Kabanata 3
KABANATA 3
[ALLERGY]
"SINAG, sige na. Sasamahan mo lang naman ako, eh. Sige na, please?" pagyayaya ko sa kaniya na samahan akong hanapin si Lenience. Gusto ko nang humingi ako ng sorry para sa kapakanan ng scholarship ko.
I really need to do it. To say sorry. I need it that bad.
Napakamot siya sa kaniyang leeg na para bang hindi niya alam kong papaano niya ako sasamahan. "Eh, baka maghahanap ka lang ulit ng gulo do’n. Baka ikakapahamak pa natin 'yon pareho," naguguluhan niyang tugon sa akin.
Tinignan ko lang siya habang umupo sa chair niya. Ako naman ay hinihila siya para samahan niya na ako.
"Hindi naman. Promise manghihingi lang talaga ako ng sorry tapos aalis na tayo agad."
She bit her lips and cleared her throat. "Promise?" seryoso niyang tanong.
Tumango naman ako bilang tugon. "Hindi ka manggugulo do’n, ha, kasi aalis talaga ako," dagdag niya pang paalala.
Promise, magso-sorry lang talaga ako. Pero kung maiipit ako sa sitwasyon baka may gulo na naman.
"Oo, hindi ako mangugulo. Magso-sorry lang ako tapos alis na tayo agad." Gusto ko na tumayo na siya agad sa upuan niya nang makaalis na kami. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.
Salamat naman.
"So, tumayo ka na r'yan! Hahanapin pa natin siya, bilis. Dali, Sinag!" natataranta kong higit sa kaniya para mahanap na agad namin si Lenience.
"Oo, wait lang. Ito na tatayo na po." Tumayo naman siya gaya ng sabi niya. Agad kaming umalis sa room namin, saka hinanap si Lenience.
Kagaya ng nais kong mangyari, hinanap nga namin si Lenience. Kaso kanina pa kami paikot-ikot sa MCU, pero ni anino niya ay hindi namin nakita.
Napahinto ako sa may labas ng building na kinaroroonan namin ni Mariel. Nilinga-linga ko ang paligid. Ang daming tao kaya nahihirapan ako kung papaano ko hahanapin si Lenience. Sobrang lawak kaya ng MCU. Hindi ko nga lubos akalain kung bakit ganito kalaki ang school na ito.
May nakikita ako ilang mga estudyante na tumatambay sa may malapit na baseball field ng school. Napapunta kami ni Mariel doon. Lahat sila busy sa kakapanood ng laro kaya hindi ko alam kung nandito rin ba si Monte Carlos.
"Asan ba kasi siya? Hindi mo ba alam kung saan siya madalas tumambay, Sinag?" pagod na tanong ko.
Anong sulok pa ba ng MCU ang hindi namin napuntahan? Lahat naman yata, eh. Maliban na lang sa gym o sa basketball court.
Umiling-iling si Mariel sa nagawa kong tanong sa kaniya. "Hindi ko alam. Hindi niya ako stalker ‘no," tugon niya.
Para akong nawalan ng pag-asa na mahanap ko si Lenience ngayon. Siguro absent siya kaya hindi ko siya makita. Aalis na sana ako kaya nilinga ko ang aking paligid para i-confirm na wala nga talaga siya rito. Isang hakbang na ang nagawa ko para sa nais kong pag-alis nang bigla kong nahagilap ang taong nais kong makita ngayon. Bigla akong sumigla nang makita ko si Monte Carlos na nakikitawa kasama ang kaniyang mga barkada.
Napahawak ako sa kamay ni Mariel dahilan nang magtakang-tingin siya sa akin. "Ayon, Sinag! Ayon siya! Dali, puntahan natin!” masaya kong sabi sa kaniya sabay turo sa kinaroroonan ni Lenience.
Walang pasabi kong hinatak si Mariel para mapuntahan namin sila Lenience. Nagulat naman siya sa ginawa kong iyon pero hindi ko na ito pinansin pa.
Nang makarating kami sa pwesto nila. Agad namin silang nilapitan at nakasunod lang sa akin si Mariel. Nang huminto na kami sa harap nila ay sabay-sabay silang napalingon sa amin maliban kay Lenience na nasa kung saan-saan nakatoon ang atensyon.
"Oy, dude, may bisita ka," tawang sabi ng isa niyang kaibigan na may katangkaran, saka g’wapo rin. Para siyang tisoy sa kaniyang unipormeng soot. Nakita ko naman ang ID niya kaya nabasa ko ang kaniyang buong pangalan. Matteo Esteban Menesis.
"Gulo na naman ‘ata ang hanap, ‘dre," sabi pa no’ng isa na medyo kasing tangkad lang ni Lenience. Singkit ang kaniyang mata. May lahi yata siyang Chinese. Ivan Roel Chua. Iyon ang nakalagay sa ID niya. Tama nga ako, apleyedo pa lang alam na.
Nag-iba naman ang reaksyon ko sa mga pinagsasabi nilang iyon. Pero si Monte Carlos ay wala pa ring paki sa presensya ko. Siya pa naman ang pinunta ko rito.
"Hoy, hindi, ah. Hindi ako maghahanap ng gulo,” nahihiya kong angal sa mga pinagsasabi nila. “Napasugod lang ako rito kasi nais ko sanang manghingi ng sorry kay Lenience."
Nagawa kong sabihin ang mga salitang iyon gamit ang aking mahinahon na boses. Please Lenience, notice me naman kahit ngayon lang.
"Oy, Pare, sorry raw! Haha," tawang pang-iinis ng kaibigan niyang kulay ash ang buhok. Carl Thomas Alejandro. Iyon ang basa ko sa ID niyang soot.
Napapansin ko lang, bakit puro g’wapo ang magbabarkada na ‘to? Namimili ba sila ng kakaibiganin? Dapat ba g’wapo lang ang kaibigan nila?
Nagpeke na lang ako ng ngiti sa mga ito, pero hindi pa rin kumikibo si Lenience. Naisipan ko na lumapit sa kaniya bigla para mapukaw ko ang presensya niya. Thanks God, nagawa ko rin siyang palingunin sa gawi ko.
Napatingin siya sa akin gamit pa rin ang reaksyong inaasahan ko. Ang g’wapo niya sa uniporme niya. Bumagay sa kaniya ang may bangs niyang buhok, medyo singkit niyang mata, mahaba niyang pilikmata. Ang perpekto naman ng taong ‘to. Nakakainggit, sarap ibulsa.
"Um, Lenience, sorry pala ro’n kahapon, ha. Promise, hinding-hindi ko na uulitin 'yon. Isa pa, gagawin ko ang lahat mapapatawad mo lang ako. Huuwag mo lang sabihin sa Daddy mo na tanggalin ang scholarship ko,” kabado kong pagpapaintindi sa kaniya. “Kasi kailangan ko 'yon, eh. Tapos importante 'yon sa akin at sa mama ko, please?"
Nagawa kong tapusin ang mga sinabi kong iyon na nakatingin sa kaniyang mga mata. Aminado akong kakaiba ang kaba na dulot ng ginawa kong ‘yon sa akin, pero I need to do this. Ang iimportante napansin niya ako na ako.
Napanganga naman ako sa reaksyong ginawa niya. Naging dahilan ito ng mapansin ko na may dimples pala siya. Woah, ang g’wapo niya lalo kahit hindi siya nakangiti. Ano kaya ang kinain ng mama niya no’ng ipinagbuntis siya nito? Papaano siya nagkaroon ng ganito ka g’wapong anak?
Sa tinding pa lang ni Lenience mahahalata mo talaga na galing siya sa isang mayaman na pamilya. Pero sa kinikilos niya na nakikita ko, siguro kulang siya sa pansin. What I mean is ‘yong pansin mula sa isang magulang. Ewan ko pero iyon ang tingin ko sa kaniya.
Ako kahit mahirap kam, ni minsan, hindi nagkulang ang mga magulang ko na iparamdam sa akin ang paglingap na kailangan ko. They always prioritize me than their works.
"What do you mean?" taka niyang tanong dahilan nang magising ako mula sa kakaiisip ng kung anu-ano.
I cleared my throat. "Isa kasi ako sa scholar ng MCU. Baka kasi isusumbong mo ako sa Daddy mo sa ginawa ko kahapon, matanggal pa ako. Kaya sorry na, please. Promise, I will do anything para mapatawad mo."
Sa buong buhay ko, never ko pang nagawa ang mag-beg sa isang taong hindi ko kilala para sa isang bagay. Ngayon lang. Kay Lenience pa lang.
Tinawanan lang ako ng mga kaibigan niya. Samantalang siya tiningnan niya lang ako gamit ang blangko niyang expression. Anong problema ng mga ‘to? Bakit? Mahirap ba paniwalaan na isa akong scholar sa university nila? O, mahirap paniwalaan na nakapasa ako bilang scholar?
Napatikhim naman si Lenience sa sinabi ko sa kaniya. "Gagawin mo ang lahat, kiddo, para lang sa sorry?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Nasa akin ang buo nilang atensyon, pati na rin si Mariel na ngayon ay nasa gilid ko na. Marahan kong itinago ang aking ulo, saka nagsalita.
"Oo, gagawin ko!" lakas loob na tugon ko sa kaniya.
Napasinghap siya nang malalim gawa ng sinabi ko. Nilagpasan niya ako ng kaonti kaya napatingin ako sa direksyon nito. Nasa loob na ng kaniyang bulsa ang kamay niya kaninang nakahawak sa baba nito. Napatigil siya sa may ‘di kalayuan, saka sinalubong ako ng tingin. Napalunok naman ako sa ginawa niyang iyon.
"So, scholar ka pala sa university namin?" seryosong tanong niya na ikinatango ko. "Since nabanggit mo na gagawin mo ang lahat to accept your apology. So, this is for your first task."
Bakit ako kinakabahan sa sinabi niya? Taray, ha, conyo si kuya. Lakas maka-taglish. "Kaya ibigay mo ‘to kay Faye. And if you’ll make it, mapapatawad na kita."
Laking gulat ko na lang nang may kinuha siyang puppy sa gilid niya. May aso pala rito? Bakit hindi man lang gumawa ng ingay? He gave it to me and that makes me smile. I love dogs so much. They are my happy pill and they are my stress reliever.
"Woah, ang cute naman nito. Hi, baby, what is your name?" Hangkyut.
Hinagod-hagod ko ang aso nang bigla siyang magsalita. "That’s not for you. Kaya huwag kang feeling na tila ba you're the owner," pang-eepal ni conyo boy.
Napabuntong-hininga ako sa sinabi niyang iyon. Ibinaling ko sa kaniya ang aking tingin, saka nag-pout. Para bang nasaktan niya ako sa sinabi niya. "Grabe naman. Hindi ba pwedeng happy pill ko lang sila kaya ako nasisiyahan,” pag-aangal ko rin.
“Oh, kanino ko naman ba ‘to iibigay para matapos na agad?"
Tumingin lang siya sa akin, saka nagtaas ng kaniyang kilay. Tsk, suplado. "I said kay Faye! God. Hindi kasi nakikinig."
Sino ba kasi si Faye? Paano ko ito ibibigay sa kaniya eh, ni hindi ko naman iyon kilala.
"Sino si Faye?" seryoso kong tanong na may halong pagtataka.
"It's none of your business."
"Aba, gago! Papaano ko ‘to ibibigay sa kaniya kong hindi ko man lang siya kilala, aber?"
He gulped and pointed his finger sa babaeng nakatalikod sa amin. "Yong babaeng 'yon na naka dilaw, 'yong maganda. Give it to her." Kailangan pa talagang i-emphasize ang salitang maganda?
Ah, siya pala si Faye. Nako, ang layo ko pa nga sa kaniya agad ko ng nakita ang angkin niyang ganda. Kaya pala na-inlove kasi maganda nga naman. Mabait din kaya siya?
"Okay po, papibrows!" sabi ko sa kaniya. Akmang aalis na sana ako nang magtanong siya.
"Anong papibrows?" nakasimangot niyang tanong.
"'Di ba aso mo ito? Ibig sabihin ikaw ang ama niya kasi sa‘yo naman ito galing. Isa pa, ang kapal kasi ng kilay mo, pero ang kyut. Kaya papibrows dapat ang tawag ng aso mo sa‘yo. Saka magkamukha kayo ng aso mo kaso mas pogi 'to. Don’t worry mga 1/4 lang naman ang lamang niya sa‘yo," paliwanag ko sa kaniya na siya namang ikinatawa ng mga kaibigan niya.
"Shut the f*ck up!" galit niyang sigaw kaya napatahik kaming lahat. Kahit ako, nagulat din sa pagsigaw n’yang iyon. Hindi ko ‘yon inasahan, ah.
Suplado.
"Sige, Sinag, d'yan ka muna babalik din ako. Gagawin ko muna ang utos ni Señorito. Baka kasi kung papatagalin ko pa tataas ang dugo niya. Double na naman ang pananagutan ko kung nagkataon.”
Napahagikhik ang mga kaibigan niya sa sinabi kong iyon kaya mas lalong sumama ang tingin niya sa akin, pero agad ko itong tinalikuran matapos ko siyang irapan.
Faye pala, ha? Tignan lang natin kung tatanggapin niya ba. Sana hindi, para mapahiya ka naman at this time.
"Excuse me," pagpapasintabi ko sa kanila nang makarating ako sa kinaroroonan nila Faye. Nag-uusap yata sila ng mga kaibigan niya kaya nag-excuse na lang ako bilang paggalang. Nilingon ako ng mga ito. Ngumiti naman ako sa kanila.
"Hi, Faye," feeling close na bati ko sa kaniya.
Imbis na ngiti ang inaasahan kung tugon nito ay itinaas lang niya ang isa niyang kilay. Woah, ang ganda niya naman kahit nakataas ang kilay.
"Yes?" Okay, tama ako ng taong nilapitan. I looked at her ID and I saw her name there. Alecia Faye Sandoval.
“Um, pinabibigay po pala ni Lenience. Ito oh, ang cute," sabi ko. Ibibigay ko na sana ang puppy sa kaniya kaso lumayo ito bigla, saka tinakpan ang kaniyang ilong.
Hala, bakit? Mabaho ba ako?
Palihim kong inamoy ang aking sarili baka ako 'yong mabaho, kaya siguro tinatakpan ang kaniyang ilong. Pero hindi naman ako amoy kanal. Amoy, johnson baby powder pa naman ako, ah.
Ah, baka ‘yong aso ang mabaho. Tama ‘yong aso nga-what? Teka, allergic ba siya rito? Kung gano’n eh, bakit ito ang binigay ni Lenience sa kaniya?
"Ilayo mo nga sa akin 'yan. Balak mo ba akong patayin ng wala sa oras?" Nasabi niya ang mga salitang ‘yon gamit ang mataas at galit niyang boses. Natakot na ako sa kaniya.
Wow! Hindi ko nga alam na allergy ka rito, eh. Arte nito. Patay agad? Hindi ba pwedeng ma-hospital muna? Ang arte talaga ng mga mayayaman.
"Po? Si Lenience po ang nagpapabigay nito para sa inyo raw. Look, oh, magkamukha pa nga sila, ‘di ba?" ngiti kong tanong sa kaniya. Parang balewala lang sa akin kung allergic talaga siya sa aso.
Tinaas niya lang ang kaniyang kilay and she rolled her eyes na tila galit. Patay! "Sabihin mo sa Lenience na 'yan na hindi ko kailangan ang puppy niya. Sabihin mo rin sa kaniya na mas lalong hinding-hindi ko siya mapapatawad!" galit niyang sabi, saka tinalikiran na nila ako ng tuluyan.
Nahiya naman ako sa nangyari. Lalo na’t napansin ko na pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid. Kung kanina nasa kaniya-kaniyang extra-curricular activities sila nakatingin, ngayon sa akin na.
Ano ba kasing drama nila sa life? Isa pa ang Faye na ‘yon, bagay nga sila. Parang si Lenience lang din walang GMRC. Tsk. Anong problema niya? Takot ba sa aso 'yon? Tapos hindi niya mapapatawad si Lenience? Bakit?
Lumingon ako sa kinaroroonan nila ni Lenience. Nagtataka rin silang nakatingin sa akin, kaya dali-dali akong pumaroon.
"Eh, ikaw naman kasi, magbibigay ka na nga lang ng peace offering ‘yong puppy pa talaga na ayaw niya?” sabi ko agad nang makabalik ako kung saan ako nanggaling kanina.
Bumuntong-hininga ako. “Allergy yata kaya ayon nagalit. Sabi pa niya hindi ka raw niya mapapatawad tapos hindi niya ito tinanggap. Sayang naman," dagdag na pagpapaliwanag ko sa kaniya.
OA rin makareact ng isang 'to. Akala niya pinagbagsakan siya ng langit at lupa. "Sa‘yo na 'yan. You love puppies, right?"
Mga salitang nagpangiti sa akin ng sobra.
‘Yon, oh.
I smirked and teased him. "Sabi ko na nga ba, sa akin mo talaga balak ibigay 'to kaso nahihiya ka lang sabihin," pagpapakyut na sabi ko. Sinundot-sundot ko siya sa kaniyang tagiliran na ikinainis niya lalo. "Thank you, ha?"
Inayos niya ang uniporme niyang nagusot ko dahil sa aking sundot. Nagblankong ekspresyon na naman siyang humarap sa akin. "'Wag kang feeling. Hindi pa kita pinapatawad kaya huwag kang makapante r’yan. Go back there tomorrow at exactly eight in the morning,” paliwanag niya sabay talikod sa akin. Umalis na sila agad ng mga kaibigan niya.
"Mayro’n pa?" habol kong sigaw.
What? Hindi pa 'yon sapat para tanggapin niya na ang sorry ko? Nako at may bukas pa talaga, ha? Baliw ba siya?
Tumingin na lang ako kay Mariel, saka huminga nang malalim. "Sayang naman ito, Sinag. Mabuti na lang at sa akin binigay," nakangiti kong komento.
Ramdam kong hindi natuwa si Mariel sa mga nangyari ngayon. Nakita ko ang nag-aalala’t nalulungkot niyang mukha.
"Halika na, bumalik na tayo sa silid natin. Wala naman pala tayong mapapala rito. Pinagod ka lang ng gagong 'yon!"
Tama nga ako, galit nga ito. Mabilis niya akong hinatak pabalik sa silid namin kaya hindi na ako nakaangal pa.
Ano kaya ang meron sa kanila ni Faye? Kaya ba siya suplado dahil sa kaniya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top