kabanata 14
KABANATA 14
[NAGPAPALIGAW]
Madaling araw na nang magising ako sa text na aking natanggap. Paniguradong si Lenience na naman 'to kasi palagi na naman siyang nag-ti-text sa akin. Ewan ko ba para naman kaming hindi magkikita sa school tapos hindi ba siya nagsasawa kaka-text sa akin?
From Him:
Good morning! Have a great day ahead. See you sa MCU (
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa nabasa ko. Araw-araw niya akong tini-text, araw-araw niya rin akong pinapakilig at pinapasaya.
'Him' ang ginawa kong nickname sa kaniya sa phonebook ko kasi wala lang, astig lang kung pakinggan.
Palagi lang siyang ganiyan. Text nang text at update nang update sa mga ginagawa niya kahit hindi naman ako nagtatanong. Minsan nag-se -share siya sa akin kung kamusta ang araw niya at about his favorites and what he loves to do. Pati nga paborito niyang kulay sa rainbow nasabi na rin niya. Kaya sa mga ginawa niyang 'yan mas lalo akong na-i-inlove. Inaalam niya rin ang mga bagay na gusto ko at ayaw ko.
Kaya dahil sa mga ginagawa ni Lenience, napa-search ako kung ano nga ang kahulugan nang mga pinapakita niya. Sabi doon sa isang pag-aaral, pagganiyan daw 'yong guy, like he share something about his life and about him... ibig daw sabihin nu’n malaki na raw tama nu’n sa‘yo. Lalo na pag tinanong ka niya about sa sarili mo. Kaya hindi ko magawang isipin na kung talagang ganu’n na ba tagala kalaki ang tama ni Lenience sa akin.
Mag-type na sana ako ng isasagot nang may nagsalita sa likod ko dahilan ng hindi ko ito matuloy. "Oh, ang aga-aga, Belmundo. Para kang sirang ngiti nang ngiti r'yan."
"Bakit ka nandito? ‘Di ba dapat nasa school ka na?" taka kong tanong dito.
Akala ko kasi by this time na sa MCU na siya at doon kami magkikita pero bakit siya nandito?
Nilapag niya ang gamit niya sa lamesa tsaka umupo. "Bakit bawal ka na bang puntahan dito ngayon?"
"Hindi naman. Ang baho ko pa, oh, hindi pa ako naliligo."
Nakakahiya kaya ang baho-baho ko tapos wala pa akong mumog kasi kakagising ko pa lang, samantalang siya ay ayos na ayos na.
"Sus, ngayon ka pa talaga mahihiya? Pinapaamoy mo nga sa akin 'yang utot mo dating amoy kamote. Ang sabihin mo, gusto mo lang na 'yang Monte Carlos na 'yan ang pumunta rito. Sus, kamusta ang panliligaw niya aber—"
"Nagpapaligaw ka, Serenity?"
Kinabahan ako sa tanong ni Mama. Hindi ko alam kung tunog galit ba 'yong boses niya o nagulat. Basta ang alam ko lang ay patay ako nito. Hindi naman dapat siya magtataka kasi naranasan ko naman ang magkaroon ng lovelife dati. Siguro hindi lang siya makapaniwala na nagpapaligaw na naman ulit ako.
"Ma?" gulat at natataranta kong sabi rito. "Sinag. . . kasi—ahm ano, ah."
Halata sa boses ko ang kaba dahil nabubulol ako. Si Mariel naman ay nagulat din at ngayon ay nakatikom na ang bibig. Babaeng 'to kasi basta-basta na lang pumunta rito ng hindi nagpapaalam. Samantalang noong una, sinabihan niya muna ako bago pumunta rito.
Inilapag ni Mama ang mga gulay na dala niya sa mesa at tiningnan ako nang deretso. "Anong kasi? Sino ba 'yang manliligaw mo?"
Dapat ko bang sabihin? Nako, paano 'to?
Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa tanong ni Mama kaya I cleared my throat first. "Si Lenience po, Ma, 'yong madalas kung i-kwento sa inyo."
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at ibinigay ang atensyon sa mga gulay na binili niya pa sa palengke.
"Papuntahin mo sa bahay at dito dapat siya manligaw."
Mga salitang hindi ko lubos akalaing sasabihin niya. "Po?"
"Alangan namang sa daan o kung saan-saan ka lang nagpapaligaw, Serenity? Sa bahay ka namin ginawa at pinalaki ng papa mo kaya sa bahay ka rin dapat ligawan," seryoso na may diin niyang sabi.
Napalunok ako ng ilang beses sa mga sinabi ni Mama. Habang si Mariel naman sa gilid ay natawa sa sinabi nito. Tiningnan ko siya nang masama at inirapan habang ayaw magpaawat sa kakatawa.
Akala ko magagalit si Mama at sermon ang aabutin ko sa kaniya kaso hindi pala. Yes, kinu-kwento ko palagi si Lenience sa kaniya kaya siguro siya ganu’n kung magsalita. I shared everything to her, lahat ng text at about sa tawag namin ni Lenience at pati na rin ang tungkol sa attitude niya.
Papayag kaya siya sa nais ni Mama? O, hindi na lang siya tutuloy sa panliligaw niya.
"May pagkabaliw pa rin pala si Mama Benince, ‘no? Akalain mo sa bahay ka raw ginawa kaya sa bahay ka dapat ligawan," natatawang sabi ni Mariel.
Nandito na kami sa hallway ngayon kung saan binabaybay namin ang daan patungo sa silid namin. Ang aga pa naman pero ang dami na ng mga estudyanteng narito. Siguro busy sila kasi malapit na naman ang exam. Ako nga rin, eh, busy sa pag-aaral para makapasa. Mabuti na lang at ang isang instructor namin ay hindi na raw siya magpapa-exam kasi malaki na raw ang mga grades namin kaya enough na raw 'yon para pumasa.
Balik tayo sa sinabi ni Mariel. Yeah, gan'yan na talaga 'yan si Mama noon pa. May pagkakalog minsan, walang preno ang bibig at praktikal. That's why I love her the most.
"Hindi maka-move on, ‘te?" pataray na sabi ko rito.
"Eh, ikaw ba naman ang sasabihan at makakarinig ng ganun. Aba, s'yempre ang hirap talagang mag-move on. Nakakatawa kaya."
Inunahan ko siya sa paglalakad para tumigil na. "Bahala ka nga sa buhay mo, Mariel, at mamatay ka sa kakatawa r'yan."
"Ito naman, biro lang," paghahabol niya sa akin.
Eksaktong pagpasok namin sa silid namin ay nakita ko agad si Lenience. Natataranta siya sa kaniyang kinauupuan nang mapansin ang presensya ko. Ganu’n din ang mga kaibigan niya lalo na si Vincent nang makita si Mariel. Isa pa ang mga 'to, akala nila hindi ko rin alam. Tsk.
He's wearing his uniform. A simple uniform na kulay maroon ang pants at kulay puti ang upper na may maroon ring pahaba sa gitna ng mga butones ng kaniyang polo. Ang hot niya sa uniporme niya tapos nakita ko pa na maayos ang pagkalugay ng bangs niya sa buhok. Tapos ang kyut pa ng mga dimples niya. May maliit at kyut din siyang nunal sa ilong niya at sa itaas ng kaniyang lips. God, can't help but to fall harder.
Lumapit ito sa gawi namin ni Sinag at binati ako gamit ang sexy niyang boses. "Good morning."
"Good morning," nahihiya kong tugon at hinawi nang bahagya ang buhok ko.
Nauna nabg maupo si Mariel sa upuan namin at napansin ko rin ang pagbati ni Vincent dito. Sus.
"Why are you not replying to my text?"
Sumunod ako sa pagkaupo kay Mariel bago ko ito tugunin. "Ahm, nakalimutan ko kasi nagmamadali ako."
Tumabi ito ng upo sa akin at napansin ko ang pagtingin sa akin ng mga kaklase ko at hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga bulong-bulungan nila.
"Kaya siguro ayaw na ni Lenience kay Faye kasi sila na ni Serenity, ano?" sabi nu’ng matabang babae na may kahabaan ang buhok.
"Aba, ewan ko. Mas mabuting sila na lang kaysa sa Faye na 'yon. Ang taray kaya nu’n," tugon ng isa.
Nakikinig lang ako sa kanila at hindi ko na narinig pa ang mga sinasabi ni Lenience sa akin.
"Ah, basta kay Faye pa rin ako," huling salitang narinig kong biglang pukawin ni Lenience, ang natutulog kong diwa.
"Hey, are you listening?"
Agad akong napatingin dito. Ano ba kasi ang sinasabi niya? "Ano nga 'yong sinabi mo?"
'Yan kasi nakikinig pa sa usapan ng may usapan, Serenity. Gan'yan naman ang mga tao. ‘di ba? May masasabi at masasabi talaga sila tungkol sa atin. May gagawin ka man o wala, may salita ka pa ring maririnig. Negatibo man ito o positibo. Kung magpapa-apekto ka, talo ka.
"I said, magpapaalam sana ako mamaya kasi pupunta kami sa bar ng mga tropa ko."
"Eh, ba't sa akin ka magpapaalam?"
He chuckled. "Syempre, I'm courting you. Kaya gusto ko na lahat ng lakad ko ay aprubado mo."
I sighed. "Courting pa nga, ‘di ba? It means, nanliligaw ka pa lang. Hindi pa naman tayo kaya hindi ko hawak ang gusto mong gawin."
Napamali ata ang sabi ko kasi hindi na magawang tugunin ito ni Lenience. Nang masabi ko ang mga salitang 'yon ay tumahimik na lang siya bigla, sakto namang bumalik na si Mariel sa pwesto niya kaya bumalik na rin si Lenience sa upuan nito.
Tama naman ang sinabi ko, ha? Hindi pa kami kaya dapat hindi ako ang magdedesisyon kung pupunta ba siya o hindi. Buhay niya naman 'yan kaya if he wanted to go to the bar... then, go. Walang dapat ipagpaalam pa.
But why I have this feeling na para bang mali ang pagkasabi ko rito? Sinulyapan ko siya nang bahagya at nahuli niya akong napatingin dito kaya nag-iwas tingin ako.
Ilalabas ko na sana ang libro ko sa agham para makapag-aral nang mag-beep ang phone ko.
From Him:
Huwag masyadong tumitig baka mas lalo akong mahulog n'yan.
Bigla akong napamura sa sinabi niya kaya dali-dali ko ring tinampal ang bibig ko dahil sa paggamit ko ng bad words. Ganito na ako dati.Sabi kasi ni Mama, ‘pag magmunura raw ako tatampalin ko raw ang bibig ko para hindi na uulit pa.
Nagulat din si Mariel sa ginawa kong 'yon pero hindi ko na 'to nagawang pansinin pa. Akala ko galit o nagtatampo siya kanina. Hindi naman pala.
Bakit gan'yan ka, Lenience? Bakit ang dali lang sa iyong paibigin ako?
A/N: CCTO
Lenience and Serenity with their MCU's school uniform. xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top