Kabanata 16
KABANATA 16
[LOVE]
"Aaminin ko, Serenity, nu’ng una hindi talaga ako boto sa Monte Carlos na 'yan pero nu’ng nakita ko kung gaano ka niya pinasaya? Doon ko lang na-realize na iyon ang mahalaga, ‘di ba?" pagpapaliwanag na sabi ni Mariel sa akin.
Ilang araw na ang lumipas simula nu’ng sagutin ko si Lenience, but for me, parang kahapon lang 'yon nangyari. Pagkatapos ng araw na 'yon agad kong ibinalita kay Mariel na kami na. Noong una hindi siya makapaniwala kasi hindi niya aakalain na nagawa talaga ni Lenience na harapin si Mama. Kasi raw sa pagkakakilala niya nito, para raw imposible. Nalaman na rin ng mga boys ang tungkol sa amin, pati sila natuwa at binati kami. Si mama rin hindi ko pa man sinabi pagpasok ko pa lang ng bahay nu’n pabalik ay alam niya na ang ibabalita.
I felt their support for our relationship maliban kay Mariel na 50-50 pa. I mean, oo, masaya siya sa amin pero kagaya ng sabi niya hindi pa rin siya kumbensido kay Lenience. Pati ako naguguluhan sa kaniya, noong una lagi niya akong tinutukso rito pero ngayon na kami na marami na siyang sinabi about Lenience, pero hindi ko na pinapansin ang mga 'yon. Ang mahalaga ay ang kami.
Kung akin lang babalikan ang araw na 'yon, hindi ko akalaing maiiyak si Lenience dahil sa labis na tuwa. Sabi niya pa nga hindi-hindi raw siya hahanap ng way para masira ang tiwala ko rito. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa'kin nu’ng araw na 'yon na sagutin na siya pero kung akin naman itong isa-isahin laging tumatakbo sa isipan ko ang salitang pagmamahal.
Mahal ko siya kagaya ng sabi niya, hindi ko alam kung kailan nagsimula basta ang alam lang namin pareho ay nangyari na. Sana this time ito na 'yong katuparan ng hiling para sa akin ni mama, na sa susunod na magmamahal ako ay sa tamang tao na. Sana si Lenience na 'yon.
Tumingin ako kay Mariel at napabuntong-hininga ako rito. Hinihintay kasi namin si Lenience at Vincent. Bibili lang daw sila saglit ng tubig bago kami mamasyal. Nandito kasi kami sa Antipolo sa Rizal. After ng mass, agad nagyaya ang mga ito na mamasyal muna. Ipinagpaalam ako ni Lenience kay Mama at mabuti na lang at napapayag niya ito.
Yes. Nililigawan ni Vincent si Mariel, na i-kwento na rin 'yan sa'kin. Tinanong ko pa nga siya kung bakit hindi niya pa sagutin, ang tugon niya lang sa akin ay ayaw niya sa mga manloloko. Ewan ko ba sa babaeng 'yan. Ganiyan siguro ‘pag NBSB. Duh.
"Sinag, naiintindihan naman kita, eh. Natatakot ka lang na baka masaktan ulit ako kagaya nu’ng kay Jio, pero iba si Lenience, eh. I mean, kahit si Mama nagawa n'yang harapin at ligawan ako sa harap niya. Hindi nagawa ni Jio ang mga bagay na 'yon sa akin noon."
Inirapan niya ako sa nagawa kong tugon sa kaniya. "Kulimlim, Jio and Lenience are different. Nu’ng kayo pa ni Jio 16 ka pa lang nun tapos si Jio 17 pa lang. Samantalang si Lenience, 19 na siya kahit 17 ka pa lang. Ibig kong sabihin, mature na rin si Lenience kumpara noon kay Jio, ‘di ba?"
Yeah, she has a point. Masyado pa nga talaga kaming bata ni Jio noon nu’ng naging kami. Hindi pa kami masyadong naggo-grow kaya hindi pa namin alam kung paano mag-handle ng isang relasyon. I think, what we had before is just a puppy love, I guess?
Samantalang kami ngayon ni Lenience ay medyo may alam at background na kami about sa relasyon tapos mature na rin. Like, may ex na kaming dalawa kaya alam na namin kung ano nga ba ang tama at mali. Kung ano nga ba ang nakakabuti at hindi.
"Sabagay, pero alam mo, Sinag, minsan napapaisip ako kung tama ba na sinagot ko agad si Lenience. Like ‘di ba ilang linggo lang niya akong niligawan tapos sinagot ko siya agad para bang—" hindi ko magawang tapusin ang sinasabi ko ng bigla niya akong putulin.
"Serenity, hindi naman sa tagal nakabase ang pagsagot mo sa kaniya. Basta't may pag-ibig o nabubuong pagmamahalan at commitment 'yon, okay na. Wala ng usapan pa tungkol sa bilang ng katagalan." Pagputol niya sa akin.
Ang pag-ibig naman talaga ay hindi nasusukat sa tagal ng panliligaw o pagkilala nin'yo kagaya ng sabi ni Mariel basta't nand’yan ang love at commitment, okay na. Kasi nga, ‘di ba, kung mahal mo ang isang tao pero hindi mo kayang mag-commit, useless din lahat pero paghanda ka solve lahat ng doubts mo. It also includes loyalty and faithfulness.
Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya at muli naman itong nagsalita. "Nandito na ang mga boys."
Napalingon naman ako sa tinutukoy niya at nakita ko ang mga ito na may kaniya-kaniyang dalang bilihin. Agad naman lumapit si Vincent kay Mariel at may inabot dito. Hindi ko na napansin kung ano iyon kasi sakto ring lumapit sa akin si Lenience.
"I bought you something. Here," ngiti niyang sabi sabay abot sa akin ng isang paper bag na may lamang water at chocolates.
Kinuha ko ito agad at hindi makapaniwala sa nakita. "Woah, akin 'to?"
"Kanino pa ba?"
"Thank you," ngiti kong pagpapasalamat.
Bubuksan niya na sana ang isa sa mga chocolates para kainin ko nang napatigil siya sa sinabi ni Mariel sa kaniya. Here, we go again.
"Hoy, Monte Carlos. ‘Pag ikaw, pinapaiyak mo 'yang bestfriend ko, ha? Lulutuin talaga kita ng buhay,” she commented.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa sinabi ni Mariel, pero nang makita ko ang reaksyon sa mukha ni Lenience ay bigla akong nalungkot.
Taas-noo niyang hinarap si Mariel sabay kamot sa kaniyang noo. "Mariel, I know na ayaw mo sa akin para sa kaibigan mo. I will not promise na hindi ko siya masasaktan, but I will do my best to be a better boyfriend for her."
I know magiging mabuti kang jowa, Lenience. Ramdam ko 'yon.
Imbes na si Mariel ang inasahan kong sumagot ay bigla na lang nakisali si Vincent sa usapan.
"Ano ka ba, Miluvs? Ang bait kaya ng kaibigan ko," pagsasabi niya rito.
She chuckled and rolled her eyes. "Tse. Ikaw nga manloloko kaibigan mo pa kaya?"
"Sinong nagsabi na niloloko kita?" seryosong tanong ni Vincent.
Nakikinig lang kami ni Lenience sa mga ito. Napapansin ko rin ang marahan nitong pagtawa kagaya ko.
"Aba, ewan ko. May sinabi ba ako? Basta ang alam ko lang, once a philosopher said, ‘Tell me who your friends are and I will tell you who you are.’," pagdadahilan ni Mariel.
Inakbayan siya ni Vincent dahil sa sinabi niya. "Miluvs, hindi naman kita niloloko, eh. kahit magpatuli ako ulit."
Gan'yan lang sila palagi ‘pag magkasama kaming magbabarkada o apat. Bangayan, awayan o parinigan. Minsan nga, aabot talaga sa punto na hindi siya kikibuin ni Mariel. Parang aso't pusa lang. Kaya hindi na ako makapag-aantay na darating ang araw, na sasabihin nila sa amin na sila na. Kailan kaya? Siya kaya ang maging first boyfriend ni Mariel?
"Kahit putulin mo pa 'yan, Vincent, wala akong pake." At tinanggal ang kamay nito mula sa pagkaabay.
"Miluvs, naman."
Sa halip na makitawa, nakita kong sumensyas si Lenience na iwanan muna sila. Agad niyang kinuha ang kamay ko nang makaalis kaso napansin ito ni Mariel.
"Oh, saan kayo pupunta?"
Napahinto si Lenience sa tanong nito kaya lumingon siya sa mga ito. "I will tour her around muna. Mukhang kailangan ninyong mag-usap ni Vincent nang masinsinan."
"What? Hey—"
Tumalikod kami agad at hindi na namin pinansin ang tawag ni Mariel. They need space to talk, 'cause I know they need it badly.
"Ang ganda rito, Love!"
Hindi makapaniwalang bulalas ko nang makarating kami sa Burrow Cafe. Isa siya sa pinakamagandang pasyalan at kainan sa Antipolo, Rizal. I love the theme ng space nila. Parang ang sarap magkape rito lalo na ‘pag gabi kasama ang mahal mo sa buhay. Like, hindi siya masyado lantaran sa publiko. Kailangan mo pang dumaan sa masikip na daan para makapasok dito pero worth it naman hingal mo kasi ang ganda niya.
Bigla akong napatigil sa pagtingin ko sa paligid nang muling magsalita si Lenience dahilan nang mapagtanto ko ang pagtawag ko sa kaniya rito kanina.
"Love?" gulat na may ngiti niyang sabi.
I clear my throat. "I mean Lenience."
"Just call me love. It sounds good. Sarap sa tainga." He chuckled.
I bit my lower lip dahil sa sinabi niya. Hindi ko na siya tinugon at ibinalik ang atensyon sa ganda ng paligid. Marami silang duyan o mga spasyo na pwede mong mapagtambayan o mapag-picture-an habang nag-aantay ka sa order mo. Pang-instagramable rin siya. Basta hindi ko ma-explain sa sobrang bonga.
"Ang ganda sana ng view. Sayang lowbat phone ko," nanghihinayang kong sabi.
Na-dead-batt kasi ang phone ko kanina pa lang kasi nakalimutan kong i-charge kanina nu’ng na sa bahay ako. Gosh.
"I have mine. Just take a pose and I will capture it."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko basta ang alam ko lang ay nahihiya ako. "Hah? Huwag na nakakahiya," kabado kong sabi.
Pinatuloy ko lang ang paglingainga ko sa paligid nang bigla siyang nagsalita."There, bagay sa outfit mo,” sabi niya at napansin kong nalabas niya na phone niya galing sa kaniyang bulsa.
"Do this pose," turo niya sa akin habang nag-pose siya ng naka-chin-up. "Your hair—ako na lang. ‘Yan," dagdag niya pa. Bumalik din siya agad sa pwesto niya at nakahanda ng kunan ako ng litrato. Swerte ko na naman dito.
"1, 2, 3! Smile!"
Ngumiti naman ako kagaya ng sabi niya kahit na nakakahiya kasi marami ring tao ang nakatingin sa amin. "Two more. 1, 2, 3, I love you."
"I love you, too." Hindi ko alam basta nagawa ko lang din ang tumugon sa mga katagang 'yon.
"Look, you're so cute." Pagpapakita niya sa akin ng mga larawang nakuha niya.
Nag-scroll lang siya nang biglang nahagip ng mata ko ang isang video. Binidyo niya pala 'yong I love you niya.
"Video pala 'yong last?"
"Yeah, wait. Hey, can you take us a picture?" pagtawag niya sa isang babaeng may edad na rin.
Lumapit naman ito sa amin agad at kinuha ang cellphone ni Lenience para sa picture taking namin.
"Sure," ngiti n'yang sabi.
"Thank you." Lumapit si Leninece sa gawi ko. "Smile, Love," sabi niya at napangiti ako.
Bago pa na-click ang camera ay dumikit pa lalo si Lenience sa akin dahilan nang mapahawak ako sa may likuran ko habang siya naman ang isa niyang kamay ay na sa kaniyang bulsa.
"1, 2, 3, smile."
"Salamat po."
Nang matapos na ay agad ibinigay ng babae ang cellphone niya kay Lenience at nagsalita. "You look good together."
Talaga? Kinilig ako du’n.
"Hmm, thank you, Ma'am!" Ngumiti lang ito at nagpatuloy sa paglalakad niyang naudlot kanina.
Agad naman akong lumapit kay Lenience para tingnan ang mga kuha nung babae kanina. "Let me see."
Maganda ang mga kuha niya sa mga picture namin. Ang ganda niyang i-post sa lahat ng socmed ko tapos with great captions.
Tumingin ito sa akin at pinisil nang bahagya ang tuktok ng aking ilong. "Ang ganda naman ng jowa ko," masaya niyang komento. "Tara, Love. Order na tayo."
Kinarir na talaga ang love, ha? Okay lang, nakakakilig nga, eh. Love. Mahal. Palangga.
Agad naman kaming pumili ng upuan at napili ni Lenience ang doon sa lapit ng mga duyan.
"Until 5pm lang pala sila open. Tapos Wednesday to Sunday lang. Mabuti at linggo ngayon at naabutan natin silang bukas," sabi ko nang mabasa ang kanilang menu.
They are open on Wednesday to Sunday until 5pm only. Tapos close naman sila every Monday to Saturday.
"Yeah, before we got here naman tsinek ko muna if available ba sila today."
"Ah, okay."
Tiningnan ko ang mga available na foods nila. Hindi naman siya masyadong mura tapos hindi rin ganun kamahal, nasa 200 plus lang pero not more than 500 peso.
They have Lechon and Gising-Gising Rice bowl = 8/10 (365php). Seasonal Fruit Share = 9/10 (Ripe Mango) 180 php. Grilled Chicken, Mushroom Bordelaise = 9/10 (330 php). Signature cheesecake = 7/10 ( 260 php).
"Anong sa‘yo?"
"Signature cheesecake na lang. ‘Yan lang afford ko, eh," walang gana kong tugon.
Maliit lang kasi ipon ko ngayon mula sa mga baon ko pero at least mayroon kahit hindi gaano kalaki.
"No. Just order all you want. I will pay for it."
"Huwag na nagsasayang ka lang ng pera n'yan, eh."
Sayang naman talaga kasi. ‘Pag kaming dalawa ang o-order ng same food, nako, mas lalong malaki ang gastos.
Binitawan niya ang menu at tiningnan ako. "Love, para saan pa at pinasyal kita rito kung hindi mo naman matitikman lahat ng gusto mo. Go on, sagot kita."
"Sige na nga. Sa susunod ako naman."
"If that's what you want," he smiled.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Binasa ko muna ang kabuan ng menu nila habang hinihintay ang order namin. Sakto namang nang matapos ko eto ay agad ding dumating ang waitress.
"Enjoy your food, Ma'am, Sir!" masigla at masaya niyang sabi.
"Thank you." ani Lenience.
"Nag-order ka ng beer?" gulat kong tanong ng nahagilap ko ito sa mesa namin.
"Actually, chocolate stout 'yan. Gusto ko lang tikman baka kasi you want it too."
Yes, chocolate flavor siya. Actually nabasa ko rin sa menu. 210 php ang presyo niya. Santiago Beer Buhawi = 5/10 (Chocolate Stout).
"Feeling ko pangit lasa n'yan."
"Hm, let me taste it first." Agad naman siya naglagay ng kaonti sa baso niya at hindi ko lubos maipinta ang nagawa niyang reaksyon after itong malasahan.
"Bakit?"
"Tama ka nga, ang pangit. Parang eh-di ko feel," naduduwal niyang sabi.
Ang unfair. Bakit siya kahit napapangitan sa lasa ng beer ay ang kyut niya pa ring tingnan?
Natawa ako sa kaniyang ginawa."Haha, kyut mo."
Magsisimula na sana ako sa paggalaw ng kakainin ko nang biglang may natanggap akong message. Akala ko ba lowbat na phone ko bakit nakatanggap pa ng message?
From Sinag:
Nakauwi na ako sa Angono. Hinatid ako ni Vincent, masakit na kasi paa ko sa kakalakad. Huwag ka nang tumugon pa. Enjoy ka r’yan sa Burrow with him :) See yah tom. Ingaatt <3
Eksaktong pagkatapos ko nang pagbabasa rito ay nag-shutdown na siya. Buti na lang sabi niya 'wag ng mag-reply kasi hindi na nga ako makapag-reply.
Naputol si Lenience sa pagkain niya para magtanong. "Who's that?"
"Si Mariel. Umuwi na raw sila. Masakit daw paa niya sa kakalakad," pagsasabi habang ginalaw ng bahagya ang aking pagkain.
"Okay. Ikaw, wala bang masakit sa‘yo?" nag-aalala niyang tanong.
Ano ba naman ang sasakit sa akin, eh, sanay na naman ako sa paglalakad? Si Mariel lang talaga ang hindi sanay lalo na't madali lang mapagod ang mga paa niya.
"Wala naman."
Pero hindi nakatakas sa tainga ko ang salitang sunod niya binitawan dahilan ng pag-init ng aking pisngi sabay kagat ko ng aking labi.
"Kung mayroon, sabihin mo lang. Hahalikan ko para mawala."
A/N: Link about Burrow Cafe
https://www.pinterest.ph/pin/345651340154791014/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top