Kabanata 2

KABANATA 2
[SON OF MCU'S OWNER]


"EH sinabi ko naman sa‘yo, ‘di ba, na huwag mo nang patulan? Ayan tuloy, napahiya ka pa sa harap ng mga kaibigan niya," pag-aalala parangal sa akin ni Mariel.

Wala akong paki kung napahiya ako. Gago naman siya! Sa laki at luwag ng daan, sa gitna pa talaga namin ni Mariel dadaan? Ano siya, papansin lang gano’n? 

Nandito kami ngayon sa canteen para makapag-recess. Hindi kasi kami natuloy sa library kanina dahil sa lalaking 'yon. Kaya dinala na lang ako ni Sinag dito para man lang daw makakain ako kahit papaano. Baka raw nalipasan lang ako ng gutom kaya ginawa ko 'yon. May pagkabaliw rin talaga 'tong si Mariel. 

"Eh, kung hindi ko papatulan 'yon, mas lalong lalaki ang ulo ng lalaking 'yon, Sinag!" pagpapaintindi ko sa kaniya gamit ang inis na inis kong boses.

Napakunot naman ang noo ko nang tiningnan niya ako at tinawan.

"Bakit?" takang tanong ko sa kaniya.

Umiling-iling siya at binitiwan ang hawak-hawak niyang juice na kaniyang iniinom. "Hindi mo nga talaga alam kung sino ang kinalaban mo, Kulimlim. Kung ako sa‘yo, tumigil ka na sa plano mo kasi maling-mali 'yang gulong papasukan mo." 

Ha? Ang labo naman nito. Bakit mali? Eh, sino ba kasi siya? Nagtakang-tingin lang ako sa kaniya kasi hindi ko lubos maintindihan ang sinabi niya.

"What do you mean by mali?"

"Listen to me,” simple niyang sabi kaya nakinig ako. “Iyang taong kinaiinisan mo at nais mong hamunin ng away…" she paused to trailed off. "Nag-iisang anak lang naman siya ng may-ari ng unibersidad na 'to."

What? Tama ba  ang narinig ko? Anak siya ng may-ari ng school na 'to? Kaya pala Monte Carlos ang apelyido niya? Patay ang scholarship ko nito!

Bakit hindi ko man lang naisip 'yon? What should I do?

Tumingin lang siya sa akin. Nakadilat pa rin ng maliliit kong mga mata na namana ko sa aking ama.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Sinag? Sana man lang nalaman ko kung sino siya! Sinag, naman. Papaano na ang scholarship ko n'yan?" pag-aalala kong tanong sa kaniya.

"Paano ko sasabihin sa’yo? Eh, pinigilan nga kita kanina kaso ang tigas ng ulo mo, Kulimlim! Ang high ng blood mo." 

I gave a deep breath and sighed. "Anong gagawin ko ngayon? Help me, please? Kailangan ko pa naman ang scholarship ko.”

Nababaliw ka na, Serenity. Bakit ba kasi nagpadalos-dalos ka na lang sa mga kinikilos mo? P’wede mo naman sanang idaan sa maayos na usapan ‘yon, eh. Papaano na ‘yan ngayon?

She rolled her eyes and flipped her hair. "It’s simple. Humingi ka ng paumanhin sa kaniya at 'yon, okay na," kampante niyang tugon sa tanong ko. Ibinaling niyang muli ang kaniyang atensyon sa pagkain.

"Mapapatawad niya kaya ako? Parang wala naman yata 'yong kabaitan na  tinataglay sa katawan, eh,” problemado kong tanong.

"Iyan ang hindi ko masasagot, pero try mo na lang for your own good," Nag-iwas tingin lang ako sa kaniya at tumahimik.

Ano ba naman kasing gulo ‘tong pinasok ko? Inaway ko pa talaga ang anak ng may-ari ng school na namin kung saan nakasalalay ang scholarship ko? Jesus Christ! Please lead me, Lord.

*****

"MAMA, nandito na po ako!" masiglang tawag ko sa aking ina  nang makauwi na ako sa bahay.

Hindi ko siya narinig na tinugon ako kaya naisipan kong hanapin siya. Mayamaya pa nang hindi ko talaga ito makita ay napagdesisyunan kong  ilagay ko muna ang mga gamit ko nang maayos, saka siya hanaping muli. Maaga akong nakauwi ng bahay ngayon kasi unang araw pa naman ng pasukan. Sayang hindi ko man lang nakita si Lenience kanina. Bukas na lang siguro ako manghihingi ng sorry sa kaniya.

Inikot ko ang bahay kasi hindi ko pa rin nakita si mama. Nasaan kaya 'yon? Napakamot ako sa aking ulo at napagpasyahan kong mag bihis muna habang wala pa ito. 

After kong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto. Sakto kasi nakita ko na rin ang hinahanap ko na may dalang mga gulay. Galing yata siya sa palengke.

"Ma?" masayang bati ko sa kaniya at nagmano.

Nilapag niya naman ang mga bilihin niya sa mesa, saka umupo sa may upuan. Napaangat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "Kanina ka pa? Kumusta ang school mo?"

Nakatayo pa rin ako sa harapan nito. Hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang mga bagay na nagparamdam sa akin ng tunay na kasiyahan. ‘Yon bang kahit na kulang kayo sa pera pero umaapaw naman ang pagmamahal na mayroon kayo.

Napabalik ako sa reyalidad nang makita ko si Mama na nakatingin sa akin ng diretso. "Kakarating ko lang po. Okay lang naman po, Ma. Alam mo, Ma, ang saya ro'n tapos ang ganda-ganda ng building sa school namin. Ang laki pa kaso mayayaman ang mga kaklase ko kaya hindi ko sila ma-reach," kwento ko sa kaniya sa mga nasaksihan ko kanina doon.

Pero hindi ko man lang kayang ikwento na may nagawa akong mali sa Lenience na 'yon. Baka kasi mag-alala pa siya.

She let out a deep breath. "Halika nga rito."

 Kinamayan niya ako kaya lumapit ako sa kaniya dahilan para mapayakap ako rito. Tinignan niya lang ako habang yakap-yakap ko siya.

"'Di ba, sabi ko sa‘yo, kahit may pera man 'yang mga kaklase mo basta huwag ka lang maghahanap ng gulo na ikakapahamak mo. Iyon ang mahalaga," pag-uulit niya sa akin sa paalalang lagi niya ihinabilin sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kaniya nang maalala ko ang ginawa kong katangahan sa MCU kanina, lalo na sa anak ng may-ari nito.

Papaano na ‘to? Kung first day of school pa nga lang napaaway na ako sa Lenience na 'yon. Eh, nakakainis naman kasi siya. Kung hindi sana siya naging papansin at bato, edi sana okay ang lahat. Ah, basta, bukas na bukas magso-sorry ako.

"Opo, Ma, hindi po ako maghahanap ng gulo roon. At huwag po kayong mag-alala, kasama ko naman si Mariel do'n. Kasi nga, ‘di ba, naikwento ko sa yo noon na do'n na rin siya mag-aaral?”

"Talaga nando'n din si Mariel?" 

Tumango ako.

Kumalas ako mula sa pagkayakap niya sa akin. Naisipan ko namang tumayo para kumuha ng tubig para makainom. 

"Opo, kasama ko si Mariel sa Monte Carlos University." 

Mas lalo pang lumaki ang kaniyang ngiti sa sinabi ko. She’s always be like this. Gusto niyang sinisuguro ang lahat kasi nakasalalay doon ang seguridad at kabutihan ko. My mother is just the same to the other mothers out there. Siguro ang pinagkaiba lang nila, sexy si Mama kahit na forty three na siya. Maganda, simple, pala-ngiti, jolly at masiyahin. Kaya hindi ko na itatanong pa kung paano nahulog sa kaniya si Papa.

"Mabuti naman 'yon, Anak,” tugon niya. Tumayo na rin ito kagaya ko, saka lumapit sa aking kinaroroonan. “At least, may kaibigan ka ro’n at hindi ka loner. Kaya kung ako sa‘yo si Mariel lang ang kaibiganin mo do'n kasi kilala mo na siya. S’yempre dapat pagbutihin mo rin ang pag-aaral mo sa MCU. Para man lang kahit wala na ang Papa mo magiging proud pa rin siya sa nag-iisa niyang anak."

Dahil sa sinabi niyang iyon ay bigla na lang akong nalungkot. Lalo na’t nasali si Papa sa usapan. I missed him so much.

This is the reason why gusto ko palagi na lang akong nasa bahay. Ang saya lang, puro love kaya walang problema.

"Oo naman, Ma. ‘Di ba promise ko sa‘yo naiaahon ko pa kayo sa hirap? Saka kahit wala na si Papa, alam ko naman na proud siya sa akin noon pa. Kaya mag-aaral talaga ako ng mabuti," nakangiting tugon ko. Humakbang ako ng isang beses at niyakap ito nang sobrang higpit, gano’n din siya sa akin.

It’s been three years pero parang kahapon lang nangyari no’ng iniwan na kami ni papa ng biglaan. Inatake siya sa puso. Hindi ito naagapan agad kasi hindi naman talaga namin lubos akalain na mangyayari iyon. Hindi ko rin inakala na sa mismong importanteng araw ng buhay naming tatlo siya nawala.

Kaya simula no’n, kami na lang ni mama ang magkatuwang sa buhay. Kaya ko talagang pinagsisikapan ang pag-aaral ko kasi para 'yon sa kanila ni Papa.

Noong una ang hirap, ang hirap mag-adjust sa buhay. Lalo na pag nakasanayan mo na palaging kasama ang taong mahal ka at buo ang pamilya mo. Pero kung may mas nahihirapan man, si Mama 'yon. Sobra. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top