Chapter 10

Ash Del Fuego

"Mahal na prinsesa, patawad na kasi oh."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa dwarf na ito. Hindi pa ata ito natutulog mula pa kagabi at panay hingi ng tawad sa akin.

Binuksan ko iyong pinto ng kwarto ko at nilagpasan siya. Ready na ako papuntang school samantalang mukha siyang ewan. Magulo ang buhok at nagkaroon pa ata ng eyebags.

"Ngayon ang dating ng mga magulang ko, better leave this day and find your own place." Wala pala itong trabaho o ibang kakilala para matuluyan. Pero baka kung ano ang iisipin nila ni mama. Tss. "Fine. Kung wala kang matutuluyan, bumalik ka sa pagiging duwende."

Hinawakan niya ang brason ko dahilan para mapahinto ako at tiningnan ang kamay niyang nanginginig.

"Galit ka pa ba sa akin?" Nagsusumamo ang boses niya. Hindi naman talaga ako nagalit sa kanya. I mean, galit talaga ako kagabi dahil nag effort pa ako sa pagluluto at alas nueve na siya dumating sa bahay. Akala ko kung napano na siya. Nag-alala lang naman ako. Hindi niya kabisado ang mundong ito.

Pero dala na rin ng matinding gutom kaya sumabog na ako sa galit. Ngunit noong sinabi niya sa akin ang lahat. Hindi ko alam kung lalong magalit ako o matawa sa kanya. Wala naman akong ka alam alam sa ginawa niya sa mall until I saw what he was holding. Saan siya nakabili nun ang ipinagtaka ko. Hindi ko naman akalain na ipaliwanag niya sa akin lahat lahat.

Nakatulong nga siya pero mali pa rin yung ginawa niya.

At hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Parang naweweirdohan na din ako sa sarili ko.

"Matulog ka na, kung wala kang balak pumasok."

Ngumisi siya at umiling ng maraming beses. "I'll go with you."

Napataas ang kilay ko. Tiningnan ko sya head to toe, nang nakaganyan?

"Wait for me. Saglit lang ako."

Kumain muna ako saglit dahil hindi ako nag dinner kagabi. Nalipasan na kasi ako ng gutom at nawalan na din ng gana matapos ko marinig lahat ng paliwanag niya.

"I'm done! Let's go?" Nakangisi siyang pumasok ng kusina.

Sumulyap ako sa wristwatch ko at diez minutos lang ang tinagal niya. Kahit walang tulog, bakit ang fresh niya? Samantalang ang haggard ko pag gising sa umaga. Totoo ba talaga ang gender equality?

Tumango ako at kinuha ang dalawang sandwich na ginawa ko para sa kanya.

"Kainin mo sa daan."

Hindi ko alam kung masaya ba sya dahil sa pagkain na binigay ko o ano. Parang kanina lang mangiyakngiyak na ito sa kakahingi ng tawad e.

"Ang sarap mo talagang magluto mahal na prinsesa."

Kanina pa siya dyan sa mahal na prinsesa na yan. Ganito ba ang paraan niya para mapatawad ko sya ng lubusan?

"Mamimiss ko 'to." Totoo bang may lungkot ang boses niya ng sabihin nya iyon? O may problema na ako sa pandinig.

Nilingon ko sya at nakatingin din siya sa akin. May nakita ako lungkot sa kanyang mga mata habang nakangiti siya. Nag-iwas ako ng tingin. Parang piniga ang puso ko sa nakita ko at sa sinabi na rin niya.

Ako din, mamimiss ko sya. Yung ganito, kahit magkaaway o hindi ko siya pinapansin ay magkasabay pa rin kaming pumasok sa tuwing magkapareho ang oras ng klase namin. Mamimiss ko ang ka-ingayan niya sa bahay tuwing nanunuod kami ng movies. Yung katakawan niya. Yung masilayan ko ang morning face niyang palakad lakad sa bahay tuwing umaga. Kahit ata yung mga kawalang kwenta niya minsan, mamimiss ko.

"But, magkikita pa rin naman tayo sa school, kaya okay lang." Sabi niya at mas hininaan pa ang lakad para sabayan ako.

"May matitirhan ka ba?"

"Wala. Pero maghahanap ako."

Bakit ba kasi napaaga ang uwi nila mama? Edi sana masamahan ko pa ito sa paghahanap.

"Bumalik ka nalang kaya sa pagiging duwende?"

Dahan dahan kong sinapa ng mahina yung maliit na bato sa paanan ko.

Gusto ko syang tingnan at pakiusapan na huwag nalang siyang umalis ng bahay at ako nalang ang bahala nina mama pero alam kong imposibleng may magagawa ako. Sasabog siguro sa galit si mama kapag nalamang may kasama akong lalaki habang wala sila.

"Even if I want to, you already freed me from that curse." Napasimangot ako.

Bakit kasi ako pa? Tss. Ang gulo ko na lately.

"Huwag ng malungkot mahal na prinsesa." Sabi niya habang nakatayo  sa harapan ko at sinubukang iangat ang baba ko upang matingnan siya.

Umiwas naman ako ng tingin upang di ko makita ang mukha niya. Lalo ko lang napagtanto na huling araw na pala namin itong magkasabay papuntang school. At huling araw na rin ng pagtira niya sa bahay. Tapos inaway ko pa sya kagabi.

Wrong timing ko talaga minsan.

Niyakap niya ako at bahagya pa akong nagulat doon pero niyakap ko rin siya.

"Mamimiss kita. Mamimiss kong masilayan ang mukha mong panis laway tuwing umaga." Bulong niya sa akin. Natawa ako sa huling sinabi niya kaya hinampas ko ng bahagya ang likod niya. Siraulo.

"Joke lang. Ano, hindi ka pa ba malalate?"

Namilog ang mga mata ko at napatingin sa wristwatch ko.

Three minutes nalang mag-uumpisa na ang klase namin!

"Kasi ako, kanina pa late."

Dahil sa sinabi niya agad akong kumalas sa yakap at hinatak sya papasok ng gate at tinakbo ang kahabaan ng hallway.

"Ang bilis mo namang tumakbo mahal na prinsesa." Sabi niya nang makarating na ako sa tapat ng klasrom. Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya.

"Ano, papasok ka pa ba dyan?" Sabi ko sabay nguso sa katabing klasrom. Dahil minor ang first subject namin ngayon, magkatabi lang ang klasrom namin. Ngumisi siya ng malapad.

"I'll handle this. Pumasok ka na." Nakangiting tugon niya at mahinang tinulak ako papasok.

Sinamaan ko sya ng tingin, alam ko na ang nasa isip nito.

"Don't you dare do that."

He frowned. Aba, so tama nga ang hinala ko?

"Pero-"

"No buts. Tandaan mo, may kasalanan ka pa sa akin kagabi."

Hindi naman talaga ako galit, siguro nagtampo, oo. Pero kapag ginawa niya ulit iyon ngayon, magagalit na talaga ako. Aba, unfair naman kasi talaga yun di ba? Late naman talaga sya.

"Fine. Sige na, pumasok ka na."

Tumango ako at tiningnan ko pa sya ng huling beses bago umupo sa upuan ko. Wala kaming seating arrangement pero wala namang nagtangkang umupo sa palaging inuupuan ko kaya sa akin pa rin ito. Bakante pa ang kalatabi kong upuan. Absent na naman ba si Falcon? Ano kaya ang nangyari sa babaeng yun? Matanong ko nga si Lay mamaya baka may alam ito sa nangyari kay Joy.

Dumating na ang professor namin kasunod nito ang lalaking kaklase din namin.

Hinanap ko kaagad yung notes ko at nagreview ng konti dahil baka magpapasurprise quiz ito. Mahirap na baka di ako makasagot.

"Kindly get one whole sheet of paper and answer the following."

Sabi na nga ba. Since malapit na ang midterm exam, mahilig talaga itong magpapasurprise quiz. Stock knowledge, save me this time.

Kumaha na ako ng papel at napansin ko namang hindi gumalaw ang katabi ko sa kaliwa. Bintana na kasi ang katabi ko sa kanan.

Tiningnan ko ang desk niya at wala itong ni isang papel. Binigyan ko nalang pero patago. Magagalit kasi si Sir kapag namimigay kami ng papel. Estudyante kami kaya dapat daw may papel kami.

"Thank you."

Saglit akong natigilan at nilingon siya. Binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti. Tumango lang ako at nakinig na kay sir.

One year. One year had pass, and this is the first time na narinig ko ang boses niya. Na kinausap niya ako. Na nginitian niya ako. Should I be happy?

I just shrugged that thought. I'm not mad. I'm just confused and sad. He just ignored me for no apparent reason.

Akala ko ba mga babae lang ang may komplikadong pag-iisip? Hindi ko naman alam na binabae pala itong katabi ko ngayon.

Huminga ako ng malalim at muling nagsulat ng sagot. Napatingin ako sa labas ng bintana ng may napansin akong nakatayo sa labas. Nakatalikod ito sa akin at nung humarap siya hindi ko mapagilang mapangiti.

Busangot ang mukha niya at magulo ang buhok. Tila inaantok pa ang mga mata. Lalo tuloy akong naawa at nakonsensya. Kasalanan ko pala talaga lahat. Ngayon ko lang naisip iyon.

"Mr. Chua! Eyes on your own paper!"

Napaigtad ako at napatingin kay Sir at sa estudyanteng tiningnan niya. Nasa harapan ko ito at bahagyang yumuko lalo. Wala sigurong maisagot.

"And you Mr. Andrade, stop staring to Ms. Del Fuego. Wala sa mukha niya ang sagot."

Napalunok ako sa sinabi ni Sir. Bahagya pang nagtawanan ang mga kaklase namin. Narinig ko namang nag-sorry siya.

Hindi ko nalang siya nilingon dahil magiging awkward lang iyon para sa kanya. Hindi ko naman alam na tinitigan niya pala ako habang panay naman ang pigil ko ng ngiti dahil sa itsura ni Viel.

Nilingon ko ulit ang labas ng bintana at nadatnan ko siyang humihikab. Kinusot pa nito ang mga mata while tapping his shoes on the floor. Hinihinty ba ako nito?

Pumunit ako ng maliit na papel at sinulatan.

Go to the clinic. Matulog ka muna doon. Puntahan kita mamaya pagkatapos ko dito.

Pasimpleng hinulog ko iyon sa bintana at pinulot din naman niya agad.

Nang muli ko syang tingnan ay nakapamulsa na itong nakatalikod sa akin hanggang sa mawala ito.

"How long do you know each other?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top