Kabanata 27
KABANATA 27
[FIREWORKS]
Nang sumapit na ang gabi ay agad nagpasya ang tropa ni Lenience na maghanda na para sa bonfire na naisip nila. Hinanda nila lahat ng kailangan na mga gamit para rito. Syempre, hindi mawawala dun ang mga pagkain. Pagkatapos nun ay agad na kaming pumunta kung saan nila ipwinesto ang bonfire.
Ramdam ng balat ko ang lamig ng hangin na dumadapo sa aking katawan. Lalo na ang buhangin na ngayon ay aking naapakan. Pasimple kong nilakad ang pwesto na kanilang sinasabi habang hawak-hawak ko ang kamay ni Lenience.
I can't make myself believe na nakaapak na nga ako sa Cebu at sa Island na gustong-gusto kong puntahan noon pa man. Grabe, ganito pala ang dulot na saya nun lalo na pag kasama mong pumunta rito ay ang taong mahal mo. Hindi ko rin siya maiwasang hindi masusulyapan lalo na sa suot niya ngayon na ikinapogi niya ng husto.
He's wearing a plain white tuxedo na tinernuhan niya ng black na men’s short. And because of that he looked fresh kahit gabi. Nagbuntong-hininga naman ako nang tingnan ang aking sarili nang bahagya. Ang layo ng itsura ko sa kaniya. Like him, I also wear color white dress na eksaktong abot-tuhod ang haba. Yes, sleeveless siya pero elegante naman itong tingnan kaya pinaresan ko ito ng kulay skin tone na jacket kasi sa sobrang ginaw ng isla.
Nang makarating na kami sa sinasabi nilang pwesto para bonfire ay agad kong nakita ang mga kaibigan naming na nakapwesto na roon at masayang nagku-kwentuhan. I saw Mariel na nakapwesto naman ang ulo sa balikat ni Vincent. While the MCU Boys ay nagtatawanan lang sila na para bang may napag-usapan silang ikinatuwa ng kaniya-kaniya nilang kaluluwa. Agad naman silang napatigil at napatingin sa aming direksyon nang mapansin nila ang aming presensya.
"Ang tagal niyo naman, kanina pa kami nag-aantay. Inaantok na tuloy ako," bungad na reklamo sa amin ni Vincent sabay hikab.
I chuckled. "As if naman talaga. Asus, ayan ba ang mukhang inaantok, nag-e-enjoy ka nga sa kaka-clingy mo r'yan sa kaibigan ko."
Natawa na rin sila sa sinabi ko, ganun din si Lenience. Agad naman kaming naupo sa aming pwesto. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na hawak ang kamay ni Lenience. Sa halip, ang isa niyang kamay ay nakahawak na sa aking beywang dahilan ng may kakaiba akong nararamdaman sa pagkahawak niyang iyon.
Ang ganda ng gabi, masaya ang langit dahil nakita ko ang sobrang dami ng mga bituing nakapalibot sa nag-iisang buwan. Parang ako lang, nag-iisang Serenity na napapalibutan ng mga taong mabubuti at malinis ang intensyon na mahalin ako nang buong-buo. Walang labis at walang kulang. Sa 'di kalayuan ay naririnig ko rin ang bawat pag-alon ng tubig sa sobrang lakas nito. Napukaw lang ang aking atensyon ng may nagsalita.
"What do you want to eat?" mahina na may lambing na tanong sa akin ni Lenience.
Napatingin ako sa kaniya dahilan ng ma pa ngiti ito sa akin. "Kahit ano na lang."
"Stay still, ikukuha muna kita doon sa mesa," tumango naman ako rito.
Hindi na siya nagdalawang-isip pa sa pagtayo at agad tumungo sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Na patingin naman ako sa gilid ko at nakita ko si Mariel na may malaking ngiti na nakaukit sa kaniyang mukha. Ngayon ko lang siya nakita na ganito sa kasaya. Napansin niya siguro ang pagtingin ko sa kaniya kaya nag-iwas agad ako ng tingin dito.
Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa apoy na nasa aking harapan. Nang makita ko ang apoy na iyon na lumiliyab nang malakas ay bigla na lang akong nakaramdam ng kirot at kaba sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit kaya napahawak ako sa aking dibdib. Sobrang lakas ng kabog nito dahilan ng aking pagkabahala.
Nabaling naman agad ang aking atensyon sa isang bultong lumapit sa akin. "Okay ka lang ba, Love?" tanong ni Lenience na may pag-aalala ang boses ng makabalik ito sa kaniyang pwesto.
Tiningnan ko siya at tinanguan sabay ayos sa aking jacket. "Yeah," wala sa sarili kong tugon. "May napili ka ng kainin?"
"Here.” Sabay bigay sa'kin ng hotdog na may marshmallow.
Agas ko naman itong tinanggap at ngumiti sa kaniya. "Thank you."
"You want drinks? I'll get you one." Tatayo na sana siya ng pigilan ko ito.
"Huwag na, ayos na 'to."
Tumango naman siya.
Eksaktong pagkakagat ko sa ibinigay sa akin ni Lenience na hotdog ay siya namang pagsalita ni Ivan na ikinatingin namin sa gawi nila.
"How about playing games, guys? Are you in?" masigla niyang tanong sa grupo.
Agad namang gumihit ang isang ngiti sa labi ko nang marinig ko iyo mula kay Ivan. How about sa game na naisip ko kanina, game kaya sila dun?
Iyon na sana ang iminungkahi ko sa kanila na laruin namin ng maunahan ako ni Mariel na magsalita.
"How about playing truth or dare?" suggestion niya na ikinalingon namin sa gawi niya.
Nakahawak sa kamay niya si Vincent ngayon, samantalang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kaniyang pagkain.
"Para naman tayong bata n'yan, Mariel," komento ni Carl.
Nilingon naman siya agad ni Sinag. "Why? Are you hiding some truth kaya para lang sa bata 'yang laro na iyan sa‘yo?" She chuckled.
Hindi naman ginagawa nang sagutin ito ni Carl at nagkibit-balikat na lamang sa sinabi nito. Bigla naman akong napaisip sa sinabi ni Mariel at marahang napatingin kay Lenience na nakatuon lang ang atensyon sa hawak niyang beer. Siya kaya, may tinatago kaya siya?
"Ano na, guys, wala tayong lalaruin? Tutunganga na lang tayo rito? Kasi kung ganun, mabuti pa at matulog na lang tayo," basag ulit ni Mariel sa katahimikan.
"Iyon na lang, Myloves, okay naman 'yong suggestion mo." Si Vincent.
Walang nagawa ang grupo kaya sumang-ayon na lang kaming lahat sa gusto ni Mariel na lalaruin namin. Agad siyang kumuha ng bote na ginagamit ng mga boys sa gilid at nilagay ito sa gitna. Nang nakita niya na nakahanda na ang lahat na maglaro ay muli siyang nagsalita.
"Ganito 'yong mechanics ng game. Kung sino ang maituro ng parte na ito ng bote ay sasagutin niya ang tanong natin sa kaniya." Sabay turo sa bunganga ng bote. "Kung sino ang gusto na magtanong sa maituro nito ay pwedeng-pwede, pero isang beses lang siyang tatanungin, ha?" pagdagdag niya pang pagpapaintindi sa amin kaya tumango na rin kami rito. "Ano, simulan na natin?"
"Spin it, Myloves!" sabi ni Vincent dito.
Mariel spun the bottle carefully with a big smile drawn in her face. Kinabahan naman ako sa ginawa niya baka kasi ako ang maituro ng bote. Nang maikot niya na ang bote ay nakahinga ako nang maluwag noong si Matteo ang nagawang ituro nito.
Nagkaroon naman ng gulat na ekspresyon si Matteo sa mukha na tila ba hindi makapaniwala na siya ang unang tatanungin.
"Si Matt ang maswerteng unang tatanungin!" natatawa na bulalas ni Carl.
"Sinong gusto magtanong?" Si Vincent.
Naagaw naman ni Ivan ang atensyon namin ng magtaas ito ng kamay. "Ako," pauna niyang sabi. "I wanted to ask Matt this question noon pa man. So, I guess this is the perfect time to ask you this one." Atsaka tumingin sa kaibigan.
Napaawang naman ang aking bibig kagaya ni Mariel nang marinig ang mga salitang iyon mula kay Ivan. Mukha namang seryoso siya sa tanong kasi kita ko na kabado si Matteo na tumingin dito.
"What is it, Dre?" matamlay na tanong niya sa kaibigan.
Hinintay lang naming lahat na magtanong si Ivan. He cleared his throat. "Tuli ka na ba talaga, Bro?" tanong nito dahilan na ikinatawa naming lahat ng husto.
Ang mukha ni Matteo na kabado kanina ay napalitan na ngayon ng pagkainis dahil sa tanong ng kaibigan. Nakita ko ang tawa ng lahat lalo na si Lenience na nasa gilid ko.
"What the—I'm gonna kill you, Man!" Inis na sabi ni Matteo kay Ivan.
Tawa lang ng tawa si Ivan na para bang nasisiraan na ng ulo. "Ang kyut mo namang mag-react Fafa Matt," pag-iinis niya pa.
Hinayaan na lang siya ni Matt at kinuha ang bote sa gitna atsaka ito pinaikot muli. Laking gulat naman ni Vincent noong siya ay sumunod na ituro ng bote.
"Paano 'yan, Dre, sa‘yo nakaturo, eh," natatawang sabi ni Matt dito.
Bumalik ito sa pag-upo tsaka bumaling ng tingin kay Vincent, like us. Nagbuntong-hininga naman ito sabay tingin sa jowa.
"You want to ask me a question, Myloves?" kalmado at nakangiti niyang tanong kay Mariel.
Nakatingin lang kami sa kanila pareho habang hinintay si Vincent na tatanungin siya. "If you'll given a chance to choose another girl to love. Sino 'yon?"
Nanlaki ko naman ang mata ko sa nagawang itanong ni Mariel dahil sa lubos na hindi makapaniwala sa sinabi niya. Seryoso, saan siya nag hugot ng lakas ng loob n'yan?
Nakatitig lang kaniya si Vincent saka nagbuntong-hininga. Bahagya kong sinulyapan ang grupo, nakatingin lang din sila sa dalawa habang si Lenience ay lihim na tinutungga ng beer. Kinuha ni Vincent ang isang kamay ni Mariel bago ito sinagot sa tanong.
He cleared his throat. "Bakit pa ako magmamahal ng iba kung sa‘yo pa lang ay patay na patay na ako," cool niyang sabi. "Kahit ilang chance pa 'yan ,Mariel, ikaw lang ang gugustuhin kong makasama at mahalin hanggang maubos man 'tong buhok ko," he added.
Umakto naman si Carl at Ivan na parang inuubo habang si Matt naman ay umiling-iling na para bang hindi niya inaasahan na maging ganun na lang ka-emo ang kaibigan. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Mariel dahil sa laki ng ngiti sa labi. Bahagya kong tinanaw si Lenience, ganun pa rin siya parang wala sa kaniyang mundo. Tahimik at parang may sariling mundong ginagalawan. Hindi niya ba gusto ang nilalaro namin?
Patuloy lang ako sa pagtingin sa kaniya ng biglang sumigaw si Vincent dahilan ng mapukol ang aking atensyon dito. Naikot na niya pala ang ang bote kaya ito naisagawa, pero imbes na matuwa ako sa sunod na tinuro nito ay kinabahan ako nang bahagya. At ewan ko ba kung bakit bigla-bigla ko na lang iyong naramdaman.
"Man, it’s you turn!" masayang sabi ni kay Lenience.
Nakita ko ang pagkagulat ni Lenience, sabay awang ng kaniyang bibig. Nabitawan niya ang can ng beer na kanina pa niya hawak-hawak at iniinom. Napabuntong-hininga ako, para bang ako 'yong kinakabahan sa kaniya. Bakit naman ako kinakabahan?
Tumingin lang kaming lahat sa kaniya, nag-aantay kung sino ang may lakas ng loob na tanungin ito. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa plano na narinig ko noon pero hindi ko alam kung paano ito itatanong sa kaniya. Ilang segundo rin ang katahimikan ng tinamo namin ng biglang naisipan ni Mariel na magsalita.
"Wala ka bang plano na tanungin si Lenience, Serenity?" tanong niya sa akin na ikinatigil ko.
I cleared my throat. "Wala," mahina kong tugon. "I mean, wala akong maisip na itanong sa kaniya." I added.
Nakita ko ang paglingon sa akin ni Lenienc pero hindi ito pinansin kasi may kakaiba akong kaba na nararamdaman sa aking puso hindi ko alam kung ano nga ba ito.
Dapat tanungin ko siya kasi dito malalaman ko ang totoo dahil wala namang magsasabi ng kasinungalingan sa puntong ito kundi pawang katotohanan lamang.
"Okay! So, I will be the one to ask him," excited na tugon ni Mariel sa akin.
Nabaling ang atensyon ko sa kaniya at wala na kay Lenience. Hindi naman ito kumibo at nakatingin lang kay Mariel na tila ba nag-aabang siya sa tanong nito. Hinintay ko na magtanong si Mariel nang laking gulat ko na lang sa katanungan na kaniyang nagawa.
"May plano ka bang iwan ang best friend ko, Monte Carlos?" she asked, direct to the point.
Kung kanina ay nagawa nila na magbitaw ng mga birong katanungan, sa puntong ito, lahat kami ay naging seryoso at naging sobrang tahimik dahil sa katanungan ni Mariel.
I lost my words. Wala akong masabi kahit ni isang salita para sa katanungan na iyon. Pakiramdam ko, ako ang tinanong dahil sa labis na kaba na nabuo sa aking damdamin. Ano kaya ang isasagot niya?
Inasahan ko namang sasagutin na ni Lenience ang katanungang iyon pero may nauna sa kaniyang magsalita na naging dahilan sa pagbasag ng aming katahimikan?
"Woah," malakas na sigaw ni Carl sabay ang pagputok ng makukulay na fireworks sa kalangitan.
Napatingin kaming lahat sa kinaroroonan ng fireworks at nabighani sa sobrang ganda ng kulay ng mga ito. Bahagya kong tiningnan si Lenience, kagaya ng iba nakatingin din siya roon. Agad naman akong nalungkot sa nangyari, akala ko malalaman ko na ang katotohanan hindi pa pala.
Sa gabing ito, wala akong ibang nararamdaman kundi ang mabahala at ang matakot. Dapat masaya sana ako ngayon kasi nandito na ako sa Camotes Island pero bakit nag-iba bigla ang timpla ng aking nararamdaman. Kung hindi lang sana dahil sa fireworks na iyan, nalaman ko na sana ang totoo.
Ano kaya ang susunod na mangyayari pagkatapos ng out of town na ito? May plano kaya si Lenience na iwan ako? Kung gaano karami ang bituin na nakikita ko ngayon na nakapalibot sa nag-iisang buwan ganun din karami ang katanungan kong nakapalibot sa aking utak.
Lenience, please give me a sign na mali ang mga iniisip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top