Kabanata 20

KABANATA 20
[DOUBTS]


Dama ko ang diin sa boses ni Lenience noong sabihin niya ang mga salitang 'yon sa sarili niyang ina kaya mas lalo akong kinabahan dahil sa tensyon na naramdaman ko sa pamamagitan ng dalawa.

Nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa mga ito hanggang sa narinig ko ang mga katagang nagpakaba sa akin ng husto. 

"Isipin mo 'yong plano natin, Lenience! Kakalimutan mo na lang ba 'yon dahil sa lintik na babaeng 'yan? What are you thinking?" sigaw ng ina niya rito. 

Plano? May plano si Lenience? Bakit hindi ko alam?  Para saan ang plano niya, para sa akin ba? 

"S'yempre hindi. Alam ko naman na atat na atat kayong mangyari 'yon, eh. But this time ako ang masusunod. Walang planong mangyayari kung ganyan ka makikitungo kay Serenity!" he exclaimed. 

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makatugon si Lenience rito. May plano sila at may balak tuparin ni Lenience 'yon kapag makikitungo sa akin nang maayos ang ina niya. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang nakikinig sa tensyonadong usapan ng dalawa, ngunit hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga naririnig ko tungkol sa plano. 

"Paano si Faye? Wala ka ng planong balikan siya dahil may bago ka na?"

Now I know. Si Faye nga ang gusto niya para kay Lenience. Nasaktan ako sa tanong ng ina niya. Iiwan kaya ako ni Lenience para sa kaniya? Ako 'yong kasama niya sa pamamahay nila. Ako 'yong pinapakilala niyang girlfriend niya pero si Faye ang hinahanap at bukambibig ng kaniyang ina. Mabuti pa kay Jio noon bukal pa sa puso ang pagtanggap sa akin ng mga magulang niya, samantalang kay Lenience kabaliktaran. 

Ganito na lang ba lagi ang nararamdaman ko sa pag-ibig kung hindi lolokohin ay hindi katanggap-tanggap? Ano ba kasi mayroon sila na wala ako? Pera ba? Fame, kayaman o kagandahan? Kasi kung ganu’n, alam kong lugi ako. 

Narinig ko ang marahang pagtawa ni Lenience kahit na sa labas lang ako ng kusina nila. "Faye and I were totally over. Wala na kami Mom at kahit anong pilit ninyo hindi na magiging kami ulit."

Iyan ba ang planong tinutukoy ng kaniyang ina? Ang magbalikan sila? Kaya pala ayaw niya sa akin at ganun-ganun na lang ang pakikitungo niya sa akin kanina kasi si Faye ang gusto niya. Hindi ko ni minsan na tanong kay Lenience kung paano naging sila ni Faye kasi gusto kong siya mismo ang magkwento sa akin tungkol dito. I trust him pero hindi maalis-alis sa isip ko na baka masira niya ang tiwalang ipinagkaloob ko sa kaniya. 

Takot akong magmahal noon pero sinubukan kong magtiwalang muli kasi nangako siya. He promised not to do things that will hurt me. Sana hindi niya magawang kalimutan ang pangakong 'yon. 

"Are you out of your mind, Lenience Zethio? Nag-iisip ka pa ba? Si Faye, bata pa lang kayo kilala mo na siya, samantalang si Belmundo nakakakilala mo pa lang sa kaniya," patuloy na galit na sabi ng kaniyang ina. 

Tama nga naman siya. Kakakilala pa lang namin ni Lenience kaysa sa haba ng pagkakakilala nila ni Faye sa isa't isa. Lahat naman ata 'yon ang sinasabi nila. They always tend to say na ang ikli lang ng panahon ng pagkilala namin ni Lenience at naging kami na agad. Siguro kung ang mga taong hindi dumaan o naranasan ang pag-ibig ay huhusgahan nila ako pero 'yong nakakaalam, maiintindihan nila ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Ngunit sa palagay ko, walang makakaintindi nu’n kundi kami lang.

Sa puntong 'to wala akong ibang iniisip kundi ang umuwi na agad sa bahay para makapagpahinga. Kailangan ko munang ipahinga ang tainga ko mula sa aking narinig lalo na ang aking puso dahil ito ang mas naapektuhan ng husto. 

"Do you really know what is love, Mom? ‘Di ba na-inlove ka rin, kaya alam mo na ang sagot ko. Magalit  ka man, wala akong pake basta mahal ko si Serenity. At 'yon ang mahalaga," huling sabi rito ni Lenience at narinig ko ang kalabog ng mga paa niya palabas ng kusina. 

Agad akong lumayo sa pwesto ko at pumunta sa tapat ng pintuan na tila ba parang wala akong narinig mula sa nangyayari sa loob. Mayamaya pa ay iniluwa siya mula sa pintuan ng kusina nila at agad niya akong nahuli sa mga tingin nito. Nakangiti rin siya sa akin pero ang ngiting iyon ay kakaiba, ngiting para bang nasaktan talaga siya ng sobra kanina. 

Imbes na ito ang pansinin ko ay hinayaan ko na lang kasi kailangan kong magpanggap. Akalain mo, sobrang simple lang ng simula ng pag-iibigan namin pero 'yong mga sakit na aming pinagdadaanan ay hindi basta-basta. Nagkakilala kami, nagkabangayan, nagkapatawaran, naging magkaibigan, nahulog sa isa't isa, nagkaligawan at naging mag-jowa. Ganu’n lang ka simple pero hindi ko lubos maunawaan na ganito pala kasakit. 

Lahat naman siguro ng nagmamahal ay ganito rin ang nararanasan. Lenience and I are against the world. Sa mundong kung saan para sa kanila ang pag-ibig ay basta-basta na lang natuturuan at nabibili ng pera. Kahit sino ka pa o ano ka pa kung tatamaan ka, wala ka nang kawala. 

Binabaybay na namin ni Lenience ang daan pauwi sa amin kaso sobrang tahimik nito. Gusto kong mag-ingay o kulitin siya pero hindi ko magawa. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya tungkol kanina pero hindi ko alam kung paano. If I will ask him, sasagutin niya ako ayon sa katotohanang gusto kong marinig mula sa kaniya o magsisinungaling siya? 

"I heard you and your mom discussing about the plan. Anong ibig niyang sabihin?" Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapatanong dahilan ng nabasag ko ng katahimikan. 

He looked at me nang bahagya bago tumingin ulit sa daan. "Don't mind it."

I am right hindi nga niya sasabihin. May tinatago ka ba talaga, Lenience? Para saan ba ang planong 'yon? Para sa atin ba o sa relasyon natin? 


Hindi ako naging kumbinsido sa sagot niya kaya nagtanong ako ulit. "Are you hiding something, Lenience?" 

He stopped the car and looked at me kaya kinabahan ako sa ginawa niya. "Why would I? Look, wala akong tinatago sa‘yo. Kung ano man 'yang narinig mo tungkol sa plano na 'yan, kalimutan mo na lang 'yon kasi wala 'yong kwenta. Okay?" 

Bumuntong-hininga muna siya bago pinaandar muli ang sasakyan. Sana walang kwenta nga 'yon Lenience kasi ‘pag iyon nangyari, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko. 

Sa mga sandaling ito wala akong ibang nararamdaman sa mga oras na ito kundi kaba, pagkabahala, pag-aalala, kutob at pagkatakot. Hindi ko alam kung bakit ko na lang iyon naramdaman. Siguro dahil lang 'yon sa mga hindi ko inaasahang marinig kanina. 

Akala ko pa naman magiging isa na ito sa pinakamasayang araw ko ngayon kasi nakilala ko na ang mga magulang niya, but I'm wrong. 

Nagpatuloy lang ako sa pag-isip-isip ng kung ano-ano nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. Hindi pa naman ito bahay namin pero huminto siya. Nang makita ko kung saan siya huminto ay napasinghap ako. Ihininto niya kasi ito sa may tabing dagat, siguro kailangan niya munang mag-chill kahit ngayon man lang. 

"Halika, jowa time muna tayo," sabi niya nang mabuksan niya ang pintuan ko pagkatapos niyang makababa. 

Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay nito para makalabas nang tuluyan sa kotse. Inalalayan niya akong makaupo sa harapan ng kotse niya kasi pwede naman itong upuan tsaka tumabi rin siya sa akin mula sa pagkaupo. 

Napatingin ako sa kaniya nang bahagya at nakita ko ang labis na kalungkutan sa kaniyang mga mata na naging dahilan ng pagkirot ng puso ko. First time ko siyang nakitang ganito ka lungkot. Iyong lungkot na para bang lulugmukin ka nito, 'yan ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit at ipinuwesto ko ang ulo ko sa shoulder nito. Hinawi niya naman ang ibang hibla ng aking buhok na pilit liparin ng hangin. 

"I love you, Love," ngiting sabi ko rito. 

Agad niya akong niyakap sa pagkasabi kong iyon at hinalikan ang aking noo. "Mahal rin kita."

I love you more, Lenience. I love you more than your flaws. I love you more than your worries in life and I love you more than anything in this world. Mahal kita ng sobra, 'yan lang alam ko at wala ng iba.


"Kung dumating man ang araw na ang lahat ng bagay sa mundong 'to ay tutol sa relasyon natin, sana sa kabila ng lahat ng 'yon ako pa rin ang pinaniniwalaan mo hanggang sa huli, Serenity."

I lost my word. 

This time, I know something went wrong in our relationship. Alam ko mismo sa sarili ko na may mangyayaring hindi ko lubos akalain na mangyayari pala. Kung sakali mang dumating ang araw na iyon, nais kung paniwalaan si Lenience sa sinabi niyang ito sa akin pero hindi ko alam kung papaano. 

In the first place, he promised na hinding-hindi siya gagawa ng bagay na ikakapahamak at ikakasakit ng puso ko at iyon lang ang paniniwalaan ko. 

"You promised not to hurt me, right?" malungkot na tanong ko rito.

Agad siyang umupo nang maayos dahilan ng mapatingin ako sa kaniya nang diretso. He looked at me too with his bitter smile. "Basta pagkatiwalaan mo lang ako, Serenity. That's all I could ask. Always remember na mahal na mahal kita, Love. Kahit iwanan man ako ng iba, huwag mo lang akong iwan, lahat ng 'to ay kakayanin ko para sa‘yo."

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ay mawawala siya sa akin? Iiwan niya ba ako? 

"May nangyari ba, Lenience? Please tell me, so I can understand," halos maiyak kong sabi rito. 

Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ulit ako sa noo. Tumingin siya ng mapakla sa akin na may lungkot pa rin sa kaniyang mga mata. "Look how the plants needed water everyday just to survive." Ngiti niyang sabi. "And that's how I need you too,"

"Bakit pakiramdam ko ay mawawala ka sa akin? Lenience, hindi mo naman ako iiwan ‘di ba?" I can't help myself, but to cry. "Please Love, tell me na hindi ka mawawala sa akin."

Lenience,

Please sabihin mong mali 'tong mga iniisip ko. 

Bakit ako kinakabahan? Bakit pakiramdam ko ay may nangyayari talaga na hindi ko magugustuhan?

Hindi niya na ako nagawang sagutin pa sa tanong ko, sa halip ay agad niya na akong sinunggaban ng halik. Napangiti ako sa ginawa niya. Oo, aminado akong nagulat ako sa ginawa niyang iyon pero sa pagkakataong ito ang tanging alam ko lang ay nagustuhan ko ang ginawa niya. 

He's my first kiss and I hope this won't be the last. 

Kung ang plano mo pagkatapos nito ay ang iwan at saktan ako, ngayon pa lang sasabihin kong mukhang magtatagumpay ka nga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top