Kabanata 18
KABANATA 18
[BALEWALAIN]
"Serenity, please stop for a while. Let's talk," paghahabol na salita niya sa akin. "How can we fix this if you don't listen for my explanation?"
Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. Natigilan din siya sa kakasunod sa akin at nagbuntong hininga. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa labis na pagkainis ko rito.
Paano niya nagawang magsinungaling sa akin? Ang sabi niya important things to do tapos nakikitawa lang pala siya kasama ang babaeng 'yon. Sabagay ngayon ko lang naalala, he still care pala kasi magkaibigan nga sila before, ‘di ba?
"Kung makikinig ba ako, Lenience, worth it ba 'yang pakikinggan?" Lumapit siya nang kaonti sa akin pero umatras ako.
I don't know pero feeling ko ayaw kong hawakan niya ako dahil sa nakita ko kanina. Kasama niya si Faye, ang ex niya na kinukulit niyang makausap noon. Maraming katanungan sa utak ko na hindi ko alam kung paano nga ba ito mabibigyan ng kasagutan.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila dahilan ng mga halakhak na 'yon? Simula ng maging kami ni Lenience hindi niya nagawang tumawa ng ganun kalakas kay Faye pa lang. And that makes me jealous.
Ewan ko kung saan ako galit. Sa hindi niya ba pagsundo sa akin, hindi pagsagot ng tawag ko o sa kamalasang sinapit ko ngayon pero ang mas nangingibabaw sa puso ko ay wala sa pagpipiliang iyon kasi kaya ako nagkaganto dahil sa pagkakita ko kay Faye kanina kasama siya.
Hindi ko alam kung saang lupalop niya iniwan si Faye basta ang tanging alam ko lang ay ayaw niya akong tantanan sa kakasunod sa akin.
"Love, magbihis ka muna, please. Basang-basa ka, oh," nag-aalala niyang sabi sa akin.
I saw sadness tsaka pag-aalala sa mga mata niya pero wala akong pake rito kasi galit ako. "As if naman you care," I chuckled.
Sa pagkasabi kong iyon, ang pag-aalala na nakikita ko sa kaniyang mata ay napalitan ng galit dahilan ng mas lalong uminit ang ulo ko. Sh*t! Baka saan pa aabot ang bangayan na 'to.
"Anong klaseng tugon ba 'yan, Serenity? Aba, syempre mag-aalala talaga ako kasi girlfriend kita!" he exclaimed.
I looked at him with my maldita look. "Edi kung nag-aalala ka, sana sinagot mo ang mga tawag ko sa‘yo kanina, ‘di ba?"
Agad siyang nataranta at kinapa niya ang bulsa niya ng masabi ko iyon. Huwag mong sabihing nawala mo ang phone mo?
"Sh*t, nakalimutan ko ang phone ko," wala sa sarili niyang sabi.
"What?"
Tumingin siya sa akin na puno ng pag-aalala. "Naiwan ko sa kotse kaya hindi ko alam na tumawag ka. I am sorry for that."
"You and your reason Lenience, walang kwenta," may diin kong sabi.
Tatalikuran ko na sana siya ng napahinto ako sa sinabi niya dahilan nang magalit ako ng lubusan dito. "Serenity, naman. Wala naman sigurong nag-utos sa‘yo na suungin mo 'yang lintik na ulan na 'yan, ‘di ba?"
"Wow! Sabagay, tanga lang naman siguro ang gagawa no’n. Alam mo, mabuti pa si Jio nag-aalala pa siya sa akin. Tapos ikaw na boyfriend ko, ikaw pa ang may ganang sumbatan ako! You're unbelievable, Monte Carlos!" I exclaimed.
Unbelievable! Paano niya nagawang sabihin sa akin ang mga 'yon?
Kasabay naman nun ay ang pagtingin niya sa akin ng deritso gamit ang mukha niyang galit. Alam ko kung ano nga ba ang ikinagalit nito.
"What did you say? Kasama mo si Jio? Kaya pala nagpaulan ka kasi you're enjoying the moment with him!" He chuckled. "Ano, masaya pa rin siyang kasama kaysa sa'kin, Serenity?"
Tsk. Tama nga ako. Kasalanan ko bang wala siya at si Jio ang nandoon mga sandaling 'yon? Besides, nagkataon lang namang napadaan siya.
But this time, nawalan na ako ng pasensya at nasampal ko siya sa ikalawang pagkakataon. Kung ang sampal na nagawa ko sa kaniya dati ay dahil sa pang-uuto niya sa akin, ngayon ang sampal na ito ay dahil sa tanong niya na nagpakirot ng puso ko.
Napahawak siya sa mukha niyang nasampal ko at napangiwi ng bahagya. Alam kong nagulat siya sa ginawa kong 'yon dahil nakita ko 'to sa mga mukha niya.
Kailangan pa ba talagang aabot kami sa ganito?
"Oo, masaya siyang kasama kaysa sa‘yo! Enough na ba ang rason na 'yon para masagot ko 'yang tanong mo?!" I cried. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinayaan ko na lang na umagos ang mga luha kong traydor. "Putik, Lenience! Wala akong masakyan kasi lahat ng dumadaang sasakyan ay puno na. Nilakad at tinakbo ko ang limang kilometro para makapasok. Tinawagan kita, pero ano? Cannot be reached, ha? Kasalanan ko bang biglang umulan ang kalangitan na 'yan? Kasalanan ko bang muntik akong nasagasaan at nadapa? Kasalanan ko bang si Jio lang ang taong tumulong sa akin para itayo ako? Now, tell me?!" galit at iyak kong tanong.
Ayaw ko sanang umiyak dahil baka sabihin niyang mahina ako pero hindi ko na ito magawang pigilan pa. Tao rin ako na marunong masaktan.
Nagulat siya sa mga sinabi ko dahilan ng lumapit siya sa akin at akmang yayakapin na sana ako pero hindi ko 'to hinayaang makalapit sa akin. "Love, I'm sorry. I didn't mean to say that. I don't really know what happened."
"Wala ka talagang alam kasi busy ka sa kakatawa mo." I cleared my throat. "Importante nga, ‘di ba? It’s okay, ngayon alam ko na kung saan ako lulugar."
At this moment, I know na kailangan ko munang alamin ang lugar ko sa buhay niya. Hindi porket kami ay ako na ang kaniyang prayoridad. Ako ang huling dumating sa buhay niya at mas nauna pa si Faye kaya ganu’n na lang siguro ito kahalaga para sa kaniya. Sana ako na lang si Faye.
"Love, no, that's not true. Nakita ko lang si Faye sa locker area na umiiyak kaya dinamayan ko muna siya," mahina nga sabi na para bang nakumbinsi niya akong paniwalaan siya.
Umiiyak? Dinamayan? Anong klaseng rason 'yan? Umiyak din naman ako, ahh. Pero bakit hindi niya ako dimamayan kagaya nung kay Faye?
I chuckled. "Mabuti pa si Faye, nagawa mong damayan kahit umiiyak lang. Ako, naulan na at lahat-lahat wala kang ginawa."
Masakit pa lang magmahal kasi palagi kang masasaktan. Love is affiliated with pain. Pag may pag-ibig nandun din palagi ang sakit. Minahal ko lang siya ng sobra kaya nasasaktan din ako ng higit pa.
"I love you, ‘di ba? You know that. Please, ayusin natin 'to, 'wag iyong ganito."
Gusto ko rin naman ayusin 'to, Lenience. Ayaw ko ng ganito tayo lagi pero hindi muna sa ngayon. Kailangan muna nating mapag-isip-isip. Huwag 'yong ganito na pareho tayong galit kasi hindi 'to magbibigay sa atin ng magandang usapan. Siguro bukas ay okay na. Sana nga.
"Sa unang pagkakataong akala ko maasahan kita Lenience, pinaramdam mo na sa akin na wala talaga akong ibang maasahan kundi ang sarili ko lang."
That's reality and it hurts me.
Agad na akong tumalikod sa kaniya kasi ayaw ko ng makipagsumbatan pa. Ayaw ko ng away, ayaw ko ng maging dahilan ito ng bagay na hindi ko gusto. I wiped my tears and gave a deep breathe. Mahal kita, Lenience and I know you do.
Hindi na siya sumunod pa sa akin at iniwan siya na tulalang nakatayo doon. Hindi ko na siya nilingon pa at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok sa locker area. Kailangan ko munang magbihis.
Eksaktong pagpasok ko rito ay nakita ko na si Mariel, na labis ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Kulimlim, anong nangyari bakit basang-basa ka? Jusko," pag-aalala niya at inalalayan ako.
Hindi na masyadong masakit ang sugat ko pero ang puso ko, oo. Sobra. Sa halip na sagutin siya ay nginitian ko na lang ito nang mapait.
Kinabukasan ay inagahan ko na talagang pumasok sa school kasi baka maulit na naman ang nangyari kahapon. Hindi na nag-text si Lenience simulan nung sagutan naming dalawa. Siguro, busy ulit siya. Sinama na ako ni Mariel sa kaniya and she felt sorry also to what happened yesterday. Na-lowbatt daw phone niya kasi nalimutan niyang i-charge kaya hindi ko siya makontak kasi naka-off ito. I told her everything kung bakit niya ako nadatnang basa kahapon. Except kay mama.
Sinabi ko sa kaniya kung bakit kami nagkasagutan ni Lenience at lahat ng nangyari kahapon ay sinabi ko sa kaniya. Walang labis, walang kulang. Sabi niya kailangan daw naming mag-usap kasi pareho raw kaming may maling nagawa. Huwag daw namin pairalin ang galit kasi maging dahilan daw 'yon ng hindi pagkakaintindihan. Akalain mo 'yon, sa kaniya pa talaga nanggaling.
Eksaktong pagkaupo ko sa aking upuan ay may natanggap akong text. Nilingon ko ang upuan sa nag-text sa akin kaso wala siya. A-absent ba siya?
From Him:
Take care, Love. I love you.
Gawa ng text niyang 'yon, nakaramdam ako ng guilty na para bang nakokonsensya ako sa mga salitang nabitawan ko kahapon lalo na sa sampal.
Bakit ganito ka, Lenience? Kahit galit na ako, nagawa mo parin akong pakiligin. Ganun ka rin ba sa kaniya? Napangiti ako nang mapait sa aking iniisip. Imbes na mag-reply ako sa kaniya ay hinayaan ko na lang ito. Mabuti na lang at nabuksan ko pa ang phone ko kasi akala ko kahapon sirang-sira na ito sa ulan buti na lang may life hack akong nalaman kaya pinatuyo ko ito gamit sa bigas. Ayon, mukhang epektibo naman kasi nabuksan ko ulit.
Akmang kukunin ko na sana ang notebook ko sa loob ng bag nang bigla akong napahinto sa malasantong nakatayo sa may pintuan ng silid namin na may dala-dalang bulaklak.
Lenience.
Agad akong nagkunot ng noong tumingin dito dahilan nang mapangiti siya sa akin. Napansin ko ang pagsiko sa akin ni Mariel, na tila ba kinikilig. Tsk, biased. Narinig ko rin ang mga bulong-bulungan at mga pangkukulit at pang tutukso ng mga kaklase ko sa aming dalawa. Naunang pumasok sa silid namin ang mga kaibigan niya na may dala-dalang ding bulaklak kagaya niya. Anong drama ng mga ito?
Naunang lumapit sa akin si Vincent at binigay ang Tulips. Woah, paborito ko. Bago paman siya umalis sa harap ko ay may sinabi muna siya sa akin. "Patawarin mo na para hindi na maglasing," sabi niya na ikinatigil ko. Naglasing siya?
Tinanggap ko ang bulaklak at tumingin kay Lenience na nakatingin din pala sa akin. Para bang inaalam ang reaksyon ko sa bawat tanggap ko sa mga bulaklak niya.
Sumunod naman agad si Carl at kagaya ni Vincent may inabot din sa akin ito na Tulips tsaka nagsalita. "Baliw lang 'yang kaibigan ko pero seryoso 'yan sa‘yo." Dahilan nang napatawa ako nang marahan, and I saw my boyfriend chuckled.
Kagaya nu’ng dalawa ay ganun din ang ginawa ni Ivan. "Nakakabaliw talaga ang pag-ibig, 'no? Kaya pala baliw na ang kaibigan namin."
"Sira," hindi mapigilang tawang tugon ko rito.
"Sa sobrang dami ng shunga sa mundo, ma-swerte ka at si Lenience ang napili mo," walang ganang sabi ni Matteo sabay bigay sa akin ng Violet Tulips.
Napaisip ako sa sinabi niya. Ganu’n ba talaga ako ka swerte? Pero bago pa ako dalhin ng kung saan-saan ng iniisip ko ay paunti-unti namang lumapit si Lenience sa kinaroroonan ko. Subalit, bago pa man ito marating sa akin ay agad ko 'tong sinalubong nang mahigpit na yakap na ikinalaki ng ngiti niya.
Hindi ko kaya ang ganito, 'yong hindi kami okay. Gusto ko kahit nag-aaway kami, okay kami palagi. Wala akong pake, basta marupok ako. Pero sa kaniya lang, ha.
"Balewalain at magalit man sa akin ang iba, huwag lang ikaw kasi hindi ko 'yon kaya," tuloy-tuloy niyang sabi mula sa pagkayakap niya sa akin.
Hindi na kailangan ng salitang sorry para maging okay kami kasi ang mga salitang binitawan niyang iyon ay okay na. Narinig ko ang pagsisigawan ng iba dahil sa yakapan namin pero bago pa man bumitaw si Lenience sa yakap niya ay nagawa niya munang halikan ako sa noo. I found it sweet, and I know, he respects me because of that. That's way better kaysa sa kiss sa lips.
God, I really love this man. Akalain mo, hindi ako kagandahan, hindi ako sexy, hindi ako mayaman, wala man sa akin ang mga katangian na makikita sa ibang babae pero bakit pakiramdam ko na sa akin lahat ng mga katangiang 'yon dahil sa lalaking 'to? I'm just effortless, but he makes me feel that I am special and worth to be loved. I can't help loving him.
Love is also about forgiveness. That's why I chose to forgive him because he is the one I love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top