kabanata 31

KABANATA 31
[NANGYARI NA]

Naimulat ko ang aking mata dahil sa liwanag ng araw na nakatama sa aking mukha. Tiningnan ko ang aking relo, alas-nuebe na pala ng umaga. Nilingon ko ang aking gilid at napagtanto ko na wala na si Lenience doon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaonting kaba at kirot sa aking puso.

Naisipan kong bumangon muna para makapag-ayos at puntahan sila. Sobrang bigat ng aking katawan na para bang ang lungkot-lungkot ko at gusto ko na lang mahiga buong araw. I don't know what's in me, but I am not okay. 

Nang matapos na akong mag-ayos ay napagpasyahan ko nang lumabas sa aking kwarto. Eksaktong pagkalabas ko ay nakita ko sila ni Mariel sa may cottage kaya nilapitan ko ang mga ito. Hindi pa man ako nakalapit sa kanila ay nakita ko na nataranta sila.

Anong mayroon? Nakita ko rin ang pagtingin ni Mariel kay Vincent na tila ba kinakausap niya ito gamit ang kaniyang mga mata. Nang malapit na ako sa mga ito, nakita ko ang mukha ni Ivan na malungkot na nakatingin sa akin kagaya ni Carl, habang si Matt naman ay tahimik lang sa gilid. 

Umupo ako sa sa tabi ni Mariel, pero walang ni isa sa kanila ang nagawang bumati sa akin o kumausap man lang. Hindi ako sanay sa mga kinikilos nila ngayon kaya na pagdedesisyon kong magsalita. 

"Anong mayroon sa mga mukha n'yong 'yan?" I chuckled para hindi halata na nagtataka ako. 

Tiningnan ako ni Mariel namg bahagya at agad nag-iwas ng tingin na para ba siyang naiilang.

"Bakit kayo lang? Nasaan si Lenience?" taka kong tanong sa mga ito na ikinalingon sa akin ni Vincent nang diretso. 

Nabigla naman ako sa reaksyon na binigay ni Vincent sa akin. Kanina ko pa kasi napapansin silang lahat ay nandito maliban kay Lenience. Tiningnan ko sila isa-isa pero naiilang naman sila sa akin. Anong nakain ng mga 'to? Kanina ko pa sila hinihintay na magsalita pero wala talaga. 

"Hey, nakikinig ba kayo sa akin? Nasaan ba si Lenience?" Ttnong ko ulit. 

"Why don't you tell her the truth? Para matapos na ang kalokohang 'to!" Matteo exclaimed. 

For the first time, narinig ko siyang ganito ka galit at nakita ko ang pangingitim ng kaniyang mata.

I looked at him and winced. "Truth? Why? May nangyari ba?"

I heard Mariel out a deep breath and she slowly hold my hands. Napatingin ako sa kaniya habang siya naman ay malungkot ang mukha.

"He left," she said it to me with a fake smile. 

Sa mga sandaling iyon, nakaramdam ako ng takot. Hindi ko magawang ikilos ang aking katawan, na para bang binuhusan ako ng yelo. Nabitawan ko bigla si Mariel at napaupo ng wala sa oras. "Are you joking?" I chuckled. 

Sinubukan niya akong pakalmahin pero umatras ako ng bahagya sa kaniya. 

"Kulimlim," pagpapakalma niya sa akin. 

Napahilamos ako sa aking mukha at naisipang tumayo mula sa pagkaupo. Nakita ko ang pag-aalala nila sa kanilang mga mata, pero balewala lang ang mga 'yon sa akin. 

Binalingan ko muli ng tingin si Mariel, habang pilit na abutin ang kamay ko sa kaniya. "Sabihin mo na nagbibiro ka lang, Mariel!" I exclaimed with nervousness. 

Galit na ako sa mga pinagsasabi niya lalo na sa mga kinikilos ng mga ito at hindi na ako natutuwa. I gave a deep breath sabay hilot sa aking sentido.

"Serenity, umalis na talaga si—" I cut her. 

I smirked. "Umalis? No, kasama ko pa siya kagabi, ang sabi niya hindi niya ako iiwan!"

Nawala na ako sa katinuan kaya hindi ko na mapigilan ang aking sarili na hindi mapasigaw. I know they're playing around. 

"Fate, please kumalma ka muna," sabat ni Ivan. 

Nag-init ang mata ko na nakatingin sa kaniya. How can he easily say that to me?

"How?" I exclaimed. "He left me, no! No, nasaan si Lenience? Gusto ko siyang makausap. Prank 'to, ‘di ba? Tulad nu’ng dati, nasa kwarto ba siya? Pupuntahan ko muna," natatawa kong sabi sa kanila. 

Ayaw ko silang paniwalaan kasi alam ko na hindi 'to gagawin ni Lenience sa akin. He promised that to me. Kasama ko pa siya sa kwarto ko kagabi. Yakap pa niya ako mula sa aking likod, sabi niya pa mahal niya ako kaya panatag ako na hindi niya kayang gawin sa akin ang mga sinasabi ng mga kaibigan namin. 

"Kulimlim, umalis na si Lenience kagabi pa," mahinahong sabi Mariel na para bang pinapaintindi niya sa akin at dapat ko siyang paniwalaan. 

I was caught in a moment when I heard those words. Biglang nag-sink in sa utak ko lahat ng sinabi niya. Nanghina na ang mga tuhod ko nang tuluyan at nanlabo na ang aking mga mata dahil sa luha kong nagsilabasan at ayaw nang magpaawat.

"I know you're lying." My voice trembled. 

"She's telling the truth, Fate!" agaw na sigaw ni Carl. 

Bakit ba nila pinipilit na sabihin sa akin na iniwan ako ni Lenience kung hindi naman iyon ang totoo?

"Hindi ako naniniwala sa inyo, hahanapin ko si Lenience!" I exclaimed desperately.

"Love," I cried and walked to his room. 

Mabilis kong tinungo ang kwarto ni Lenience, ramdam ko ang pagsunod nila sa akin na para bang balak nila akong pigilan pero hindi nila magawa kasi ako mismo ang nagpupumilit na gawin iyon. 

"Serenity, please stop," she said and cried with me. 

Hinarap ko naman si Mariel at tumigil mula sa paglalakad. I looked at her with my mad face and I clenched my fist dahil nanggigil na ako sa kaniya. 

I sighed. "Kayo ang tumigil! Nagpapatawa ba kayo? How can you do this to me?" 

"Umalis na si Lenience! Iniwan ka na niya!"

"Tangina! Ang bibig mo, Mariel, hindi na nakakatawa!"

Galit na ako sa kaniya. Kaibigan ko siya pero nagawa niya akin na sabihin ang mga 'yon. Dapat pa nga nakikiisa siya sa akin na hindi talaga ako iiwan ni Lenience. She is my childhood friend pero hindi siya umakto bilang kaibigan.

"Please, stop." Niyakap niya ako mula sa likuran ng talikuran ko ito. 

I felt my hand trembled while hearing her cries. Nakita ko ang pagbagsak ng luha niya sa mga kamay ko dahilan nang kinuha ko ang mga iyon at tinanggal mula sa pagkayakap niya sa akin. 

"No, nandito si Lenience," sabi ko ng makarating kami sa kwarto na kaniyang tinutulugan. "Love, nandito na ako. Lumabas ka na r'yan!" sigaw na pakiusap ko mula sa labas ng kwarto niya. 

Patuloy lang ako sa pagkatok ng kaniyang pintuan pero ayaw talagang magbukas kaya mas lalo na akong kinabahan. 

Mayamaya pa ay napahinto ako sa aking ginawa ng may tumawag sa akin mula sa aking gilid. 

"Excuse me, Miss. How may I help you?" sabi nu’ng isa sa mga trabahante ng Hotel. 

I looked at him and smirked kasi alam ko sasabihin niya sa akin na nand’yan sa loob ang jowa ko. "Si Lenience, nasaan siya?"

"Ah, 'yong naka-reserve rito na si Mr. Monte Carlos."

Tumango ako sa sinabi niya.

"Nag-check out na po, Miss, kagabi lang." 

"What?" mahina kong tanong. 

Tumango siya sa akin. "Opo. Sige, alis na ako. Excuse me."

This time, mali pala ako. He really left. Nakaya niya ang iwan ako? "Lenience."

I cried loudly and desperately. Bakit ba kailangan na umabot sa ganito? Tama nga siya kailangan ko nga ng lakas ngayon. Tangina, Monte Carlos. Alam na alam mo talaga kung paano ako saktan. Nagtagumpay ka nga. 

Napaupo ako sa harapan ng kwarto niya at humagulgol ng iyak. Niyakap ko ang aking dalawang tuhod dahil hindi ko na kaya. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Mariel at pilit akong pinapatingin sa kaniya. Umiling-iling ako sa ginawa niya. Nakita ko siyang umiiyak, siguro dahil sa pagkaawa niya sa sinapit ko. 

"Serenity, please tama na 'yan," malungkot na sabi ni Ivan sa gilid ko. 

Hindi ko sila nilingon at nakatuon lang ang aking atensyon sa pintuan ni Lenience. Nagbabakasakali na baka magbukas ito at ilabas siya ng pintuan. 

Lenience.

"Iniwan niya ako? Nasaan siya?" I asked them while crying out loud. 

"Flight niya kagabi pa papuntang states, Fate," mahinang sabi ni Matteo. 

Natigil ako sa sinabi ni Matteo. Pupunta siya ng States? Napatayo ako agad at inalis ang mga kamay ni Mariel na nakapulupot sa akin. 

"States? Mag-a-abroad siya? No, no, no! Samahan mo ako, Vincent," wala sa sarili kong sabi. 

Hindi pwede. Hindi niya maaring gawin sa akin 'to. Hindi siya aalis, walang aalis. Mananatili siya sa aking tabi hanggang sa gusto ko. 

"Ha?" takang tanong ni Vincent sa akin. 

Hindi ko na sila nilingon pa at nagsimulang maglakad palabas ng resort. "Bilis!"

Hinabol ako ni Mariel ng hinabol. Ayaw kong tumigil, ayaw kong huminto, gusto ko siyang pigilan. Kailangan ko siyang puntahan. 

"Kulimlim," habol sa akin ni Mariel at hinagit ang kamay ko dahilan ng aking pagka hinto at pagharap dito. 

Tumingin ako sa kaniya habang iyak lang nang iyak. Hinawakan ko ang kamay niya at nalulunod na sa kakaiyak. 

"Maghanap ka ng sasakyan, babalik tayo ng Maynila. Please," desperado na pagmamakaawa ko rito.

Malakas niyang kinuha ang kamay ko sa kaniya at sinamaan ako ng tingin. Siguro napuno na siya sa akin kaya ganun ang reaksyon niya. 

She pointed my head, na para bang ipamukha sa akin na kailangan ko ng gumising sa katotohanan. "Serenity, stop! Are you out of your mind? Wala na si Lenience, nakaalis na siya!" she exclaimed out of the blue. 

"No, hahabulin ko siya! Pipigilan—"

She cut me off.

Napahilamos siya sa mukha niya at galit na tumingin sa akin. "Tangina, nakaalis na nga, ‘di ba?"

"Tangina niyo rin! Mga sinungaling kayo! Hindi ako iiwan ni Lenience! Hindi!" Wala na akong lakas sa kakaiyak at kakasalita. 

Napaupo ako sa buhangin na parang bata na iniwan ng kaniyang mga magulang. Humagulgol lang ako nang humagulgol hanggang sa lunurin na ako ng mga luha ko. 

"Serenity," yakap na sabi niya sa akin. 

Pinantayan niya ako sa aking pag-upo at pilit na tinatayo pero umiling-iling lang ako. 

"Hindi," namamaos kong sabi. "He promised me that." 

"Stop crying, please," pagmamakaawa niyang pakikiusap sa akin. 

Tiningnan niya ako na para bang ina ko siya. Inayos niya ang kalat na luha sa aking mukha at pati na rin ang aking mga buhok na nakakalat.

Ang mga kaibigan ni Lenience ay nakatayo lang sa likod ni Mariel na para bang pati sila ay maiiyak na rin sa sitwasyon ko. 

"Pipigilan ko siya, Sinag. Hindi siya aalis, hindi niya ako iiwan," pakiusap ko sa kaniya. 

Niyakap niya ako nang mahigpit at hinagod ang aking ulo. "Shh."

I've never thought na huli na pala 'yong kagabi. Kung alam ko lang sana tinugon ko ang mga I love you niya na nais niyang tugunin ko. This not happening, right? They're just trying to make me fool or they're just joking around. Ang bigat na ng mata ko dahil sa ramdam ko na ang pamamaga nito dahil sa aking kakaiyak. Bakit kailangan pa niya akong iwan? Bakit nagdesisyon siya ng hindi ko alam? Ito na ba 'yong plano nila? 

"Lenience?! Love," tawag ko sa kaniya ng nakarating na kami sa Maynila. 

Hindi ko alam kung paano kami nakarating ng mga kaibigan namin dito, hindi ko rin alam kung anong oras na. Ang tanging alam ko lang kailangan ko siya makausap... at makita. Alam ko nandito lang siya. 

"Kulimlim, please tama na."

Pilit akong pinipigilan ni Mariel sa ginagawa ko ngayon. Sila lang ni Vincent ang sumama sa akin na lumabas sa sasakyan ni Matteo. Ang iba, hindi ko alam kung nasaan man sila. 

"No, nasa loob lang siya. Nagtatago lang 'yan o baka may surpresa para sa akin," I chuckled na para bang tama ako sa mga hinala ko. 

"Serenity." Si Vincent. 

"Love, I'm here. Labas ka na," mahina kong tawag sa kaniya mula sa labas ng kanilang gate. 

Hinigit ni Mariel nang malakas ang kamay ko dahilan nang nakaramdam ako ng sakit dito. "Halika na," galit niyang hatak sa akin. 

Kinaladkad niya lang ako nang kinaladkad pero malakas kong tinakwil ang kamay niya dahilan nang mapahinto ito sa kaniyang ginawa. Nakita ko ang pag-awang ng kaniyang labi pero sinamaan ko lang siya ng tingin. 

"I said no! Nandito siya! Lenience, nandito na ako lumabas ka na!" nagpupumilit kong sabi sa kaniya pero ayaw niya talaga na maniwala.

"Lenience!" sigaw ko at bumalik sa kakakatok sa kanilang gate. 

Bigla akong nagulat nang bigla itong bumukas at inilabas nito ang galit na galit na Mommy ni Lenience. 

"Anong nangyayari rito!? Bakit ang ingay mo?" galit na sigaw niya sa akin ng makalabas ito nang tuluyan. 

Nilapitan ko ito at hinawakan ang kamay niya pero idinistansya niya ang kaniyang sarili sa akin na para bang nandidiri ito sa presensya ko. 

"Tita, please tell Lenience na nandito ako sa labas," pagmamakaawa kong paki-usap dito. 

She rolled her eyes at me and smirked. "Nagpapatawa ka ba? Umalis na si Lenience, kagabi pa!"

Alam kong gusto niya akong tarayan pero hindi ko iyon nakita sa mukha niya kasi napansin kong para siyang kinakabahan sa akin dahil sa pawis na naglalabasan na nakikita ko sa kaniyang noo. 

"No, please tita." I tried to touch her, but she pushed me away. 

"I said, umalis na siya! Bingi ka ba?" she exclaimed. 

"Alam ko, Tita, na ayaw niyo sa akin pero, please huwag namang ganito. Gusto ko lang makausap si Lenience, Tita," I cried in front of her while kneeling. 

Aawatin sana ako ni Mariel sa ginawa ko pero sininyasan ko siya na huwag.

"Miss Belmundo, I told you nakaalis na ang anak ko at hindi na siya babalik pa! So please, umalis ka na!"

Mas lalo pa akong humagulhol sa paliwanag niyang iyon. "No, that's not true!" 

Umiling siya sa ginawa ko at nagbuntong-hininga.

"Soling!" galit niyang tawag sa may katandaang babae. 

"Po?" Mataranta niyang tugon nang makalapit ito sa kaniya. 

"Close the gate!" Tinalikuran ako ng ina ni Lenience habang naiwan akong nakaluhod. 

"No, no, Tita!" 

Please. Tulungan niyo ako kahit ngayon lang 

Hinawakan nung Soling ang gate at tumingin sa akin na tila ba naawa ito sa kakaiyak ko. "Pasensya na, Ma'am. Nakaalis na po talaga si Señorito."

Tuluyan nang sinara niya ang gate at umalis ito. Naiwan naman akong nakaluhod sa labas na para bang pinag bagsakan ng langit at lupa. 

"Lenience! Love! Please, lumabas ka r’’yan! Sige ka, magtatampo ako sa‘yo!" paos kong sigaw.

"Lenience!" Galit na ako sa kaniya kasi ayaw niya talaga na lumabas sa bahay nila. 

How about his promise? Hindi niya 'yon kayang tuparin? Bakit niya ako nagawang saktan ng ganito. 

Napalingon naman ako sa likuran ko ng maagaw ni Vincent ang aking atensyon dahil sa pag-aalala niya na sabi.

"Myloves, okay ka lang?"

Nakita ko si Mariel na umiiyak na rin habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone, na wari'y may kausap ito. 

Lenience.

"Kulimlim," iyak niyang sabi. 

Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya sabay agaw sa cellphone nito. 

"Si Lenience ba 'yan? Akin na," nabubuhayan kong sabi. 

Ayaw niya sana na ibigay sa akin ang cell phone niya pero wala na siyang magawa ng tuluyan ko itong maagaw. 

"Kulimlim," kabado at mahina niya na sabi habang umiiyak pa rin. 

Tuluyan na ako nawalan ng lakas nang marinig ko ang sinabi ng mama niya sa kabilang linya. Hindi ko magawang makapagsalita o umimik man lang, umiyak lang ako na para bang gusto nang mawala na lamang nang tuluyan sa mundong aking ginagalawan. 

"Please tell, Serenity, wala na si Benice. Natagpuan siyang patay kaninang umaga, Mariel."

Nawalan ako ng balanse sa narinig kong iyon na para bang nawalan na ng lakas ang aking mga tuhod lalo na ang aking katawan. 

"Kulimlim."

The pain of love will never stop. 

I lost my love, my everything, and my whole life. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top