Chapter 5

Ash del Fuego

"Now tell me." Panimula ko.

Nasa sala kami ngayon. Wala sina mama at papa dahil may inaasikaso sila sa probinsya. Yung lupain ata nila dun, gusto na nilang kunin ulit. Sinangla kasi nila yun pansamantala para sa pag-aaral ko at ngayong nakaluwagluwag na saka nila kunin ulit. Baka kasi pag pinatagal pa maremate na. Sayang din naman.

Nilingon niya ako at nakangiti lang siya samantalang nakataas naman ang kilay ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit panay ngiti siya. Kanina pa yan nung lunch. Ano kaya ang pumasok sa isip nyan.

"Before that, can I hug you?" Pasimple pa siyang ngumiti at tila nahihiya pa. Ngayon pa ba sya mahihiya? Kung umasta yan kanina napakawalang hiya. Hindi ba niya alam na ang gulo nyang tao o duwende o kung ano man syang nilalang?

"Please?" He pleaded. Hindi ko alam pero para bang piniga ang puso ko nang makita ang mga mata niyang may pangungulila sa kung ano.

"What if I don't?" Ang awkward kaya. Hindi ko siya kilala masyado tapos yayakapin niya ako?

I may be kind but I'm not an easy to get.

"I know what you're thinking. But please kahit saglit lang. I just want to confirm something." Ini-english niya talaga ako. Siya lang yata ang kauna-unahang nakita kong elf na umi-english.

At confirm? Ano naman yun?

"You sure you won't do anything?"

Ngumiti siya. Yumuko tapos dinilaan ang pang-ibabang labi. He leaned forward at tumingin sa harap. Pinagsalikop ang dalawang kamay. Tapos bumaling ulit sa akin. Anong drama yun?

"Ang dali mong magbigay ng tiwala pero ang hirap kunin ang tiwala mo." Saglit ko syang nakitaan ng lungkot sa kanyang mga mata pero binalewala ko nalang.

Ngumiti ako at tiningnan siya ng seryoso.

"That's right. I can give you what you want but don't expect to gain it from me that easy."

Mahirap akong paniwalain. Ako yong tipong madali lang magtiwala pero hindi ako nabibitag. When I give you my trust expect something in return. My eyes are all on you. It's like I can see you through my eyes.

And we're getting serious here.

"Now tell me." Pang ilang ulit ko na ba 'tong sinabi sa kanya?

Raven Viel Siega

Nakatitig lang ako sa kanya habang siya at naghihintay sa sasabihin ko.

I really miss her. If only I could hug her to feel her what I felt for her ginawa ko na. But then she doesn't give me her permission. So I respected her decision. Who am I to force her right? She doesn't remember anything yet.

"Please follow her. I beg you."

Naalala ko na naman ang sinabi ni Ina sa akin. Kung paano sya magmamakaawa sa akin na sundan ko ang anak niya dito. Inaamin ko nung una, umayaw ako. Pero nung madatnan ko sya dito, kung sino ang mga kasama nya, nakaramdam ako ng matinding sakit sa dibdib at gusto kong kunin sya at iuwi sa mundo namin. Hindi ko pala kayang makita sya na masaya sa iba, sa nilalang na iyon.

Kung sana hindi ko siya inaaway dati hindi niya piliing kalimutan ako at pumunta dito sa mundo ng mga tao.

Ang laki ko kasing pasaway sa kanya dati. Sakit ako sa ulo kahit kanino. Pero mas pinili ni Ina na ako ang sumunod sa kanya dahil ako lang naman ang palagi nyang kasama.

"As a punishment, you will be a dwarf in that world until the Princess give you the honor to reveal your true self."

"Viel?" Nag-alalang mukha ang pinakita niya. Pero I know deep inside naguguluhan yan.

"Why are you crying?" Pinahid ko yung tubig sa mukha ko.

Hindi ako umiyak. I don't cry. Ang mga katulad namin at hindi umiiyak.

Itong tubig na lumabas sa mga mata ko ay palatandaan na nalalapit na ang mga oras ko dito sa mundo ng mga tao. Matagal na panahon na akong nawala sa mundo namin at nasisiguro kong kinakailangan na din ako ng kaharian namin. Pero hindi ko magawang iwan siya dito. Kung katulad lang sana ako sa kanya na may kapangyarihang magtagal sa isang mundo siguro sasamahan ko siya dito.

"Ang sakit pala sa mata noh kung matagal kang hindi kumukurap?" Natatawang tanong ko sa kanya. She doesn't remember anything.

"And one more thing, you can't tell the Princess about this world and also our existence including hers." Our Divine Guardian once said before I entered the portal.

"Why?"

"Her memories will collapse. Her  nation will be needing her someday. If that happens she can't go back to where she is."

She can't remember her past anymore. Her own world. Her own nation. Her own family. And I don't want that to happen.

"But her words are powerful."

That's the last thing I hear from him before the portal disappear.

"Do you want me to give you a scientific explanation to that?" She sounds sarcastic. Later on nagseryoso na din.

"I hate repeating, and for the last time. Sabihin mo sa akin kung paano ka naging ganyan, lumaki na parang tao."

"Tell her already! She hates waiting lalo na at kasalanan mo pa."

Narinig kong sabi ng maliit na hikaw ko. Siya ang guide ko, ang kaibigan ko. He transformed his self into an earring. He's actually a fairy.

"Promise hindi mo ako pagtatawanan?" Assurance lang naman. Hindi ko sasabihin sa kanya ang boung katutuhanan. Parabola nalang.

Umiling siya at nagsalute habang nakangiti. Natulala ako. She used to be like that before. Sa mundo namin.

Tumikhim ako at kumurap.

"Ganito kasi yun. Isa talaga akong prinsipe. At dahil sa isa akong walanghiyang prinsipe, pinarusahan ako."

Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Anong ginawa mo?"

Kung alam mo lang, hindi mo gugustuhing makita ako malapit sa'yo.

"Pasaway kasi ako. Sakit ako sa ulo ng lahat. At may isang nilalang ang nakatiis sa akin. Siya lang ang naging kaibigan ko. Isa syang Prinsesa pero pati siya pinapahirapan at lagi kong pinagtritripan."

"Mga bata palang kaming magkasama pero isang araw, kaarawan ng Reyna iyon, iyong Ina niya, bigla nalang nawala ang Prinsesa."

I still can't forget that day.

"Oh tapos? Paanong naparusahan ka? Ikaw ba ang dahilan ng pagkawala niya?"

Hindi ko alam kung talagang pinanganak kang matalino o sadyang mabilis ka lang talagang mag-isip? Ito kaya ang natutunan mo sa mundong 'to!

"Oo. Yun ang sabi sa sulat niya e. Kaya ayun pinahanap sya sa akin ng Ina nya, kaya rin ako naparusahan ng elders namin at ginawang isang maliit na nilalang."

"Uso pa talaga ang kulam ngayon?"

"Hindi kulam tawag dun. May ginawa silang potion, magic potion ba. Alam mo yun? Mga mahika?"

Wala sa sarili siyang tumango pagkatapos tiningnan ulit ako. Ngunit isa lang ang napansin ko sa mga Mata niya. Biglang naging kay abo. Bahagya akong nanigas dun. What does that mean?

Kumalma lang ako nang bumalik ito sa dati.

"Pero paano ka naging malaki ulit?"

Ngumiti ako. Malapad na ngiti. Dahil sa'yo yun!

"That's why I thank you. Ikaw ang dahilan kung bakit ako bumalik sa dating ako."

Kumunot ang noo niya.

"But kilala ka sa university. Ibig sabihin niyan naging tao ka ulit."

"Partly. Pero dahil lang din yun sa mahika. Sa mata nila normal akong tao na naglalakad sa loob ng campus pero ang totoo nyan, isa talaga akong nunu."

Saglit siyang nag-isip.

"So that explains everything. Anyway matulog na ako, sumakit ulo ko e."

Nanigas ako. It can't be right?

"Naku, lagot! Viel, anong ginawa mo?!"

Bago pa sya makatayo bigla nalang siyang napasandal sa balikat ko. Walang malay.

"Her memory is so delicate so please don't do anything stupid."

Boses ng Divine Guardian namin. Shintzo!

*A/N: shintzo! - damn!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top