Kabanata 21
KABANATA 21
[SAGUTAN]
"Oh, Serenity, ang aga-aga at nakatunganga ka riyan. Wala ka bang planong kumilos para makapagsimba na tayo agad?" pukaw na pagsasabi ni mama sa akin.
Nakatuon kasi ang atensyon ko sa labas ng bahay namin habang tinitingnan ko ito mula sa bintana. Hindi mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa nangyari sa amin kahapon. Kung paano niya ako pinakaba at tinaaokot sa mga salitang binitawan niya.
Nang dahil sa mga 'yon natatakot ako na baka tuluyan nga siyang mawala sa akin. Agad niya naman na akong inuwi kagabi matapos 'yong halik na 'yon. Imbes na kaligayahan ang nangingibabaw sa puso ko sa gabing 'yon, mas nangibabaw pa sa akin ang kaba at pag-aalala dahil baka sa susunod pang bukas ay tuluyan na siyang mawala sa piling ko o iwan ako. At iyon ang ikinatakot ko.
Alam kong against sa relasyon namin ang napakaraming bagay rito sa mundo pero kung matatag lang ang pundasyon ng aming pagmamahalan, tiwala akong kaya namin itong ipaglaban.
Napatingin ako kay mama dahil sa sinabi niya. "Magbibihis na po," matamlay kong sabi.
Napansin siguro ni Mama na wala akong gana kaya napatigil ako sa sumunod na salitang binitawan niya. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo, Serenity, may hindi ba magandang nangyari sa lakad niyo ni Lenience kagabi kaya ka nagkaganyan?"
Nakagat ko ang labi ko sa tanong na 'yon ni Mama kaya napahinto ako mula sa aking paglalakad para makapagbihis. Nakatayo lang siya sa likod ko nang makaharap ako rito na para bang nag-aantay siya sa aking isasagot.
"Po? Wala naman po, masama lang pakiramdam ko kaya ako matamlay," pagsisinungaling na kadahilanan ko rito.
Mukha namang kumbinsido siya sa sinabi ko kasi tumango ito sa akin. "Magbihis ka na para makaalis na tayo."
Kumilos ako agad kagaya nang sinabi ni mama. Mabuti na lang at napaniwala ko ito kasi kung nagkataon, alam kung susugod ito sa mansyon kung nalaman niya talaga ang tunay na nangyari kagabi. Imbes na sabihin sa kaniya ang totoo, pinili ko na lang itong itago para walang gulo. Gustong-gusto kong mag sumbong at umiyak sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin at payuhan ako kasi natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pagpasok ko sa aking kwarto ay doon ko inilabas ang aking mga luhang kanina pa gusto kumawala.
Ang mga luhang aking binitawan ay dahilan nang maramdaman ko muli ang mga takot na meron ako kagabi. Hindi lamang basta iyak ito kundi kaakibat na rin dito ang mga sakit na nais kong mawala na lang sa aking puso. Hindi pa nga nangyayari ang kinatatakutan ko pero para na akong mamatay sa sobrang takot at pagkabahala.
"Lagi niyong iisipin na kung pipili kayo ng lalaking iyong mamahalin sa habang buhay ay piliin niyo ang lalaking may planong pakasalan kayo, hindi 'yong lalaking nagbibigay sa inyo ng kalituhan sa buhay. Piliin niyo ang isang lalaking kilala ang Panginoon at nakahanda siyang ipakilala ka mismo sa kaniya. Isang lalaking hihikayatin kang sundan ang yapak ni Jesus, na gumawa ng kabutihan sa mundo at hindi 'yong lalaking walang ibang alam kundi ang magpapogi at ang magpa-believe sa iyo. Kasi kung ang lalaking 'to na tinutukoy ko ay sa tingin niyo nakita niyo na, malalaman mo iyan kasi nakahanda siyang gawin lahat huwag mo lang siyang iwan o huwag lang masira ang relasyon ninyo ng basta-basta kasi kilala niya ang Panginoon."
Napangiti ako sa sinabi ng pari sa kaniyang magandang homily.
Si Lenience kaya, kilala niya kaya ang Panginoon? Nakahanda kaya siyang ipakilala ako rito at pakasalan mismo sa harap niya? Hindi ko mapigilan ang mapasinghap gawa ng mga iniisip ko. Ngayong feeling ko na binigyan niya ako ng kalituhan sa buhay ay unti-unti akong nababahala. Sana mali ang iniisip ko kasi hindi ko na alam kung mali na naman ang mapaibig akong muli sa taong sasaktan lang din naman ako.
Hindi mawala-wala sa isip ko ang sabi nu’ng pari kanina sa simbahan kahit na nakalabas na kami ni mama sa simbahan. Habang nilingon-lingon ko ang aking mata sa paligid ay may nahagilap akong mag kasintahan dahilan ng maikompara ko ang relasyon namin ni Lenience sa mga ito, alam kong mali 'tong ginagawa ko pero hindi ko mapigilang hindi mainggit sa kanila.
I saw a boy buying her girl a bouquet of flower. Alam kong galing din ang dalawa sa loob ng simbahan dahil sa pananamit nila. Si Lenience kaya, nagsisimba rin kaya siya? Aalukin niya rin kaya akong magsimba kagaya sa nakikita ko ngayon at ibibili rin niya ba ako ng bulaklak pagkatapos? I don't know why, but it's haunting me.
All of those what ifs that I have ay nagiging dahilan lang ng mas lalo akong nagdududa sa relasyong mayroon kami ni Lenience. Hindi naman sa mas nagdududa ako sa kung anong mayroon kami pero kung akin lang nanaisin, baka dadating ako sa punto na makagawa akong ng bagay na ikakasakit ng puso namin pareho. Huwag naman sana.
Nang makauwi ako sa bahay ay agad kong di-ni-al ang number ni Mariel dahil gusto ko ng kausap ngayon. Mabuti na lang at nagpaalam si mama na mamalengke muna at hindi niya ako naririnig sa mga hinanakit na ilalabas ko sa kaniya. Ang tanging alam ko lang ay gusto ko ng may isang tao akong makakausap at masasabihan ng nararamdaman ko ngayon kasi parang lulunurin na ako nito at sa tingin ko si Mariel ang isa sa makakatulong sa akin dito.
"Oo, bruha, ba't naisipan mong tumawag?" malakas na sabi niya sa kabilang linya.
Narinig ko lang ang boses niya, naiyak na ako agad ng hindi ko lubos maunawaan kong bakit. Why do I feel empty? Feeling ko ang lungkot-lungkot ko ngayon. Para bang wala akong ibang nararamdaman kundi ang matinding kalungkutan.
I cleared my throat before I answered her question. "Ayaw ng Mommy niya sa akin, Sinag. Mas gusto niya pa rin si Faye kaysa sa akin," hindi mapigilang iyak na tugon ko sa kaniya.
"Umiiyak ka ba?" Hindi ba halata?
"Hindi, napuwing lang." I chuckled.
"Serenity, I'm not joking. Tell me the truth. May nangyari ba?"
Humagulgol na ako sa kakaiyak dahil sa sinabi niya. Gusto kong may makayakap at makakapitan sa mga sandaling ito kasi ang lungkot-lungkot ko talaga. Iyong pakiramdam na akala mo okay ka pero alam mo sa sarili mo na hindi dahil may mali talaga.
"Feeling ko, Sinag, iiwan niya ako. Sabi niya, kahit anuman ang mangyayari pagkatiwalaan ko lang daw siya pero alam ng puso ko na may mali talaga. May tinatago siya sa akin kagaya ng sabi ng mommy niya. May plano sila," I cried.
Hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak kasi mukhang kailangan ko ito para mabawasan ang sakit na mayroon sa puso ko. Minsan kung alam mong mabigat na kailangan mo lang iiyak ang lahat para gagaan ulit. Sana ganun lang nga kadali pero hindi, eh. Kahit iiyak mo na ang lahat-lahat, maubos man 'yang luha mo, kung ayaw kang tatanan ng sakit wala ka nang magagawa pa kundi hayaan na lang itong saktan ka ng sobra.
Napasinghap ito mula sa kabilang linya kasi narinig ko ito. "Kulimlim, ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan. Okay ka lang ba?"
"Sana nga okay lang ako, Sinag, pero hindi eh. Hindi ako okay at hindi ko alam kung magiging okay ba ako kung mangyayari ang kinatatakutan ko."
Sana isang salita lang na okay ako ay magiging okay na talaga ang lahat, kaso hindi ganun kadali 'yon, eh.
"Serenity, hindi ko alam ang mga nangyayari pero kagaya ng sabi ni Lenience sa‘yo kailangan mo siyang pagkatiwalaan."
I bit my lips. "Kung gagawin ko ba 'yon hindi ako masasaktan?"
Walang mali sa magtiwala, ang mali lang ay sobra natin itong ibinigay sa taong gusto nating pagkatiwalaan kaya tayo nasasaktan.
Mahaba-haba rin ang pinag-usapan namin ni Mariel. She gave me piece of advice and I kept that in mind. Kagaya ng sabi niya kailangan kong nagtiwala kay Lenience kasi siya raw ang higit na nakakaalam kung ano man ang plano na narinig ko mula sa kanila ng mommy niya. She has a point, I should trust Lenience kung iyon ang ikabubuti ng lahat.
Pagsubok lang 'to para sa relasyon namin kaya kailangan ko 'tong labanan. Kailangan namin 'tong labanan ng sabay at harapin ng pareho.
Mula nu’ng ihatid niya ako sa bahay ay hindi na ako nagkaroon ng update sa kaniya. No texts, no calls, wala lahat. Ano kaya ang ginagawa niya? Busy ba siya? Okay lang ba siya? Nagkasagutan na naman ba sila ng mommy niya dahil sa akin o sa plano? Gusto kong alamin ang mga kasagutan sa tanong ko pero hindi ko alam kung sino ang makakasagot sa akin nito. Baka siya lang.
Kinabukasan, noong nasa loob ako ng CR ng MCU para gawin ang girl things, habang inaayos ko ang sarili ko para makalabas na ay nagulat ako sa bulto ng tao na nakita ko sa salamin. Nakita ko ang babaeng nagparamdam sa akin ng selos at kaba. Ngayon ko pa siya ulit nakita. Kita ko sa mukha niya na tila galit ito at nakataas pa ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin mula sa salamin, ganun din ang mga alipores niya. Ano na naman ba ang gusto niya?
Agad ko siyang hinarap at tiningnan siya mula ulo hanggang paa dahilan na mapaayos ito ng tayo. Akala mo ikaw lang ang marunong, pwes you're wrong. Ayaw ko ng gulo kasi wala ako sa kondisyon kaya lalampasan ko na sana siya noong bigla niyang hatakin ang kamay ko dahilan ng mag-init ako bigla.
"I want to tell you something," panimula niyang sabi.
I gave a deep breath. "What? Make it fast, kailangan ko nang umalis."
Mas lalo akong na galit at nainis sa kaniya sa sumunod na salitang naibulalas niya dahilan ng mapangiti ako rito.
"I want Lenience back."
Ang kapal. Saan kaya siya nakahugot ng lakas na loob para magawa niyang sabihin sa akin ang mga 'yon? Baliw na nga siya.
I chuckled and rolled my eyes. "Kunin mo. Kung mapapasa’yo, ngayon pa lang, binabati na kita."
Nakita ko ang pag-awang ng labi niya sa sinabi ko at ang pagkagulat ng dalawa niyang unggoy na kaibigan. "Hindi mo ba nakikita? Langit si Lenience, samantalang ikaw lupa ka lang."
"Kung lupa man ako, mag-ingat ka kasi nakatapak ka sa teritoryo ko."
Hindi niya nagawang tugunin ang sinabi ko kaya naisipan kong lumabas ng CR. Akala ko nakaiwas na ako sa gagang Faye na 'yan, kaso sinusundan niya pala ako pagkalabas ko.
"Ako ang gusto ni Tita Anna para kay Lenience, Serenity, at hindi ikaw!" habol na sigaw niya sa akin.
Hindi na ako nagdadalawang-isip pa at agad itong hinarap. "Gusto ka lang ng Mommy niya pero ako ang gusto ng anak. At iyon ang lamang ko sa‘yo."
Aanhin niya naman kung gusto siya ng ina ni Lenience kung hindi naman siya gusto nito? Siya gusto lang pero ako, mahal ako ng anak ng taong gusto siya. Imbes na matakot ako sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang matawa sa kaniya. She looks pathetic. Isang babaeng hinahabol noon at nagpapakipot na gustong kausapin ni Lenience ay siya na ngayon ang nagmamakaawa sa akin na gusto niya itong agawin.
Tingnan lang natin kung magtatagumpay ba siya. Pero sa tingin ko hindi siya mananalo sa labang 'to.
"Minahal niya rin ako noon—" hindi pa man siya natapos sa sasabihin niya ay naputol ko na ito.
I chuckled. "Are you not that good in verb tenses, huh? Minahal ka niya noon, past tense. Ibig sabihin, tapos na. Kung tapos na, hindi na maaaring balikan pa."
Napalunok siya sa nasabi ko at ang dalawa niyang kaibigan ay hindi man lang nagawang magsalita ukol sa narinig, na tila ba mga pipi ang mga ito.
Ano bang takbo ng utak mo, Faye, at ngayon ka pa talaga nagkaganito, ha? Samantalang noon, pilit kang kausapin ni Lenience ay ayaw na ayaw mo siyang kausapin man lang. Isa ka ba sa may plano kagaya ng sabi ni Ma'am Anna?
Kung ang awayin ko si Faye ay isa sa paraan para maipanalo kita, Lenience, pwes nakahanda akong labanan siya kahit magkamatayan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top