Alexis. Balak mo ba akong patayin sa pag-aalala? Nasaan ka ba?
"God," kinakabahan kong bulalas. "Thank you."
Umalis na naman agad 'yong waitress kaya nagpatuloy ako sa paghahanap sa bata. God. Sweetie, nasaan ka ba?
Nilibot ko lang ang aking paningin sa paligid ng restaurant, nagbabasakaling mahagilap ko si Alexis. Tatawag na sana ako kay Jio pero natigil ako sa balak ko. Bigla akong natanggalan ng tinik sa aking leeg ng makita ko ito sa labas ng restaurant. Mabuti na lang at puro bildo ang dingding dito kaya tanaw-tanaw ko siya kahit nasa labas siya ng restaurant.
Dali-dali akong lumabas para kunin ito, baka ano pa ang mangyari sa kaniya. Nang makalabas ako nang tuluyan ay para akong nabuhayan ng dugo.
"Alexis," natataranta na pagtawag ko sa kaniya.
God, kinakabahan ako sa batang 'to. Akala ko saan na nagpunta, nasa labas lang pala. ‘Pag nagkataon, lagot ako kay Jio nito. Ano naman ang gagawin niya rito?
"Mamay," masayang tawag niya sa akin.
Lumapit ako sa kaniya. Agad kong kinuha ang isa niyang kamay para deresto na kami sa pagbalik sa loob. But before that, hinarap ko muna siya para pagsabihan.
Nagbuntong-hininga ako bago nagawang magsalita. "Sweetie, bakit ka nandito sa labas? ‘Di ba sabi—"
Hindi ko magawa na tapusin ang sinabi ko ng napagtanto ko kung sino ang rebulto ang nakatayo ngayon sa aking harapan.
Hawak-hawak niya ang bola ng anak ko habang panay ang titig niya sa akin. Hindi ko magawa ang kumilos man lang sa aking kinatatayuan dahil sa presensya niya. Nanlaki lang ang mata ko sabay lunok nang napagtanto ko kung sino ito.
Lenience.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top