Kabanata 32
KABANATA 32
[PAHINGA]
Mahal na mahal kita, anak. Kaya kong gawin at labanan lahat para sa ikaliligaya ng buhay mo. Nandito lang lagi si Mama, okay?"
"Ma," impit kong iyak nang makita ko ang bangkay niya na kinumutan ng puting tela.
Nasa pintuan pa lang ako ng hospital kung saan nakalagay si Mama ay bumubuhos na ang mga luha ko sa kakaiyak.
Pagod na ako. Humakbang ako nang dahan-dahan papalapit dito na para bang ang bigat ng aking mga paa at ayaw akong palakarin nang maayos.
Inalalayan lang ako ni Mariel sa paglalakad. Kung hindi siya nakaalalay sa akin ay baka nadapa na ako dahil sa sobrang hina ng aking katawan at tila nawawalan na ako ng lakas. Nang makalapit na ako sa katawan ni Mama ay dahan-dahan kong hinawakan ang kumot na nakatakip sa kaniya. Nanlalamig ang kamay ko at nanginginig, ayaw kong buksan ang kumot na 'yon dahil natatakot ako baka totoo ang sabi ng mama ni Mariel.
Kahit mabigat sa aking loob at kontra ang sarili ko na gawin iyon ay pilit ko pa ring tingnan kung si ,ama nga ba ang nasa loob ng kumot. Nang buksan ko na ito ay para akong nanghihina at nahihirapan sa aking paghinga. Nalunok ko ang aking laway ng wala sa oras. Natakip ko ang aking kamay sa aking bibig dahil sa aking nakita si mama nga ito. Wala na siya.
Humagulgol na ako sa kakaiyak pero walang ingay na lumabas sa akin bibig. Tinawag ko siya pero hindi pa rin ako nakagawa ng ingay. Niyakap ako ni Mariel sa likod at hinagod-hagod ni Tita Maricel ang aking likuran at doon pa lang ako nakagawa ng ingay. Mama!
"Mama! Ma, nakauwi na ako. Gumising ka na r’’yan, Ma!" nakangiti at umiiyak na sabi ko rito na parang bata
Mali 'tong nakikita ko, buhay pa si Mama. Hindi 'to nangyayari, namamalikmata lang ako.
Iyak lang ako nang iyak. Pilit ko siyang ginigising pero ayaw niya talagang pagbigyan ako sa aking gusto. Naninikip na ang puso ko sa kakaiyak. Tiningnan ko siya, mas lalong piniga ang puso ko nang makita ko ang sugat sa ulo niya na naka-band aid.
Mama, sino ba ang may gawa sa'yo nito?
"Kulimlim," iyak na pagpapakalma sa akin ni Mariel.
Patuloy lang siya sa pagkayakap sa akin mula sa likuran na para bang nais niyang ipadama sa akin na hindi ako nag-iisa.
Pilit kong alisin ang kamay niya mula sa pagkayakap sa akin para mayakap ko nang mahigpit si mama.
"Hindi, Mariel. Buhay si Mama, hindi niya ako iiwan!" nakikipagtalo kong sigaw dito.
Niyakap ko si mama nang mahigpit noong mabitawan ako ni Mariel. Mama ko. Napansin ko naman ang paglapit sa akin ni Tita Maricel sabay hagod sa aking likod.
"Fate, Anak, huwag masyadong magpadala sa iyak mo na 'yan. Kawawa na 'yang mata mo, oh," pakikiusap niya sa akin.
Nilingon ko siya gamit ang mata kong pagod na sa kakaiyak.
"Tita, hindi." Nanginginig na sabi ko sa kaniya. "Buhay si Mama, gigising 'yan. Tingnan niyo po, Tita, gigisingin ko." I said that while my voice cracked.
Inalog-alog ko ang katawan ni Mama para ipamukha sa kanila na tama ako—na buhay siya kasi buhay naman talaga siya.
"Anak," naiiyak na tawag sa akin ni Tita.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ang pagpukaw ko kay Mama. Hinawakan ko ang kaliwa niyang mata para idilat ito pero hindi talaga kagaya nung dati. Hinawakan ko ang kaniyang baba para ngumiti pero mas lalo lang akong nasasaktan sa ginawa ko. Hanggang sa nilagay ko ang malamig niyang mga kamay sa aking mukha na puno ng luha pero ayaw niya pa rin talagang gumising.
Kinusot-kusot ko ang aking mata dahil nanlalabo na ito dahil sa luha ko. "Mama Benice, nandito na po si Serenity, ang maganda mong anak. Gising ka na," nagmamakaawa kong pakiusap sa kaniya.
"Serenity, please, tama na. Sinasaktan mo na sarili mo, eh," impit na sabi sa akin ni Mariel.
Kagaya ko, umiiyak na rin siya. Naawa rin siya sa sinapit ko pero ayaw ko na kaawaan nila ako. Niyakap ko nang tuluyan si Mama at hinalik-halikan ang kaniyang pisngi at noo nagbabakasakali na magising siya sa ginawa ko.
Ayaw niya talagang gumising, eh. Nakakainis.
Nilapitan muli ako ni Mariel at akmang itatayo mula sa pagkayakap ko kay mama pero nagpupumiglas ako sa ginawa niya.
"No, no, no! Iuuwi natin si Mama, Mariel. Buhay siya, oh, humihinga siya. Ma, tayo ka na r'yan, alis na tayo!"
Galit na ako.
Hindi ko na alam ang nararamdaman ko, gusto ko na siyang gumising. Desperada na akong iuuwi ko siya. Para na akong tanga na umiiyak at sa kabilang banda natatawa. Lumipat ako sa kaliwang pwesto ng kama ni Mama at doon muli siya niyakap. Sinundan naman ako ni Mariel, para pigilan ako pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon.
"Kulimlim, tama na, please."
"Mama! Sige ka, mag-aasawa na ako pag hindi ka gumising. Sige ka, sisirain ko ang pangako ko sa inyo ni Papa!"
Tangina, gumising ka na, Ma! Napapagod na ako sa kakagising sa‘yo pero ayaw mo namang makinig!
Si Tita naman ang nakikiusap sa akin ngayon. Nilapitan niya ako at pilit na ilayo kay mama pero umiling-iling ako.
"Anak, Serenity, please tama na, ‘Nak." Pilit na paghagit niya sa akin mula sa pagkayapos ko sa aking palaban na ina pero hindi niya man lang nagawang lumaban para sa sarili niya.
"Mama! Mama!"
Sigaw. Iyak. Hagulgol. Wala pa rin talaga.
Pagod na ako. Naninikip na ang aking dibdib hanggang sa hindi ko ma kayang huminga pa nang maayos.
"Serenity! Jusko!"
Natataranta na sigaw ng mag-ina na aking huling narinig bago ako nawalan ng malay.
Sana hindi na ako magising pa kagaya ni mama.
"Sukuan ka man ng lahat, Anak, huwag mo lang sukuan ang sarili mo kasi wala ng ibang kagaya mo."
Time had passed. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay namin. Sa kabilang banda, hindi ko rin alam kung sino ang nag-ayos ng lahat para maipwesto si Mama nang maayos sa bahay. Sa labas lang siya ng bahay nakalagay kasi hindi malaki ang space sa loob ng bahay namin kung sakaling marami ang dumalo sa lamay niya.
Nakatayo ako sa harap ng kabaong niya ngayon habang nakatingin sa walang buhay niyang katawan na para bang mapayapang natutulog. Sana nga natutulog ka lang, Ma.
Hinagod ko ang salamin sa kaniyang kabaong habang umiiyak pa rin. "Ang hirap naman ng ganito, Ma. Iniwan na nga ako ni Papa, pati ba naman ikaw?" I cried while talking to her. "Kakayanin ko naman na iwan ako ni Lenience, eh, kasi alam ko babalik siya. Pero 'yong ganito? Na iwan mo lang ako panghabangbuhay, ito ang hindi ko matatanggap, hindi ko kakayanin," mamatay-matay kong iyak.
She really left me. Kagaya ni papa, nagawa niya rin ang iwan ako. Si Lenience nga nakaya rin ang iwan ako. Lahat sila kaya nila.
Naramdaman ko ang paghagod ni Mariel sa aking likod. Nandito pala siya sa tabi ko, hindi ko man lang napansin ang presensya niya.
"Kulimlim, pahinga ka muna, please. Kakagising mo lang, oh," malungkot na pagmamakaawa niya.
Dahil sa labis na iyak hindi ko na nakayanan kanina kaya ako nawalan ng malay. Akala ko pa naman makikita at makakasama ko na sila Mama malas at nagising pa ako. Kaya ayan, nasaktan ulit.
Sinulyapan ko si Mariel at nakita ko ang matinding pag-aalaa sa mata niya. "Paano ako magpahinga kung wala na 'yong pahinga ko, Mariel?"
"Kulimlim, tama na, okay? Ipahinga mo muna 'yang puso mo," she commanded.
Paano ako magpahinga? Para saan pa ang pahinga ko kung wala na ang dahilan para lumaban sa buhay?
Ilang minuto rin akong na tahimik at nakatingin lang sa kabaong ni Mama. Ang Mama kong masayahin, palatawa, palabiro at makulit ngayon ay nakapikit na lamang at hindi na magawa na magsalita pa.
"Ang malas ko naman. Lahat na lang ba ng nagmamahal sa akin iiwan ako?" I smirked.
"Kulimlim."
Ganun na ba talaga kalaki ang galit ng mundo sa akin para pagdaanan ko ang lahat ng 'to? Naging mabuti at mabait naman akong anak, ah? Bakit ganito pa rin. Even si Lenience na akala ko ay kaya akong samahan hanggang sa maubos ang ngipin niya ay kagaya ni Mama, iniwan din ako ng walang paalam. Ang masakit lang, siya babalik pa kung gugustuhin niya pero si Mama hindi na kahit gustuhin ko pa.
Natawa ako nang bahagya noong mapagtanto ko ang nangyari sa buhay ko ngayon. Tiningnan ko si Mariel nang diretso.
I cleared my throat. "Mahirap ba akong mahalin? Pabigat ba ako sa puso kung mahalin? Kasi kung hindi, bakit nila nagawang iwan ako ng ganito? Bakit nila nagawa ang iwan ako!"
"Serenity, no. Hindi ka mahirap mahalin. Everything happens for a reason—"
I cut her off.
Rason? Nagpapatawa ba siya? Anong rason, ang saktan ako ng ganito? Bakit pa kailangan ng ganito kung may marami namang paraan para saktan ako.
"Reason? Tangina Mariel, kung ano man ang rason na 'yan hindi ko naiintindihan!" pagwawala kong sigaw sa kaniya. "Hindi ko maintindihan kung bakit pa kailangan na umabot sa ganito! Kung bakit kailangan pa na may namatay, umalis o ano pa man 'yan para saktan ako kung pwede naman akong patayin agad nang matapos na!" I exclaimed.
Napansin ko naman ang pagtingin ng mga tao na nasa lamay dahil sa sigaw ko na iyon. Nagawa ko iyong makita dahil nakaharap ako kay Mariel. Hinawakan niya ang kamay ko na para bang kailangan kong kumalma muna.
"Shh."
Itinakwil ko ang kamay niya dahilan nang mapahinto ito sa kaniyang pagka hawak sa akin. Binaling ko ulit ang aking tingin sa kabaong ni Mama. Hinilamos ko ang aking dalawang palad sa aking mukha at nagbuntong-hininga.
"Ma, tumayo ka r'yan! Hindi nababagay ang ganda mo, kung sa kabaong ka lang hihiga!"
Hindi na natigilan si Tita Maricel, kaya tumayo siya sa pag-upo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at hinayaan ko na lang siyang gawin iyon.
"Hija, Anak, maupo ka muna. Ininom ka muna ng tubig," pakiusap niya. "Vincent, Hijo, bigyan mo ng tubig si Fate." utos niya rito nang mapaupo niya na ako sa upuan katabi ng sa kaniya.
"Heto na po, Tita," natatarantang pagbibigay ni Vincent ng tubig sa kaniya. Binigay iyon ni Tita sa akin kaya tinanggap ko ito.
Kung ano man ang nakatagong rason kung bakit ko pinagdaanan ang mga ito kailangan ko 'tong malaman agad para naman hindi ko isisi sa sarili ko ang lahat kasi ang bigat na ng puso ko.
Days swiftly passed by. Ikaapat at huling lamay na ni Mama ngayon. Ito na rin ang huling pagkakataon na masisilayan ko siya kasi sa susunod na araw ay puro na lang pagbabalik-tanaw ang aking magagawa.
Ganun pa rin ang routine ko, umiiyak at nababaliw na nagbabasakaling panaginip lang ang lahat at buhay pa si Mama. Pero kahit anumang pilit ko, wala talaga, hindi ko na magawang gisingin pa siya kasi siya na mismo ang may ayaw na gumising.
"Condolences, Fate."
Napalingon ako sa nagsabi sa akin nun. Tiningnan ko lang siya nang malamig at hindi gumawang umimik.
Mas marami ang tao ngayon kasi huling lamay na niya. Lahat ng pinsan namin at kapamilya ni Mama ay narito pero nung kailangan sila ni Mama ay si Ante Bebeng lang ay may malasakit na tulungan kami pero 'yong iba, wala ni piso. Pero ngayon, umaakto sila na para bang nasasaktan sila kasi wala na si Mama.
"Condolences," malungkot na sabi ng kaklase ko sa MCU.
Lumapit naman sa gawi ko ang naging kasama ko na nakapasa sa scholar ng MCU. "Condolences, Ms. Belmundo. Be strong." Sabay tapik sa aking balikat.
Marami pa ang nakiramay sa akin pero ni isa sa kanila ay hindi ko magawang tugunin. Hiyaan ko lang silang makiramay at isang malamig na tingin lang ang nagawa kong tugon sa mga ito.
Natigil naman ako sa aking pag-isip-isip ng kung anu-ano nang marinig ko ang usapan nila Tita at nung pulis sa aking gilid.
"Wala bang nakakita ni isa man lang sa nangyari, Sir?" malungkot na tanong niya sa isang pulis.
Mabuti na lang nandito si Tita Maricel, kahit paano may aasikaso sa mga nangyari kay mama at nakahanda pa siyang samahan ako. Nagmana nga sa kaniya ng kabutihan si Mariel.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang paniwalaan na ng dahil lang sa isang sasakyan na mabilis ang pagpapatakbo sa daan ay sa isang iglap natapos niya ang buhay ni Mama. Galing daw ito sa palengke noong araw na iyon sabi nung tindera ng mga gulay dahil sa kaniya raw ito nanghiram ng cellphone para mai-text ako. Sabi niya pa nga, umiyak daw si Mama ng maibalik sa kaniya ang selpon na hiniram niya kaya mas lalo akong nasaktan. Sa huling hininga niya ako pa rin ang iniisip niya, ang kapakanan ko at ang kaligayahan ko. Habang siya ay nag-aagaw buhay mula sa aksidente, ako naman ay nagpapasarap sa Camotes Island kasama ang lalaking iniwan lang din ako.
Kailangan ko ng hustisya para kay Mama. Kung sino man ang may gawa nito sa kaniya, pagbabayaran niya kahit aksidente pa ang nangyari. Okay lang naman, eh, kung dinala niya sa hospital at hindi niya tinakasan ang kasalanan niya pero tangina siya hinayaan niya lang na mamatay ang ina ko kaya dead on arrival pagdating sa hospital.
"As of now, Ma'am, wala pa pong lumalabas na witness ng insidente. Tinanong namin 'yong iba, ang naabutan lang daw nila ay nakahiga ng walang buhay si Mrs. Belmundo sa daan," pagpapaliwanag niya kay Tita Maricel.
Nakikinig lang ako sa kanila kasi wala akong lakas na makasali sa kanilang usapan.
"Ginagawan niyo naman ng paraan 'yan, ‘di ba? Para managot ang may sala."
"Yes po, Mrs. Bustamante. Pinapa-imbestigahan na po naman ang insidente. 'Wag po kayong mag-alala, ‘pag nakahanap na po kami ng ebidensya at malinaw na po ito, tatawagan po namin kayo agad."
Tanging hiling ko na lang sa puntong ito ay ang makuha ko agad ang hustisyang nararapat sa aking ina.
"Salamat po, Sir," mahinang pasasalamat ni Tita rito.
"Sige po, mauna na po kami." At saka tuluyang umalis.
Para naman akong nasakal nang marinig ko ang sumunod na salita sa aking gilid. Hindi ko man sila nagawang lingunin pero nasa kanila ang aking tenga at buong atensyon.
"Hindi pa rin ba makontak si Lenience, Carl?" pag-aalalang tanong ni Mariel dito.
Simula nung unang lamay ni Mama hanggang ngayon ay hindi sila umalis sa tabi ko. Hindi ko man sila kinakausap at nagawang pansinin pero hindi pa rin nila ako nagawang iwan. Sana kagaya nila si Lenience at si Mama, handang manatili.
"Ayaw talaga, eh. Ilang araw ko ng tinatawagan pero wala talaga," malungkot nitong tugon.
"Kahit kami ni Matt, hindi rin namin magawang makontak si Lenience," mahinang pagpapaliwanag ni Ivan.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na makisawsaw sa usapan nila pero hindi ko na magawang pigilan ang aking sarili kasi nagawa ko na.
"Huwag niyo na siyang tawagan simula ngayon. Ayaw ko nang makarinig ng kahit anong bagay tungkol sa kaniya," walang emosyon kong sabi sa kanila.
Kung nakaya mo ang iwan ako, Lenience. Kaya ko rin ang kalimutan ka.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top