Chapter 19

Ash del Fuego

100 lang yung pera ko! Tapos bibili pa ako ng steam rice! At wala akong alam kung magkano ba yun! Baka ma shortage ako!

Naglabas ng 50 pesos ang babae at kaagad naman siyang binigyan ng receipt. Kailangan magawan ko 'to ng paraan. Hindi pwedeng ganito.

Tumingin ako sa bandang kanan nung citom at agad naman siyang nagtaka.

"M-m-may .. K-kuuu-kkuya!" Halata sa mukha ko ang pagkagulat at takot. Mibilis kong hinawakan sa wrist si Lay at saktong paglingon ni kuyang citom sa kanan nya, hinigit ko si Lay at tumakbo kami sa bandang likuran. Pero bago makalayo, hinigit ko ang dalawang babaeng nasa gilid at tinulak sa harapan ng citom.

Sa sobrang bilis ng kilos hindi napansin agad ni kuyang citom na wala na kami at paglingon niya sa kanan, ibang tao na ang kaharap niya. Pareho pa silang nagulantang nung isang babae at pagkaraay nagyakapan. Naririnig ko pang humagulhol ng iyak ang babae habang panay naman ang paghingi ng tawad nito sabay sinasambit ang 'papa'.

Sa kabilang daan kami dumaan ni Lay na tila tulala pa rin.

"That was close!" Napapaypay ako sa sarili gamit ang mga kamay. Kung balikan ang pangyayari, hindi ko maiwasang matawa. Tawang tawa nga akong binalingan ng kasama kong bumalik na sa reyalidad.

"Anong nakakatawa doon?! Nakakahiya kaya yun, alam mo ba?" Galit kunwari pero hindi naman mapigilang ngumiti at makisabay sa tawa ko.

"Yaan mo na, at least may pang Most Embarrassing Moment na tayo kapag pinapasagot ng slum book." Hindi ko pa rin maiwasang matawa hanggang sa makauwi kami. Samantalang si Lay, bigla bigla nalang natatahimik at matutulala. Kanina pa sya ganyan. I doubt dala pa rin ito ng pagkahuli namin.

"Oh, ayan na. Nahuli pa kami ng CITOM dahil dyan." Sabay abot ko kay ate Daisy na ngiting ngiti na kinuha ang dala ko. Pinagtawanan lang din niya ako sa nangyari sa amin nang ikwento ko sa kanya.

Pagkatapos kong magbihis, bumaba ako para uminom ng tubig. Nadatnan ko si Ate na kakalapag lang ng kutsara at nagmamadaling nagtungo sa lababo at sumuka kahit wala namang sinusuka.

Bumalik ulit sya sa lamesa at kumain. Ilang subo pa lang nagreklamo na. "Ang pangit naman ng lasa nito Lay." sabay nilapag ang pagkain sa center table at sumalampak sa sofa.

I mentally face palm myself. After all we've been through?

Saktong papaakyat na ako ng hagdan, bumukas ang main door at niluwa nun si Kuya Jun, ang asawa ni ate Daisy, na may dalang supot ng jollibee. Binigay niya ito sa asawa na magiliw niya namang tinanggap.

"Uy may steam rice, masarap 'to ah." Si Kuya na mismo ang umubos.

Tumalon ako sa kama at natatawang inaalala ang lahat.

"Grabe! Kung sana nakikita mo yung nangyari kanina Viel I'm sure pagtatawanan mo ako, kami ni Lay. O di kaya ay ikaw ang nakasama ko, ewan ko nalang kung anong kalokohan ang gagawin mo."

Naalala ko yung actingan ko kanina, bentang benta yun ah. Ayaw ko lang talagang magbayad kaya ko nagawa iyon.

"Nahawaan na yata ako ng pagiging maloko mo dwarf prince."

"Tapos malalaman kung napapangitan sa lasa si ate? Hindi na nga magkanda-ugaga sa kahihiyan si Lay tapos sabihin nyang hindi sya nasarapan? Wala talagang utang na loob si ate." Kunwaring nasasaktan ang dadamin ko dahil sa isiping iyon. Pero ang totoo, natatawa pa rin ako.

"Hindi ba niya alam na halos limang oras kaming nakipagbuno ng mga brain cells ko para lang sa pag-analyse nung dalawang campaign na kasama sa finals namin sa major subject?"

I rummaged my pillows sa gigil pero natatawa pa rin. Nababaliw na yata ako.

"This day is sooo tiring yet the funny one."

"Roller coaster ride kumbaga, alam mo yun?"

Saglit akong natigilan at nakiramdam. Bakit ang tahimik? "Oo nga pala, hindi ka na pala dewende at hindi mo na ako sinasagot kasi wala ka na dito."

Nakakamiss ka din pala no?

Saan ka na kaya ngayon?

"Ang daya daya mo naman kasi Viel eh, umalis ka ng walang pasabi. Buti sana kung katulad lang din kay Levi na nakikita pa rin kita kahit papaano pero hindi eh. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ka at anong nangyari sayo."

Tumayo ako sa kama at lumapit sa bintana. Hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa puso. Bakit nga ba ako laging iiniiwan ng walang paalam?

Am I not worthy for your goodbye? Or baka palatandaan itong babalik ka kaya ayaw mong mag goodbye?

Katulad nung kay Levi, bumalik siya. Tss. Isa pa yun, bumalik nga may nagbago naman. He's not the same Levi na nakilala ko before. Parang hindi ko na siya kilala ngayon. Mahirap man paniwalaan pero pakiramdam ko kasi ibang Levi na ang nakasama at nakausap ko ngayon.

"Kaya sana, pagbalik mo, ganun ka pa rin. You'll be the same dwarf prince that I used to know. My dwarf prince."

Sandali akong nagmumuni at inaaliw ang sarili sa mga ibong nagliliparan sa himpapawid hindi alintana ang init ng panahon. Pagkaraa'y lumapit ako sa player at sinalansan ang anime movie na binili ko kahapon. Manunuod nalang ako ng Death Note.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top