Kabanata 33
KABANATA 33
[HANGGANG SA MULI]
Tinabihan ako ni mama mula sa aking pag-upo at may binulong siya sa aking tainga. Natawa naman ako sa sinabi sa akin ni mama kaya tumango ako rito.
"Sabihin mo sa Papa mo na maganda si Mama," bulong niyang sabi.
Nilingon ko naman si Papa na nasa aking tabi naupo, medyo busy sa kakapunas niya sa kaniyang sapatos. 13 years old pa lang ako, pero ang swerte ko na kasi ganito ang aking pamilya.
Nilapitan ko siya nang bahagya at ibinulong ang sabi ni Mama sa akin dito. "Papa maganda raw si Mama, sabi niya."
Napatingin ito sa akin na may malaking ngiti na abot-tenga.
He cleared his throat. "Hindi naman maganda si Mama, mas maganda ka pa." He smirked.
Nang marinig ko iyon mula sa kaniya ay sinamaan ko siya ng tingin at nakanguso na humarap dito. "Papa, bad."
"Bakit?" He chuckled.
I know he's trying to play around, but I took it seriously.
"Love mo si Mama pero hindi mo siya sinabihan na maganda siya."
Ipinwesto niya ang kamay niya malapit sa kaniyang mukha na tila ba border iyon para hindi iyon marinig ni Mama pero malakas naman ang pagkasabi niya.
"Bakit? Sa tingin mo maganda ba si Mama?" He winke, na para bang sininyasan ako na sumang-ayon sa kaniya.
I smiled and bit my lips. "Hindi rin po."
Napahinto si Mama sa pagtutupi ng kaniyang damit nang marinig niya iyon mula sa akin. Tumingin ito sa amin at umakto na para bang nagagalit ito.
"Ano? Nako, pinagkaisan niyo talaga akong mag-ama, ha!" natatawa niyang sabi.
Nagulat naman ako nang binaba ni papa ang sapatos niyang pinupunasan niya at hinawakam ako sa kamay. "Takbo, Anak! Papaluin ka ni Mama sa pwet. Bilis," natataranta na tawa niyang sabi.
Sinunod ko naman si papa at kinuha ang kamay niya. Tatakbo na sana kami kaso napalo ako nang kaunti ni mama pero hindi naman iyon masakit.
"Mama, 'wag! Masakit d'yan!" nanggigil na sabi ko rito.
He bended his knees in the floor and looked at me. Tila ba nais niya akong kargahin kaya sumakay ako sa likod niya. "Dali, Anak, sakay ka sa likod ni Papa para hindi ka mahabol ni Mama."
Tumakbo si papa nang paikot-ikot sa sala naming maliit ang space, habang si mama ay habol kami. Para kaming mga bata kung naglalaro kaya ang saya-saya ko.
"Huwag, Mama, 'wag!" impit kong sigaw kasi natatakot ako na baka mapalo ako sa aking pwet.
"Nandyan na ako," mahinang sabi ni mama habang nakasunod lang siya sa kakatakbo sa amin.
Napakapit naman ako nang mahigpit dito kasi baka mahulog ako sa pagsakay sa likod niya. Nang makita ko na malapit na kaming maabutan ni Mama ay hindi ko maiwasang hindi mapasigaw. "Papa, takbo!"
Ang saya ko sa araw na iyon ay hindi mapapantayan ng kahit anumang materyal na bagay sa mundo. Masarap at masaya ang buhay ‘pag kumpleto ang pamilya.
Napapunas ako sa aking luha nang maalala ko ang mga masasayang alaala na mayroon ako noon kasama sila mama at papa. Sa panahong kumpleto pa kami at hindi pa nila ako nagawang iwan. Hanggang alaala na lang ang magagawa ko kasi hindi ko na sila mabubuhay pa. Kung nabibili lang ang buhay ng tao, nagtatrabaho at kakayod ako nang pahirapan, mabuhay lang sila. Pero hindi, eh.
Kakatapos lang ng misa para sa huling-araw ni mama. Kakauwi lang ng mga tao at ng pari. Hindi ko alam kung sino pa ang kasama kong naiwan sa sementeryo kasi pati sila tita Maricel ay nauna na rin. Nakatitig lang ako sa puntod ni Mama. Noong kagabi nakita ko pa mukha niyang mahimbing na natutulog, ngayon natabunan na siya ng lupa.
Iyak lang ang nagawa ko kasi hindi naman siya magawang buhayin. Kagaya kay papa noon, ito rin ang ginawa ko ngayon ang mamatay-matay sa kakaiyak. Gusto kong magwala at manisi ng tao pero hindi ko alam kung paano.
Lagi na lang ba akong ganito? Laging nawawalan, naiiwan at nasasaktan.
Napansin ko ang kamay na humahagod sa aking likod ko at nakahawak sa isa kong balikat, pero hindi ko ito inalam kung sino ang nakahawak sa akin hanggang sa magawa niyang magsalita.
"Magpaalam ka na kay Mama Benice, Kulimlim. Kailangan mo nang umuwi upang makapag-pahinga," mahina at pag-aalala niyang utos sa akin.
I don't give her even a small glance. Patuloy lang ako sa kakatitig sa puntod ng yumao kong ina. "Kung uuwi ba ako, makikita ko si Mama roon?"
I badly want to be with my mother. Miss na miss ko siya. Ilang araw ko siyang hindi nakita kasi nandoon ako sa Cebu that time. I am guilty. Sana, kung nandoon ako sa mga araw na iyon… siguro buhay pa siya. Wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko lang.
"Kulimlim, ‘di ba napag-usapan na natin 'to kagabi. Na si Mama Benice ay nagpapahinga na—"
I cut her off.
Sinulyapan ko siya nang kaunti noong mapansin akong napatingin din ito sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin dito.
They're wearing white shirt kasi they want my mother to be in peace, but ako, I wore black t-shirt kasi nagluluksa ako.
"Tuwing birthday ko na lang ba, maiiwan ako? Tuwing sasapit ba 'yong birthday ko puro sakit ang regalo na matatanggap ko?" I cried while saying those words.
Si Mariel ang inaasahan ko na sumagot sa akin, pero si Ivan ang narinig kong magsalita. "Fate, you need to take a rest. Please, let's go home," pag-aalala niyang sabi.
Nandito pa pala sila. Hindi ko man lang napansin. I looked at him, nasa tabi plaa siya ni Mariel kasama ang iba pa naming kaibigan.
"Gusto ko kung nagpapahinga ako kagaya ng pahinga na ginawa ni Mama." I smirked.
Sa pagkasi kong iyon ay biglang napabitaw si Mariel sa pagkahawak niya sa akin. "Serenity, hindi na 'yan nakakatawa!" Mariel exclaimed.
Nainis ako sa sigaw na ginawa niya. Hinilot ko nang bahagya ang sentido ko at galit na tumingin dito. I saw shocked on her face, but I don't care.
"Bakit nagpapatawa ba ako? Mariel, hindi, pagod na pagod na ako! Hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng tao sa mundo sa akin pa nangyari ang mga 'to!" I cried angrily. Tanginang buhay 'to, sa akin pa talaga nangyari? "Nagsisimba naman ako, ah. Sinasamba ko naman siya, hindi ko siya kinalimutan pero bakit ito ang sukli na binigay niya?" I asked desperately.
Nanginginig ang buo kong katawan nang masabi ko iyon. Napahilamos ang isa niyang kamay sa mukha niya. Nakita ko rin ang paglapit ni Vincent dito na para bang pinapakalma siya. Habang ang ibang boys ay nakikinig lang sa amin sa gilid.
"Serenity, huwag mong isisi sa Diyos ang nangyari sa‘yo. kasi hindi ka niya gustong saktan," pagsasabi niya sa akin.
Tsk. Hindi isisi? Bakit siya naman talaga ang dahilan, ah? Kaya siya dapat ang sisihin. "Hindi? Eh, bakit nasasaktan ako?"
She pointed her finger to my chest and looked at me with her angry face. "Kasi nagmahal ka! Hindi ba 'yon malinaw sa‘yo? Kaya ka nasasaktan kasi nagmahal ka. Parte ng pagmamahal ang masaktan kaya please, huwag 'yong ganito."
Nagmahal. Nagmamahal. Lintik na pagmamahal na 'yan! Wala na siyang ibang alam na ibinigay sa akin kundi puro sakit na lang. Hindi ba siya napapagod na saktan ako? Pwes, ako pagod na.
Naupo ako sa sinabi niyang iyon sa harap ng puntod ni mama, kahit basa pa ang semento nito nagawa ko pa rin ang umupo roon. I cried and cried, pero ang luha ko ay patuloy lang sa pag-agos na tila ba hindi nauubos.
"Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang magmahal sana hindi na lang ako nagmahal pa. Nakakapagod," mahina kong sabi.
Napahawak ako sa puso ko kasi nakaramdam ako ng kirot dito. Ang sakit.
Naupo na rin si Mariel kagaya ko at niyakap ako sa kaniyang dibdib. Niyakap niya lang ako ng mahigpit, na tila ba ayaw niya akong pakawalan at nais sabihin sa akin na nandito lang siya sa aking tabi. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa iyak kong ayaw magsitigil.
I hope ito na ang huling sakit, na aking pinagdadaanan. Sana sa susunod pang bukas ay okay na ako agad dahil gusto ko na talaga ang mag pahinga. Nakakasawa na ang masaktan.
November 22, 1998, araw na ipinanganak ako sa mundong mapaglaro. I woke up feeling heavy in my heart because of the pain that was still there. Kaarawan ko na pero ang nararamdaman ng puso ko ay puro pagluluksa. Ganda ng regalo na lagi kong natatanggap tuwing sasapit ang aking kaarawan. Minsan napapatanong ako sa aking sarili kung sumpa ba ang araw na ito kasi lagi na lang may nawawala. O sadyang ako kang talaga ang malas.
"Hipan mo na kandila ng keyk mo, anak. Tapos mag-wish ka na rin."
"Ano ang wish ng Unica Hija namin?"
"Blow your candle love and make a wish."
Napangiwi ako sa aking mga naalala ng makita ko ang cake, na hawak-hawak ni Mariel ngayon sa aking harapan. Nagawa pa rin nila ang puntahan at damayan ako araw-araw kahit nalibing na si Mama. Minsan dito sila n.atutulog pero hindi ko man sila nagawa na kausapin. They tried hard to approach and accompany me, pero ako ang may ayaw. Akala ko mapapagod na sila sa akin, pero hindi pala.
"Happy birthday, Kulimlim!" masayang bati sa akin ni Mariel.
"Happy birthday, Serenity!" the boys greeted.
Naalala ko bigla na kaibigan pala sila ni Lenience. Bakit sila nanatili sa tabi ko kung iniwan na ako ng kaibigan nila. Kasama rin ba 'to sa plano?
Nag-init ang ulo ko nang maisip kong iyon kaya tiningnan ko sila isa-isa at ramdam ko ang pag-iwas nila ng tingin sa akin na para bang natatakot ito.
I chuckled. "Nagawa niyo pa rin na sabihin ang salitang happy kahit hindi naman ako masaya!"
Nagulat naman sila sa sinabi ko at napalunok. "You need to be happy kasi birthday mo," Carl commented.
Natawa ako sa sinabi ni Carl. Happy, ha? Tumayo ako mula sa aking pag-upo sa may mesa namin at kinuha ang cake na dala-dala ni Mariel at tinapon ito sa sahig.
"Birthday? Ito ba 'yong birthday? Walang Mama, walang Papa, walang kwenta!" galit at iyak kong sigaw na para bang sa kanila ko binuntong ang sama ng aking loob.
Nagulat silang lahat sa ginawa ko kaya napaatras sila nang bahagya mula sa paglapit sa akin. Natapunan ko ng tingin si Mariel at nakita ko na may icing na napunta sa mukha niya. Kaonti lang naman ito pero galit na galit siyang tumingin sa akin. Napalunok naman ako sa ginawa ko ng akin itong mapagtanto.
"Ano ba, Serenity? Alam mo ba kung ilang oras ang ginugol namin ng mga kaibigan mo para lang sa cake na 'yan tapos itatapon mo lang!" galit na galit niyang sigaw.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit kaya nainis ako, hindi ko alam kong sa kaniya ba o sa sarili ko. Tiningnan ko rin siya ng masama at inirapan ito. "Bakit? Sino ba ang nagsabi sa inyo na gawan niyo ako ng cake? Ako ba?"
Napakamot siya sa ulo niya nang marinig niya iyon mula sa akin. Nilapitan siya ni Vincent para awatin ito pero itinakwil niya ito. Nanatili lang tahimik ang mga lalaki sa gilid pero hindi ko na maipinta ang kanilang mga mukha.
"Alam mo, Serenity, nu’ng una naiintindihan pa kita, eh. Pero ngayon, sumosobra ka na. Parang hindi na tama ang ginagawa mo. Oo, nawalan ka, nasaktan ka, pero sana iniisip mo man lang na nasasaktan din kami kagaya mo," galit niyang sigaw.
Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya kaya mas lalo akong nasaktan. Nag-iwas ako ng tingin dito at tumalikod dahil nasasaktan ako sa reaksyon niya. Ayaw ko ng ganito.
I out a deep breath. "Hindi niyo ako naiintindihan! At kahit kailan hindi niyo ako magawang intindihin!"
"Kasi ang hirap mong intindihin!" she answered.
Napahagulgol ako nang tuluyan sa tinugon niya sa akin. Nahihirapan na siya na intindihin ako? Iiwan niya rin ba ako?
"Myloves, tama na," pakiusap ni Vincent dito.
Humarap ulit ako sa kanila at pinunasan nang bahagya ang aking luha. Napahawak ako sa dibdib ko kasi sumisikip na ito.
"Ano? Napapagod na rin kayo sa akin? Bakit hindi na lang kayo umalis kagaya ni Lenience? Bakit hindi niyo na lang ako iwan kagaya ni Mama at Papa para iisa na lang 'yong sakit. Gusto ko nang magpahinga. Gusto ko kayong intindihin pero hindi ko magawa kasi nasasaktan ako." I heard my voice cracked.
"Fate." Si Matteo.
"Kahit anong pilit kong maging okay, hindi ko pa rin magawa. Kahit anong pilit ko na magpakatatag hindi ko kaya. Sana naging kasing tapang niyo rin ako. Sana ako kayo. Sana hindi na lang ako si Serenity kasi ang hirap. Sobra."
Pagod na talaga ako. I want to take some rest at gusto ko pagkatapos kong magpahinga ay okay na ulit ang lahat. I wanted it so bad.
Nilapitan ako agad ni Mariel at hinawakan ang mga kamay ko. Umiling-iling ako sa kaniya habang pinapakalma ako.
"Kulimlim, hindi ka namin iiwan," pagpapaintindi niya sa akin. "Sorry sa nasabi ko. Nasasaktan lang ako na makita kang ganiyan kasi ibang-iba ka na sa palabang Serenity na kilala ko. Sorry, tahan na, please. Nandito lang kami, hindi ka namin iiwan." Naiyak na siya ng sobra dahil sa sinabi niya.
Nilapitan kami ng mga boys para pakalmahin. Lumapit si Ivan sa gilid ko at hinagod ang aking likod. "Serenity, alam namin kung gaano kasakit pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan."
Nang marinig ko ang mga salitang 'yon ay agad akong natauhan. Nang makita ko ang mga mukha nilang nag-aalala sa akin doon lang ako nagising sa katotohanan.
Niyakap ko agad si Mariel at kagaya ko, ganun din ang ginawa niya. "Mariel."
"Shh, nandito lang ako lagi para sa‘yo. Tutulungan ka naming makalimot," sabi niya gamit ang boses niyang nagpakalma sa aking puso.
Ngayon, naisipan ko at namulat ako na kailangan ko talaga na lumaban. Hangga’t may naniniwala na kaya ko, hindi ako iiwan at sasamahan ako, magagawa ko ang bumangon ulit. Para sa mga kaibigan kong ito, para sa hustisya ni Mama—para sa sarili ko.
Marami pang bukas at ang mga bukas na iyon ang nagpapatunay na kaya ko pa ang bumangon muli. Kakayanin ko.
Days, weeks and months was over. New day, new hope and new fight to face. Nakaya ko ang labanan ang mga nakaraang araw at kakayanin ko rin sa susunod pa. Here I am surpassing from pain and end up winning every day. Nagawa kong talunin ang takot, pangamba, pag-aalala at lalo na ang sakit sa araw-araw kong pakikipagsapalaran.
Nakangiti ako habang sinisindihan ang kandila sa puntod ni mama. Bumuga muna ako ng isang malalim na hangin bago mag-ayos ng upo.
"Ma, buwan na rin simula nung inilibing ka," unang sabi ko rito. "Sorry, ngayon ko lang ulit nagawang dumalaw. Nagpapagaling pa kasi ako mula sakit na nararamdaman ko dahil sa pang-iiwan niyo sa akin. Mahirap man pero kagaya ng sabi ng mga kaibigan ko kailangan kong tanggapin." I started to cry. "Kahit masakit at mahirap kakayanin ko kasi alam kong hindi niyo ako papabayaan ni Papa. Makita-kita rin tayong tatlo sa tamang panahon." I wiped my tears and pushed for a while.
Nang makaramdam ako na kaya ko ng magsalita mula ay ginawa ko agad ito. "Kailangan ko ng mag-move on, Ma. Kailangan ko nang magsimula na ayusin muli ang sarili ko. Kailangan ko muling maibalik ang sarili ko. Hahanapin ko pa rin ang hustisya na nararapat sa‘yo para mapanatag ka na r’yan. Mahal na mahal kita, Ma. Ikamusta mo na lang ako kay Papa. Hanggang sa muli," I cried while smiling at her tomb.
Hinaplos ko nang marahan ang puntod niya habang umiiyak. Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa pagmamahal mo sa akin na walang kapantay.
Ilang sandali rin nang napagtanto ko na kailangan ko nang umalis ay agad akong tumayo agad at unti-onting lumayo sa bago niyang tirahan. This is not our goodbyes, Ma. We will see each other again.
Tama si Mariel, everything happens for a reason. Kailangan natin ang mawalan ng mga mahal sa buhay, kailangan natin ang maiwan at masaktan lalo na kung masyado na tayong nakadepende sa taong iyon. Kailangan muna silang kunin sa atin para matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa.
Hindi ko man masyado pang maintindihan ang nangyayari sa akin ngayon, pero balang araw magawa ko rin ang intindihin ito.
Month passed by. Nalaman ko rin kung bakit kailangan kong pagdaanan ang mga 'to kasi kailangan kong maging mas malakas at matatag. Laking pasasalamat ko rin sa Diyos sa kabila ng paninisi ko sa kaniya, hindi niya pa rin ako pinapabayaan. He gives me friends to lean on and to hold on. At, iyon dapat ang ipagpasalamat ko sa araw-araw. Masakit man ngayon, bukas na bukas hihilom din 'yan. Iyak ngayon, sa susunod na araw tawa naman.
Bukas, kailangan ko ng isulat muli ang panibagong kabanata ng aking Libro, na may pamagat na 'Bagong umaga, Bagong pag-asa'.
This is Serenity Fate Belmundo, a woman of perseverance and faith. This is my toast for a better change. Kailangan ko ng harapin muli ang mundo, kailangan kong magpatuloy para mabuhay. Nakahanda na ako sa aking pagbabago.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top