Kabanata 30
KABANATA 30
[SUNSET]
Hipan mo na kandila ng keyk mo, anak. Tapos mag-wish ka na rin," masayang sabi ni papa sa akin.
Tiningnan ko naman ang kulay pink at may Barbie design na cake na binili niya para sa akin. Akala ko hindi siya makakauwi ngayon kasi may trabaho siya kaya nagtatampo ako sa kaniya kanina. Laking gulat ko na lang ng biglang may kumanta ng happy birthday song sa bahay tapos nilabas ko ito at siya ang nakita ko. Kaya, masaya na ang birthday ko kasi kumpleto kaming tatlo nila ni mama.
Agad ko namang hinipan ang cake ko at ngumiti. "Yehey," masayang sabi nila ni mama at papa habang pumalakpak.
"Ano ang wish ng Unica Hija, namin?" Nakangiti na tanong sa akin ni mama.
Bago ko siya sinagot ay inakbayan ko muna si papa at hinalikan niya naman ako sa noo at saka niyakap nang mahigpit.
Pagkatapos ay ngumiti ako sa kanila.
"Ang wish ko po, sana ganito tayo lagi. Tapos si Papa ay nandito na lagi sa bahay para masaya ako palagi," masaya kong sabi sa kanila.
"Matutupad ang wish mo na 'yan—" hindi nagawang tapusin ni Papa ang nais niyang sabihin nang bigla siyang napahawak sa kaniyang dibdib.
Nagulat naman ako sa ginawa niyang iyon kaya napabitaw ako sa pagka-akbay ko rito. "Papa."
Lumapit naman sa kaniya si Mam, na sobrang natataranta at kinakabahan. "Alex, okay ka lang? Anong nangyayari sa‘yo?!"
Hindi nagawang tumugon si papa sa kay mama at hawak-hawak niya lang ang dibdib niya na tila ba nasasaktan siya. "Alex," pag-aalala na tawag ni mama rito.
Walang isang salita ang lumabas sa aking bibig at nanatiling nakatingin lang kay papa na nakatingin din sa akin hanggang sa mahiga siya sa sahig dahil sa sobrang sakit na kaniyang dinaramdam.
Sa puntong iyon ay lumakas na ang iyak ni mama, habang ako ay unti-unti na rin ang pagtulo ng mga luha ko sa aking mata.
"Alex! Alex!" malakas na sigaw ni Mama pero ang mata ni papa ay nanatili pa rin sa akin.
"Pa," mahina kong iyak na sabi hanggang sa pinikit niya na ang kaniyang mata.
Bigla akong napaupo dahil sa pagpikit niyang iyon dahilan ng aking malakas na hagulhol.
"Papa!" iyak kong sigaw. "Papa, no! Huwag pa, gising!" patuloy kong sigaw sabay lapit sa kaniya at niyakap ito na pilit ginising.
"Alex! Huwag mo kaming iwan, Alex! Hindi ko kakayanin, hindi ko kaya! Alex!" hagulhol ni mama sa kakasigaw.
Tuluyan ng nanglabo ang aking mata dahil sa mga luha kong ayaw magpaawat. Wala na 'yong papa ko. Wala na 'yong taong nagpaparamdam sa akin ng tunay na kasiyahan.
Yakap-yakap ko si papa, pilit ko siyang gisingin pero hindi na siya humihinga.
Sa mismong birthday ko, hindi niya tinupad ang aking kahilingan.
"Blow your candle love and make a wish," masigla at masayang sabi ni Lenience sa akin.
Ikalimang araw na namin sa Camotes Island pero para sa akin parang kakarating pa lang namin dito kahapon. Ganyan naman siguro talaga lalo na pagnai-enjoy mo ang lahat ng araw.
Hindi ko akalain na isusurpresa ako nila ni Lenience ngayon. Sa susunod na linggo pa naman ang kaarawan ko pero nauna na nila itong pinagdiriwang.
Tiningnan ko ang cake na tinutukoy ni Lenience. Hihipan ko na sana ito ng may bigla akong maalala sa kulay na aking nakita. Kakulay nito ang cake na binili sa akin ni Papa sa mismong kaarawan ko. Nanumbalik din sa akin ang alaala, kung saan ang huli kong ihip sa kandila para makahiling ay kasabay ni ang pagkamatay ni Papa. Nang may nakita akong plato sa gilid ay kinuha ko ito, alam kong nagulat sila sa ginawa ko pero hindi ako nagpatinag sa aking binabalak.
Nang mahawakan ko na ang plato ay ginawa ko itong pamatay ng apoy ng kandila, baka kasi iiwan na naman ako kapag inihinipan ko iyon.
Hindi na ako humiling pa kagaya ng sabi ni Lenience, baka kasi hindi naman matupad. Nang matapos ko na iyong ginawa ay tumingin ako sa kanila at ngumiti nang bahagya.
"Advance happy birthday, Serenity!" masaya at masiglang bati ng mga kaibigan ni Lenience.
Lumapit naman sa akin si Mariel na may malaking ngiti sa labi saka ako niyakap nang mahigpit. "Advance happy birthday, Kulimlim!"
"Thank you, Guys," masayang pasasalamat ko sa kanila. "Ang aga naman ng celebration na 'to, Love, sa susunod na linggo pa naman ang kaarawan ko," sabi ko kay Lenience.
Nanatili lang siya sa tabi ko at tahimik, hindi niya pa rin siguro lubos inakala na ganun ang ginawa ko sa pagpatay ng kandila kanina.
"Kaya nga tinawag na advance, Kulimlim, ‘di ba?" singit na sabi ni Mariel.
"I mean—" Hindi pa man ako matapos magsalita ay pinutol na ito agad ni Lenience.
Lumapit naman sa akin si Lenience nang kaonti sabay akbay sa aking balikat. Nilingon ko naman ito at nginitian.
"Sinadya ko 'yan, Love, kasi ‘di ba, sa mismong birthday mo ay sa bahay ka lang magse-celebrate. Kaya gusto ko na maranasan mo rin na mag birthday sa dream destination mo kahit papano."
Sabagay, tama nga naman siya. Sa bahay ko naman talaga balak ipagdiriwang ang aking kaarawan dahil nakasanayan ko na iyon, noon pa man.
"Ang sweet naman ni Fafa Lenience. Pa-advance rin kami nila Matt, Bro," Vincent chuckled.
Nakita ko naman ang pagtawa ng iba niyang mga kaibigan at ni Mariel. Masaya lang silang nakikain sa gilid. Marami kasing hinanda si Lenience na mga pagkain. Syempre hindi mawawala ang grilled seafoods na paborito ko.
Kinuha ko ang kamay niya na nakaakbay sa balikat ko at hinawakan ito. Humarap siya sa akin sa ginawa kong 'yon at hinawakan rin ako pabalik.
Tumingin siya nang direkta sa aking mata at ganun din ako sa kaniya. He smirked, and I find it cute. "Sobra-sobra naman 'to, Love. Baka wala ka nang pera n'yan."
"Hindi 'yon ang mahalaga. Ang importante napasaya kita," tamis niyang sabi.
I heard Carl faked his cough. "Ang tamis naman ng cake!"
I chuckled about what he said, but I focused my attention to Lenience. "Thank you, Love."
He kissed my forehead again. I suddenly remember Papa about what he did. I hope this won't be his last kiss.
"I love you, too," Imbes na iba ang inaasahan kong sagot niya ay ‘I love you, too’ pa ang natanggap ko. How sweet.
"Bili ka rin ng cake mo, Dre, para tumamis ka rin kagaya ni Lenience," sabi ni Ivan kay Matteo na nakatuon lang ang atensyon sa pagkain.
"Tsk."
Napabitaw na naman siya sa paghawak sa akin ng tumunog ang phone niya. Agad niya itong kinuha sa bulsa upang makita kung sino ang tumatawag. "Sandali lang, I need to answer this call."
Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon tsaka naglakad papalayo. Sino kaya 'yon?
"Kain ka pa, Myloves," mahinang sabi ni Vincent kay Mariel.
Tinuon ko lang ang tingin ko kay Lenience habang nakakunot ang noo sa kaniyang kausap sa phone. Bigla namang napukaw ang aking atensyon noong may malamig na boses na bumati sa akin.
"Advance level up day, Fate!" cool na sabi ni Matteo.
I smiled at him. "Thank you, Matt."
Ngumiti lang din siya pabalik saka pumunta sa tabi ng dagat.
Binalik ko ang aking atensyon sa gawi ni Lenience. Kung kanina nakakunot ang kaniyang noo, ngayon ay hawak-hawak niya na ang kaniyang sentido at hindi mapalagay sa palakad-lakad. Sino kaya ang kausap niya? Ano kaya ang pinag-uusapan nila kaya siya ganiyan?
Napahinto naman ako sa pagtingin sa kaniya ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Dali-dali ko naman itong kinuha sa aking bulsa upang malaman kung sino ang nag-text sa akin. Nagulat naman ako sa nakita ko sa notification bar ko kasi naka-unknown number ito.
Binuksan ko ito agad at napagtanto ko kung sino ang nag-text sa akin. Si mama? Bakit iba ang number na gamit niya? Pero mas lalo pa akong nagulat at kinabahan ng mabasa ko ang text niya sa akin.
From Unknown Number:
Anak, si Mama mo 'to. Kumusta ka r'yan? Alam ko na masaya at nag-e-enjoy ka, ganyan lang lagi, ha? Dapat masaya lagi. Ingat ka r’yan. Labyu!
Nang mabasa ko ang buong text niya ay nagdulot iyon sa akin ng kakaibang kaba. Ang weird ng text niya, hindi ako sanay sa ganito niyang text, kasi madalas kung mag-text siya sa akin ay hindi ganito.
May nangyari ba kay mama? Bakit ako kinakabahan ng ganito? Akmang tutugunin ko na sana siya nang mag-text siyang muli.
From Unknown Number:
Huwag ka na mag-reply, Nak. Nakiki-text lang ako. Labyu.
I lost my words. Alam kung may mali talaga sa araw na ito. Hindi ko alam kung kay mama ba o kay Lenience, basta ang tanging alam ko lang may mali sa kanilang dalawa.
Napahinto ako sa kakaisip nang masama nppng may nagtanong sa akin sa likod na ikinalingon ko sa kaniya.
"Okay ka lang ba, Kulimlim?" nag-aalalang tanong ni Mariel.
Nagbuntong-hininga muna ako bago siya tinungon. "Ang weird kasi ng text ni Mama."
Binigay ko sa kaniya ang cellphone ko para mabasa niya man lang ang aking tinutukoy.
"Patingin?" She smirked. "Asus, naglalambing lang 'yan si Mama Benice. Parang hindi ka naman sanay."
I rolled my eyes at her and shrugged.
"Sana nga," wala kong gana na sabi.
I tried to dial those numbers, but it can’t be reached. Agad-agad?
After that, nag-decide ako na samahan muna sila sa pagkain habang hindi pa natatapos si Lenience sa kausap niya sa phone. Paminsan-minsan nahuhuli ko siyang tumingin-tingin sa akin at agad din namang iiwas. Bakit ang weird ng mga kinikilos niya? May problema ba?
Pagsapit ng gabi, naisipan namin ni Lenience na manood ng sunset. Gusto niya raw kasi makakita nito ngayong gabi kasama ako kaya pumayag naman ako agad.
I love how I see colorful the sunset right now. Nagustuhan ko kung paano tumama ang repleksyon nito sa dagat. Nakaupo kami ni Lenience sa buhangin habang ako naman ay hawak-hawak ang aking buhok na nililipad ng hangin. Pinagmasdan ko lang ang magandang sunset. Ang sarap niya sa mata pati na rin sa puso.
"Ano sa tingin mo, Love? Maging kasing ganda kaya ng sunset na 'yan ang kinabukasan natin?" basag niya sa aming katahimikan.
Bahagya ko siyang tiningnan saka ibinalik ang atensyon sa sunset. "Mas higit pa sa maganda Lenience. Balang araw pag nakapagtapos na tayo, tapos nakuha na natin ang mga pangarap natin sa buhay, sasabihin ko mismo sa sunset na 'yan, na mas maganda pa ang tagumpay na nakuha ko kaysa sa kaniya," nakangiti kong tugon sa kaniya.
I'm not that type of person who really love the sunset. Gusto ko lang ang kulay nito at ang hatid niya sa aking saya at relaxation, pero hindi ibig sabihin nun ay adik na ako rito. I love stars more than sunset. Since, when I was a kid, I prefer to adore stars, but I can't help myself appreciating the sunset's existence after all.
Na pansin ko ang titig ni Lenience, sa akin kaya nilingom ko ito. "Kasama ba ako sa mga pangarap mo?"
I smirked and shrugged. "Iyon kung gusto mong isama kita o kung gusto mo maging parte ng pangarap ko."
Kinuha niya ang dalawa kong kamay dahilan nang maharap ako sa kaniya. Inayos ko ang aking upo para maging kumportable ako sa pagharap ko rito. He looked at me straight and gave a deep breath.
"Hindi lang ako sasama, Serenity, sabay pa natin na aabutin ang mga pangarap mo kahit kasing layo man 'yan ng sunset na nakikita natin ngayon," he explained.
I really love this man. Not like the other boys, Lenience has his own vision in life. A man who always pushes you to reach your dreams and cheers you up when you feel down. I can't help myself, but I fall for him over and over.
I positioned my hands to his softie face and smiled widely. "Akalain mo, ‘pag nakapagtapos ka na may Engr. Lenience Zetheo Monte Carlos na ako."
I am super proud of my man. I know one day, when time comes that he will reach that dream, isa ako sa masayang tao pag mangyari man iyon.
Kinuha niya ang isa kong kamay saka maraham iyong hinalikan. He looked at me and smirked after the kiss he did. "Ikaw naman ang magiging architect ko."
Imagining ourselves during that moment makes my heart happy. Lenience reaching his dream to be an engineer while me, being an architect. I know it sounds weird, but for me I find it cute.
He cleared his throat. "Sabay nating aabutin ang mga pangarap na 'yan, Serenity. ‘Pag kasama kita sa laban ko na 'yon, alam kong makakaya ko."
I let my hands up on the air and smiled at him genuinely. "Simula ngayon, ang pangarap mo ay pangarap ko na rin."
At this moment, this beautiful and adorable sunset will be our witness to the dreams that we wanted to have in the future. Wala akong ibang nararamdaman sa araw na ito kundi ang sumaya sa kabila ng pagkabahala.
Alas nuebe y medya na ng gabi nang nakaramdam ako ng antok kaya napagkasunduan namin ni Lenience na bumalik na sa aming kaniya-kaniyang kwarto. Tig-iisa kaming kwarto ni Mariel kasi hindi kasi sanay ang isang 'yon na may katabing matulog. Habang ang boys naman ay iisa lang ang kwarto nila.
"Bumalik ka na sa kwarto mo, Love. Baka ano pa ang iisipin ng mga kasama natin n'yan, eh," reklamo ko kay Lenience.
He's standing in the front door of my room while looking at me sitting in my bed na sinusuklay ang aking buhok. Ang sabi niya ihahatid niya lang ako sa kwarto ko pero hindi ko akalain na magtatagal siya.
"Bakit? Wala naman tayong ginagawang masama, ah?" he whispered using his sexy voice.
I rolled my eyes at him. "Kahit na, Lenience."
Lumapit siya sa kinaroroonan ko dahilan nang mapatigil ako sa pagsusuklay ng aking buhok. Huminto siya sa may tapat ng aking kama at umupo sa aking tabi. Napaatras naman ako sa ginawa niya at nakita ko ang marahan niyang pagtawa sa ginawa kong iyon.
"Maliban na lang kung may binabalak ka sa akin." He chuckled.
"Lenience!" I exclaimed.
Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng baba niya kaya mas lalo akong nainis dito.
"Why?" inosente niyang tanong.
"Umalis ka na kasi."
Nang mapansin niya na naiinis na ako sa kaniya ay tumigil na siya sa kakatawa niya. Kinuha niya ang suklay na hawak-hawak ko at sinuklay iyon sa kaniyang buhok. Gago, akala ko pa naman sa akin niya gagawin 'yon.
"Hayaan mo na ako, Love. Aalis din naman ako agad pag nakatulog ka na," he commented.
I made a face. "Paano ako makakatulog n'yan?" taka kong tanong.
Hindi kalaunan ay binitawan niya rin ang suklay ko at nilagay iyon sa may mesa. Kinuha niya ang aking kamay at nilagay sa kaniyang mukha na para siyang bata na nilalaro-laro ito.
"Gusto lang naman kitang pagmasdan, eh. Gusto kong sauluhin ang buo mong mukha."
Nakagat ko naman nang marahan ang labi ko sa sinabi niyang iyon. Kinuha ko ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya umalis sa kama. Lumapit ako sa may mesa kung saan nakapaloob ang tubig ko at uminom nang kaunti.
Hinarap ko siyang muli at sa puntong ito sa upuan na ako naka-upo. "Lenience, araw-araw mo na ngang nakikita ang pagmumukha na ito, hindi ka ba nagsasawa?"
"Bakit naman ako magsasawa?" Lumapit siya sa akin at tumabi ng upo. "Sige na, matulog ka na. Babantayan kita."
Agad ko naman siyang sinunod. Lumipat agad ako sa kama ko habang siya naman ay nakaupo sa upuan sa tabi ng aking kama. Nang makahiga na ako at nakakumot na ay hindi ko maiwasang hindi makatingin sa kaniya.
"Ang gwapo mo pala," komento ko.
Imbes na matuwa siya sa sinabi kong iyon ay nag-iba ang timpla ng kaniyang mukha. Malungkot ito na nakatingin sa akin at ganun din ang kaniyang mga mata.
"I love you."
Nagulat na lang ako bigla sa nagawa niyang tugon sa aking sinabi kanina.
I gave a deep breath and sighed. "Hindi naman 'yan ang sagot, Lenience, eh."
Kinuha niya ang isa kong kamay at maharan itong hinalikan. Adik ba 'to sa past life niya? He always does that, kissing my hands and saying I love you. Sa araw na ito, hindi na mabilang kong ilang beses niya itong ginagawa. That's strange.
"I love you," he said again, the second time.
"Lenience."
"I love you," he mouthed.
Kinuha ko ang kamay ko sa kaniya ng padabog at inirapan ito. "Hindi na ako natutuwa, Lenience."
"I love you." Third time.
Umupo ako mula sa pagkahiga kasi hindi ko na siya magawang intindihin. Nagulat naman siya sa ginawa ko at napatingin ito sa akin bigla.
"Tapatin mo nga ako, Lenience, may nangyari ba kaya ka nagkakagan'yan?" pag-aalala na tanong ko sa kaniya.
"I love you."
"Iiwan mo ba ako?"
Hindi na ako natutuwa sa I love you niya ngayon kung noon nasisiyahan ako kapag naririnig ang mga ito, pwes ngayon naiinis na ako.
Napansin ko ang pagkatahimik niya bigla kaya nilapitan ko ito. ˜agulat ako kasi namumula ang kaniyang mata dahilan na mas lalo akong kinabahan sa kaniya.
"Umiiyak ka ba/"
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa kasi bigla niya lang akong niyakap. Kahit gulat ako ay niyakap ko na lang siya pabalik.
He cleared his throat. "I love you, Love. Please, sabihin mo ‘I love you, too, Lenience’. Sige na," pagmamakaawa niya sa akin.
Kumalas ako sa pagkayakap niya dahil hindi ko ma talaga gusto ang mga kinikilos niya, lalo na't kinakabahan ako ngayon na para bang kung ano sa sarili ko na dapat akong kabahan at matakot.
"Ano ba 'yan, Lenience? Hindi na nakakatawa," inis at madiin na sabi ko rito.
He held my hands and kissed it again. "Just say it, please."
Hindi naman siya ganito ka-clingy dati, ah. "Ayaw ko, gusto ko sabihin mo sa akin ang totoo. May nangyari ba?"
"I love you. I love you. I love you."
"Lenience, naman, eh. Ano ba?"
Nawalan na ako ng pasensya sa mga ginagawa niya. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko para sabihin niya sa akin ang totoo.
I turned my back to him and lie in my bed. I don't have time for your joke, Lenience. Hindi siya nakakatuwa, nakakainis ka. You made me confused by your actions. I don't find it funny at all.
Ramdam ko ang pag tabi niya sa akin sa paghiga kasi biglang lumubog ang kama. Niyakap niya ako mula sa likod pero hindi ko siya pinansin. Gusto kong mag protesta at awatin siya sa pagkayakap niyang iyon pero hindi ko magawa.
I can feel the warmth of his breath in my neck and that gives me a strange feeling. Hinalikan niya nang kaonti ang balikat ko pati ang aking buhok. Ramdam ko naman ang paghihigpit ng yakap niya at hinayaan ko lang siya.
"Tulog ka na, Love. Sleep well. Huwag kang gumising nsmg masyadong maaga, ha? Kasi late ka nang matutulog ngayon," malambing niya na sabi.
Ayaw ko siyang sagutin sa sinabi niya at hayaan siyang magsalita na mag-isa pero ang sumunod na salitang kaniyang binitawan ay nagtulak sa akin na tugunin ito.
He took a deep breath. "I love you, beautiful. Lenience loves you more than how he loves his existence."
Sa puntong ito ay nagawa ko ng harapin siya. "Mahal din kita," I whispered with a smiled.
He smiled back at me and kissed my forehead for the nth time.
"Tulog ka na. Kailangan mo pa naman ng lakas bukas."
Wala akong magawa na salita nang marinig ko iyon sa kaniya pero mas nangibabaw ang malakas na tibok ng aking puso, hindi dahil sa tuwa kundi sa labis na kaba. Alam ko na may mali talaga kay Lenience. May mali sa araw na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top