Kabanata 26

KABANATA 26
[CEBU]


"HEY, SLEEPY HEAD. WAKE UP!" rinig kong tawag sa akin ni Lenience. 

Agad ko namang dinilat ang aking dalawang mabibilog na mata. Hayst, nakatulog na naman ako? Palagi na lang akong inaantok, ah. Ano ba naman? Dapat dilat palagi ang mata ko para ma-enjoy ko ang out of town na ito.

Rinig na rinig ng dalawang tainga ko ang kanta ni Belinda Carlisle na  'Heaven is a place on Earth', kaya agad nabuhayan ang aking pagkatao sa kantang iyon. 

Nilinga-linga ko ang paligid kung nasaan na ba kami kasi huminto ang aming sasakyan. Nasa Cebu na pala kami. Ang ganda ng paligid. 

"Palagi mo na lang akong tinutulugan n'yan, Love," kawawa niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa kaniya na tila nahihiya ako sa ginawa ko kasi naman napapagod na ako kanina. Kaya may jetlag ako.

Kahit naka-private plane kami ni Lenience papunta rito tapos sila ni Sinag sabi nila mag babarko na lang daw sila kasi gusto nila sa dagat dumaan. Kaya ayon kami lang ni Lenience sa plane. Pagkatapos ay sumakay na naman kami ng van para makapunta sa usapan naming tagpuan, sa Danao Port. 

"Sorry, Love, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako." 

"No, It’s okay. I understand," may ngiti sa labi niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako nang naunahan ako ni Mang Ben na driver ng sasakyang ginamit namin papunta rito.

"Señorito," tawag nya kay Lenience na ikinalingon namin sa kaniya. "Ayan na ata ang MCU boys mong tropa, oh," excited niyang sabi.

MCU Boys kasi tawag nila kina Carl, Ivan at Matteo kasi loyalista raw ang mga 'to sa MCU noon pa man. Hindi kabilang doon si Vincent at Lenience kasi ayaw nilang dalawa na tawagin silang MCU Boys. 

Agad kong nilingon ang direksyon na sinabi ni Mang Ben. Tama nga siya, sila Ivan nga ito syempre kasama rin si Mariel.

"Yes, Mang Ben, sila na nga 'yan," kalmado na komento ni Lenience.

Bumaling ito ng tingin sa akin sabay alok ng aking kamay para makalabas na kami nang tuluyan mula sa sasakyan. "Shall we?" 

Tinanguan ko siya bilang tugon. Agad naman kaming pinagbuksan ng pinto ni Mang Ben upang makalabas sa sasakyan. 

Wow! Ito pala ang Danao Port? Grabe, ang ganda pala talaga nito sa personal. I can't imagine until now na nandito na ako at naapakan ko na ang Cebu.

Nilingon-lingon ko ang paligid hanggang sa may narinig akong tumawag sa akin na nakapukaw sa aking atensyon. 

"Kulimlim?" masayang tawag sa akin ni Mariel, kaya agad ko itong nilapitan at hindi ko na nilingon pa si Lenience. 

"Sinag!" masaya kong tugon at niyakap ko ito. 

Grabe parang ilang buwan kaming hindi nagkita. Namiss ko siya kahit kakakita ko pa sa kaniya kahapon.

"Parang ilang taong hindi nagkita, ah?" pang-eepal ni Vincent dahilan nang napahinto kami sa pagkayakap sa isa't isa. 

"Parang ang epal natin ngayon, ah?" inis na tugon ko sa kaniya.

"Eh, kasi kung makayakap ka kay Mariel. Parang ano—"

"Ano?"

"Wala." He chuckled. 

"Bakit ikaw lang ang pwedeng yumakap sa kaniya? Porket ikaw ang boyfriend, ganun?" 

Hindi niya nagawang sumagot pa sa akin nang lumapit si Lenience sa gawi namin at nagsalita. 

"Ang init na naman ng ulo mo, Love," natatawang komento ni Lenience. 

I rolled my eyes to Vincent. "Eh, ito kasing kaibigan mo, ang OA."

Nag-peace sign naman ito sa akin sabay akbay kay Mariel. Mokong ito, parang chicharon na nasobrahan sa apoy.

"Hey, MCU Boys? What's up?" masayang bati ni Mang Ben na ikinalingon namin sa gawi niya.

"Mang Ben," masayang tugon ni Ivan at Carl tsaka nakipag yakapan dito.

Weird? Ganun ba sila ka-close?

"You, Man," cool na bati ni Matteo.

"Mang Ben, long time no see." Si Vincent.

"Yeah, it’s been a while simula nong nagbakasyon kayo last time." 

Taray maka-english ni Mang Ben, ah. Pang highest level, pak na pak. Sapak na sapak at swak na swak. Paturo nga ako minsan.

"By the way, Kulimlim, 'di ba marunong kang mag-Cebuano? Kasi adik ka sa Cebu, eh. What if, eh, welcome mo kami with Cebuano dialect?" untad ni Mariel kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya. 

"Ha?" gulat kong tanong sa kaniya.

Sino namang hindi magugulat, 'no? Basta-basta na lang siyang nagsasalita tapos iwi-welcome ko pa sila? Using Cebuano dialect? Kaonti lang naman ang alam ko, nababasa at natutunan ko lang online while watching some Bisaya and Cebuano Videos. 

Tumingin ako kay Lenience, hindi na naman siya nagulat sa sinabi ni Mariel kasi alam niya na naman kanina na marunong ako nito. Nasa akin ang buong atensyon ng barkada ngayon pati na si Mang Ben na tila ba naghihintay sila sa welcome address ko.

Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Matteo. "Marunong kang magsalita ng Cebuano, Serenity?" takang tanong ni Matteo. 

Tumango ako bilang tugon. Eh, marunong naman talaga ako kahit papano pero hindi nga 'yong hasa na hasa na kagaya ng iba. Bakit kabalo pud siya? Kung ganun, masaya 'yon kasi dalawa na kami.

"Aba, 'yan lang ata ang hindi mo alam. Ang galing kaya niyan," pagmamalaki naman ni Mariel.

Isa pa 'to, ito ang magpapahamak sa akin, eh. Itong bestfriend ko talaga, sobrang supportive. Kaso oa nga lang minsan.

"Pagtarung ba? Kabalo pud baya ko mag-Cebuano kay taga-Cebu akong lola." He chuckled. Ang kyut. 

Nagulat ako sa sinabi ni Matteo. Talaga? Taga-Cebu 'yong lola niya? Kung ganon, marunong nga talaga siya.

Tumingin ako sa kaniya na para bang hindi makapaniwala. Nakikinig lang din sa amin ang iba naming kasama. 

"Weh? Tinood?" pagtatanong ko. Tumango naman ito at ngumiti. 

"Oo, uy, tinood baya," pagtugon niya. Edi wow. Marunong nga siya.

Nakita ko ang mga reaksyon nila. Si Ivan at Carl, parehong may gulat na reaksyon. Habang si Mariel, Mang Ben, at Vincent ay masayang nakikinig sa amin ni Matteo. Habang si Lenience naman ay nakakunot ang noo na tila ba wala siya naiintindihan sa reaksyon niya. 

"Mabuti naman kung sa ganun mga bata. Kasi magagamit niyo 'yan dito. Sa ngayon, kailangan muna natin na magmadali kasi may lakad pa ako," pagsasabi ni Mang Ben kaya nahinto kami sa ginawa naming iyon. 

Salamat at may lakad si Mang Ben para hindi na ako makapag welcome address. Gusto ko na kasing magpahinga. Excited na akong makita ang Camotes Island. My God, ano kaya ang unang gagawin ko pagdating ko roon? 

I'm so excited, darling.

"Yeah, Mang Ben is right," may ngiting sabi ni Lenience, sabay buntong-hininga. "So tara na?" Bumaling siya ng tingin sa akin. Tumango na lang ako sabay ngumiti bilang tugon.

"Wait, a minute kapeng mainit. Katawan mo'y aking bet na bet. Pak na pak, pinakbet."

Ang taas nun, ah!?

Pagpipigil sa amin ni Mariel bago kami maglakad paalis. "Mang Ben, Lenience, Guys. Pwede ba 'wag muna kayong excited? Pakinggan muna natin ang welcome address ng friendship ko. Please?" 

Okay naman sa akin, eh. Kaso, ang tanong okay ba sa kanila? Mukhang nagmamadali nga silang umalis, eh. May lakad din si Mang Ben kaya wala ng time. 

"Mariel is right," pagkampi ni Vincent sa kaniya na ikinatingin namin dito

"Okay. Let's hold on for a minute, Mang Ben," pagsasabi ni Lenience rito.

Tumingin sa kaniya si Mang Ben at tumango. "Go ahead, Love. Just make sure na magugustuhan ko ang so-called 'Welcome address' mo na 'yan." Tsaka bumaling sa akin.

Pinagdidiinan pa talaga ang 'Welcome address' ha? Kaya kinakabahan tuloy ako.

 "Sinag, kinakabahan ako, eh. Hindi naman talaga ako marunong masyado mag-Cebuano, eh. Si Matteo na lang kaya, tutal taga-rito ang lola niya," pagpapalusot ko.

"Eh, bakit ako? Kayo ang nakaisip niyan eh," pagtanggi ni Matteo.

"Hey, hey, hey. Just relax, I know you can do it well," pagpapakalma niya sa akin.

Para sa‘yo, Mahal. Kaya ko, eri. 

"Kaya love kita, eh," paglalambing ko.

Ngumiti lang sya sa akin, ganun din ako.

"I know," ani niya.

"So, ano? Maglalandian na lang tayo rito, ganun? Oh sige, para hindi na rin makaalis si Mang Ben. Mga gagang 'to," echos ni Mariel. 

I gave a deep breath. "Oo, ito na. Ang atat nito masyado, ikaw kaya ang nakaisip nito. Bruhang 'to," pagsasabi ko tsaka pumwesto sa harap nila.

Nasa harapan na nila ako, upang mag-welcome address kuno. Tahimik lang sila habang hinihintay akong magsalita. Pati kaibigan ni Lenience, ang tahimik nila, himala ata. Si Lenience naman ay nakatingin lang sa akin na sobrang fresh ng dating. Letse naman oh, magwi-welcome address na nga lang ako. May temptation pa. Oh, God, please save me. 

I cleared my throat. "Maayong adlaw, mga higala. Welkam mo sa Cebu. Daghang salamat!" masayang sabi ko.

Nag-bow pa ako para nice kaso pag angat ng ulo ko ay—

Anong mayroon? May nasabi ba akong masama? 

Laking gulat ko nang nakatingin silang lahat sa akin na may blankong ekspresyon ng mukha. Anong nangyari? Ayaw ba nila?

"So, 'yon na 'yon?" takang tanong ni Sinag. 

Tumango ako na may ngiti bilang tugon. "Tara na guys, may lakad pa si Mang Ben," sabi niya tsaka naglalakad papuntang van. Kasama sila Ivan, Vincent, Carl, lalo na si Mang Ben. 

"Sana man lang ginalingan mo," komento ni Matteo bago nagawang sumunod kina Mariel.

"Anong nangyari? May nasabi ba akong mali?" takang tanong ko kay Lenience.

Kami na lang kasi ng naiwan, ang iba ay nakapasok na kaso nga lang dismayado ata sila sa ginawa ko? 

"Wala naman," sabi ni Lenience. Wala naman pala eh, bakit ganun na lang sila maka-react. "Parang bulalo lang na puro sabaw ang pagkasabi mo," dagdag niya na ikinatulala ko.

What the—

Pagkarating namin sa sasakyan ay nakaupo kami nang maayos. Nasa tabi ni Mang Ben si Ivan sa driver seat. Sa likod ay si Mariel at Vincent, sa kabila si Matteo at Carl. Sa likod naman ay kami ni Lenience. Nagbabangayan pa sila ni Mariel at Vincent, habang si Matteo at Carl ay nag bato-bato-pik na parang mga bata. Si Ivan naman ay nagkukuwentuhan sila ni Mang Ben. Habang ako ay hindi ko maiwasang mapatanong kay Lenience. 

"Lenience?" basag ko sa katahimikan niya.

Tumingin siya sa akin. "Hm." 

"Pangit ba talaga ang welcome address ko kanina?" takang tanong ko sa kaniya.

Hindi ko talaga maiiwasan na alamin kung ano ang mali, eh.

"Hindi naman," walang gana niyang sagot.

'Yon naman pala ehh, bakit ganun sila maka-pagreact?

"Eh, bakit ganun kayo maka-react?"

"Wala raw kasing laman puro sabaw," natatawa niyang tugon sa akin. I rolled my eyes to him. 

Gusto ko nang matulog. Sana lamunin ako ng lupa ngayon dahil ginawa ko. 

May pa-welcome-welcome address pa akong nalalaman, wala naman pa lang laman. Ba't ba kasi sumunod pa ako sa sinabi ni Mariel?

"Nandito na tayo mga bata!" bulalas ni Mang Ben ng nakarating na kami sa—

CAMOTES ISLAND!?

Totoo na 'to? As in totoong-totoo? My God,  after an hour of byahe, nandito na kami sa wakas. Is this really happening or what? 

"Oh my God. Is this for real? Nandito na tayo sa Camotes Island?" panimulang sabi ni Mariel na ngayon ay hindi ko akalain na nakalabas na pala sila ng van. 

Sumunod namang lumabas si Lenience, tsaka inalalayan ako para makalabas na rin. 

Nang makalabas ako nang tuluyan ay hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Tila ba parang walang salitang nais na lumabas sa aking bibig. 

Wow! Ito na ba ang sinasabi nila na?

Camotes Island gives you numerous attractions to go to. In a day, you can go to a lake, to a cave, to an islet, and of course, to beaches. To maximize your time, it is best to be here for more than a day though. Wow! Just wow!

Tama nga swak na swak ang one week namin dito kasi sa sobrang ganda at sa dami mong mapapasyalan. God, I can't believe it, but I should. 

"Nako, Vincent, picture-an mo ako dali. Pang IG ko, bilis!" masayang bulalas ni Mariel at nagtatakbo hanggang sa makakuha ng magandang view. 

"Oh, wait lang, Myloves," tugon ni Vincent tsaka sinundan si Mariel habang hawak ang phone para kumuha ng litrato.

Ngayon ko lang napansin habang inilibot ko ang paningin ko sa island at namangha talaga ako. Sobra. 

White sand? 

"Wow." Iyon tanging salita na lumabas sa bibig ko dahil sa pagkamangha. 

"Do you like it?" Napalingon ako sa may kaliwa ko nang makarinig ako ng may nagsalita at umakbay sa akin. 

I looked at him and smiled. "Super," wala sa sariling kong anas.

I think, mamamatay na ako sa sobrang ganda. 

Ngumiti lang siya bilang tugon habang naka-akbay pa rin ang kamay niya sa balikat ko. Pinagmasdan ko lang nang maigi ang buong isla. Grabe, sobrang ganda, ayaw ko nang umalis dito. Gusto ko na rito na lang ako habangbuhay pero syempre kasama siya, si mama.

Nagbuntong-hininga ako. Dinadamdam ko ang lamig ng hangin, ang fresh pa nito habang dumadampi sa aking katawan. Ang sarap. 

"Woah, ang ganda pa rin dito. May isla pa rin," masayang sabi ni Carl. 

"Sira," ani ni Ivan sabay batok kay Carl. 

"What the hell is happening with you?" takang tanong niya habang hawak-hawak ang nabatukan niyang ulo. 

Napatawa na lang kami ni Lenience nang palihim habang nanonood sa kanila. Busy pa rin sila Mariel sa pagkukuha ng larawan. Habang si Matteo ay tahimik lang sa tabi. As always. 

"Syempre, Camotes Island 'to no? Kaya may Isla talaga. Gago."

"Eh, bakit may Kamote ba rito, ha? ‘Di ba wala?" Sasakpakin sana ulit siya ni Carl kaso nagawa nito na magsalitang muli. "I'm just kidding,"

"Kidding, your ass." 

Pinagmasdan ko lang sila. Sarap kasi nilang tingnan parang mga bata lang. Napatigil naman ang dalawa sa pakikipagkulitan ng maagaw ni Mang Ben ang kanilang atensyon. 

"Oh, MCU Boys, mamaya na ang bangayan. Tulungan niyo muna ako upang madala na ito sa mga room ninyo," pagtawag ni Mang Ben sa mga ito. 

Sumunod sila agad kay Mang Ben at tinulungan ito sa pagbubuhat ng mga maleta. "I'll help you, Mang Ben," cool na sabi ni Matteo. 

Ito talaga kung hindi tahimik, mabait din pala. Tinanguan lang siya ni Mang Ben tsaka nagbuhat.

"Room?" takang tanong ko kay Lenience na ngayon ay naka-holding hands na sa akin. Hindi ko namalayan, ang bilis.

"Yeah," simpleng tugon niya habang ibinalik ang tingin sa dagat. 

"May room na tayo agad-agad?" hindi makapaniwala na tanong ko rito. 

Nag-awang siya ng bibig sabay tanggal ng shades niya. Inilagay niya naman ito sa kaniyang kwelyo.

Hinarap niya ako matapos niyang tanggalin iyon. "I have connections, remember?"

Pagkasabi niyang iyon ay agad akong natinag sa kinatatayuan ko at kumalas sa pagkahawak sa kamay niya. Napansin niya siguro ang ginawa ko kaya kinuha niya ulit ito at muling hawakan. Bago magsimulang maglakad-lakad sa tabi ng dagat, habang ang hangin ay dumadampi sa aking katawan, lalo na sa buhok ko.

Grabe, hindi pa rin nawala ang pagkamangha ko. Ang ganda talaga rito. Kung hindi lang dahil kay Lenience, hindi ako makakapunta rito. Kaya I'm so thankful sa kaniya kasi he always thinks what is the best for me at kung ano ang nagpapasaya sa akin. 

"Love," mahinang tawag ko sa kanya dahilan nang paglingon niya sa akin. 

"Hmm?"

"Thank you," malambing na sabi ko na ikinahinto niya sa paglalakad tsaka ako hinarap.

Nakita ko naman na kumunot ang noo niya kaya hinarap ko siya. Tumingin naman ito sa akin. "For what?" 

"For this," may ngiting sabi ko. Alam kong nagtataka pa rin siya. "Kasi dahil sa‘yo napuntahan ko ang dream destination ko," dagdag ko na ikinakibit ng balikat niya. Hinawi niya ang buhok ko na tinatangay ng hangin. 

"No, thank you," pagko-correct niya sa akin.

"Ha?" 

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko at hinalikan nang maingat. He always does that even before. Kinikilig talaga ako kapag ginagawa niya ito. 

Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa halik niyang iyon. "For giving me a chance to enjoy life," mahina niyang sabi pero dama ko ang sincerity nito. 

I looked at him and smiled. "Thank you rin, Love."

Lenience.

"I love you," nakangiti niyang sabi. "Just be 'My Effortlessly You', because I love all the things about you." 

That made me cry.

Bakit sweet na sya ngayon parang kanina lang hindi? Bakit ang tamis ng mga sinasabi niya? Mas lalo tuloy akong naiyak.

"Pinapaiyak mo naman ako n'yan, Love, eh." Sabay punas sa luha kong ayaw magpaawat. 

Nakatitig pa rin siya sa akin habang nilalaro ang kamay ko. "Always remember that you're mine. All of you are mine." 

I cleared my throat. "You are mine, too." 

Lumapit siya nang kaonti sa akin kaya naramdaman ko ang mainit na paghinga nito. 

He kissed my head gently. "I'm always yours remember that."

Hinawakan niya ang mukha ko dahilan nang pagpikit ng aking mga mata. Naramdaman ko na ang hininga niya sa aking pisngi na dahilan kung anong kuryenteng dumadaloy sa aking katawan. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Nakaramdam ako ng anumang kiliti sa aking tiyan at ramdam kong nag-iinit na ang aking pisngi. Wala na akong ibang ginawa kundi ang napapikit at hinihintay ang susunod niya pang gagawin. Nang biglang—

"Hoy, mga gaga!"

Agad kaming naghiwalay ni Lenience at umarte na para bang wala kaming nais gawin. That's awkward . Sinulyapan ko naman si Lenience na napasapo sa kaniyang mukha.

"Ang dami-daming gawain, oh. Inuuna pa talaga ang paglalandian?" galit na sabi ni Mariel. 

Kainis. Itong babaeng 'to talaga, panira ng moment ko kahit kailan. Bakit hindi na lang si Vincent ang atupagin niya at hindi kami ni Lenience?

Eh, ba kasi kailangan pa niya kaming mahuli sa ganung moment? Nahihiya na tuloy ako, lalo na ng maisip ko ang sitwasyon na 'yon. Imagine muntikan na kaming mag-kiss tapos nahuli kami ni Mariel. 

Nilingon ko ang buong paligid dapat mahiya nga talaga ako, ang dami pa lang tao na mas nakakita pa sa amin. 

"Pasok na kayo sa loob, ano? Kayo na lang ang hinihintay para kumain." 

"Susunod kami," ani ni Lenience.

"Just make it sure, Lenience," paninigurado niya rito at tumango naman si Lenience bilang tugon. "Ikaw, Kulimlim?" baling na tanong niya sa akin.

"Oo na, susunod na."

"Sununod na? Isa din 'tong babaeng ito—"

"Just leave, you know?" putol ni Lenience sa kaniya na ngayon ay naiinis na.

Mayamaya pa ay umalis na siya. Napatingin kami ni Lenience sa isa't isa. Bigla na lang kaming napatawa nang palihim sa nangyari. Nakakahiya kasi, I know he felt the same way. 

Inakbayan niya ako tsaka sinundan na namin si Mariel. Baka kasi kanina pa talaga naghihintay ang mga 'yon, baka nagugutom na.

Pagkapasok namin sa loob ng hotel ay nakita na namin silang nakapwesto sa hapagkainan. Napatingin sila sa amin dahil sa aming pagdating. Ngumiti na lang ako sa mga ito at ganun din sila. Inilalayan ako ni Lenience sa upuan ko atsaka sya maupo sa aking katabi  "Where's Mang Ben?" tanong niya na bumasag sa katahimikan.

Kumain na ang iba naming mga kaibigan habang ang plato ko ay patuloy na nilalagyan ni Lenience ng pagkain.

"Umalis na," sagot ni Ivan habang busy sa pagkain.

"What?" gulat ng tanong ni Lenience dahilan ng napahinto siya sa ginagawa niya. 

"Yeah, he left." Si Carl na ngayon ang nagawang sumagot sa kaniya. "Hindi na siya nagpaalam sa‘yo kasi may nagaganap na sexy time kanina," he added and chuckled. 

Tumawa na rin ang iba, maliban sa aming dalawa. Nailang tuloy ako. Siguro umalis na si Mang Ben kasi kagaya ng sabi niya kanina may lakad pa siya. 

"Stop it, Dre," walang ganang komento ni Lenience habang nagsasalin pa rin ng pagkain.

Natahimik naman ang mga kaibigan niya sa sinabi niyang iyon at nagpatuloy sa kanilang pagkain. 

Hindi ko pa rin magawang kalimutan ang nangyari kanina. Muntik na kaming mahuli ni Mariel dun. 

"So, what's our plan for tonight, guys?" basag ni Vincent sa katahimikan.

Napatingin kaming lahat sa kaniya at napakunot ng noo. Oo nga, ano kaya ang magandang gawin mamaya? Para naman ma-enjoy namin ang Cebu at ang Camotes Island. 

"What about…" pagtugon ni Matteo na tila nag-iisip pa ng gimmick. "Bonfire, I guess?" 

Napa-wow ako sa sinabi ni Matteo. Ang ganda ng idea niya. Mukhang mai-enjoy nga ng grupo 'yon. Na-excite tuloy ako bigla.

"That is a good idea, Man," komento ni Ivan dito.

"Ano, game kayo?"

Tumingin sa akin si Lenience at nagtaas ng kilay. "Are you okay with that, love?" 

Bakit ako lang ang tinatanong niya, paano 'yong iba? "Oo, naman. Exciting kaya 'yon!" masaya at excited kong sabi.

"'Yon naman pala, eh. Tonight 'yan, ha? Don't forget," pag-uulit ni Matteo.

Tumango kaming lahat, na may ngiti at excitement sa mukha. Lalo na si Mariel, alam kong excited siya.

"Excited na ako," masaya niyang untad.

Ano kayang laro ang magandang laruin mamaya? Hm, kadalasan kasi sa alam ko ay truth at dare lang ‘pag gan'yang gimmick. Maganda naman 'yon lalo na pag wala kang tinatago para hindi ka kinakabahan sa truth. 



Link for Camotes Island: https://pin.it/2Ttf2OK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top