Kabanata 23
KABANATA 23
[NAKALIMUTAN]
"Serenity!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses dahilan nang paglingon ko rito.
Hindi ko akalain na habang naglalakad ako papasok sa MCU ay may bigla-bigla na lang tatawag sa akin. Hindi na ako nakasabay pa kay Lenience kahit sinabi niya pang susunduin niya ako kasi may inutos pa sa akin si mama, kaya pinauna ko na lang siyang pumasok. Gusto niya sanang sabay na lang naming daanan ang utos sa akin ni mama pero hindi na ako pumayag pa baka kasi mahuli rin siya at ano na naman ang sasabihin ng mommy niya sa akin. Mas mahirap 'yon.
Paglingon ko ay dali-dali naman itong tumayo mula sa kaniyang pagkaupo malapit sa guard house. Hinihintay niya ba ako? Huminto muna ako at hinintay siyang makalapit sa gawi ko. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa 'yon pero huli na ng akin itong mapagtanto.
"Jio," tugon ko rito. Ngumiti naman ito sa akin.
Naka-uniporme rin siya kagaya ko. Himala ata at nagsusuot na siya ng uniporme niya ngayon at ang neat niya pang tingnan, ha. Samantalang noon makapasok lang siya sa paaralan, okay na. Napansin kong may dala-dala siyang chess board, naglalaro pa rin pala siya nito?
Bigla ko na lang naalala kung paano ko magawang um-absent sa klase ko noon para lang masuportahan siya sa laro niya kung saan ngayon napagtanto kong wala pa lang kwenta. Nag-angat ako muli ng tingin sa kaniya nang magsalita siya.
"Bakit hindi mo kasabay si Monte Carlos?" nagtataka niyang tanong.
Nagkibit-balikat muna ako tsaka tinugon siya. "Ah, pinauna ko nang pumasok. May inutos pa kasi sa akin si Mama. Ikaw? Bakit wala ka pa sa klase mo?"
Tumingin siya nang bahagya sa akin at nang maramdaman ko iyon ay naging hindi ako kumportable rito.
Hindi ko na lang pinansin ang tingin niyang 'yon at itinuon ang atensyon sa daan papuntang silid ko.
"Wala, gusto lang kitang makasabay," nakangiti niyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi nito dahilan nang makagat ko ang pang-ibaba kong labi. Makasabay? Para saan?
"Bakit?" walang gana kong tugon.
Bigla siyang napahinto sa paglalakad kaya ganun din ako. Inunahan niya ako tsaka hinarap. Ano na naman bang drama niya?
Nagkunot-noo ako sa ginawa niya pero nanatili lang siyang nakangiti.
"About last time," pauna niyang sabi. "Gusto ko sanang sabihin sa‘yo na—"
Pinutol ko na agad siya kasi alam ko na ang nais niyang sabihin.
Nilampasan ko siya pero nagawa niya pa ring habulin ako. "Jio, pwede ba tantanan mo na ako!" I exclaimed. "Look, masaya ako sa pagtulong mo sa akin that time. ‘Tsaka salamat pala ulit do’n pero, Jio, hanggang dun lang 'yon. Huwag munang lagyan pa ng kahulugan."
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko dahilan para mas naiinis ako sa kaniya, pero bago pa man may makakita sa ginawa niyang iyon ay agad ko na 'yong tinanggal ng pa galit.
Nagulat siya sa ginawa kong 'yon pero wala akong pake.
"Mahal pa rin kita, Serenity," he confessed.
Nag-iba bigla ang reaksyon ko sa mukha sa sinabi niya. Hindi reaksyon na natutuwa ako kundi reaksyong galit na galit.
Napaawang ako sa bibig ko at kinagat ang ilalim ng aking labi dahil sa sobrang inis. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Jio? Nababaliw ka na ba? Alam mo naman siguro na may jowa ako, ‘di ba? Bakit mo pa nagawang sabihin ang mga 'yan!" galit na saad ko rito.
Sa ginawa kong 'yon napatingin sa gawi namin ang ibang estudyante ng MCU. Wala akong pake sa mga titig at bulong-bulungan nila kasi naiinis na ako.
He cleared his throat and talked again. "Akala ko kasi may chance pa, Serenity. Promise this time, magiging mabuting kasintahan na ako," pagmamakaawa niyang sabi.
I glared at him. "Chance? Sa tingin mo bibigyan pa kita ng chance after what you did, Jio? Nakipag-landian ka sa pinsan ko noon at kita-kita ko 'yon mismo gamit ang dalawa kong mata! Anong promise? Hindi mo nga nagawang tuparin ang mga pangako mo noon, ngayon pa kaya?" sigaw at may diin na sabi ko rito.
Napayuko siya sa sinabi ko dahil sa hiyang inabot niya. How come na magawa niyang bitawan ang mga salitang 'yon? Akala ko ba malinaw na na wala na kami, bakit basta-basta na lang siyang makikipagkita at manghihingi ng chance? Baliw na ba silang dalawa ni Faye?
Pagkatapos nila akong lukuhin ni Erika noon ay may gana pa talaga siyang sabihing mahal niya pa ako? Pagkatapos kong mahuli silang gumagawa ng kababalaghan sa loob ng CR namin at saktan ako, iyan pa rin ang iniisip niya. Paano ang pinsan ko? Pulutan niya rin lang ganun? Baliw na nga siya.
Tinalikuran ko siya agad para makapasok na ako nang tuluyan sa klase ko nang bigla siyang nagsalitang muli dahilan para hindi ko magalaw ang aking mga paa.
"Hindi ka mahal ni Lenience, Serenity. Iiwan ka rin niya, masasaktan ka rin niya at narinig ko sila ng mga kaibigan niyang nag-uusap tungkol sa plano," habol niyang sigaw nang makatalikod ako sa kaniya.
Ayaw kong maniwala at hindi ko gustong paniwalaan ang narinig kong 'yon mula kay Jio. Pero nu’ng banggitin niya ang salitang plano na kinatatakutan ko ay tuluyan ng nagunaw ang aking mundo. Hindi ko alam kong magsasalita pa ba ako o sabihin sa kaniya na nagsisinungaling siya pero hindi ko magawa. Gusto kong gumalaw, gusto ko siyang sumbatan pero may pumipigil sa akin na gawin ito.
Plano? Alam niya? Totoo ang planong narinig ko mula sa mommy niya? Anong plano niya? Tsaka ko lang magawang makagalaw ulit noong muli siyang magsalita.
"Iiwan ka rin ni Lenience, hindi kayo magtatagal. Kaya, pleas,e bumalik ka na lang sa'kin," lakas loob niyang sabi.
Nilingon ko siya ng walang pagdadalawang-isip at sinamaan ng tingin. Gusto ko siyang sampalin at murahin nang murahin pero wala kong lakas para gawin ito sa kaniya dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Tangina, Jio! Ang babaw mo! Gusto mong bumalik ako sa‘yo kasi iiwan ako ni Lenience? Baka nakakalimutan mo,? Ikaw ang unang nang-iwan at nanggago sa akin!" Lumapit ako sa kaniya at dinuro siya. "Kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin na iiwan niya rin ako kasi ikaw lang ang may lakas ng loob na gawin sa akin 'yang mga pinagsasabi mo!"
Napaatras siya sa huling nasabi ko na tila ba natatakot ito sa galit na galit kong boses. "Papano kung tama nga ako at iiwan ka nga niya, ha? Anong gagawin mo?" nabubulol niyang tanong.
Nilapitan ko siya ng sobrang lapit na tila ba hangin na lang ang pwedeng makadaan sa sobrang lapit kong 'yon. Tsaka may ibinulong ako sa tainga niya sa huling pagkakataon.
"Iwan man niya ako at kung mangyari man 'yang sinasabi mo, isa lang ang sisiguraduhin ko sa‘yo, hinding-hindi kita babalikan kahit ikaw na lang ang matitirang lalaki sa mundo," diin kong sabi na tagos talaga hanggang buto niya, tsaka siya tinalikuran at naiwang tulala.
Eksaktong pagtalikod ko rito ay laking gulat ko nang makita ko si Lenience na nakatingin sa amin sa 'di kalayuan. Pupuntahan ko na sana siya nang bigla niya akong talikuran. Nakita niya ba ang pagbulong kong 'yon? Baka mali ang pag-intindi niya.
Sa sobrang takot na may halong pangamba ay agad ko itong sinundan para ipaliwanag sa kaniya na mali ang iniisip niya.
Lenience.
Hinabol ko lang siya nang hinabol at wala akong pake kung hindi man ako o absent man ako sa lahat ng klase ko ngayon, basta ang tanging alam ko lang ay ayaw kong magalit siya sa akin.
Nang makarating na ako sa rooftop kong saan siya naroon ay nakita ko itong nakatingin sa kawalan na para bang ang lalim ng kaniyang iniisip. Kahit kabado ako ay nagawa ko paring lumapit sa gawi niya. Hindi niya ako nagawang lingunin man lang kaya nasasaktan ako roon.
"Love," kinakabahan na tawag ko rito.
Hinintay ko siyang sumagot pero wala talaga kaya naisipan kong hawakan ang kamay nito at muling nagsalita. "Love, it's not what you think. 'Yong nakita mo kanina, wala 'yon—"
"Kung 'yan ba ang sinabi ko sa‘yo nung nahuli mo kami ni Faye, na nagtatawanan ay pakikinggan mo ba ang sasabihin ko, Serenity?" walang buhay niyang sabi pero iba ang dating sa akin nu’n.
Nawala lahat ng salitang gusto kong sabihin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang puntuhin sa mga pinagsasabi niyang iyon, basta ang alam ko lang ay nagdulot 'yon sa akin ng kakaibang tensyon. Hindi pa rin niya nagawang lingunin ako kaya napabitaw ako mula sa pagka hawak ko rito.
Mag-aaway na naman ba ulit kami? Mauuwi na naman ba 'to sa sagutan, bangayan at walang kibuan? Kasi kung ganun, parang nakakasawa naman. Hindi ko magawang magsalita ulit gawa ng sinabi niyang 'yon. Aalis na sana ako at hahayaan ko muna siyang mag-isip-isip ng muli siyang magsalita.
"Now tell me, Serenity, kung ano ang sasabihin mo. I will give you a chance to explain," malamig niyang sabi sa akin.
Kahit dama ko ang kalamigan ng boses niya ay nagawa ko pa rin siyang ipaharap sa akin para makita man lang niya ang reaksyon ko na nagsasabi talaga ako ng totoo. Sumunod naman siya sa akin at nakatitig lang ito gamit ang blangko niyang ekspresyon sa kaniyang mukha.
Pumikit muna ako ng bahagya at nagbitiw ng malalim na hininga. “‘Yong nakita mo kanina, binulungan ko lang siya nu’n na hindi niya na ako mapapasa-kaniya ulit kasi ikaw ang mahal ko, Lenience."
Nagawa niyang kagatin ang labi niya at napahilot sa kaniyang sentido nang bigkasin ko iyon sa kaniya. Alam kong ayaw na ayaw niyang marinig na gusto ni Jio na makipagbalikan ako rito kasi iinit ang ulo niya. "Ano ang sabi niya sa‘yo?"
I bit my lower lip and played with my finger like a child. "He's asking for a second chance."
"Then, you give him a chance—" hindi niya pa man nagawang tapusin ang sinabi niya ay agad ko na itong pintutol.
"No. Of course not. Mahal kita—" pagputol niya rin sa akin.
"Bakit mo pa siya kinausap? Alam mo naman ,‘di ba, na lagi ka niyang kinukulit? Sana nilayuan mo na lang!" he exclaimed.
Napansin ko ang pag-igting ng panga niya at ang dilim na tingin niya sa akin, para bang wala sa oras ay sasabog na ito sa galit.
Nilapitan ko siya at hinawakan ang kaniyang braso para huminahon siya kasi namumula na siya.
Is he that angry for what happened? May mali ba sa ginawa ko kanina na ikinagalit niya ng husto? Kasi sa pagkakaalam ko sinabihan ko naman lang si Jio, na wala na siyang maaasahan sa akin. Dapat ba hindi ko na lang ginawa 'yon para hindi siya magkakaganito?
"Ginawa ko naman 'yon, eh, pero ayaw niya talaga akong tantanan."
He shrugged dahilan nang mapabitaw ako mula sa pagkahawak ko rito. Nagulat ako sa ginawa niya kasi namumula na siya sa galit. Kinabahan na ako sa kinikilos niya pero mas lalo akong ginabahan sa salitang sumunod niyang binitawan na naging dahilan ng magalit ako rito.
"Iyan na nga bang sinasabi ko. Nang dahil sa pagtulong niya sa‘yo nung naulanan ka ay nilagyan niya na ng kahulugan ang mga 'yon! Kung sana hindi ka—"
Agad ko siyang pinutol ng napagtanto ko ang gusto niyang sabihin.
Akala ko ba nakalimutan at naiintindihan niya na ako sa mga nangyayaring 'yon? Sinabi ko naman sa kaniya ang totoo, ‘di ba? Ano pa ba ang dapat kong sabihin para maniwala siya? Hindi naman talaga 'to madadaan sa masinsinang usapan kaya ganyan sa makapag-react.
Tiningnan ko siya ng deritso kaya nakaramdam siya ng kunting gulat sa ginawa ko. "Ano, Lenience? Na sana kung hindi ako naging tanga para suungin ang ulan na 'yon ay sana hindi siya nagkaganyan?"
Umiling-iling siya nang kaonti at napakamot sa ulo niya sa sinabi kong 'yon.
"No. That's not what I wanted to say.” Sabay pikit nang bahagya sa mata niyang sabi.
"Kung hindi 'yan, ano? Lenience, ang babaw lang ng problema, oh. Pinapalaki mo pa talaga?"
Hindi ko na maawat ang sarili kong hindi magalit sa mga sinasabi niya kasi para na naman siyang bumabalik sa naging dahilan ng bangayan namin noon dahil kay Faye at kay Jio rin. Kung ganito na lang kami lagi, baka tama nga si Jio, hindi nga kami magtatagal.
"Can you stop shouting? Maraming makakarinig sa‘yo, hindi ka ba nahihiya?"
“‘Yon, lumabas din ang totoo. So, kinahihiya mo na ako? Nahihiya ka na? Ano, ayaw mo na sa akin? Iiwan mo rin ako? Iyan na nga bang sinasabi ko, eh. Pare-pareho lang kayong lahat! Ang sasama niyo!" I cried.
Ayaw nang magpaawat ng luha ko kaya kusa na lang itong lumabas sa aking mga mata. Kanina ko pa 'to gustong bitawan pero pinigilan ko lang. Ngayon hindi ko na kaya kundi ang lumuha na lamang.
Palagi na lang ba tayong ganito, Lenience? Hindi na lang ba natin 'to madadaan sa masinsinan at mahinahong usapan? Kinakahiya mo na ba ako? Ang ingay ko ba talaga?
Lumapit naman siya sa akin bigla at agad akong niyakap. Pati siya nakita ko rin siyang nagulat ng sabihin ang mga 'yon. "Love, no. I'm sorry, I didn't mean it. I'm sorry."
Gusto ko siyang itulak at suntok-suntukin pero wala akong lakas na gawin ito kaya hinayaan ko na lang siyang yakapin ako.
"I don't even have a little plan to be with him again kasi ikaw lang ang mahal ko. So, please don't make me feel na mali ang desisyon na napili ko, Lenience," iyak kong sabi sa kaniya.
Hinagod niya ang aking buhok at hinalik-halikan ang aking buhok para patahanin ako. "I'm sorry, Love. I love you, okay? Nagseselos lang ako, f*ckin' jealous."
Ang sakit mo namang magselos, Lenience.
"Mahal kita, Lenience. Alam mo 'yan," mahina kong sabi kasi umiiyak pa rin ako nang umiiyak. Bakit palagi na lang akong ganito ka-emotional. Ano bang nangyari sa akin?
Noong una laging kabado, nagdududa, nagdadalawang-isip, natatakot at ngayon umiiyak? Ako pa ba talaga 'to?
"I love you.” He means it. "I'm sorry. Please stop crying na." He wiped my tears and kissed my forehead.
Gabi na noong makauwi ako ng bahay. Kinausap kasi ni Lenience ang iba naming instructor na humabol kami sa quiz kanina kasi nga nagkasagutan pa kami. Mabuti na lang pumayag ang mga ito kaya ito nagabihan ako ng uwi. Hinatid niya lang ako sa labas namin at hindi na magawang makapasok pa sa bahay kasi may hahabulin pa ras siyang lakad nila ng pamilya niya, kaya umuwi rin siya agad.
Mabuti na lang naayos din namin agad ang mga hindi pagkakaintindihan namin kanina at hindi nauwi sa kung anu-ano na lang. Palagi pa rin siyang humingi ng sorry sa akin kahit na binabaybay na namin ang daan pauwi kanina. Kagaya niya nanghingi rin ulit ako ng sorry sa naging asal ko kaya okay na kami.
Minsan kasi kaya nauuwi sa hiwalayan ang mga relasyon natin kasi sa sobrang taas ng mga pride natin. Gusto natin tama tayo palagi kaya nauuwi sa hindi pagkakaunawaan. Kailangan din kasi nating makinig para hindi lumala ang sitwasyon.
Nang makapasok na ako sa bahay, laking gulat ko ng makita ko si mama na inaayos ang mga pagkaing inihanda niya. Handa? Anong meron? May nakalimutan ba ako?
Naputol ko ang aking katanungan ng magsalita ito. "Napapadalas na ata ang pag-uwi mo sa gabi," walang ganang sabi ni Mama.
Lumapit ako sa kaniya para magmano kaso hindi niya ako hinayaang gawin ito. "Okay lang naman sa akin na gabihin ka ng uwi, Serenity, at kalimutan mo na ang lahat ng okasyon, huwag lang sana ang kaarawan ng Papa mo."
Doon lang ako natauhan kung ano nga ba ang nakalimutan ko sa gabing 'yon. Ito ang unang pagkakataon na nakalimutan ko ang mismong kaarawan ni Papa. Agad tumulo ang luha ko sa sinabi ni Mama at agad naman akong tinalikuran nito.
Hindi na nga ako 'to. Hindi na ako si Serenity na dating kilala ko at ng magulang ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top