Kabanata 19

KABANATA 19
[BLIND]


Naisipan kong lumabas muna sa silid namin para makalanghap ng sariwang hangin. Ewan ko ba, gusto ko lang ma-relax muna utak ko at ang sarili sa mahabang talakayan na tinalakay ng guro namin ngayon. Nagpaalam din ako kay Lenience na lumabas muna ako, sasamahan niya sana ako pero hindi ko na ito pinasama pa kasi babalik din naman ako agad. 

I never thought na gagawin niya sa akin ang mga bagay na iyon para magkaayos kami. Isipin mo nagpa-deliver pa siya ng tulips fresh from mini-Amsterdam sa Cebu para ibigay 'yon sa akin. Hindi ko lubos akalain na sa tanang buhay ko ay may magpaparamdam pala sa akin ng ganito. That feeling na ang swerte mo sa buhay dahil may mga tao kang nand’yan lang palagi para mahalin ka at isa roon si Lenience. Sinabi pa nga niya na sa susunod kami na mismo ang pupunta sa Cebu para mapuntahan ko ang dream destination ko sa Camotes Island. Tsaka na raw sa Amsterdam ‘pag may trabaho na kami pareho. Sana kami pa rin sa mga panahon na 'yon. 

Simula nu’ng araw na nagkabati kami ni Lenience ay hindi ko na nakita si Faye tsaka si Jio. Kung noon ay makikita ko sila sa canteen o sa gym man lang ngayon ay hindi na. Nasaan kaya ang mga 'yon? Wala lang, gusto ko lang silang makita. 

Sa layo ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako malapit sa may gate ng school, akmang papasok na sana ako pabalik ng may nagpahinto sa akin na gawin ito. Hindi man ito nakaharap sa kinaroroonan ko pero sa tinding niya pa lang ay kilala ko na siya. Sino 'yang kausap niya? 

Lumapit ako ng bahagya sa mga ito at narinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Nakita ko rin napapahid ang babae sa kaniyang mukha na tila ba umiiyak ito. 

"You're not welcome here, kaya umalis ka na. Tsaka, next time please wear proper dress kasi para kang hindi babae sa suot mo!" galit na sigaw niya sa babae. 


Wala itong ibang magawa kundi dali-dali itong lumabas ng gate habang umiiyak. Anong mayroon sa kanila? 



"Ivan?" pagtawag ko rito dahilan ng mapalingon siya sa akin. "Sino 'yon?"


Tumingin ito sa akin ng may gulat sa kaniyang mukha. He cleared his throat bago ako nagawang tugunin, "Nothing." ‘Tsaka ako tinalikuran. 


Sinundan ko ito ng tingin pero para lang siyang kalmadong naglakad na tila ba parang walang nangyari. Dahil sa kuryusidad ko ay sinundan ko ang babae sa labas ng gate. Hindi ko alam pero 'yong mga paa ko ang nagkukusa na sundan nga ito. 


Pagkalabas ko ay agad kong nilinga-linga ang babaeng 'yon kaso hindi ko ito mahagilap. Siguro nakaalis na. Babalik na sana ako sa loob nang may narinig ako umiiyak. Paglingon ko rito ay nakita ko agad ang babaeng kausap ni Ivan kanina. Agad ko itong nalapitan, napansin niya siguro ang presensya ko kaya agad itong timingin sa akin. 


She's wearing short skirt, off shoulder tsaka naka-make up ito nang makapal. I'm not judgemental pero para siyang bayarang babae sa postura niya kaya siguro nagalit si Ivan dito. Kahit ganito ang soot niya, kitang-kita ko ang kagandahan nito, hindi siya maputi, katamtaman lang. Magkasing-tangkad lang kami nasa 5ft. Tapos feeling ko, bata 'to kaysa sa akin. 

"Hi, okay ka lang?" unang bati ko rito. 

Ngumiti siya sa akin at umiling-iling. "Pangit ba talaga 'tong suot ko?" tanong niya. 

I chuckled. "Medyo, pero you look cool naman."

Ngumiti rin siya nang kaonti sa sinabi ko sa kaniya kaya mas lalo kong naaninag ang taglay nitong ganda. "Kilala mo siya?"

"Sino? Si Ivan?"

"Hm." Sabay tango nito. 


"Why? Magkakilala kayo? Kasi I heard parang pinagalitan kaniya doon sa loob kanina."

She bit her lips and sighed. "I like Kuya Ivan."

Nagulat ako sa sinabi niya. 

Kuya? Like? Teka, "Kapatid mo si Ivan tapos gusto mo siya?"


She laughed at me. "No. I mean, I called him Kuya kasi he's three years older than me."


Oo nga, ‘no? Bakit hindi ko man lang naisip 'yon? Porket kuya ang tawag, Serenity, magkapatid na? 


Nginitian ko na lang siya. "Ah, okay. So, what's the problem kung gusto mo siya?"


"He doesn't like me. Ayaw niya raw sa bata ‘tsaka sa isip bata." Napangiti siya nang mapait. 

Kaya pala pinagalitan niya ito sa loob kanina? Pero para namang mabait 'tong bata na ito ahh, 'yon nga lang parang isip bata nga. Even the way she talks, halatang bata pa nga. Ano ba kasing gusto ni Ivan sa babae at choosy pa siya? Maganda naman si girl tapos feeling ko mabait din. Magka-edad lang naman si Ivan at si Lenience so it means 16 years old pa siya, ahead lang ako ng one-year dito.

Kung ang narinig kong sabi ni Ivan kanina ang pinagtutuunan ko ng pansin, feeling ko may gusto rin siya kay girl kaso ayaw niya lang sabihin. Inlove na kaya si Ivan? Possible.

Nang makapasok na ako sa loob ay hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi sa akin ng babaeng 'yon kanina. Matagal na raw siyang may gusto kay Ivan kaso ngayon pa lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin ito pero sa kasamaang palad ay ayaw daw ni Ivan sa kaniya. Sabi raw kasi ni Ivan, ayaw niya raw sa mga babaeng simple kaya naisipan niyang magsuot ng ganun kaso hindi niya akalain na sigaw lang pala ang aabutin niya rito. Natatakot daw siya baka simula sa araw na ito ay ayaw na siyang kausapin ng Kuya Ivan niya. Paano kaya pag maging sila balang-araw?


"Lalim ng iniisip natin, ah?" pukaw na ani ni Mariel sa akin. 

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga bago magsalita. "Feeling ko, may tinatago si Ivan."

After ko kasing makipag-usap doon kanina ay nag-text sa akin si Mariel na dumiretso na raw ako sa canteen kasi nandito siya. Nagpaalam din ako kay Lenience sa text at kagaya ko nagpaalam din siya na maglaro muna sila ng mga boys, kaya may time kami ni Mariel na makipag-chikahan. 

"Even si Lenience." Nabuga ko ang juice na ininom ko dahil sa sinabi niya. 

"Serenity!" she exclaimed. 

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dahil sa nagawang pag sigaw ni Mariel. "Sorry. Nagulat lang ako," ani ko rito habang tinutulungan siyang magpunas sa nabasa niyang mukha. 

Inagaw niya sa akin ang ipinunas ko. "Ako na, bigla-bigla kasing nagugulat, eh."

Sino namang hindi magugulat sa sinabi niya? Akalain mo pati raw si Lenience? "Ano ba kasing sabi mo na may tinatago rin si Lenience?"


She rolled her eyes. "What I mean is tayong lahat ay may tinatago even si Lenience, ako, si Ivan o kahit ikaw. Hindi kasi muna nakikinig, gustong mag-react agad kaya ka napapahamak, eh."

And hearing those words made my world stop for a while. 

She's right kaya ako napapahawak dahil agad-agad akong nagre-react sa mga naririnig at nakikita ko lang. Hindi ko man lang magawang tapusin o pakinggan ang mga ito. Kaya siguro nagkasagutan din kami ni Lenience noong nakaraan kasi hindi ko siya nagawang pakinggan sa rason niya. Agad-agad na lang akong nagagalit at nagwo-walk out. Pero hindi iyon ang nangingibabaw na dapat kong isipin ngayon kasi mas kinabahan ako sa sinabi ni Mariel. 


What if tama siya? What if may tinatago nga rin si Lenience? I can't help, but it makes me worry. Kung si Ivan nga na mala-santo ay may tinatago, si Lenience pa kaya. 


What if those what ifs I have ay totoo lahat, anong gagawin ko? 



Week after ay naisipan ni Lenience na ipapakilala niya na ako sa parents niya and that makes me nervous. Hindi naman ako takot nai-meet ang parents niya pero hindi ko magawang hindi kabahan at mabahala. Anong sasabihin ko sa kanila? Na girlfriend ng nag-iisa nilang anak ay isang hamak na scholar lamang ng unibersidad nila? It made me chuckled.

Kahit si Mama, payag siya sa plano ni Lenience kasi para naman daw makilala ko ang mga magulang nito kasi kilala na raw niya si Lenience. Ano kaya ang sasabihin ko sa mga magulang niya? Pagkatapos ba ng gabing 'to ay tatanggapin nila ako o paghihiwalayin kaya kami ni Lenience? 

Bago pa man ako lunurin ng negatibong pag-iisip ay pinukaw na agad ni Lenience ang aking atensyon. "Are you ready to meet them?" 

Kinabahan ako sa tanong niya kaya hindi ko magawang tumugon agad. Nasa labas pa lang kami ng four-story house nila ay para na akong natatae at naiihi dahil sa kaba. Hindi ko ma-explain kung ano nga ba ang nararamdaman ko ngayon kasi nanlalamig na talaga ako. 

Nang makaramdam na ako ng medyo okay ay agad akong tumango rito. "Yes." 

Tiningnan niya lang ako at nginitian, bago kami nagpasya na pumasok na sa bahay nila. Saktong pagbukas ng pintuan ay bungungad sa akin ang isang napakalaking bahay na para bang palasyo natin sa Pilipinas. Nilibot ko ang mata ko at hindi ko mapigilang hindi humanga sa sobrang ganda at laki nito. Magaling ako sa pag-describe ng mga nakikita ko noon pero ngayon parang hindi ko magawang sabihin kung gaano nga ba kaganda ang nakikita ko. 

Nagpatuloy lang ako sa ginawa nang may biglang nagsalita na naging dahilan ng mas lalong kabahan pa ako ng triple. "Son, glad you're here na."

Napatingin ako sa nagsalita at humanga ng sobra sa ganda nito. 

For the first time nakita ko na ang kaniyang ina. Siya lang kasi ang hindi ko pa nakita kasi si Mr. Enriqo ay lagi naman kasi dean namin siya sa MCU. Humalik si Lenience sa ina niya bilang paggalang, ganu’n din ginawa niya kay dean. "Mom, Dad."

"Hi, ikaw ba si Serenity?" bati sa akin ng ina niya. She looked at me from head-to-toe kaya mas lalo akong naging hindi komportable. Ang tulis pa lang tumingin ng mga mayayaman, nakakamatay. 

"Opo, ako nga," nabubulol kong tugon.

Hinawakan ni Lenience ang kamay ko at tiningnan ako ng may malaking ngiti sa labi. Kabado man ako ay ngumiti na rin ako ng pilit para hindi halata. "Mom, Dad, si Serenity, girlfriend ko," masigla at masayang pakilala sa akin ni Lenience sa mga ito. 



"Hi, Hija. Feel at home," ngiting bati sa akin ni Dean at hindi ko akalain na makikipag-beso siya sa akin. Kaya napangiti ako sa ginawa niya pero si Ma'am Anna ay nginitian lang ako. Mukhang hindi niya ako gusto. Halata naman. 

Nang maka-pwesto na kaming lahat sa hapagkainan ay hindi ako nakatakas sa mga tanong nila, lalo na mula sa ina ni Lenience.

"What's your name again, Hija?" tanong ni Dean habang kumakain. 

Huminto muna ako sa pagkain ko at tumugon dito. "Serenity Fate Belmundo po." 

Makapal na naman ang mukha ko dati pag tinanong ako sa pangalan ko at lakas noo talaga akong sasagot pero kung mula sa akin para akong na pipi. 

"So, scholar ka pala sa MCU?" tanong ni Ma'am Anna, na nakatingin nang diretso sa akin at nakataas ang isang kilay. 

"Yes, po. Nakapasa po kasi ako sa exam."

"Matalino 'yan si Ms. Belmundo, Hon. Lahat ng gurong nagha-handle sa klase nila pinupuri siya," singit ni Dean. 

Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon pati na rin si Lenience at naramdaman ko rin ang paghawak niya sa kamay ko. 

"I see," walang ganang sabi ng ina niya. 

Magpapatuloy na sana ako sa pagkain ko nang may narinig akong salitang naging dahilan para mapahinto ako. 

"Papanong naging kayo ni Lenience? I mean, kakalipat mo pa lang daw last six months tapos nabalitaan ko na lang na may new girlfriend na pala siya," tanong ng ina niya na ayaw pa ring magpaawat sa kakatitig sa akin. Nangangain ba siya ng tao? Nakakatakot naman kasi. 


Hindi ko alam kung ano o saan ako magsisimula sa sasabihin ko, mabuti na lang at nagawa itong tugunin ng anak. 


"Yes, Mom, kakalipat niya lang sa MCU last six months pero hindi 'yon ang magiging basehan para mahulog ang loob ko sa kaniya. Love moves in mysterious way at 'yon ang nangyari sa amin. We fell in love to each other and that's what matter the most," masayang paliwanag ni Lenience dito dahilan nang mapangiti rin ako. "Am I right, Love?"

Hindi ko na siya tinugon pa kasi sapat na ng ngiti kong 'yon para sagutin siya.

"Paano niyo nasabing pag-ibig 'yan kung kakakilala niyo pa lang sa isa't isa?"

"Anna?" pagsuway sa kaniya ni Dean. 

Ayaw niya ba talaga sa akin para sa anak niya? Edi kung ganu’n, bakit hindi niya na lang ako deretsuhin at huwag 'yong idadaan niya sa mga ganiyang katanungan?

"What? I'm just asking. Ang bata pa nila wala pa silang alam about sa love."

Ganito rin kaya siya ng maging sila ni Lenience at Faye? Oh, baka sa akin lang.

"Stop it, Mom, that's not funny anymore," hindi na mapigilang sabat ni Lenience. 

"Who says that I'm telling a joke? I'm stating the facts here!" she exclaimed.

Natatakot na ako sa mommy niya lalo na't na sa akin ang nag-aapoy na tingin nito. Nalunok ko ang laway ko dahil sa mga pinagsasabi niya parang gusto ko na lang maging siopao pero masarap. 

"Let's forget it. Just eat, Hija," kalmadong sabi sa amin ni Dean. 

Mabuti na lang kasi kung nagkataon baka nasunog na ako rito dahil sa sobrang init ng tingin ng ina ni Lenience.

Matapos ang mainit na tagpo namin ng pamilya niya sa mesa kanina ay nagpaalam muna si Lenience sa akin na kakausapin niya muna si Ma'am Anna bago ako ihatid pauwi. Habang hinihintay ko si Lenience ay tinitingnan ko muna ang mga litrato na nakalagay sa gilid ng bahay nila. I saw little Lenience there with his sweet smile. Nakita ko na ng mga ngiting 'yon nu’ng araw na sinabi kong kami na. 

Nawala ang ngiti ko sa sumunod na litratong aking nakita. Alam ko kung sino ang kasama niya sa larawang 'yon. It was Faye while kissing my boyfriend's cheeks. Kaya pala close at nag-aalala siya kasi bata pa lang sila ay magkakakilala na ang mga ito. Childhood sweetheart, ha? Ewan ko pero nagdulot 'yon sa akin ng matinding selos. Sana ako na lang ang nandoon kasama niya sa larawang 'yon. 

Swerte siguro ni Faye kasi tanggap siya ng ina ni Lenience. Sabagay, ang layo ko sa isang' yon. 

Nagpatuloy lang ako sa pagtingin ng mga ito ng may narinig akong sigaw mula sa kusina na nagpakaba sa akin sa muling pagkakataon. 


"Love is really blind Lenience, ha? Kaya pati 'yang scholar ng school natin pinatulan mo?"

Hindi ko mapigilang hindi masaktan sa sinabi ng mommy niya. 

This time ramdam ko kung gaano nga ba kataas si Lenience. Hawak-hawak ko na naman siya sa puso ko pero parang ang hirap niya pa ring abutin. 

"Bulag na kung bulag, Mom! Kung ang mahalin siya ang pag-uusapan natin dito, mas gugustuhin ko pa ngang mabulag na lamang."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top