Chapter 13

Ash del Fuego

"I didn't know na close na pala kayo ulit nung lalaki mo noon Princess." Bungad nya sa akin pagkalabas ko ng klasrom.

Hinihintay nya talaga ako para dyan? At hindi talaga patanong ang pagkakasabi niya doon. Saan ba sya nagpupunta at kung ano-ano na ang mga salitang natutunan?

"I'm jealous." Pahayag nya. Nag-angat ako nang tingin sa kanya, gulat. Nakasimangot syang nakatitig sa akin.

"At bakit naman?" Pinag-taasan ko sya ng kilay sabay namewang.

"Lumipat lang ako ng tinitirhan magkasundo na kayo agad, and di lang yan, close pa. Naiinggit tuloy ako."

Right, nakalipat na sya ng tinitirhan noong nakaraan. At ni minsan hindi ko pa sya napupuntahan dun. Baka kung anong bahay ang nilipatan niya pero sabi niya ayos naman daw sya doon at may trabaho na din siya. Kung anong trabaho yun ay hindi ko na alam. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Dati rati, ako lang yung palaging kasama at nangungulit sa'yo. Ngayon, may iba nang gumagawa nyan sayo."

Pagmamaktol niya ulit na tinawanan ko lang.

"Makapagsalita ka naman akala mo boyfriend na pinagpalit e."

Lalo syang sumimangot. Parang bata. Pero nakaka-inis ang cute niya. Nakatungo lang sya at nasa magkabilang bulsa ang mga kamay.

"Pakiramdam ko kasi ganun yun e."

Natigilan ako at nilingon siya. "Hah?"

Nag-angat sya ng tingin sa akin at kitang kita ko ang lungkot na dumadaloy sa mga mata niya. Ang sabi nga nila, eyes is the window to your heart. Sa ganitong oras na natitigan ko sya parang nakikita ko na rin ang nilalaman ng puso niya. Ganun sya ka transparent. Hindi kaya?

"Wag mong sabihing in love ka na nyan?"

Ngumiwi lang siya pero matamlay talaga ang mga mata niya at nahahawa ako!

"Hindi ka nakaka-inlove wag kang assuming." Napangiwi ako sa tugon niya. Loko 'tong damuhong ito ah! "Sadyang nawalan lang talaga ako ng sigla nung makita kitang masaya ulit sa kanya. Nakakaramdam ako ng sakit at hindi ko ito nagustuhan." Pagpapatuloy niya at muling yumuko. Nasa kalagitnaan na kami ngayon ng corridor.

Talaga bang alam niya ang mga pinagsasabi niya?

Sobrang transparent at straight forward niya, kung anong nilalaman ng boung pagkatao niya, yun ang makikita mo. Pero iba ang pagka-intindi ko sa mga sinasabi niya. Kaya nabansagang assuming ang mga babae e. Pero ibang kaso itong si Viel.

"Sure ka ba dyan sa mga sinasabi mo?" Hinawakan ko pa talaga sya sa magkabilang balikat niya. Tiningnan niya lang ako at napansin ko agad ang pamumuo ng mga luha niya.

Hindi ito maari!

Tumango siya ng isang beses at hindi niya namalayang pumatak ang isang butil ng luha niya. Kumabog bigla ang puso ko. Parang may napansin akong kakaiba sa pagtulo ng luha niya at sa sakit na nararamdaman ko mula sa kanya. Pighati. Matinding pighati.

Ako lang ba o sadyang wala talaga syang ka-ide-ideya sa nararamdaman niya. Sa tunay niyang nararamdaman. Hala ka! Hindi pa ako handa!

"Oh e anong gusto mong gawin ko?" Sabi ko sabay nagpakawala ng buntong hininga at binitawan ang magkabilang braso niya.

Sinout ko yung dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ng pants ko. Wednesday kaya wash day.

Muli syang tumingin sa akin at ngumiti sabay muling naglakad. Sumabay naman ako.

"Wala naman. Pinaalam ko lang."

Napasimangot ako. Akala ko pa naman kailangan ko ng iwasan si Levi dahil nasasaktan siya tuwing nagkikita kaming magkasama. Dahil kung iyon ang ipapagawa niya, ewan ko nalang.

"Siguro hanggang dito na muna tayo. Magkaiba ang daan natin."

Nag-space out pala ako kaya ngayon ko lang namalayan na nakalabas na pala kami ng gate.

"Mauna na ako. See you my princess." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at ginulo ang buhok ko pagkatapos.

Mukhang ako lang talaga ang nakakaintindi ng nararamdaman niya. Maging siya ay walang ka-ide-ideya nito. Tsk!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top