Chapter 9

Raven Viel Siega

Dahil maaga ang huling klase ko ngayong araw, lumabas muna ako ng university. Hindi ko nalang muna hintayin si Ash. May pupuntahan lang ako.

Pumara ako ng jeep papuntang SM. May bibilhin akong damit. Wala na pala akong damit, naubos na. Di naman ako marunong gumamit nung washing machine ata tawag dun nila Ash. Anong alam ng magic ko sa technology?

Tama, pag-aralan ko yun pag-uwi ko. O di kaya ay tanungin nalang si Ash. Magpapaturo ako.

"Bayad po Kuya." May kumalabit sa akin. Nilingon ko siya at tiningnan iyong hawak niya. Oo nga pala, may bayad pala ang sasakyan nila dito kapag babyahe ka. Bakit ko nga ba nakalimutan yun? E samantalang noong una kung sakay nito noong nakaraan ganito din yung pinanggagawa nila. "Paki-abot naman po. Salamat."

Kinuha ko yung bigay niya at inabot sa ibang taong nasa unahan ko.

May napansin akong kumuha ng pera niya at dalawang 20 ang nadala niya. Hinintay ko lang na i-abot niya iyong isa at saktong sa akin niya inabot.

Hindi pa nakasara yung wallet niya. Kasabay ng pagkakuha ko nung isang 20 niya ay hindi niya namalayan na kinuha ko rin yung isang 20 sa wallet niya. Nginitian ko siya. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako pero natulala siya nung tingnan niya ako.

Inabot ko nalang iyong dalawang 20 niya.

"Ilan po 'tong isang 20?" Tanong nung driver.

Ngayon ko lang narealise, marami pa pala akong hindi alam sa mundong 'to.

"Isa lang po yan, SM po." Sagot nung babae na may-ari ng dalawang 20.

"Oh ito sukli mo hija." May inabot din yung driver na barya.

"Itong isa ilan at pasaan?"

"Isa lang din po, SM po Kuya." Ngumisi pa ako nyan. Kinunotan naman niya ako ng noo.

Kinuha ko ang sukli ko. Ayos, may pamasahe na ako pauwi.

Pamasahe pala tawag nito.

Nabasa ko lang sa utak nung driver. Iniisip niya kasi kanina nung ngitian ko siya na "Nagbigay lang ng pamasahe may kasama pang ngiti. Bakla ba 'tong gwapong 'to?"

Hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin nung bakla. Pero feeling ko gwapo din ibig sabihin dun. May kasama kasing gwapo yung sinabi niya. At ako yun. Pang ilang beses ko na bang narinig yan mula sa mga babae sa university sa tuwing dadaan ako?

Bumaba na ako kasabay nung iba pang kasama ko pagdating namin. May malaki at mataas na building sa harapan ko na may nakasulat Robinson's Galleria.

Teka, di ba SM dapat ako bababa? Tss. Bahala na nga lang.

Pumasok na ako sa mall at naghanap ng mga damit.

Pinagmasdan ko lang yung mga tao sa paligid. Sinusunod ang bawat galaw nila.

Naghanap din ako ng mga damit. Tinapat sa dibdib ko at tumingin sa salamin.

Bakit masyadong maliit? Hanggang torso ko lang ata.

Binalik ko yun at kumuha ng iba. Tinapat ko ulit sa harap ko pero ganun pa rin.

Paikot-ikot na yata ako dito sa loob pero wala pa ring kasya sa akin.

Halos nakita ko na lahat pero wala pa rin.

May kumalabit sa akin.

"Sir!" Kunot noo ko siyang nilingon.

Huminga sya ng malalim at inayos ang sarili sabay ngiti.

"Kanina pa po kita tinatawag at kanina ko pa rin po kayo napapansin. Para kanino ba ang bibilhin mong damit sir? Para sa girlfriend niyo po ba?"

Tumaas ang dalawang kilay ko.

Girlfriend? Di ba yun yung may boyfriend tapos palaging magkasama. naghahawak kamay, naghahalikan sa park o di kaya ay sa bahay, at natutulog na magkatabi tapos pag gising parehas silang nakahubad?

Palagi kaming magkasama ni Ash, nasa iisang bahay kami, pero hindi naman kami naghahawak kamay kung saan saan, hindi rin naghahalikan at mas lalong hindi kami natulog ng magkatabi. Upo siguro pwede pa. Pero hindi rin naman kami-

"Sir? Sa girlfriend mo po ba-

"No! Wala akong girlfriend!" Sabi ko habang umiiling.

Napalakas ba yung sagot ko?

Napatingin kasi siya sa paligid habang nakangiti. Napatingin din ako. Bakit puro mga babae ang nandidito? May lalaki din naman, dalawa, pero may kasama silang babae at magkaakbay ang isa, magkahawak kamay naman yung isa pa. Boyfriend at girlfriend sila.

"Ay! Single pa pala si fafa gwapings,  akin ka nalang fafa ko." May narinig pa akong kalahati babae at kalahati lalaki ang boses. Nilingon ko siya. Hindi ko kilalang nilalang. Mataas ang buhok, makapal ang make up, sobrang laki nung dibdib niya. At ewan, bigla akong kinalabutan nung ngumiti siya sa kumindat.

"Ano sir? Para kanino po pala? Sa nililigawan nyo po o sa kapatid niyo?"

Nililigawan? Wala din akong kapatid.

Umiling ako. Sabay tingin sa dalawang damit na bitbit ko.

"Wala ba kayong mas mataas at malaki nito?"

Biglang tumawa yung lalaki kanina na nagdamit babae.

"Sa akin fafa, mas mataas at mas malaki."

Naghigikhikan iyong mga kasama nila. I snap my finger once at binasa yung utak nila.

"Kawawa naman si pogi, napagkatuwaan pa yata nitong mga 'to."

"Walang hiya talaga 'tong si Jhon, ang bastos talaga kahit kailan!"

"Sayang pogi pa naman."

"OMG! Bakit ngayon ko lang sya nakita? Edi sana, sya boyfriend ko ngayon."

Napatingin ako doon sa babaeng may kaakbay na lalaki. Ngumiti siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko pinangarap maging boyfriend mo uy. Pangit nito.

Dahil sa inis ko, I snap my finger twice at natahimik din.

Iyong lalaki kanina na nagdamit babae pumutok yung kung ano mang nilagay niya sa dibdib niya.

Yung babaeng may boyfriend, ayun nahubaran lang naman ng maliit niyang palda. Nabitawan niya yung damit at tinakpan ng bag ang harapan niya. Umikot siya at kita yung pwet niya. Oh, wala siyang underwear.

Nagtitili ang dalawa.

Binalik ko yung dalawang damit at lumabas.

Mali pala napasukan ko.

Naglibot libot pa ako at sa wakas nakakita na rin ako ng kasya sa akin.

Kumuha ako ng lima at pumasok sa fitting room nila. Hinubad ko yung t-shirt ko at sinulat ang lahat ng iyon. Sinuot kong muli ang dating damit ko at tiningnan ang kabuuang itsura sa malaking salamin.

Napangiti ako sabay kinumpas ang daliri at para na akong normal tingnan. Parang walang damit sa ilalim ng damit ko. Ngayon pang-ibaba naman.

Bumalik ako roon pero wala akong nagustuham kaya lumipat ako ng tindahan.

Ganun din ang ginawa ko sa tatlong pants na napili ko.

Pagkalabas ko hindi ko na alam kung swan ako nanggaling.

Ilang oras din ata akonng naglibot nang makita ko na yung labasan.

Ngiting ngiti akong naglakad papunta doon nang bigla akong daganan ng dalawang nakaunipormeng lalaki.

May baril sila sa gilid. Teka lang. Parang napanuod ko 'to ah.

"Ayan po! Ayan nga po sya! Hulihin nyo po iyan!"

Hindi ko alam kung anong nangyari. Huli ko nang nalaman nung dinala ako sa isang police station.

"Pang dalawang beses mo na itong pang sha-shop lift bata."

Sabi nung pulis na naka-upo sa lamesa niya.

"Nung una sa SM, ngayon naman doon sa mall na iyon?"

May kinuha siyang papel na may picture. Teka-paanong?

Ngumisi siya. "Gulat ka ngayon?" Binaba niya yung papel sa harapan ko. "Kuha yan mula sa CCTV ng isang boutique na pinasukan mo. Kitang kita ang gwapo mong mukha dyan oh."

"At dahil magkalapit lang ang SM at Robinson's, mabilis naming nalaman na dyan ka nga susunod na pupunta at dahil na rin may nag report sa amin. May nakakita pala sa'yo noong nakaraang araw sa unang mall na pinasukan mo."

"Ang malas mong bata ka. Nasaan ang mga magulang mo at nang mabayaran ka at makalaya?"

Makukulong pa yata ako nito. Hindi ako makakapayag nyan.

Paano nalang kung makarating ito kay Ash?

Umiling ako.

Kinumpas ko ulit yung hintuturo ko at nakatulog silang lahat. Kinuha ko yung susi ng handcuffs ko at tinanggal iyon. Binalik ko ulit iyon sa lalagyan ng pulis na may-ari nun. Kasunod ay dali dali kong iniba yung larawan at binura iyong pangalan ko sa record book nila.

Muli kong kinumpas ang daliri ko at dahan dahan silang nagising.

"Oh? Anong kailangan mo? May ipapa-blotter ka ba?"

Masungit na tanong nung pulis. Masama pa yata ito pag bagong gising.

"Wala po. Pero pakisundan nyo nalang po itong taong 'to." Sabi ko sabay bigay nung papel kanina na ngayon ay isang printed paper at may larawan ng isang lalaki na nagdadamit babae na kuha mula sa isang cellphone. "Nasa isang mall mo siya ngayon at naririnig kong may bibiktimahin na naman iyang babae. May kasama po iyan, babae din po. At pakitago nalang po ang pangalan ko."

"Sige po, alis na po ako." Tumalikod na ako at lumabas. Narinig ko pa yung isang kasama niya na nagulat sa nakita.

"Di ba yan yung hinahanap sa Manila na nang bibiktima ng mga kabataan sa isang human trafficking?"

"Big catch yan! Tara na!"

Sorry ka nalang ngayong nilalang ka. Akala mo ha?

Pagdating ko sa bahay todo ngiti pa ako dahil may bago na naman akong damit. Ang galing ko talaga.

Anong oras na ba? Kanina pa kumakalam ang tiyan ko. Nakalimutan ko palang kumain doon dahil sa nangyari.

Pagbukas ko ng pinto, agad bumungad sa akin ang hindi maipintang mukha ni Ash. Anong problema nito?

"Wag mo akong nginingitian dyan Raven Viel Siega!" Sigaw niya na may kasama pang tapon ng throw pillow.

Hindi nakaabot sa akin pero may kasunod. Agad ko iyung sinalag. May kasunod ulit, pero this time pinalutang ko na lahat ng pwedeng maibato niya. Wengya! Anong ginawa ko?!

"Anong anong ginawa ha?!"

Narinig pa yata niya ang sinisigaw ng isipan ko.

"Anong oras na ha?! Hindi pa ako nakakain dahil sa'yo!"

Patay na. Masama pala ito kapag nagutom. Paano pa kaya kung nilagpasan ng gutom?

Makakapatay pa yata siya ng prisipe ng wala sa oras. Ng gwapong prinsipe.

"Teka, galit ka ba? Galit ka ba dahil hindi kita nasamahan sa hapunan?"

Tumayo siya at lalong naging pula ang mukha. Galiy na galit na galit na galit na po siya. Ganito pala siya magalit sa mundong 'to? Bakit noong nasa mundo pa namin kami, ni hindi nga 'to marunong magtaas ng boses? Pero ngayon parang ibang prisesa ang nakikita ko.

"ALAM KO ANG GINAWA MO SA MALL!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top