Chapter 17
Levi Andrade
"Kung anong tinatago mo."
Nanlalaki ang mga singkit kong mata na nakatitig sa kanya. Bahagyang umawang ang bibig ko. Anong ibig nyang sabihin? May alam ba sya?
Bumaba ang tingin niya sa bandang dibdib ko at pababa pa doon. Naikuyom ko bigla ang mga kamay ko at nagpandekwatrong pambabae.
"T-tigilan mo 'ko Ash. Hindi ka na nakakatuwa." Pinigilan ko talaga ang sarili ko. Umayos pa ako ng upo. Ito ba ang nagagawa ng kape sa kanya?
Ngumisi siya at nag-angat ng tingin sa akin.
"Ang dumi talaga ng isipan mo kahit kailan."
Nangunot ang noo ko. "Huh?"
"Hindi ba't ako yang nasa wallpaper ng phone mo?" May panunukso sa boses nya. Nakita niya yun? Kaya nga nilagay ko sa bandang tiyan ko--sht! Ito yung tinitigan nya?! Tsk.
"Umilaw kasi, kaya nakita ko. Bakit mo ako ginawang wallpaper?"
Nagkibit balikat lang ako. Matagal na kaya kitang ginawang wallpaper, ngayon mo lang napansin?
"Tell me, do you like me?"
No.
"You're not likable wag kang assuming." Mahal kita wag kang manhid.
Bahagya siyang umismid at ngumuti ng matamis habang nakatingin sa kawalan. Ano kaya ang iniisip nito?
"If that so, tara na?" Wait, yun lang?
Uuwi na kami nang dahil lang doon?
"Nalulungkot ka ba dahil hindi kita gusto kaya ka nagyayang umuwi?"
"Wag kang assuming. Uuwi na tayo dahil gumagabi na. Maaga pasok ko bukas."
"Nalulungkot ka e." Asar ko pa sabay sundot sa tagiliran niya.
"Hindi nga. Wag kang makulit."
Patuloy ko pa rin siyang inaasar hanggang sa makalabas kami.
"Nalulungkot ka talaga."
Tawang tawa lang siya at panay ang ilag.
"Ano ba! Hindi nga sabi e! Tigilan mo 'ko Levi ah, kung ayaw mong masapak." Banta niya.
"Sus, as if namang magagawa mo."
"Ah ganun? Hinahamon mo ba ako?"
"Hindi naman. Pero seryoso, paano pala kung may gusto ako sa'yo?"
Natigilan ako sa sinabi ko. Wait, sinabi ko ba talaga yun?!
Napahinto din siya at napatitig sa akin.
"Is that an indirect confession?" Straightforward eh?
Tsk.
"What if lang naman, wag ka ngang assuming."
Sige, panindigan mo pagiging in denial mo! May pag-asa ka talaga dyan.
"Kaya nga may what if kasi meron talaga, naninigurado ka lang."
"Aba! Parang pinilit mo pa ah?"
"Oh e bakit, totoo naman."
Natigilan ako at napalunok. Nakakawala pala ng manhid ang kape dito? Edi sana noon ko pa siya niyaya dito! Wala sanang nangyaring ganun!
"Pfft. Joke lang. 'To naman. Masyadong seryoso."
"Ganun naman palagi e, di ba? Ginagawa mong biro ang lahat pagdating sa akin without you knowing na nahuhulog na ako at nasasaktan kasi nga biro lang!"
"Ayuuun! Tapos biglang hugot! Nakisama ka rin sa trend e noh?"
Manhid!
"Gusto nga kasi talaga kita, totoo 'to."
Confession na nga. Teka, dahan dahanin lang natin.
"Iba kasi gusto ko."
Muli natigilan na naman ako. Masakit yun ah!
"S-siya ba?"
Yung hilaw na yun pa talaga.
"Ang matulog. Kaya tara na. Kanina pa ako inaantok."
Pakshet, akala ko ano na.
"You're a hopeless case, malabo ka talagang kausap kahit kailan."
"Para namang hindi ka pa sanay."
Ayaw nyang ihatid ko siya. May dala akong motor. Ayaw niya kasi baka raw anong iisipin ng mga magulang niya. Pinilit ko pero matigas talaga. Bahala na nga siya sa buhay nya. Bukod kasi sa manhid siya, may iba pa syang talent. Stubbornness. Tss.
Pinark ko yung motor ko at saktong pagbaba ko ay nakita ko si mama sa pintuan.
"May naghihintay sa'yo." Yun lang at tinalikuran ako.
Pumasok nalang ako sa loob.
Bakit nga ba naging ganito ang pamilya ko?
"I've been waiting for you, at last!"
Magandang babae pero hindi dapat kinakaibigan dahil masamang nilalang.
"What do you want?"
"Easy." Tumayo siya at lumapit sa akin.
Sumabay sa galaw niya ang mga kung ano-anong kaartehan niya sa katawan. Kumikinang silang lahat. Mahaba ang hapit na hapit sa katawan niya ang sout na bistida.
"Nakikipagkita ka na naman sa kanya." Sabi niya at hinimas ang mukha ko na agad ko ring iniwas.
"None of your business."
"I've been dying to see her. Alam mo ba yun?" Nagpaikot-ikot siya sa akin.
"Ano kaya ang magiging reaksyon niya?"
"She can't remember. Kaya huwag mong subukan kundi ako ang makakalaban mo."
Huminto siya sa harapan ko. Nakasimangot. Psh. Hindi bagay.
"Ouch. After everything I've done just to get rid of her, ito ang igagante mo sa akin?"
Nag-flashback sa akin ang lahat nang nangyari noon.
Isa isa silang bumabalik sa ala-ala ko.
"Pinaghiwalay ko na nga ang dalawa dahil batid kong nasasaktan ka at pinapunta ko sya dito sa mundong ito na sinundan mo rin at dito nagkakilala kayo tapos gaganituhin mo ako? You should be thankful Leviar."
"I didn't ask you to do that."
"But you've benefited it. Huwag ka ngang magmalinis."
Nag-cross arms siya habang sinasabi niya yun.
"Bumalik ka na lang sa Raviel, mas kailangan ka doon."
"I really hate you brother."
Pumasok na siya sa portal na ginawa ko pagkatapos nyang magmaktol. Saktong pumasok si mama sa tanggapan.
Nakatingin lang siya sa akin.
"Pwede mo na silang gisingin. Maghahaponan na tayo."
Tumango lang siya at nilagpasan ako.
Napatingin ako sa cellphone ko. Princess Ash, mapapasakin ka rin. Ngayong wala ng Diwatang umaaligid sa'yo, magagawa ko na ang gusto ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top