Chapter 4
Levi Andrade
"I really don't like her." Napatingin ako kay Jea. Nakatingin siya kay Ash na mag-isang naglalakad palabas. Napataas ang kilay ko. Wala ata siyang kasama? Samantalang kung anong kalandian ang ginawa kaninang lunch.
"Me too. I don't like her guts. I mean, she's not pretty enough." Si Sheena. Katulad ni Jea ay nakasunod din siya ng tingin kay Ash. What's their problem?
"Bakit ba ayaw nyo sa kanya?" Tanong ng isa sa mga katropa ko, si Jude. "Ang ganda ganda kaya niya. Lalo na yung ngiti niya. Tapos mabait yan." Dugtong nya. Napatingin siya sa akin. "Di ba Levi?" May halong pang-aasar sa mga ngiti niya.
Umiling ako, pinigilang ngumiti. "Yeah." Pagkasabi ko nun ngumiwi ang dalawang babaeng kasama namin.
Tss. Why do I have this feeling na kailangan ko syang ipagtanggol sa mga mapanghusgang ito? As if namang may pakialam siya. Wala nga yung pakialam sa mga naramdaman ng ibang tao sa kanya, ang laitin at husgahan pa kaya ang pagkatao niya?
"What?! Half of our population dito sa department natin inaayawan siya. Ano bang mata meron kayo?" Ang aarte ng mga babaeng 'to.
Kung di lang talaga kabarkada 'to ng mga katropa ko, hindi ko 'to kakausapin e. Mabait akong tao sa mabait sa akin, lalo na sa mga malapit sa akin.
"Kayo lang naman yun ah? Idol kaya sya ng mga boys dito sa campus. Kung alam nyo lang maraming nagkakagusto niyan, nahihiya lang. Iba nga natotorpe e. Ayaw pang umamin." Sabi ni Jao sabay tingin sa akin. Umiwas ako at tiningnan yung mga babae.
"C'mon guys. You should not judge a book by its cover. Know the contents first. As per Ash, she's not what you think she is." I've had enough. Tss.
"So you're defending her? You're on her side na?"
"I am not defending anyone. Hindi ko lang gusto na hinuhusgahan nyo ang isang tao na hindi nyo pa naman kilala. Hindi iyon tama. Anyway, mauna na ako."
I hate dramas.
Uuwi nalang ako. Kanina pa masakit ulo ko. Napahawak ako roon saktong naabutan ko sya sa labas ng gate. Kumakain siya ng hotdog. Hindi niya ako napansin.
Naalala ko tuloy yung mga panahon na yun.
Tahimik lang akong nakikinig ng kanta sa cellphone ko habang dinadama ang sakit ng ulo ko. Wala akong masyadong tulog dahil masyado akong natambakan ng mga aralin.
Kaya ito, sumakit ang ulo ko. Dumagdag pa ang init kanina nung papunta ako dito.
Saktong humina yung kanta at susunod na sana ang panibagong kanta nang marinig ko ang pangalan ko.
"Levi!" Ang cute talaga ng boses nya.
Dumilat ako at nilingon ko ang pinanggalingan na yun. Nakita ko siya, nakangiti at tinawag ako. Kasama nya ang apat pa niyang kaibigan.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Lahat sila nakatutok lang sa akin. Pero pinigilan ko ang sarili ko na titigan siya. Nahihiya ko baka kung anong makita niya sa mga mata ko.
Pero takte! Alam mo yung feeling na nakatingin si crush sa'yo at gusto mong magpabilib? Edi ayon, lumakad ako na parang rumampa sa isang fashion show. Punyeta talaga. Kasi naman, wala naman siyang pakialam. Wala nga kasi talaga siyang pakialam sa kahit anong gawin ko. Nakakainis, lalong sumakit ulo ko.
"Oh? Bakit mag-isa ka lang?" Tanong ng kaibigan niya, si Lay. "Loner ata ang peg mo ngayon?"
Umupo ako sa table nila. Pero syempre dapat magkatabi kami. "Masakit ulo ko." Sagot ko sa kanya.
Isa isa kong binati ang mga kaibigan nya. Pang huli siya. "Hi!" Nakangiting bati ko.
Nginitian niya lang ako tapos inabot yung ulo ko at minasahe. Takte! Ang lambot ng mga daliri niya. Ang sarap sa pakiramdam ng mga dampi niya sa akin. Napapikit ako.
"Waaa! Levi! Umayos ka! Ang bigat mo!" Napadilat ako at umayos ng upon. Hindi ko namalayan na nadaganan ko na pala siya. "Ang tangkad mo na nga, dinaganan mo pa ako." Reklamo nya.
Tumayo siya at umupo sa ibabaw ng mesa. "Here." Tinapik nya yung lap nya at sinunod ko naman. Nilagay ko yung ulo ko don.
Ang lakas ng kabog ng puso ko.
Hindi na ako nakisali sa mga usapan nila dahil para akong nilulunod sa sobrang sarap ng pakiramdam. Noon pa man magaling na talaga syang magmasahe. Ang gaan ng kamay nya.
"Woah! Ang swerte mo Levi!" Rinig kong kantyaw ng mga babae. Dumilat ako at nadatnan ko ang mga babaeng kakilala ko na inaasar ako. Nginitian ko lang sila. Loss if words. "Feel na feel mo ah?"
"Levi." Tawag nya.
"Hmm?"
"Hindi ka na naman ba naliligo?"
"Anong akala mo sa akin Ash?!" Napaayos ako ng upo at hinarap siya.
"Ang oily kasi ng noo mo. Umamin ka na nga." Natatawang sabi nya. Sinamaan ko ng tingin. Tumawa sya kaya mas lalo akong lumapit sa kanya.
"Inaasar mo ba ako Ash?"
"Hindi. Nagsasabi lang ng totoo." Tatawa tawa pa rin nyang sabi. "Totoo naman ah?" Inosenting tanong niya pero natatawa pa rin.
"Hindi totoong wala akong ligo ngayon Ash."
"Totoo naman na oily yang mukha mo. Mag master ka nga." Lalo pa syang natawa.
Pahiya ako dun ah. Walanghiyang babae.
"Aish! Ewan ko sa'yo Ash!" Sumandal ulit ako sa kanya. "Masahe-in mo nalang ulit ako please." Pinigilan ko lang naman ang sarili ko na halikan siya. Nakakainis na e, lagi nalang talaga akong napapahiya sa babaeng 'to.
"Ayoko na. Gusto mo lang makachansing sa akin e. Nilalandi mo na ako. Tama na." Napatuwid ako ng upo at nakangiting nilingon siya. Pinigilan ko talagang mahalikan siya kaya pinisil ko nalang ang magkabilang cheeks nya. Napapikit siya sa sakit.
"Mashhakkhhit!"
Napatingin ulit ako sa mamumulang labi niya. Shit!
Binitawan ko nalang.
"Oh, tama na ang landian. Nakakaistorbo na kayo." Puna sa amin ni Faye.
"Sabihin mo nalang kasi Levi. Halata naman e. Pabebe ka pa." Pang-aasar ni ate Jessy. Mas matanda siya sa amin ng dalawang taon kaya ate tawag namin sa kanya. "Noon pa man, halata na namin e. Nahihiya ka pa."
Napangiti nalang ako. Ito lang naman ang kaya kong gawin e, ang ngumiti. Natatakot kasi ako. Never pa naman akong inaayawan ng babae, in fact ako pa nga nilalapitan. Pero pagdating sa kanya, ewan parang hindi pa nga ako gumawa ng paraan o kahit magsalita at umamin man lang, aayawan na kaagad ako. She's intimidating actually. Kaya siguro nahihiyang lumapit ang mga lalaki sa kanya. Kahit nga makipagkaibigan lang ang mga yun sa kanya. Pero totoong mabait siya.
Maybe because she doesn't need a man to standout. She can carry herself effortlessly.
"Uy, wag nga kayo dyan ate. Kung ano ano sinasabi nyo, pag yan tutuhanin ni Levi naku." Saway ni Ash sa kanila. Pilit akong ngumiti ng malawak.
Good thing singkit ako, hindi halata ang sakit sa mga mata ko.
"Oo nga. Tsaka, no girls muna ako hangga't di pa ako grumaduate." May naalala kasi ako. Hindi ko tuloy mapangiti. Pero may konting kirot pa rin sa dibdib ko.
"Hmm? Gaya gaya." Nilingon ko sya at ngumiti ako ng malawak.
Kung anong gusto mo, gugustuhin ko rin. Kung anong sasabihin mo, susundin ko. Kung kailangang ibaon sa limot 'tong naramdaman ko, gagawin ko wag ka lang mawala sa tabi ko. Kasi pakiramdam ko makakaya ko man pero siguradong mawawalan ng sigla ang buhay ko.
I remember when my mother once said nung una ka nyang nakita, "She's different. I like her. She's like a walking rainbow. She can light up someone's day."
I guess mother knows best ika nga.
"Hi Ash!"
Nabalik ang isip ko sa kalukuyan ng makita kong paalis na sya at may bumati sa kanya. Binati nya rin ito sabay ngumiti.
How I wish ako yung nginitian niya ng ganyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top