Kabanata 13
Hi, readers!
Thank you for giving me a chance for you to read this one; Importante po ito. So please bare with me. This story is 'Unedited', ibig sabihin 'di po perpekto ang mga words, sentences, and specially the grammars na nakasulat dito. PASENSYA NA PO KAYO. But I'm gonna fix it if I have enough time. Feel free to point out my grammatical errors, I'll be thankful and I will correct my mistakes. English is not my first language, therefore you might found wrong grammars here.
RESPECT,
Respect my story and I will do the same. Ito lang po ang hinihingi ko ang magrespetuhan tayo. I don't like to spread hates but, I'm in favor of spreading love. If you don't like the plot of my story then, don't read it. I'm not forcing you. If you have suggestion in my story, I will spend time to read it and I will apply it here. If I will have enough time for that. I will edit some chapters in this book. If you will found empty chapters, it means under edit po ito. At, ipupublish ko rin ito pabalik. So don't worry.
Salamat po sa paglalaan ng oras sa pagbabasa. I really appreciate it! Sana sa pagkakataong ito, nagkakaintindihan na po tayo!
This story is only available here on wattpad
Your comments and votes are highly appreciated.
***
KABANATA 13
[MADE MY DAY]
Days rapidly passed by. After nang pag-uusap namin doon sa rooftop ay mas naging close pa kami ni Lenience sa isa't isa. Buti na lang hindi ko na sabi sa kaniya kung ano nga ba ng nararamdaman ko para rito. Nang matapos ang araw na 'yon palagi ko na lang siyang iniisip. Palagi na lang siyang pabalik-balik sa utak ko pati sa panaginip. Siguro ganun talaga kalaki ang amats ko sa kaniya.
I know sobrang bilis ng pagkahulog ng damdamin ko sa kaniya, even me I was asking myself that question. Kung bakit nga ba ako napaibig sa lalaking 'yon. Ilang buwan pa nga lang kaming magkasama pero feeling ko sobrang gaan na ng loob ko sa kaniya. Hindi mo naman masisisi ang pag-ibig, ‘di ba? Kasi hindi mo alam kung kailan ka tatamaan.
Nu’ng pinaramdam sa akin ni Lenience na mahalaga at kamahal-mahal ako, doon na ako tuluyang nahulog sa kaniya. Sabi nila, ‘pag palagi mo raw kasama ang tao tapos ang pinag-uusapan niyo is about heartaches and love then, you feel na komportable kasama siya. Isa raw 'yan sa dahilan kaya napa-ibig ka agad sa hindi inaasahang pagkakataon. Siguro ganu’n din ang nangyayari sa akin ngayon.
Actually, tinanong ko siya kung bakit nag-aalala pa rin siya para kay Faye. He just said that friendly care na lang daw 'yon. Magkaibigan na kasi sila noon pa kaya ang pag-aalala na 'yon ay pangkaibigan lamang. Pagkasabi niyang 'yon, medyo naibsan 'yong pain na nafi-feel ko kahit walang kami.
Hindi ko alam kung kailan basta ang alam ko lang ay mahal ko na siya.
I came back to reality when my phone vibrated.
From Him:
Where are you? Hinahanap ka na nila, kanina pa.
It was Lenience. He asked my number kasi para raw may kausap siya kaya binigay ko na. He gave his number, too. Simula nu’ng hingin niya ang phone number ko palagi niya na akong tini-text at minsan tumatawag din siya. I don't know kung bakit niya ba ginagawa sa akin 'yon.
He even called at 12 midnight. Minsan nagagalit sa akin si Mama kasi ang ingay raw ng china phone ko kaya naisipan ko na lang i-silent ito. ‘Pag tumatawag siya, kinakamusta niya lang ako. Like, how was your day, kumain ka na ba, anong ulam mo at iba pa. Ganu’n din ‘pag tumatawag siya. Lagingnangangamusta. Kaya sinong hindi mai-in-love, ‘di ba?
To Him:
Nasa library may kinuha lang. Why?
Pagkatapos kong mag-reply ay agad akong lumabas sa silid aklatan dala-dala ang librong hinanap ko.
I was about to go to the canteen when my phone beeped again.
From Him:
I'm here on the rooftop. Come here. I have something to tell you :)
That message makes my heart beats fast. Anong sasabihin niya?
Sinabi niya na sa canteen sila, pero bakit siya nandoon sa rooftop?
Nag-type muna ako ng maire-reply bago siya puntahan doon.
To Him:
Otw.
Mabilis kong tinahak ang daan papunta sa rooftop. Nang makarating ako rito ay nakita ko siyang nakatayo na para bang inaantay ang pagdating ko.
Nilapitan ko siya habang hinawi ko ang buhok kong nilipad ng hangin. "Akala ko ba sabi mo nasa canteen kayo?"
"Yeah, galing ako roon bago ako pumunta rito," he replied.
Napansin kong kabado siya kasi hindi siya mapalagay. "Bakit mo ako pinapunta rito? Anong mayroon?"
He gave a deep breathe. "Ahm, kasi- paano ko ba 'to sasabihin?"
"Ang alin?"
He cleared his throat. "Serenity, I have feelings for you."
Tama ba narinig ko? May nararamdaman siya para sa akin? Hindi ko magawang gumalaw nang marinig ko ang sinabi niya. Did he tell me the truth?
"What are you saying?"
"That I have feelings for you."
Nakagat ko ang ang lips ko dahil sa sinabi niya. "Lenience, baka naguguluhan ka lang kasi palagi mo akong kasama tapos—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lumapit siya sa akin. I feel his breath, lalo na ang amoy ng pabango niya dahil sa sobrang lapit nito.
Kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinawakan ito. "I'm sure about my feelings for you. I really am."
"Lenience."
"I don't know kung kailan ko 'to simulang naramdaman basta ang tanging alam ko lang ay nahuhulog na ako sa‘yo, Serenity," he explained.
Hindi ba dapat maging masaya ako kasi may nararamdaman din siya sa akin? Ito naman ang gusto ko, ‘di ba, ang maging mutual ang feelings naming dalawa. Pero bakit ako natatakot nang sabihin niya sa akin ang mga 'to?
"I know, mahirap paniwalaan pero wala na akong magagawa. 'Yon talaga ang nararamdaman ng puso ko para sa‘yo."
Bumitaw ako mula sa pagkahawak niya sa kamay ko at tinalikuran ko siya. Agad niya naman akong sinundan at tumayo sa aking tabi.
"Paano si Faye?" wala sa sarili kong tanong.
"What about her? Wala na kami," he whispered. "Serenity, hindi naman kita pinipilit na paniwalaan ako, basta nasabi ko lang sa’yo ang nararamdaman ko."
"If I will believe you, anong mangyayari?" I suddenly asked. "I mean, anong susunod na mangyayari?"
Sa pagkakataong 'to ay hinarap niya ako. Wala akong magawa kundi ang humarap sa kaniya. He looked at me in my eyes and I did the same as well.
Tama pa ba 'to, Lenience?
Hinuli niya ang kamay ko and at this moment, mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya. Tila ba ayaw niya na itong pakawalan pa. "If you will let me and give me your permission, I wanted to court you until you will become my girlfriend."
Liligawan niya ako? Talaga? Bakit ganu’n? Bakit ako kinikilig?
Pakiramdam ko nagwawala na ang mga paru-paro sa tiyan ko. Also, ramdam ko rin ang pagtibok nang mabilis ng aking puso.
Shoud I give him a chance?
Matagal-tagal na rin naman ang break-up namin ni Jio. Mahigit isang taon na rin. Nakapag-move na naman ako kaso hindi pa kami nakapag-usap ulit tungkol sa nangyari last time. Simula nu’n kasi iniiwasan niya na ako at hindi na rin kami masyadong nagkikita sa MCU.
Parehas naman na kami ni Lenience kaya wala na dapat pang pro-problemahin pa pero bakit ako nababahala?
"Lenience, hindi ba masyadong mabilis? Kasi ilang buwan pa naman tayo naging close sa isa't isa."
He looked at me with a smile. "Look, liligawan pa naman kita, 'yon kung papayag ka. Tapos pwede naman tayong maging close pa at makilala pa natin ang isa't isa habang nanliligaw ako sa‘yo. Hindi naman kita minamadali, eh."
Nagbuntong-hininga muna ako bago ko masabi ang nais kong sabihin sa kaniya na ikinatuwa niya nang sobra. "Okay, papayag na ako,"
Napahinto siya sa narinig. Nang ma-realize niya na ng sinabi ko ay agad niya akong niyakap at sumigaw nang malakas.
"Woah, yes! Thank you, Serenity! You made my day!" he screamed.
Pagkasabi niyang 'yon ay nag siliparan ang mga puting kalapati na sa rooftop. Ngayon ko lang din napansin na may kalapati pala rito.
Is this a sign? White doves?
Sakto pa talaga na kailangan ko ng kasagutan ngayon sa kalituhan ko. I suddenly remember that white dove symbolizes love.
The white dove means peace, love, femininity, and hope. It is also the symbol of the Holy Spirit as per Christianity. Dreaming of a pair of doves symbolizes the need for a lover or a partner. It is representative of the fact that one is yearning for love and companionship.
"Hoy, sira, hindi pa kita sinasagot. Ang sabi ko lang, papayag ako na ligawan mo. Kung makasigaw ka r'yan para ka nang nanalo sa lotto," awat ko sa kaniya.
"You don't have an idea how you make me feel the real meaning of happiness, Serenity," komento niya at wala na akong magawang isagot pa kundi ang ngitian na lang ito.
Sana tama ang desisyon kong hayaan kitang ligawan mo ako, Lenience. Sana sa puntong 'to tama na ang napili kong mamahalin ko habang buhay.
You made my day as well, kung alam mo lang. You really do.
September 22, 2005; He confessed.
***
I came to school early para maisuli ko na agad ang mga librong hiniram ko bago ko pa ito makalimutang ibalik. It's been three days na rin ang lumipas since Lenience asked me para ligawan ako. Nu’ng una nabahala ako pero nung nakilala ko na siya nang paunti-unti ay nawawala na rin 'yong doubts na mayroon ako.
He never failed to make me happy everyday even sa pag-ti-text at sa simpleng phone calls niya. Noon, kung nangamusta lang siya, ngayon, may pa-care-care na siya at palagi niyang pinapaaalala sa akin na handa niya akong hintayin kahit gaano pa katagal.
Tahimik lang akong naglalakad nang may biglang umagaw ng atensyon dahilan ng aking pagkahinto.
"Ang aga natin, ah."
Boses niya pa lang alam ko na kung sino siya. "Kailangan ko kasing isauli ang mga 'to."
"Nang ganito ka aga?" pagtataka niya.
Tumango lang ako sa kaniya habang siya naman ay tiningnan lang ako nang seryoso. "Nililigawan ka raw ni Monte Carlos?"
Kakaibang kaba ang dulot sa akin nang tanong na 'yon. Alam kong papangaralan na naman ako ng isang 'to.
I bit my lower lips. "Oo. Sorry hindi ko agad nasabi, pero sasabihin ko naman talaga. Natatakot lang ako."
She breathe heavily and replied. "Kung hindi lang nagkwento si Vincent, hindi ko pa talaga malalaman."
"Alam nila?"
Hindi ko maiwasang hindi magulat sa sinabi ni Mariel. Bakit nila alam?
"Aba, s'yempre! Kaibigan kaya ni Lenience ang mga 'yon!"
"Sabagay."
"Ikaw ba ay sure ka na talaga sa Lenience na 'yan, Serenity? Alam mo naman siguro na pareho kayong kakagaling lang sa break-up. Oo, taon na nga ang lumipas pero who knows, ‘di ba?"
Napatigil ako sa sinabi ni Mariel. Kahit hindi niya na linawin pa ang nais niyang puntuhin ay gets ko na agad 'yon.
Hindi naman siguro gagawin sa akin ni Lenience 'yon kasi ramdam ko naman na totoo at seryoso siya sa panliligaw.
"Sinag, hindi naman ata siya ganu’n," I commented.
Huwag naman sana kasi kung mangyayari 'yon hindi ko na alam kung ano, alin at sino ang paniniwalaan ko.
Nilinaw naman sa akin ni Lenience, eh. Wala sa intensyon niya ang saktan ako. Kaya 'yon ang papaniwalaan ko.
Pero, papano kung tama nga si Mariel?
Mariel cleared her throat. "Paano nga kung rebound ka lang?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top