Kabanata 28
KABANATA 28
[CAN'T GET ENOUGH]
"Nasaan si Jio?" galit kong tanong sa mga kaibigan nito na naglalaro ng basketball.
Napatigil ang mga ito sa paglalaro dahil sa presensya ko. Tiningnan lang nila ako gamit ang blanko nilang ekspresyon sa mukha. Nilapitan ko ang isa nilang kaibigan na nakaupo sa gilid kasi alam kong may alam ito sa lahat ng nangyayari dahil siya ang madalas na kasama ng syota ko.
Nagulat naman siya ng makalapit ako rito, akmang aalis na sana siya mula sa pag-upo at balak akong takasan kaso nahuli ko siya gamit ang aking kamay. Mas lalo pa siyang nagulat ng mapagtanto niyang hawak-hawak ko na ang kaliwang braso nito.
I gave a deep breath and looked at him. "Nasaan si Jio? Nasaan ang magaling mo na kaibigan?"
Dama ko ang panginginig niya sa nagawa kong tanong at pinagpawisan pa ito ng sobra.
"Hindi ko alam," nabubulol at kabado niyang sabi. Sinungaling!
Nilapitan ko pa ito nang bahagya para lalo siyang kabahan at saka siya sinamaan ng tingin.
I chuckled. "Ayaw mong sabihin o tatadyakan ko 'yang sa‘yo!"
Pilit niyang agawin sa akin ang kamay niyang hawak ko pero bigo siyang gawin ito dahil hinigpitan ko ito ng hawak. Sa halip na siya ang inaasahan kong sagot ay iba ang gumawa nito.
"Nasa loob," agaw na sabi ng isa habang nginunguso ang CR na malapit sa gym.
Sabi ko na nga ba!
Binitawan ko ang kamay ng lalaking 'yon pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay kinuha ko ang hawak niyang bola at binato sa pintuan ng CR. Nakita ko ang pagka gulat nila, pero hindi ko na ito pinasin pa.
Nang marating ko ang tapat ng pintuan sa CR, na iyon ay hindi ito nagbukas pero may naririnig na akong hindi ko dapat marinig.
"Ano ba, Hon, be careful," Mahinang sabi nu’ng babae sa loob.
Agad nag-init ang aking ulo dahil sa narinig kaya agad kong binuksan ang puntuang iyon. Tama nga ako!
Pagkabukas ng pinto ay agad kong nakita ang syota kong demonyo na nakikipaghalikan sa pinsan ko?
"What the—Babe?" Gulat na sabi ni Jio.
Humiwalay sa kaniya bigla ang pinsan ko at gulat na tumingin sa akin.
"How dare you, Jio!" Sigaw ko Rito.
Wala akong pake kong may makarinig man sa ingay na aking ginawa basta ang alam ko lang, gusto ko nang pumatay dahil sa matinding galit.
Lumapit sa akin si Jio at hinawakan ang kamay ko pero agad ko itong tinanggal. Nakita ko rin na gusto akong lapitan ng aking pinsan pero umatras ako nang bahagya mula sa kaniya.
"Serenity, it's not what you think. Inaayos ko lang ang damit ni Jio. Let me explain—"
Bago pa man siya matapos sa sinabi niya ay lumapat na ang mabigat kong kamay sa mukha niya.
Kung akala niya na hindi ko praktisado ang pananampal ni Angel Locsin, pwes, nagkakamali siya. Napahawak siya bigla sa nasampal niyang mukha dahilan nang matahimik ito sa gilid. Agad ko naman na binalingan ng tingin si Jio na ngayon ay kabado na rin at malalim na ang hininga na nagawa niyang ilabas.
"Putik, Jio, sa pinsan ko pa talaga? Sa dami ng pwede mong landiin si Erika pa talaga?!" pagsigaw ko rito.
Pinilit niya pa rin akong hawakan at lapitan para pakalmahin pero hindi ko siya hinayaang gawin iyon.
"Babe, kasi ano natukso lang ako—"
Sa kaniya ko naman pinakawalan ang sunod kong sampal. Sampal na 'yan ni Maricel Soriano.
"Tanginang dahilan 'yan, Jio! Ang sabihin mo malandi lang talaga kayo!" galit kong sigaw sa kanila. "Kailan niyo pa ako nagawang lokohin, ha?! Kailan?!"
Hinintay ko silang sumagot pero wala ni isa sa kanila na gawin ito. "Hindi niyo sasabihin? Gusto mo kaladkarin ko pa kayo sa palabas! Kailan?!"
"Nu’ng tatlong buwan pa lang kayo ni Jio, Serenity," naiiyak na sabi ni Erika.
Napatigil naman ako sa sagot niya dahilan ng pagsilabasan ng mga traydor kong luha. "Limang buwan niyo na akong niloloko? Ganun ka tagal," iyak na sabi ko.
Lumapit sa akin si Erika para magpaliwanag pero lumayo ako. "Huwag mo akong lapitan. Wala akong pinsang malandi. Mang-aagaw. At higit sa lahat makitid ang utak!" diin at galit kong sabi.
Napaatras naman ito sa sinabi ko kaya si Jio naman ang may lakas na loob na lapitan ako. "Babe, ikaw ang mahal ko."
"Tangina! Ako ang mahal mo? So, ano si Erika, sawsawan?"
"No, hindi—" Hindi ko na siya hinayaang tapusin ang nais niyang sabihin. Nilapitan ko ito at dinuro.
"Anong hindi? Huwag mo akong lokohin Jio, hindi ako tanga. Bobo lang ako sa Math pero hindi ako bobo sa ganitong uri ng panloloko. Magsama kayo! Ang bababoy niyo!" pagputol ko sa kaniya saka ito tinalikuran.
Napansin ko ang pagtitinginan sa akin ng mga kaibigan niya pero hindi ko ito pinansin. Pinunasan ko ang luha kong nagsilabahan. Patuloy lang ako sa paglalakad nang bigla niyang hagitin ang kamay ko dahilan ng aking pagkahinto at pagharap sa kaniya.
"Ano naman ba?" galit na sigaw ko sa aking pagkahinto.
"Please, Babe, let me explain. Pakinggan mo naman ang sasabihin ko, sige na," pagmamakaawa niya sa akin.
Tinanggal ko ang kamay niya na naka hawak sa braso ko at marahang pinunasan ang aking luha mismo sa harapan niya. Hinarap ko ito at tiningnan nang malamig.
"Sapat na 'yong nakita ko kanina, Jio. Wala ka nang dapat pang ipaliwanag. Naiintindihan ko naman 'yon kasi hindi naman ako pinalaki ng Mama ko na tatanga-tanga. Salamat sa eight months, ten days." Huminto ako at tumingin sa aking relo. "Nine hours, fifty-six minutes and twenty-three seconds. Tapos na tayo." At saka ito tuluyang tinalikuran.
Simula ngayon, isinusumpa ko ito lang ang una at huling pagkakataon na maging bobo at tanga ako sa pag-ibig. Sa susunod, hindi na ako masasaktan pa.
"Baka ang lalim na r'yan, Love. Hindi pa naman ako marunong lumangoy," reklamo ko kay Lenience habang hawak-hawak ang kamay ko.
Napagpasyahan namin na maligo kami sa dagat ngayon kasi gusto niya raw ako makasamang maligo sa unang pagkakataon. Gusto ko sana roon sa pool pero gusto niya na rito muna kami at mamayang gabi dun na. Akalain mo dalawang beses kaming maliligo. Sila Mariel naman at Vincent ay napag-isipan na libutin muna ang buong resort, habang ang MCU Boys naman ay naglalaro ng volleyball.
Sa Santiago White Beach kasi namin napiling mag stayrito sa Camotes Island dahil isa ito sa may pinakamagandang tourist spot. Marami kang magagawang outdoor activities, lalo na pag-low tide. This is a public beach and one of the most popular beaches of Camotes Island. Pwede rin sa mga bata ang beach na ito, they can swim and play. Pag-low tide naman, you can walk on the sand bar as far as you want or play any games you can. Pwedeng-pwede rin 'to sa mga matatanda, mapakaibigan, pamilya at kahit malaking grupo ay pwede rito. Swak na nga sa paningin at panlasa hindi pa masyadong masakit sa bulsa.
"I'm here naman, aalalayan naman kita," nakangiti niyang sabi sa akin.
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Mayamaya pa ay huminto na ito dahilan nang nahinto rin ako.
"Come closer.” Sabay alok sa isa niyang kamay.
Lumapit naman ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking bewang at ramdam kong ang malamig na kamay nito. Nakatayo kaming pareho. Inilagay niya naman ang aking dalawang kamay sa kaniyang leeg dahilan ng tingnan ko siya sa mukha.
"I love you, Love.” Sabay halik sa aking noo.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "I love you," matamis kong tugon dito.
How I wish ganito na lang kami lagi. Hinawi niya ang basa kong buhok at inayos naman 'yong iba na nakakalat sa aking mukha. "Akala ko ba mag-two-two-piece ka ngayon."
Marahan ko siyang hinampas kaya napatawa ito nang bahagya. "Alam ko 'yang tumatakbo sa utak mo, Lenience."
Nakasuot lang kasi ako ng pang-beach na short ngayon tapos white sleeveless habang siya naman ay walang pang-itaas at naka casual beach short. Kaya medyo ako nailang kasi wala siyang pang-itaas na damit.
"Nag-enjoy ka ba, Love? Gusto mo gawin natin lahat ng gusto mong gawin sa island na ito?" nakatingin niyang sabi sa akin.
Mas hinigpitan niya pa ang pagkayakap niya sa bewang ko dahilan nang masiksik ako sa kaniya. Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba sa buong sistema ko.
"Wala na naman akong ibang gustong gawin, eh. Masaya na ako ng maapakan ko ang white beach na ito maliban na lang sa gusto kong kumain dun." Sabay turo ko sa isang restaurant na nakapwesto sa beach.
Iba kasi ang restaurant nila rito, nasa mismong beach siya tapos wala pang wall na nakaharang. Like, open siya at kitang-kita ka ng lahat na kumakain kaya gusto ko 'yong i-try.
"You want to eat grilled seafood?" taka niyang tanong. Tumango na lang ako sa kaniya bilang tugon. "Kain tayo r'yan mamaya. Maliligo muna tayo."
Gusto ko na sanang maligo nang matapos kami agad para makakain na kami dun nang mapagtanto ang posisyon namin ni Lenience. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Paano tayo maliligo n'yan, Lenience, kung nakaakap ka sa akin?" takang tanong ko rito.
I saw him chuckled and positioned his hands on my face. I can feel warmth on it and that gives me different kinds of feelings.
"I can't get enough in every inch of you. Gusto ko yakap na lang kita lagi. Gusto ko ganito na lang tayo lagi. Gusto ko rito, kasama mo palagi. Gusto ko na araw-araw tayo ganito," he explained.
Nanatili pa rin kami sa ganoong posisyon habang ang aking isang kamay ay nasa batok niya at ang isa naman ay nasa dibdib nito.
I looked at him and wondered. "Magkasama naman talaga tayo lagi, ah. Pagkatapos nito, magkikita naman tayo sa school, ‘pag weekend naman dumadalaw ka naman sa bahay. Anong ina-arte-arte mo r'yan?"
He bit his lips and smiled. Sa pagkakataong ito ay nasa bewang ko na ang kamay niya na nasa mukha ko kanina.
"Hayaan mo na lang ako, Love. Basta gusto kong gawin lahat ng bagay kasama ka. Kung hindi naman ikaw kasama ko, 'wag na lang."
I felt weird at what he said. And I can't help it, but to ask. "Tell me."
"Hm." He kissed the tip of my nose gently.
"Bakit ako?" tanong ko rito. "I mean, bakit ako ang napili mong isama na gawin ang mga bagay na gusto mo, bakit hindi 'yong iba?" I added.
I wanted to ask that question since then, hindi lang ako makahanap ng perfect timing. Siguro ito na 'yon. Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya at ganun din siya. Napaigtad naman ako nang bigla noong mas lalo pa niya akong inilapit sa sarili niya. That make me felt nervous. Parang nag-aaway na ang mga paru-paro siya tiyan ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
He held my right hand and intertwined it on his hand. "I love you. And that's the reason behind it."
Alam ko na naman na mahal niya ako, but I want to him to say something except to that answer.
"Maliban sa mahal mo ako, ano pa?" tanong ko pa rito.
Hindi niya siguro inaasahan na tatanungin ko iyon sa kaniya kaya nakita ko ang pag-awang ng bibig niya. Tinanggal ko ang natira kong kamay na nakahawak sa batok niya habang siya naman ay kinuha iyon tsaka hinawakan nang marahan. It makes my heart beats fast.
He put some strand of my hair in my ear. I saw him cleared his throat. "With you, I can be the Lenience that I wanted to be. Pagkasama kita naipapakita ko sa mundo kung sino talaga ako, hindi ako nahihiya na gawin ang mga bagay na nais kong gawin pag kasama kita. And because of you I know what the true meaning of genuine love, happiness and contentment is. Hindi 'yong mga mamahaling sasakyan at mga materyal na bagay kundi simple lang."
Telling me those words while using his sweet voice makes my heart happy. Hindi ko akalain na sasabihin niya iyon gamit ang mala-anghel niyang boses. And I found it sexy.
"Lenience.” Iyan lang ang nagawa kong sabihin.
I've never imagined myself before being with a man with value and principles in life. A man who makes you feel that all the things in this world is precious. Hindi ko lubos akalain na nagmamahal ako ng isang lalaking kagaya niya. Lalaking ipaparamdam sa iyo na kahit simple o effortless ka lang kaya ka niyang gawing elegante at mamahalin sa paningin ng iba. God, I can't imagine myself losing this man. Please, I hope not.
"Dahil sa‘yo naramdaman ko na kaya ko pa lang lumaban kahit ang hirap," he added.
This time I know what he’s referring about. Alam ko sa sarili ko na may nais siyang ipahiwatig sa sinabi niyang iyon pero hindi niya lang magawa na sabihin sa akin ang buong detalye.
"I love you, okay?" He kissed my forehead again.
Kung hindi ko lang kilala ang lalaking 'to sasabihin ko talagang adik siya. He always does that, kissing my forehead when he used to say sweet words. Kaya, nasanay na ako rito. Tutugunin ko na sana siya sa I love you niya ng may tumawag sa amin.
"Lovebirds, ahon muna kayo r'yan. Kakain muna tayo!" sigaw na tawag sa amin ni Mariel.
Natatawa na lang kami ni Lenience sa ginawa namin kaya agad naman namin itong sinundan. Ekssakto naman kasi gutom na talaga ako, kanina pa.
Nang makarating na kami sa cottage namin ay agad kaming naupo. Nasa tabi ko si Lenience habang nasa harap namin sila Mariel at Vincent. Nasa kaliwa naman nila si Ivan at Carl tsaka si Matteo naman ay nasa kaliwa ni Lenience. Na-excite ako bigla sa foods na nakahain sa aking harapan. Woah, I love seafood.
"Mukhang si Lenience at Vincent lang talaga ang nag-eenjoy sa outing na 'to," pagbasag ni Carl sa katahimikan.
Natawa naman kami ni Mariel sa sinabi nito kasi para siyang sira sa reaksyon na ginawa niya ng masabi niya iyon. Tiningnan ko naman ang mukha ng mga kaibigan niya na nakatawa rin kagaya namin.
"You want this?" tanong sa akin ni Lenience dahilan nang mapahinto ako sa pagtawa.
Tumingin naman ako sa tinutukoy niya at saka ako tumango at nilagay ang crab sa plato ko. "Thank you," I mouthed.
Binalik ko muli ang aking atensyon sa pagkain ng biglang nagsalita si Ivan na agad ko naman ikinatigil.
"Sa susunod naman kasi Lenience, ipaalam mo sa amin plano niyo ni Tito para nakapag handa naman kami nila Matt," natatawang sabi ni Ivan.
Nabitawan ko ang hawak kong hipon at napatingin kay Leninece. They planned this?
"Plano?" tanong ko na ikinatahimik nilang lahat.
Nakita ko naman ang hilaw na mukha ni Ivan na para bang nadulas siya sa nabitawan niyang salita. Kasabay dun ay ang pagsiko ni Carl ng mahina sa kaniya na hindi rin pinalampas ng aking mata.
Link for Santiago White Beach: https://www.travelingcebu.com/santiago-white-beach.html
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top