Kabanata 10
KABANATA 10
FRIENDS
"Kulimlim, okay ka lang?" Salubong na tanong sa akin ni Mariel.
Nilapitan niya ako na tila ba gusto niyang makasiguro kung okay lang ba ako. Nginitian ko na lang siya ng bahagya. "Okay lang ako, ano ka ba."
Thanks to Lenience.
Sinabihan niya ako kanina na kailangan daw namin mag-usap dalawa ni Jio para magkaroon kami ng closure. Sa pamamagitan daw nun magkaroon kami ng kaliwanagan tungkol sa mga nangyayari sa amin. Hindi niya naman daw alam ang totoong nangyari pero para sa kaniya 'yon daw ang magandang paraan para maging okay kami. Wala barriers at walang dehado.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit naging desperado siyang kausapin si Faye kasi gusto niyang matapos kung ano ang mga bagay na pumipigil kay Faye na mag-move on.
Sinabi niya rin sa akin ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Faye noon. Tama nga si Mariel, naghiwalay nga sila dahil may hindi nagawang tuparin si Lenience para rito. Lenience promised that he will be the last dance of Faye at her 18th. But sad to say he didn't make it. Ramdam ko ang panghihinayang sa mga tinig ni Lenience nang e-kwento niya sa akin ang mga nangyari. Hindi raw kasi siya nakahabol sa last dance kasi nasiraan siya ng kotse.
I asked him pa nga kung bakit hindi siya humanap ng paraan para makahabol. He said he did, but he feels that destiny doesn't allow him to do so. Kaya wala na siyang magawa nung nakipaghiwalay sa kaniya ang dalaga. He did his part naman daw as a boyfriend, pinaliwanag niya naman daw kay Faye ang dahilan kung bakit siya natagalan bago sila naghiwalay pero tinuloy pa rin daw ng babae ang kagustuhan na mag-break sila. Noong una ayaw niya pero nung natagpuan niya na ang sarili niyang kawawa doon na siya natauhan na itigil na ang kabaliwan niya.
Sabi ko pa nga kung ipinaglaban niya ba ang relasyon nila. Sabi niya, he did. Tinanong ko rin siya about closure, ang sabi niya lang sa akin. Nung time na ayaw talaga siyang bigyan ni Faye ng chance na kausapin siya 'yon na raw 'yong closure nila. It means wala na raw talagang chance para sa kanila, sa relationship nila. Naka-move on na naman daw siya at ready na raw siyang umibig muli.
Noong una nagulat ako sa sinabi niya... Then, I realized na kaya siguro tayo iniiwan kasi may darating na bago. Sino kaya ang darating?
"Eh, kung si Lenience ba naman ang comforter mo eh, aba magiging okay ka talaga!" Pang-iinis ni Vincent.
Inirapan ko lang siya habang ayaw magpaawat sa kakatawa. Loko. Lumapit naman si Matteo kay Lenience at umakbay dito. "Kayong dalawa, hah. Akala niyo 'di namin nahahalata,"
What are they talking about?
Napatingin na lang kami ni Lenience sa isa't- isa at tumawa. "Stop it, dre. Magkaibigan lang kami ni Serenity." He commented.
Magkaibigan?
Hindi ko alam pero ng marinig ko ang salitang 'yon ay para bang may kung anong kirot na nararamdaman ng puso ko. My God Serenity, nababaliw ka na.
"Yeah, we're just friends." I chuckled.
"Friends lang ba talaga? Oh, friends pa lang?" Si Mariel habang kinurot ang tagiliran ko.
Hindi ko na sila pinansin pa. Baka saan na naman aabot 'tong usapan na 'to. Alam ko namang nang-iinis lang sila pero bakit ako apektado? Bakit nung sinabi ni Lenience na friends lang kami ay hindi ako natuwa? Siguro infatuation lang 'to kaya ko lang siguro 'to nararamdaman kasi palagi kaming magkasama at palagi niya akong dinadamayan sa problema ko. Pero hindi, ehh. Alam kong may mali.
Ano ba talaga ang feelings ko para sa‘yo, Lenience?
"Ano ba kasi talaga ang nangyari sa inyo ng Jio na 'yon, Serenity?"
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla akong napalingon sa nagtatanong sa akin.
Naisipan kasi ng barkada natumambay muna kami sa gym habang wala pa 'yong instructor namin sa P.E. We are all wearing our P. E's uniform kasi may execution kami ngayon about Volleyball.
Hindi ko lubos akalain na itatanong 'yon sa akin ni Ivan. "Hah?" Wala sa sarili kong huwesto na sagot. "Ahm, wala lang. Nag-cheat lang naman siya." Kalmado kong dagdag.
"Nag-cheat?" Sabay na sabi ng mga kaibigan ni Lenience dahilan ng nagulat ako sa reaksyon ng mga ito.
I chuckled. "Oo, anong meron?"
Tumingin naman sa akin si lenience, na para bang nakikita ko sa mga mata niya ang kunting pag-aalala. Lenience, ano na naman bang klaseng tingin n'yan? Please, stop it. Pinapaasa mo lang ako, eh.
"What do you mean sa nag-cheat?" Seryosong tanong ni Carl. "Third party, ganun?"
Umayos ng upo ang mga 'to, na tila ba gusto nilang alamin ang kwento sa linod ng kabiguan ko.
Siguro ito na rin 'yong way para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Pag sinabi ko sa kanila ang totoo mawawalan ng sakit kasi nailabas ko na.
"He betrayed me over my cousin."
"Really? How gago naman," Hindi makapaniwala na sabi ni Matteo.
Hindi lang basta gago, Matt.
I still remember how I caught Jio, way back then doing something with my first cousin. Naalala ko pa kung paano ako naging gaga noon para lang sa relasyong walang kwenta. I was 16 when I caught them. Bata pa lang kasi ako ng pinasok ko ang buhay na magkaroon ng jowa. Nung una ayaw ni Mama pero kalaunan pumayag na rin siya at hinayaan na niya ako ng mapansin niyang sumaya ako kahit kunti kahit wala na si Papa.
Pero hindi ko inaasahan na panandalian lang pala ang saya na iyon. Sumaya nga ako pero may kaakibat namang sakit pagkatapos. At, si Jio ang dahilan ng lahat ng 'yon.
"How did you know na niloloko ka na pala?" Tanong ni Vincent.
"Stop those nonsense questions, guys. Don't make Serenity feel like- na na sa hot sit siya ni Tito Boy."
Tumawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Lenience. Hot sit? Hindi ko akalain na sa kaniya pa talaga magmumula ang mga 'yon.
"Kailan ka pa naging clown, dre?" Ayaw mag paawat sa kakatawa na tanong ni Ivan.
"Tsk." Inirapan siya ni Lenience at itinapon sa kaniya ang bola buti na lang at nasalo niya ito.
"Bakit ayaw mo siyang kausapin at makita? Hindi ka pa ba naka-get-over sa kaniya?"
Lumaki ang mata ko ng wala sa oras dahil sa tanong ni Matteo. Hindi ko lubos akalain na itatanong niya iyon. Siyempre, nakapag-move on na ako, pero bakit ako kinakabahan sa tanong niya?
Ramdam ko ang mga titig nila lalo na ang tingin sa akin ni Lenience, na para bang nag-aantay siya kung ano nga ba ang sagot sa katanungan iyon.
Akmang sasagot na sana ako ng may biglang nagsalita dahilan nang mapalingon kami rito. "Señorito?"
Pagtawag ng isang lalaki, na naka-uniporme kagaya ng uniporme ng mga driver ng mayayaman. Kaya alam ko na agad kung sino ang sadya nito.
"Mang Emil, bakit?" Takang tanong ni Lenience.
Imbis na magsalita ang mama ay lumayo ito sa amin ng distansya at sumunod naman dito si Lenience. Anong meron?
Wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin sa gawi nila. Pakiramdam ko may nangyari.
"Pinatawag na naman 'yan ni tito for sure." Sabi ni Vincent.
Napaisip ako sa sinabi ni Vincent. Bakit naman siya ipapatawag ng papa niya?
Pinatuloy ko lang ang pagtingin ko sa gawi nila ng bumalik sa gawi namin si Lenience, na may problemadong mukha.
He gave a deep breathe. "I need to go. Pinatawag ako ni dad,"
Paalis na sana siya ng tinawag ko ito. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko lang ay kailangan ko siyang tawagin.
"Lenience,"Lumingon ito mula sa pagkatawag ko at tiningnan ako ng diretso. "I don't what happened, but I know everything will gonna be okay," may ngiti kong sabi rito.
Imbes na tugunin ang sinabi ko ay ngumiti lang siya sa akin ng bahagya bago tumalikod.
Okay ka lang ba talaga, Papibrows? Bakit feeling ko may mangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top